/16/ For the Sake
"All the world's a stage,
And all the men and women merely players;
They have their exits and their entrances,
And one man in his time plays many parts,"
—William Shakespeare
/16/ For the Sake
"CONGRATULATIONS."
Sa isang iglap ay bigla akong nagmulat. Walang alaala kung paano ako napunta rito, nakaupo sa gitna ng kadiliman at tanging tinig ng isang nilalang ang nagpabalik sa aking sarili.
"Well done, Jill Morie." Sa isang pitik ay tila bumukas ang mga ilaw, nakita ko ang isang pamilyar na silid, isang silid na minsan kong pinasok noon, ang natatandaan ko'y ang isang pinto na mayroong naka-ukit na mga letrang 'Atlas'.
"Hindi ko inaasahan na ikaw ang kauna-unahang player sa kasaysayan ng Akasha's game ang makakarating sa puntong ito. Hindi mo ako binigo, you deserve my recognition." Sa harapan, unti-unting umikot ang silya niya at nakita ko siya.
"Rama Melchiore." Kusang lumabas ang mga salitang iyan sa bibig ko, malabo pa rin ang alaala kung paano ako napunta rito.
"But I must say, it's too early to celebrate, you still have to cross the fifth, sixth and seventh level." Kitang kita ko ngayon ang kanyang itsura, wala siyang suot na kahit na anong kulorete sa ulo, walang salamin at sombrero, puti pa rin ang suot niyang damit. "You still suffer a little memory loss but don't worry." He snapped his finger and suddenly I remembered everything that happened in this game.
And the fact—that this world is not real.
"There, much better?" he asked.
"Where are my friends?"
"Nagpapahinga sila, huwag kang mag-alala." Nagulat ako nang mapagtanto ko na nakakapagsalita siya ng language ko, "Gusto lang kita batiin ng personal dahil lubha mo akong napabilib sa ginawa mo." Bigla kong naalala, sinaksak ko ang sarili kong puso, kinapa ko ang kaliwa kong dibdib at hindi ko naramdaman ang pintig nito. "You can't, you already destroyed it."
"B-bakit ako nandito?" may bakas ng pangamba kong tanong sa kanya, hindi ko naikubli.
"Bilang gantimpala sa iyong pagwawagi sa nakaraang level, to confirm the truth that this world is not real." Napakunot ako sa sinabi niya, "Totus mundus agit histrionem, it means 'all the world plays the actor', sa mundong ito you're just a player who has to play your own part, and fortunately in this world, you are the main character."
"Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin."
"Three Lost players helped you, at lahat ng mga sinabi nila sa'yo ay totoo. All of you are just souls roaming around this world, and the only way out is to unlock the seventh level."
"If this is not the real world, then where are we?" tanong ko. "Is this a computer simulated program world? An illusion made by a peculiar?"
"Good question. But no, no, this is not a virtual reality, parang ganon pero hindi. It's hard for you to understand that this world is almost the same as the real world but we're just on the other side of the reality, the other side of the dimension."
"I don't get it."
"Do you believe in astral projection?" napasapo siya sa noo bigla, "Sorry, wrong question, I mean, are you familiar with astral projection?"
"Yes." Naalala ko bigla na minsan kong ginawa iyon upang hanapin dati si Stephen, and that was long time ago.
"Good. Then here we are, in an Astral Universe. Actually, maraming dimensions ang Astral Universe, kapag namamatay ang isang tao, napupunta ang kaluluwa niya sa 'langit' o 'impyerno', depende, depende sa consciousness na mayroon siya. There are different layers of dimensions or planes of existence kung tawagin ng iba, and fortunately, the Kahval organization made a technology where they can absorb the soul from the physical body to transport it inside of one of astral plane's layers."
"I see." Parang hindi siya na-satisfy sa naging sagot ko.
"You don't look surprised."
"I don't give a damn about this world."
"Really? Parang noong nakaraan lang na-oobsess ka sa thought tungkol sa reality ng mundong ito and now you looked bored."
"Not bored, I'm tired; I just want to end this game."
"Why?"
"I need that freaking stone so that I can save my sister." Tinutukoy ko 'yung prize ng larong 'to, ang Chintamani.
"And you are certain that you're going to win?" nagtaas siya ng isang kilay at tila sinusubok ako.
"Yes."
Ngumiti siya, "Very well, I'm looking forward to that." Tumayo siya at inihatid niya ako patungo sa pintuan. Pagkalabas ko'y nakaabang ang dalawang staff at tinawag ko siya bago niya isara ang pinto.
"I want to see them." Sabi ko.
"Take her to the common room." Utos niya sa dalawang lalaki at kaagad akong sumunod nang maglakad sila. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng pintig ng puso ko habang naglalakad, ang daming naglalaro sa isip ko, kung nagawa rin ba nila kung anong ginawa ko. I just stabbed my heart and I'm still alive. And if they didn't follow me then they are Lost...
Huminto kami sa harapan ng isang pinto, mas makabago at may dalawa ring security na nagbabantay, may lumapit sa'kin isang staff na babae.
"They're inside and there are seven of them." Sabi nito sa'kin.
Seven? Kung ganon...merong naiwan...merong naiwan sa fourth level.
Bumukas ang pinto at pagpasok ko sa loob ay kaagad silang napatayo nang makita ako. Nagsalita muli 'yung babae na nasa likuran ko.
"Eight players are remaining, that includes you Miss Jill Morie, tomorrow all of you will proceed to the fifth level. Congratulations." Iyon lang ang sinabi niya at umalis na sila.
"Jill..." tawag nila sa'kin. Hindi ko alam kung bakit biglang nangilid ang luha ko nang makita ko sila. Si Eliza, Vince, Cairo, Jing, Otis, Finnix...at....
"Where's Cloud?" bigla kong nagpanic nang hindi ko siya nakita.
"I'm here." Mula sa kung saan ay nakita ko siya, malapad ang ngiti, sumunod ko na lang na namalayan ko ay sinalubong niya ako ng yakap. "You are crazy." Sabi niya sa pagitan ng mahigpit na pagkakayakap sa'kin, "Stabbing your heart like that, alam mo bang halos himatayin ako—kaming lahat sa ginawa mo."
Bumitiw kami sa isa't isa at pinahid niya ang ilang butil ng luha na tumulo sa mga mata ko. Hinarap ko sila at nakitang nakatingin sila sa'kin. So, kaming walo na lang ang natitirang players.
"What happened to the others?" tanong ko.
"They are coward to trust you." Si Cairo ang sumagot. I know I hate him but seeing him right now made me a bit happy, para kong nabunutan ng tinik nang makita ko silang lahat na ngayon dito, I am so glad that they all made it. "Unfortunate fools."
"Aaminin ko na takut na takot akong gawin kung anong ginawa mo." Si Vince naman ang sumunod na nagsalita, nag-unat pagkatapos.
Namayani ang katahimikan at nanatili lang kaming nakatitig sa isa't isa, bigla kong naramdaman ang pag-aalala nilang lahat sa'kin at muntik ko nang makalimutan na halos lahat sila ay tumraydor sa'kin noon.
"One thing's for sure," bigla namang nagsalita si Eliza ngayon, "This world is not real."
Finally, it all made sense to them.
******
VISHUDDHA, the fifth level of Akasha's game.
I do not possess the notebook that contains the esoteric drawing of a human with different chakras but I still do remember about it.
Vishuddha, it deals with truth and blocked with lies. Malakas ang kutob ko na may kinalaman doon kung paano ang magiging konsepto ng laro sa level na 'to.
Nandito kami ngayon sa Chichen Itza, Yucatan, Mexico at katulad noon ay walang ibang local citizens o tourist ang nandito ngayon. Gabi ang napiling setting ng mga game masters kung kaya't maraming mga nakasinding torches bilang liwanag sa buong paligid, may naririnig pa nga kaming tribal drum music na umaayon sa tema ng lokasyon namin ngayon, Mayan Civilization. Nakatayo kami ngayong lahat sa tapat ng malaking step pyramid, it is called El Castillo, staring at its grandeur beauty and sacred Architecture, and has an approximately height of 181 ft. Marami ring staff ang nakaantabay sa paligid at minsan iniisip ko na kung lahat kaming involve sa game na 'to ay mga souls ay kung ganon pati sila rin.
Walang nagsasalita sa aming walo habang nakatayo lang kami at naghihintay ng kung anong susunod naming gagawin. Sa totoo lang, natutuwa ako na kasama ko sila, katulad ng paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko kahapon pa, ngunit alam ko na hindi lang coincidence na kaming walo ang natira ngayon. Bakit—ang paulit-ulit kong tanong.
"Good evening, players!" ah, there he is, Rama Melchiore. Umayos kaming lahat nang makita namin siya, gleaming in all-white. "I believe you're all ready for this level. Beautiful, isn't it?" tumingin siya sa matayog na pyramid sa likuran at muling tumingin sa amin, "Unfortunately, hindi rito gaganapin ang mismong event." Alam kong nagulat 'yung mga kasama ko nang marinig nilang magsalita ng language namin si Rama Melchiore, "You will be guided." Sumunod kami sa mga staff nang ituro nila kung saan ang dapat na venue.
Habang naglalakad kami ay nagmistula namang tour guide si Rama Melchiore na nagkukwento tungkol sa lugar. According to him, Chichen Itza is one of the largest Mayan cities; the site core covered an area of at least 1.9 square millimeters. The site contains many fine stone buildings and connected by a dense network of paved causeways called sacbeob. One of the three best-known complexes is the Great North Platform; it includes the El Castillo monument, Great Ball Court at ang pupuntahan namin ngayon, ang Cenote Sagrado.
The Cenote Sagrado is 200 ft in diameter and surrounded by sheer cliffs that drop to the water table some 89 ft below. The word 'Cenote' came from the Yucatec Mayan word ts'onot meaning well. Cenotes are natural sinkholes that result from the collapse of limestone bedrock that exposes the groundwater underneath it.
"And now we're here. Now, time to tie you up, players" Rama Melchiore snapped his fingers. Pagkatapos ay ipinuwesto kami ng mga staff sa edge ng cliff na kapag sumilip sa ibaba ay makikita ang mismong Cenote, iginapos kami sa isang steel post, may pinindot si Rama Melchiore dahilan para mag-tilt yung post ng ilang degrees. Isang pitik lang kapag natanggal yung belt na nakakabit sa bewang namin ay dire-diretso kaming babagsak sa tubig.
"This is getting crazier." Narinig kong sabi ni Cloud na katabi ko, magkakalayo kami ng 2 meters. "Are you scared?" tanong niya pa sa'kin.
Umiling ako at ngumiti lang sa kanya. Nagbalik ang atensyon namin nang marinig namin ang boses ni Rama Melchiore.
"I forgot to mention earlier that the meaning of Cenote Sagrado is 'sacred well' or alternatively known as the 'well of sacrifice'. During ancient times, live victims are thrown into the sacred well as a sacrifice to the rain god 'Chaak' who they believe is living in the depths of this lake. They sacrificed humans by dropping them into Cenote as a form of worship."
"Shit!" hindi na ata napigilan ni Finnix ang matinding kaba.
"So, iaalay na ba kami ngayong gabi?" si Jing na ngayon ko lang narinig magsalita.
"This is where we begin this level, my dear players." Hindi namin nakikita kung nasaan siya ngayon pero kasing linaw ng buwan ang boses niya na mistulang bangungot, "Napakadali lang naman ng level na 'to kung tutuusin—iyon ay kung handa kayong magsabi ng totoo. I already confirmed to Jill Morie about the truth of this world, and this time kayo naman ang dapat na magsabi ng katotohanan. There are only two rounds, and there will be a question each, all you need to do is to answer me truthfully."
"How would you know if we are not telling the truth?" Eliza asked siya yung isa kong katabi and I sense fear in her voice. Sino ba namang hindi kakabahan sa ganitong sitwasyon?
"Well, I have the power to know and so if I were you sasabihin ko na kaagad kung ano ang totoo dahil kung hindi—you will meet the god Chaak in the depths of this lake." I heard their gulps. "Let's begin."
"We can do this, guys!" narinig ko pang nag-cheer si Vince kahit halata naman sa boses niya ang kaunting panginginig. There's nothing to be afraid of because I'm confident of the truh. Pero sila... I can sense fear because of the truth that they're hiding, and I admit I am dying to know it because I believe that they will tell the truth.
"First round! Question, who are you? Answer me in a very descriptive way and by clockwise, let's begin with Eliza."
"My name is Elizabeth Macaraig, a product of test tube experiment from Mnemosyne's Institute, I'm one of the elite before but I started a revolution. I believe I am the smartest among any group and my powers are superhuman senses."
"Passed." Rama Melchiore declared and that means she passed.
"I'm Vicente Macaraig, twin brother of Eliza, my powers are multi-shape shifting clone, sa totoo lang hindi ko pa talaga kilala 'yung sarili ko pero naniniwala ako na I am the most handsome among any group." Hindi ko sukat akalaing magagawa niya pang magloko sa ganitong sitwasyon.
"Passed."
"They call me 'Finnix', pero ang totoo kong pangalan ay Aguil Francisco. Ang kapangyarihan ko ay apoy at muntikan ko ng gawing abo ang bayang pinanggalingan ko. Isa akong traydor."
"Passed."
"My name is Cairo Hideo, I don't know who's my real parents, I had a twin brother and we're both orphans from Sta. Helena Orphanage. I'm a telepath who served Memoire for power, and I betrayed the only woman I love because of it."
"Passed."
"My real name is Jinnie Gregorio but every god knows how much I hate that fucking name. Ako si Jing Rosca, hindi ako relihiyosa pero minsan na akong namatay ngunit parang si hesus na muling nabuhay, at para ring si moses na hinati ko ang dagat."
"Passed." Pagkatapos ni Jing ay wala kaagad nagsalita, "Next, Otis."
Lahat kami ay napatingin sa direksyon niya, sasabihin niya nga kaya ang totoo?
"I believe, Otis wants to remove his mask." Pare-parehas kaming nagulat sa sinabi ni Rama Melchiore, may halong kaba at excitement dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makikita na namin kung ano ang itinatago niya sa likuran ng maskara.
A staff with Peculiar power like Jing's removed the clown mask. Narinig pa nga namin kung paano iyon nag-crack at nahulog sa lake, doon lang namin napansin na hanggang balikat 'yung buhok ni Otis, natatakpan yung mukha niya kaya hindi namin makita.
"Otis...ang tinatawag nila sa'kin, pero ang totoo kong pangalan ay Jiro Kerubin. Katulad nila Eliza ay lumaki ako sa facility ng Memoire, itinatago ko ang mukha ko sa likod ng maskara dahil sa...dahil sa..." unti-unti siyang nag-angat ng tingin, humawi ang buhok sa magkabilang gilid at...nakita namin ang kalahating mukha niya ay tila nalusaw, deformed, at ang kalahating mukha niya ay... teka... namamalikmata lang ba ko? "Dahil sa halimaw kong itsura."
"O-otis." Si Cloud, "You looked like her!"
"At ang kalahati kong mukha ang patunay na ako ang kapatid ni Jing Rosca."
"What?!" halos lahat kami ay kulang na lang sumigaw.
"P-puta, how?!" sigaw ni Jing .
"Passed."
Lahat kami ay maraming gustong sabihin at itanong pero hindi ito ang tamang oras, susunod na si Cloud.
"I am Cloud Enriquez, all of you know that, but unfortunately it wasn't the real name that my mother gave me. I'm a telepath but I'm still unsure sometimes of myself and there's only one inside my heart, it's Jill Morie."
"Passed." Tumingin sa'kin si Cloud at kinindatan pa 'ko. It's my turn.
"My name is Jill Morie and I used to see the future. I don't know how exactly it happened but I saw a vision of myself that I'm going to die." Sabay-sabay silang nagulat sa huli kong sinabi.
"Passed." Pare-parehas na naman kaming nakahinga ng maluwag nang matapos ang first round. "And now for the final round. Answer by clockwise, let's begin with Vince. Last question: Why are you here?"
"I'm here because of my sister, Eliza, I'm supporting her cause, to get the Chintamani stone."
"Passed."
"I'm here to serve Lord Cairo, to support his claim of Chintamani, sinusuportahan ko si Lord Cairo sa kahit anong ninanais niyang dahilan para makuha ito."
"Passed."
"I'm here for the Chintamani, I need it to revive my dead twin brother, Pacifico."
"Passed."
Si Jing na.
"Nandito ako dahil sa Chintamani."
"First warning, Jing Rosca. Tell me the truth." Nagsisinungaling si Jing? Kung ganon bakit siya nandito?
"Nandito ako para..." nag-aalinlangan siyang sumagot, "Nandito ako para...para...protektahan sila. I don't really care about that shitty stone, ang gusto ko lang ay protektahan sila." Jing... why? After all this time... you cared?
"Very well. Passed."
What does she mean? Ang dami kong tanong. Kay Otis at ngayon naman ay kay Jing.
"Katulad ng sinabi ni Finnix, nandito ako upang paglingkuran si Lord Cairo."
"Passed."
"I had no interest on Chintamani, I'm here to help and protect Jill Morie to get it at any cost." Oh, Cloud.
"Passed." Now, my turn again.
"I'm here to win and get the Chintamani. I have to get it at any cost to save my sister."
"Passed."
Para kong nakahinga ng maluwag, it's almost over, si Eliza na lang ang sasagot at tiyak kong pare-parehas na kaming pupunta sa sixth level, kaunti na lang... kaunti na lang matatapos na ang lahat ng to.
"I'm sorry but I can't tell you the truth."
W-what...Eliza...Why?
"H-hey sis! Ano bang sinasabi mo?!" sigaw ni Vince, "Tell them! Tell them the truth!"
"Eliza, you know the consequence if you didn't tell the truth." Rama Melchiore interfered, "You know it will cost your life."
"I don't care."
"Huh?! Hoy Eliza! Anong I don't care?!" sigaw ni Jing, "Hindi ba't kinontrata ka ng Memoire?!" But Eliza just smirked.
"Eliza." Tawag ko sa kanya, "Jing's right, hindi ba't may usapan kayo ng Memoire? You told me that the end justifies the means, para sa greater good ng mga Peculiar na itinakas natin noon, para sa Memoire, you even kidnapped my sister!" hindi ko alam kung bakit naghuhumiyaw yung damdamin ko ngayon, sa galit na pagpapaalala kung anong ginawa niya at sa dahilang ayoko siyang mahulog...ayoko siyang mawala.
Umiling si Eliza at ngumiti. "Even if I answer that... it's not the truth."
"Hindi kita maintindihan!"
"First warning, Eliza. Are you willing to die for the truth?"
"Yes."
"Eliza!" lahat kami ngayon ay pinipigilan siya sa kung ano mang desisyon niya.
"Jill." Tawag niya sa'kin at kitang kita ko ngayon ang itsura niya. "I can't tell the truth and I'm willing to die for keeping it."
Hindi ko siya maintindihan, bakit?
"Eliza!"
"Second warning, Eliza. Tell me the truth."
"Jill." Muling tawag niya sa'kin, "Promise me..."
"Third warning."
"Promise me that no matter what happens you will win this game and you will get the Chintamani."
"Eliza—"
"Promise me!"
Tumango ako ng sunud-sunod, tuluy-tuloy ang agos ng luha ko dahil sa kanya.
"I promise." Ngumiti siya.
Sa isang iglap ay natanggal ang belt sa bewang niya at kitang kita naming lahat kung paano siya dire-diretso siya bumulusok sa tubig.
https://youtu.be/Ul69SRFUC4o
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top