/14/ Intuition

Last night I had a dream.

It was my sister, Karen. Her last words imprinted on my mind, she said she saw the future and she had to change it. Tandang-tanda ko pa, three years ago, noong sinabi niya sa'kin na nakikita niya muli ang hinaharap bago siya manganak. I don't know what she meant... After she gave birth, hindi namin napag-usapan pa ang tungkol doon.

"Good morning players!" and there he goes, the vicious Rama Melchiore.

Fourteen players left. Dalawang araw na ang nakalilipas matapos ang Third Level at heto magsisimula na naman ang panibagong laro, ano naman kaya ang magiging mechanics ngayon? Hindi ko maiwasang mabahala. This game lost a lot of lives... Tsaka ko biglang naalala, two days ago nang sabihin ko sa kanila na hindi totoo ang mundong ito. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung paano ko maipapaliwanag, mahirap, pero iyon 'yung sinasabi ng utak ko, hindi ko rin napaamin si Eliza sa kung ano man ang nalalaman niya.

"Today we'll begin the fourth and the middle level of Akasha's game," nagbalik ang atensyon ko nang marinig ko ang pagsasalaysay ni Rama Melchiore. "This level is called the Anahata level." Sa malaking screen sa harapan ay lumitaw ang isang tila logo, katulad nang mga nauna, pero iba ang symbol ngayon na hindi ko maintindihan, kulay berde iyon di tulad ng mga nauna na pula, kahel at dilaw.

"My dear players, the middle level will determine your chances of continuing the game. This time, all of you are going to work together, as a team." parang nakahinga ako ng maluwag na hindi kami maglalaban-laban , pero hindi rin maganda ang kahulugan nito, kung kinakailangan naming magtulungan ngayon ay mukhang hindi magiging madali ang laro.

Nilabas ni Rama Melchiore yung remote at nang pinindot niya'y naging transparent yung ceiling at mga pader, katulad noon, tumambad sa'min ang hindi ganong kaaya-ayang tanawin.

"Welcome to Delhi, India." Humarap sa'min muli si Rama Melchiore. "Before you get off, you must change for the appropriate attire." 


*****


LUMABAS ako ng dressing room at nakita kong nakapagpalit na silang lahat. It's funny, hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit kinakailangan naming magpalit ng damit. Kaming mga girls ay pinagsuot ng Kurti, a simple long shirt or blouse, it falls below the waist, paired with leggings, and accompanied by an Indian scarf called Dupatta. Ang mga boys naman ay nakasuot ng casual Sherwani, a traditional Indian clothing.

Nang ma-assemble kaming lahat sa exit ng airship ay bumukas iyon at tumambad sa'min ang airport. Nagtataka kami lahat nang bumaba kami roon, pare-parehas kaming nanibago dahil ito ang unang pagkakataon na nag-land kami sa mismong airport ng isang bansa, kadalasan ay naglaland ang airship sa mismong tapat ng venue...o hindi naman kaya nandito na mismo 'yung laro. Nakababa na kami lahat at sumunod si Rama Melchiore.

Kumpara sa mga naunang bansa na napuntahan namin ay mas mainit dito, tirik na tirik ang araw at medyo tuyo ang hangin.

"Listen now, players, I already told you earlier that in this level you have to work together, and if you successfully completed the mission all of you will proceed to the fifth level," huminto siya saglit para tignan kaming lahat. "But when you fail, all of you are going to become lost."

Napakunot ulit ako sa sinabi niya. What does he mean by 'Become lost'?

"Well, I know that you concluded already that this game is not going to be easy, as a consideration, I will give you twenty-four hours to complete the task and your clues can be found in history." tumikhim siya bago muling magsalita.

"And the task...Go to the Golden Triangle. Find the heart. Release the grief and destroy it," iyon ang sinabi niya at muli siyang umakyat sa airship, bago niya kami tuluyang iwanan ay nagtanong pa siya. "Any questions?"

"How can we know that it is the right heart?" Eliza asked. Genius.

Ngumiti muna si Rama Melchiore bago magsalita, "The heart will glow once you found it."

Nang wala ng nagtangkang magtanong ay pumasok siya sa loob ng airship, sumunod ang mga staff at naiwanan kaming lahat.

Naramdaman kong may tumapik sa'kin, it's Cairo.

"I can sense fear," sabi niya. "After the last level, parang nagkaroon silang lahat ng emotional trauma." Tinutukoy niya 'yung mga players na hindi namin kakilala, sila Ryan, Xeaven, Avegail, Fatima, Joe at Cristy.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Well, I'm starting to believe that there's something wrong in this game too," hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon. "Yesterday nakausap ko si Joe Henry at sinabi niya sa'kin na during the third level parang may kung anong nag-uudyok sa kanya na gamitin lahat ng kapangyarihan niya to the extent na nagawa niyang patayin ang kalaban niya."

"You mean, he's controlled?"

"I also said that to him pero sabi niya aware siya sa kung anong ginagawa niya."

"I don't understand."

"Me either. Well, it looks like it was same for her." Tiningnan ko kung sino ang tiningnan niya, si Jing. Sinasabi ba niya na hindi naman talaga ko intensyong patayin ni Jing sa laban na 'yon? Hindi ko alam.

"Jill." Biglang dumating si Cloud, napayuko siya ng bahagya nang hawakan ang braso ko, kaagad din siyang bumitaw. Nag-usap kami kahapon at sinabi ko sa kanya na kailangang dumistansya muna kami sa isa't isa hangga't hindi natatapos ang laro, ayoko lang...ayoko lang ma-distract. Sabi niya naiintindihan niya naman ako at willing siyang maghintay matapos ang laro.

"Bakit, Cloud?" tanong ko.

"Gusto tayong makausap ng grupo nila." At itinuro niya ang grupo nila Eliza. Ang buong akala ko noong dalawin nila kami sa infirmary ni Jing ay makikipag-ayos sila sa'min, pero akala ko lang 'yon, umasa lang ako ng kaunti. Naglakad kami papunta sa kinaroroonan nila.

"I guess, this is a 'we'." Si Eliza, katabi sa magkabilang gilid si Vince at Jing.

"Mukha nga." Sabi ko. Dumating si Ryan Pyre at nasa likuran niya ang iba pang players.

"We need talk somewhere." He's right.


*****


CURIOUS.

This is really odd. Kumpara sa mga naunang level, wala kaming mga ibang tao na na-encounter, hindi katulad ngayon, we're actually walking among people.

"Are they real?" bulong ko na hindi nakatakas sa matalas na pandinig ni Cairo.

"Of course, they are." Pagkasagot niya sa'kin ay saktong may nakabunggo si Finnix na naglalakad sa harapan namin.

"Kanina pa tayo naglalakad, saan ba tayo mag-uusap-usap?" narinig kong nagsalita si Jing na nasa gilid ni Cairo.

At dahil nauuna sa paglalakad si Eliza at Ryan, silang dalawa ang sinusundan ng lahat. Maya-maya'y namalayan namin ang sarili namin sa harapan ng isang international restaurant. Pare-parehas kaming nagtataka kung saan nakakuha ng pambayad sila Ryan, pero pinakita nila sa'min 'yung wallet na nakalagay sa bulsa ng damit niya, puno 'yon ng pera. Tiningnan namin 'yung sa'min at mayroon din, weird, bakit hindi ko naramdaman kanina noong sinuot ko 'to?

Habang hinihintay namin 'yung pagkain ay nagsimula na kaming mag-usap.

"Go to the Golden Triangle. Find the heart. Release the grief and destroy it." Eliza begins the meeting by stating the riddle of this level.

"I think the Golden Triangle is actually a tourist circuit, and since we're in India, those places are Agra, Delhi, and Jaipur." nagsalita si Ryan at lahat naman kami ay sumang-ayon sa conclusion niya tungkol sa Golden Triangle, "And I suggest that we need to split into three groups to find this 'heart'."

"Right, but before that, we need to choose three leaders." Pagkasabi ni Cairo ay natahimik kaming lahat, "And that's Eliza, Ryan, and me." Gusto kong matawa sa pagturo niya ng sarili niya pero himalang wala namang kumontra sa ginawa niyang desisyon, we all know that Eliza's a capable leader and Ryan is the strongest because of his mystical powers, and Cairo? I think he's just a conceited bastard. Bigla niya 'kong siniko, katabi ko lang kasi siya.

"How do we divide ourselves?" tanong ni Avegail.

"To be fair, let's do a lottery." Sabi ni Cloud at siya ang humingi ng papel at pen sa isang staff. Sinulat 'yung mga pangalan namin at ang mga leader ang bubunot ng pangalan. Unang bumunot ng apat pangalan si Ryan, at nakuha niya sina Joe, Avegail, Cristy at Fatima.  Sumunod na bumunot si Eliza, at nakuha niya si Jing, Finnix, Vince at ako.

"Yes!" si Vince na biglang humiyaw nang malaman na kasama siya sa grupo ng kakambal.

"Well, the remaining is my group." Sabi ni Cairo, at kasama niya sa grupo niya sina Otis, Cloud at Xeaven.

Nakita ko na dismayado si Cloud sa naging resulta, hindi ko maiwasang mangiti, tutal sinabi niya naman na handa siyang magtiis na lumayo muna kami sa isa't isa.

Sinulat naman ngayon ni Cristy sa papel ang tatlong lugar sa Golden triangle, una ulit bumunot si Ryan at nakuha niya ang Delhi, sumunod si Eliza at nakuha niya ang Agra, at ang natirang lugar ay kay Cairo, sa kanila ang Jaipur.

Pagkatapos naming magpulong at kumain sa restaurant ay kailangan na naming iwanan ang grupo nila Ryan dahil sa Delhi sila naka-assign. At bago kami maghiwa-hiwalay ay binigyan ni Ryan si Eliza at Cairo ng notebook, I believe hindi 'yon ordinaryo, sa itsura pa lang nito na brown leather cover at lumang pages. Ryan told them na mayroong magic niya ang notebook na 'yon, na kapag sinulatan ang isang notebook ay lilitaw ang sulat sa iba pang kopya notebook, he called it his Mystiral, iyon ang magsisilbing communication naming lahat. We all agreed to report everything we find in the Mystiral and then we leave Ryan's group behind.

Ang grupo namin at ni Cairo ay magkakasamang pumunta sa Shatabdi Express, train station operated ng Indian railways na konektado sa iba't ibang siyudad. Habang naghihintay sa train station ay nagulat ako ng lumitaw siya sa harapan ko.

"Jill."

"Cloud sinabi ko—"

"I know, I know, ilang ulit mo ng sinabi sa'kin. Gusto ko lang malaman mo..." hinawi niya 'yung buhok ko sa gilid, "Na ma-mimiss kita." Natawa ko sa sinabi niya.

"Para kang baliw, nagkahiwalay lang tayo sa groupings." Sabi ko.

"Kaya nga, hindi ko matiis na mapalayo sa'yo." Sumeryoso kami parehas, "I love you."

"Cloud, I—"

"Tama na 'yan." Sabay kaming napatingin sa sumingit, at nakita namin si Jing Rosca na nakapamewang na siguro kanina pa nakatingin sa'ming dalawa "Mahal mo siya, mahal ka niya, handa siyang maghintay sa'yo pagkatapos ng laro. Meron pa ba kayong idadagdag?" kahit na nakakainis siya ay natawa na lang kami ni Cloud sa kanya, "Kahapon ko pa 'yon narinig sa infirmary, kaya utang na loob, Jill Morie, aalis na tayo." Itiaas niya 'yung ticket namin. Natutuwa ko na kahit papano may parte pa rin sa kanya na hindi pa rin siya nagbabago, same old Jing.

"See you." Sabi ni Cloud at naglakad na 'ko papunta sa grupo ko.

Pagpasok namin sa loob ng tren, ay kaagad na umupo sa three seater sila Eliza, Vince at Finnix. Umupo ako sa katapat nila na two-seater at nagulat ako nang tumabi sa'kin si Jing. Umandar ang tren papuntang Agra.

Hindi ko alam kung ano ang mas awkward, ang amoy ng paligid o ang katabi ko.

"I just want to say..." bigla siyang nagsalita, "Thanks for not killing me."

Tumingin ako sa kanya at nakita siya. Nakapikit. Natutulog?

Umiling na lang ako.


*****


AGRA, India

Nakarating kami matapos ang halos dalawang oras na byahe. Bumungad ang maraming tao sa labas ng train station, locals and foreigners. Chaotic. Sobrang dami talaga ng tao. Hindi namin kung saan kami magsisimula at kung paano mahahanap ang 'heart' na sinasabi ni Rama Melchiore, naglalakad kami ngayon sa maliit na daan, nasa magkabilang gilid ang iba't ibang mga tindahan, may iba pa nga na parang doon na nakatira, kung sinu-sinong lumalapit sa'min at inaalok kami ng kung anu-ano dahil alam na turista kami. Sobrang ingay, sobrang gulo.

Nang makakita kami ng isang local mall ay kaagad kaming pumasok. Para kaming hinabol ng isang daang baka sa sobrang pawis, pare-parehas kaming na-culture shock.

"Grabe, hindi ko kinakaya, lalo na 'yung amoy."

"Vince." Saway ko.

"Yung notebook." Sabi ni Eliza, hawak yung Mystiral, "May nakasulat." Pagtingin namin ay nakita namin na may nakasulat na roon galing kila Cairo, nasa Jaipur na sila at nagsisimulang maghanap , sumagot si Eliza, sumulat siya at sinabing nasa Agra na kami. Walang balita sa grupo nila Ryan.

"So, saan tayo magsisimulang hanapin 'yung 'heart'?" tanong ni Finnix.

"Teka lang, ano ba kasi 'yung tinutukoy na 'heart' ni Rama Melchiore?" tanong naman ni Jing.

"Tama siya, kailangan muna nating i-figure out kung ano 'yung hinahanap natin, hindi natin 'yon makikita hangga't hindi natitn nalalaman kung anong eksakto ang bagay na hinahanap natin." Tumango lang si Eliza at muli siyang nagsulat sa Mystiral.

"Pero sa laki ng lugar na 'to, paano natin malalaman?"

Napatingin ako bigla sa isang turista na may hawak-hawak na post cards, lumapit ako sa turista.

"Excuse me?" napatingin 'to sa'kin. "That's pretty, can I see it?" inabot naman sa'kin ng turista ang post card. Bigla akong nagkaroon ng idea kung saan kami pupunta. "Thank you." Inabot ko 'yon sa turista at umalis ito.

"Guys, I think alam ko na kung saan." Sabay-sabay silang napatingin sa'kin.

"Saan?"

"Taj Mahal."

"Paano mo nasabi?" tanong ni Finnix.

"I think we're in the right place. Nandito sa Agra ang pinaka-puso ng India, and what is the symbol of love in this place?" tumingin ako sa kanila, naghihintay ng sagot.

"The Taj Mahal." At si Eliza ang sumagot, "It was built in 1630 AD by Shah Jahan, a Mughal emperor, out of love for his wife, Mumtaz Mahal." may sense, dahil sinabi mismo ni Rama Melchiore na history ang isa sa makakatulong sa'min sa level na 'to.

"Nasa loob na tayo ng Golden Triangle, sa Agra, at kung ang Taj Mahal ang tinutukoy na 'heart', kung ganon... kailangan nating sirain ang Taj Mahal?" conclusion ni Finnix.

Biglang tumawa si Jing at Vince habang nanatili kaming seryoso.

"Ano? Pasasabugin natin ang Taj Mahal? HAHAHA!" si Vince na mamatay matay sa kakatawa.

"Gago! Hahaha!" Si Jing na pinanusan ang luha sa mata, at sumeryoso ulit.

"It can't be, that's absurd." Si Eliza, "Maybe we can find some clues if we go there." We all agreed, lumabas na kami ng mall para puntahan ang pinakasikat na spot sa Agra, the Taj Mahal.

When we arrived at the main gate, pare-parehas kaming nalula sa dami ng tao. Pero napag-alaman namin na mayroong dalawang klase ng ticket para makapasok, isang high-value ticket at general ticket. Sa tulong ng isang local citizen ay nagawa naming makapasok sa gate kung saan mas kaunti ang tao kumpara sa nauna naming napuntahan.

Eliza reported our progress, at ayon sa nabasa niya sa Mystiral ay walang nahanap ang grupo nila Ryan sa Delhi at grupo ni Cairo sa Jaipur. Mas malapit sa katotohanan ang conclusions ng grupo namin kaya napagpasyahan na magsama-sama na kami ngayon sa Agra. Papunta na ang dalawang grupo at kailangan namin silang hintayin habang nag-oobserba kami rito.

"It is beautiful." Pare-parehas kaming namangha sa ganda nito, sa kabila ng maraming tao at turista na hindi magkandarapa, nakatayo kaming lima habang pinagmamasdan ang kabuuan ng isang istruktura na itinayo ilang libo na ang nakalilipas.

Pero hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang ilang bagay, alam kong may kakaiba sa larong 'to na ako lang ang nakakaramdam.

"Eliza."

"Yes?"

"I think kailangan kong maglibut-libot."

"What?" sa reaksyon pa lang niya ay halatang hindi niya na gusto angsinabi ko, "Hindi ka pwedeng lumayo."

"Eliza, nandito lang naman kayo 'di ba? May titingnan lang ako."

"No, Jill, hindi ka pwedeng lumayo sa grupo. Alam mo ba kung gano kapanganib kapag—"

"Eliza, this is my chance to see if this world is real or not." Giit ko.

"Ipagpipilitan mo pa rin ba 'yan? Jill we're here for the game—for the stone, and whatever you think about this world does that even matter?"

"I know, it sounds crazy but I feel it, alam kong may alam ka pero hindi mo lang sinasabi sa'kin. This world, this game, I need to find the truth." Hindi na siya nagsalita pa. "Hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataong 'to. Cairo and the others are on their way here, and we still have twenty more hours, you can continue the quest without me."

"Jill—"

"At Eliza, Hindi porket magkagrupo tayo ngayon ay baka nakakalimutan mo...you betrayed me," nagulat siya sa sinabi ko, "You don't need to force yourself to care for me." Iyon ang huli kong sinabi at dali-dali akong umalis.

Kahit na hindi ko rin alam kung paano ako magsisimula o kung saan ako maghahanap. Ilang oras na ang lumipas at namalayan ko 'yung sarili ko na gumagala-gala lang kung saan-saan. Tinatangay ng maraming tao papunta sa kawalan. May isang parte sa'kin na ayaw bumalik hangga't hindi ko napapatunayan kay Eliza na mali siya, na may mas higit pang importante sa Chintamani o sa larong 'to. Pero hindi ko alam kung ano.

I was driven away by the flow and I do not know where I am. I am searching for something I don't even know, the truth in this world, the truth that will set me free.

Nababaliw na ba ko?

"You're not."

I gasped.

W-who...

"Over here." Dahan-dahan akong lumingon, kahit na nabubunggo ako ng kung sinu-sino. At nang humupa ang mga tao, may isang nilalang ang nakatayo di kalayuan, nagtatago ang mukha sa balabal. Lumapit ako sa kanya at itinaas niya ang balabal. Isang babae.

"You're an Aeon." Aeon? "Are you a player?" tanong niya sa'kin.

"Player?"

"Akasha's game." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Yes—"

"Sida!" may isang lalaki ang dumating at hinablot ang babae na kausap ko, "What are you doing?! You can't talk to her!" at bigla silang kumaripas ng takbo papalayo. Kaagad ko silang sinundan pero may humila sa'kin.

"Jill Morie, kailangan mong bumalik!" si Jing.

"Jing bitiwan mo 'ko!" pero kahit anong pagpupumiglas ko ay mahigpit niya 'kong hawak sa braso. Buong lakas ko siyang itinulak at tumalsik siya sa malayo, nagulat 'yung mga tao, at wala akong inaksayang oras at tumakbo para tugisin sila.

Sabi ko na nga ba.





A/N:

FYI

(The Golden Triangle of India)


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top