/11/ Void
"H-HINDI ko na k-kaya. Hindi ko na kaya!" Rinig na rinig ang pagsigaw ni Finnix, pinipilit kong indahin ang sakit, hindi lang pala ako, kaming lahat na nandito ngayon. Tumingala ako sa itaas at nakita ko ang kulay kahel na langit. Malapit na... malapit nang lumubog ang araw pero hindi ko alam kung hanggang kalian ko pa makakaya itaas ang dalawang braso ko.
We're all still standing above the arms of Cristo Redentor, staring at nothing while enduring the endless pain on our bodies. Lumipas ang mahabang oras na animo'y walang hanggan, narito kami ngayong siyam at sabay-sabay na hinihintay ang katapusan. Napatingin ako sa ibaba, isang pagkakamali lamang ay tiyak kong bubulusok ka..
Damang dama ko yung pawis sa buong katawan ko at tila nailabas na 'ata lahat ng toxins na pwedeng ilabas. Manhid na manhid na rin yung dalawang braso ko at dalawang binti na nangininig. Napapikit ako at hindi maiwasang pumatak ng ilang butil ng luha mula sa mga aking mga mata. This is goddamn painful.
"Cloud." I called him and I saw his dreadful face, he can't bear it anymore just as I do.
"Don't worry, babe, we can make it." Pinilit niyang ngumiti kahit na nakikita ko sa braso niya ang mga ugat na kala mo ay sasabog anumang sandalI.
Tumingin naman ako sa kanan at nakita si Cairo na nakapikit habang nakakagat labi. Gusto ko sana siyang pagtawanan dahil sa nakakatawa niyang itsura pero pakiramdam ko ay kapag tumawa ako ay bibigay ako ng tuluyan.
"Ahhhhh! Fuck!" kanina pa rin salit-salitang sumisigaw si Vince at Finnix. Tanging si Otis lang ata ang hindi nahihirapan sa amin ngayon, and that's what I need, his strength. I used my power to absorb his, at kahit papaano ay naramdaman ko ang paggaan ng dalawang braso ko.
"Ayoko na!" kanya-kanya silang daing, pagmumura at kung anu-ano pa. Hanggang sa hindi ko na maiwasang matawa. Then they all stopped.
"J-jill, bakit ka tumatawa?" tanong ni Palm, kahit nasa kabilang side sila ng arm ay narinig ko ang sinabi niya.
"We're doing this just for a freaking stone." Sagot ko sa kanya, pero bigla kong naalala, "No, hindi pala ako kabilang sa naghahangad ng walang katuturang kapangyarihan, I'm doing this for my sister and yet you guys are willing to do this just for power!" I shouted, I can't help it, kahit na nakatulong ang kapangyarihan ni Otis ay nanghihina na rin ang buong katawan ko.
"Wala kang alam."
"Damn you, Eliza." Gigil kong sagot sa kanya, "Why are you doing this?!" dahil ang totoo hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon kung anong ginawa nila sa'kin, all for that? For a stupid stone? Lahat ng pinaghirapan namin noon sa Mnemosyne Institute ay nabasura lang, she's the one who encouraged me when I lose all the hope in fighting back and now we're here, they betrayed me for what she believes a greater cause. Hindi ko pa rin maintindihan na lumalaban sila ngayon dito para lang makuha ang gusto nila na para sa masamang bagay. Hindi ko matanggap.
"H-hindi ko na talaga kaya, mamamatay na ko." It's Finnix. Sinilip ko siya, katabi lang siya ni Cairo at nakita kong nanginginig na ang dalawa niyang tuhod, parang manipis na sanga na malapit ng maputol.
"Finnix, you can't!" bakit ko sinabi 'yon? Too late to take it back, "I mean... you can't just die yet! Hindi mo pa napagbabayaran ang lahat ng kasalanan mo!"
"Kailan ka pa naging diyos para husgahan ang kasalan ko?!"
"Stupid! Bakit ka nandadamay ng diyos?!"
"Jill, hindi ko na kaya."
"Cairo! Magsalita ka! Mamamatay na naman ba 'yang isa sa mga alipores mo?!" he opened his eyes after I told him that, "Do something!"
"What should I do? Utter some non-sense shits?"
"Damn—" biglang nanghina ang buong sistema ko, it's Otis! He's losing his strength too. "Otis!" I tried to call him, hindi ko siya makita pero naramdaman ko ang panghihina niya.
"Mga weak!" nang sumigaw si Jing ay nakaramdam kami ng malakas na hangin mula sa likod at biglang gumaan ang dalawa kong braso.
"Woah! Jing! Thanks!" masayang sigaw ni Vince. What...
"This is easier than splitting up the ocean." Why is she...helping?
Malapit nang lumubog ang araw pero maya-maya'y biglang naglaho ang tila hangin na sumusuporta sa ilalim ng braso, manhid na manhid na ata ang buo kong katawan, ligung ligo sa sariling pawis, kulang na lang ay umiyak kaming lahat ng dugo.
"Jing!" sumigaw na naman si Vince.
"Okay lang ako, gago!" nasa kabila kasi sila kaya hindi ko makita kung ano ang eksaktong nagaganap sa kabila. I'm too exhausted to absorb any powers.
"Cloud." I called him again and he tried his best to smile, "C-can you check what's going on there?" nakuha niya agad kung anong ipinupunto ko at tumango lamang siya, he's also too tired to speak.
"T-they looked fine." Maski siya ay nagulat bigla nang makapagsalita siya, "Wait."
"Anong nangyayari, Cloud?" bigla rin akong nakaramdam ng kakaiba, unti-unting gumaan ang buo kong katawan, unti-unting humupa ang sakit.
He looked at me, he's much better now, napatingin ako kila Cairo at Finnix, they looked better.
"Jill." Tumingin ako muli kay Cloud, "It's Palm. She's using all her healing powers to support us."
"What—"
"Palm!" it's Vince.
I finally got to copy Cloud's power and I was able to see the view from the other side, I saw Palm, generating all her energy from her body, an almost invisible force is seen, draining out her body towards ours. She's giving it all away.
"Palm... What... are you doing..."
"Palm, tama na!" it's the first time I heard Eliza's shriek.
"Guys." At nagsasalita pa si Palm ngayon, "Gusto ko lang sabihin, all this time that I've been grateful to meet you even for a short period of time." She smiled, "Jill, alam kong naririnig mo 'ko. I'm sorry, I'm sorry kung hindi ko nagawang iligtas si Dean at Pascal, kahit si Jing noon."
"Palm!"
"Don't. Please, Palm."
"Eliza, you always endured all things by yourself, kaya ako sumama sa'yo dahil gusto kong damayan ka, para malaman mo na hindi ka nag-iisang pumasan ng mundo."
"Hey, Palm! Look! Malapit ng lumubog yung araw!" si Vince, he's crying now.
"Jill." She called me and it gave me chills, "Hindi lang ikaw ang nagiguilty sa lahat ng nangyari."
"No! You can't!" sigaw ko. Sinubukan ko siyang tulungan sa pamamagitan ng pagkopya ng kapangyarihan niya, but she's using it all, kaya mabilis siyang nanghihina. Nangingilid na naman ang luha sa mga mata ko.
"Jill! Don't force it! Mawawalan ka rin ng lakas!" sigaw ni Cloud sa'kin nang malaman niya kung anong ginagawa ko, pero hindi ko siya pinakinggan.
I used all my strength to give Palm what she's giving us---the vitality. Pero naramamdaman ko rin ang panghihina ko.
The sun goes down and she loses it all.
"Palm!"
Like a leaf from a tree, she fell. Even the palms of Christ cannot save her.
*****
THE remaining gained the next level, but it was not a day for celebration. It's true what they say, winning doesn't mean anything, in winning you are also losing something.
"All for a stupid stone." Narinig ko si Vince, magkalapit lang kasi ang table namin sa table nila, tatlo na lang silang magkakasama ngayon, him, Eliza and Jing. Samantalang lima kaming natitira, ako, si Cloud, Cairo, Finnix at Otis.
The banquet hall is noisy, it seems that everybody is celebrating for something but we felt lost. I can't contain all the feels, tumayo ako pero tinawag niya ako.
"Jill!"
Nilingon ko siya agad, "Cloud, gusto ko lang mapag-isa." Hinayaan niya na kong makaalis.
Hindi ko alam kung saan ako papunta kaya hinayaan ko na lang yung sarili ko na dalhin ako kung saan. Naglakad-lakad ako sa hallway, turning left or right, wala akong pakialam kung saan. Hanggang sa makarating ako sa pasilyo na may dead end, kaya tumalikod ako para umalis, pero nakarinig ako ng kakaibang tunog, isang pagbukas.
When I turned around, I saw a door, wala 'yon kanina kaya lubusan akong nagtaka, where the hell did it come from? Being Alice again, naglakad ako papunta roon, it was a dark green door. Nang makalapit ako ay tsaka ko mas napagmasdan ng maigi ang pinto, it looks antique and I saw letters carved, almost unseen, 'Atlas'.
Open it. My inner self whispered.
Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Sumalubong ang Gothic styled room, may malaking bintana at wooden floors. It's a huge room, with living room and an office area. Mayroong mga shelves ng libro, at isang malaking portrait sa pader, it was a portrait of a man, and he has dark eyes, dark long hair... he looks familiar pero hindi ko matandaan kung sino iyon.
There are other pictures on the wall, small compared to the portrait of the man. Natawag din ng atensyon ko ang isang painting, isang isla na mayroong pitong tao na magkakahawak na kamay habang lumilitaw ang araw, tiningnan ko ang title nito sa lower right at nakita ang
'My dream by Sigrid Ibarra'
"Well, what a surprise." Napalingon ako kaagad at nagulat nang makita ko siya.
Senior Rama Melchiore.
"I'm sorry." Kaagad kong paghingi ng tawad, "I'm lost, and I know that I shouldn't enter here without your permission." Dali-dali akong naglakad paaalis pero nang magkasalubong kami sa pintuan ay pinigilan niya ako nang iharang niya ang tungkod.
"You need to talk to someone, it's that what you want?" he's smiling at me and I don't really feel good with his presence. Umiling lang ako, I slightly bowed to him as a gesture of respect before I walked out.
It's weird, mas madali akong nakabalik sa banquet hall kahit na hindi ko kabisado yung mga nadaanan ko. Wala na sila Cloud, kahit ang grupo ni Eliza roon kaya nagpasya ako na umalis roon.
Pero tama si Rama Melchiore kanina, kailangan ko ng makakausap, hindi mapalagay ang isip ko. Right, kailangan ko ng makakausap. Kaya naman mabilis akong pumunta sa dorm area. Nadaanan ko yung silid ni Cairo at nakita kong nakabukas 'yon.
"Jing, get out!" naalarma ako sa narinig ko kaya hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na tingnan ang loob. Damn, Jill, ilang kwarto ba ang i-tetresspass mo?
Pagkasilip ko ay nakita ko silang dalawa, in a most awkward position, Jing on the top of Cairo, kissing him.
What the hell.
Kalmado lang ako habang nakasilip sa kanila. Nakita ko si Cairo na nagpumiglas at nagawa niyang makakawala.
"What the fuck are you doing, Jinnie!" halos dumagundong yung boses niya sa buong kwarto. Jing just laughed as she stood up.
"Wala lang, ginagawa ko lang yung mga bagay na hindi ko nagawa noon."
"Get out!"
"Kahit kalian talaga hindi kita nagawang ma-please."
"I said, get out!" pero matigas si Jing hindi ito sumunod at umupo pa sa couch.
"Noong mga panahong nasa MIP tayo, aware ka sa totoo kong nararamdaman para sa'yo. I used to love you aside from Rosel. I was there for you sa lahat ng oras but you still chose her." Tinutukoy niya ang kapatid kong si Karen.
"Jinnie, hindi ko alam kung anong laro ang gusto mong gawin."
"Sabi ko sa'yo, ginagawa ko lang yung mga bagay na hindi ko nagawa noon." Naging seryoso siya at mukhang hindi aware si Cairo sa presensya ko rito, "At baka nakakalimutan mo na ikaw ang may kagustuhan kung bakit ako nandito ngayon."
What... Anong ibig niyang sabihin?
"You exchanged Magnus' life for me."
"Stop it."
"The question here, Cairo, ano ba talagang gusto mong mangyari sa larong 'to? Is it really for your dead brother?"
"Jinnie..."
Bigla akong nahihilo, marahil sa mga sobrang nalaman ko o mga bagay na hindi ko dapat makita o marinig. Paglabas ko ng silid ay kaagad sumalubong sa'kin si Cloud at niyakap ako.
"Cloud." He didn't even ask me kung anong ginawa ko sa loob. He knows. He knows something. "I'm tired. I'm tired of this." Bumitaw siya sa'kin at hinila ako papunta sa kung saan pero bumitaw ako sa kanya, "Gusto ko ng umalis sa larong 'to."
"You can't. They have your sister."
Natahimik ako sa sinabi niya.
"Iyon ang dahilan kung bakit ako pumayag sumali rito, pero kayong lahat..." unti-unti akong lumayo sa kanya, "May kanya-kanya kayong agenda kung bakit kayo nandito."
"Jill, are you... are you saying that—"
"I can't trust anymore, ubus na ubos na yung tiwala na pwede kong ibigay sa kahit na sino, Cloud. Kahit sa'yo."
"Wait—"
"I'll finish this sick game, and I'm doing this for my sister."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top