/10/ Friends & Traitors
We're all standing at the feet of the huge Christ statue. Hindi ko maiwasang mapatingala at mapagmasdan kung gaano ito kataas, habang si Rama Melchiore na nasa harapan na nagkukwento ng introduction tungkol sa lugar na 'to.
"Cristo Redentor was made with the purpose to show that Christ loves all, spread peace and to display the devotion of the city towards the almighty." Bakit ba hindi na lang agad niya idiretso kaagad sa laro para matapos na 'to? Lalo pa't kami-kami lang ang nandito ngayon. Literal.
Walang ibang tao sa lugar na 'to kundi kami lang players at ang mga staff ng Akasha's Game, walang tourist o kahit local citizen. Are the Kahvals are so rich to rent this whole place for one day? It looks suspicious but to think that the prize for this game is worth of unlimited power, that made sense.
After the long boring introduction of Rama Melchiore, iniwanan niya kami saglit at hindi pa rin niya ibinubunyag kung ano ang magiging mechanics ng second level. Naiwan kaming siyam and that's me, Cloud, Cairo, Finnix, Otis, Jing, Eliza, Vince and Palm.
"Well, well, well," I heard Vince's annoying voice. "Isn't this amazing guys? Para tayong nag-out of town!" itinaas pa niya ang dalawang kamay at sumigaw. "Yeah! We need to take a photo!" inilabas niya ang phone, all of us are allowed to bring ours pero wala namang signal, at pumorma. "Guys, come on, let's do the groupie." Siya yung may hawak ng camera at sinwitch iyon sa front cam, walang gumagalaw sa'min kaya siya yung nag-adjust para makita kaming lahat. "Smile naman dyan!" and then he clicked.
"Alam mo Eliza ang lakas talaga ng topak nitong kakambal mo." Narinig ko si Jing na nagsalita. She's still the same...
"What, Jing? Don't you miss being alive? Hahaha!" suddenly a small rock from somewhere flew straight to Vince's face, tumumba ito sa sahig.
"Tama si Vince," nagulat ako nang makisabat si Cloud. "Since we're all gathered here, why don't we just enjoy the moment?" he's smiling, I tried to read him but I can't. What the hell.
"Mabuti pa si Cloud," bumangon si Vince habang sapo ang noo. "No hard feelings, ano bro?" lumapit si Vince sa kanya and they even fist bumped.
"Nakapagtataka lang na nahuli kayong apat sa unang level," then here's Cairo. "Do not have any tactics, genius girl?" si Eliza ang sinabihan niya pero hindi naman siya sinagot nito. "Tell me, why are you here?"
"Same reason as yours."
"For the Chintamani?"
Eliza didn't respond. And then we heard a familiar sarcastic laugh. It's her. Jing Rosca. Lahat kami ay nakatingin sa kanya at hinihintay na humupa ang kanyang pagtawa, hanggang sa mapansin niya ang titig namin, tumaas ang isang kilay.
"How ironic," she's looking at me. "How does it feel?"
Napakunot ako, gusto kong magsalita pero walang lumabas sa bibig ko.
"Ang dati mong mga kalaban ay naging kakampi mo at ang mga dati mong kakampi ay kaaway mo na ngayon."
"So you implied that you're one of them—Memoire." Finally ay nagawa kong makapagsalita. "Jing... Why are you here? Bakit ka... nabuhay?"
She just stared at me for seconds.
"Ikaw, Jill Moire, bakit ka nandito? At bakit ka nabuhay?" nabigla ako nang ibalik niya sa'kin ang tanong.
"I..."
"Jill." Cloud came and he held my hand.
"Aww, the Mr. Knight in Shining Armor. You really played well in this game, Cloud."
"Jill, don't listen to her." Napatingin ako kay Jing at nakitang nakatingin siya sa'min ni Cloud habang nakahalukipkip.
Magsasalita pa sana ko nang dumating ulit si Rama Melchiore.
"You have all day for chit-chats. Let's begin."
We are guided by the staffs to the entrance inside the statue, right above the pedestal, on the right heel, there's an eight-meter ladder leaning over it to access the small door right side of the statue.
The Cristo Redentor hides a huge structure of concrete and iron. We are instructed to go up to the top and there are staircases leading up. We are instructed to go up to the arms and hands of the statue and to reach that we have to walk on our knees through a tunnel that measures 2.9 feet
Lahat kami ay umakyat sa hagdanan na tila walang hanggan. Wala kaming dala na kahit na ano kaya hindi kami ganon nahirapan. At nang marating namin sawakas ang floor kung saan naghihintay ang ilang staff papunta sa access tunnel para makapunta kami sa mismong ibabaw ng balikat ng Cristo Redentor.
"Very well." Bigla naming narinig ang boses ni Rama Melchiore, at nakita namin na galing iyon sa isang speaker na dala ng staff, "Proceed outside to the top of the arms of the statue."
The staff guided us, isa-isa kaming pinakaakyat sa access door papunta sa labas. At nang ako na ang aakayat, tumambad sa akin ang buong view ng Rio de Janeiro. Sumalubong din ang malakas na hangin at hindi ko maiwasang malula at matakot dahil anumang pagkakamali ay maaari kang mahulog pababa. Nakita ko na nakaakyat na rin silang lahat. Narinig ko yung sigaw ni Vince at Palm dahil sa takot.
"Players," it's Rama Melchiore's voice again. "The mechanics for this level is the easiest among all the levels. You must stand and spread your arms like this statue of Christ did." I heard Vince and Finnix's nervous laugh. "But here's the challenge, you have to wait until the sun sets, and whoever lowers the hand or quit will no longer proceed to the next level."
"S-sun set." Sabay-sabay kaming napatingala at nakita na wala pa sa pinakatuktok ang araw, so ito yung ibig sabihin ni Rama Melchiore kanina na meron kaming buong araw para sa daldalan. This is crazy.
We heard his voice again at wala kaming nagawa kundi sumunod sa pinagagawa niya, lahat kami ay napilitang tumayo sa ibabaw ng braso ni Christ, binilangan niya kami at sabay-sabay naming itinaas ang aming mga braso.
"Good luck." Iyon lamang ang huling sinabi ni Rama Melchiore at nawala na ulit ang kanyang tinig. We're all facing the West kung saan aabangan naming lumubog ang araw and that's almost nine hours.
Makalipas ang ilang Segundo ay narinig namin ang pag-alingawngaw ng tawa ni Vince, yung iyak-tawa.
"Manahimik ka nga!" si Jing na sinaway si Vince. Pagkatapos ay muling namayani ang katahimikan.
I don't know for how long we'll last but I we can't just give up. Sinabi ni Rama Melchiore na ito ang pinakamadali sa lahat, gusto kong sumigaw na hindi.
"You can shout all day." Sabi ni Cloud, napatingin ako sa kanya at nakita ko na tagaktak kaagad ang pawis sa buong mukha. "What? May nagawa ba kong mali? Bakit hindi ka ngumingiti, baby?"
"W-wala." Diniretso ko ulit yung tingin ko.
Two hours later, feeling ko mamamatay na ko sa sobrang sakit, ang bigat-bigat na ng dalawang braso ko, gusto nang bumagsak. Damang dama ko yung pawis sa buong katawan at panginginig ng dalawang tuhod ko. Tinignan ko si Cloud at nakitang nakatingala na siya habang nakapikit, naliligo na rin sa sariling pawis, sa kanan ko si Cairo na diretso lang din nakatingin at parang wala lang sa kanya 'to, gayon din sila Eliza.
"Guys." Nandyan na naman yung boses ni Vince, "Ang boring, bakit hindi tayo magkwentuhan?"
"Ugh."
I heard Finnix's sigh.
"Okay, question number one," ayaw talagang tumigil ni Vince kaya tuluy-tuloy lang siya sa pagsasalita, "Bakit nakamaskara si Otis ng pangclown?" walang sumagot. "Uhm, to be honest hanggang ngayon curious pa rin ako kung bakit lagi siyang nakasuot nun eh, sabihin niyo hindi lang ako ang nahihiwagaan? Guys?" Mukhang walang interesadong sumagot sa tanong ni Vince
"Dahil mayroon akong itinatago." Pero nakakawindang nang biglang sumagot si Otis.
"What the... Otis?" si Finnix.
"Woah! Woah!" Vince got hyper again, he cleared his throat at sumeryoso ulit, "Kwento mo naman sa'min, you know we haven't got the chance to talk a lot since you guys betrayed us noong nasa—"
"Wow! Ang lakas! Nagsalita ang hindi naging traydor!" sigaw ni Finnix.
"Bakit, totoo naman ah, kayo kaya unang tumraydor kay Jill. Not once, but twice!"
"Lahat kayo mga traydor." Natahimik sila nang magsalita ako. Kalmado lang naman ang pagkakasalita ko sa kanila pero dama ko na parehas silang natamaan.
"Pero, Jill..." it's Palm's voice. "You don't understamd—"
"Palm." But Eliza intervened, "Wala kang dapat sabihin sa kanya."
"Dapat na sabihin na ano, Eliza?"
"It's none of your business."
"Eliza—"
"Magkaparehas na magkaparehas kayo ng kapatid mo." Natigilan ako nang marinig ko naman ang boses niya. "Jill Morie."
Jing. Why?
"Parehas kayo ni Karen. Ang buong akala niyo kayong dalawa lang ang pinakaespesyal sa mundong ibabaw, palagi kayo ang bida—"
"Hindi totoo yan." Si Cairo.
"Oh, Cairo, isa ka pa. Baka naman nakakalimutan mo na inagaw mo lang si Karen sa kapatid mong si Pacifico." Napatingin ako kay Cairo dahil wala akong alam sa mga sinasabi ni Jing. "Poor Karen, hindi niya alam dahil hindi mo sinasabi kung anong totoo."
"What truth?" sabi ko pero hindi kumibo si Cairo.
"Shut up, Jinnie."
"At kung inaakala mo na maiinis mo pa rin ako sa pagtawag sa'kin ng ganyan, well, not anymore lover boy. Hoy Jill Morie, hindi ka pa rin talaga nadala ano?" at bumalik ulit sa'kin ang atensyon niya. "Hanggang ngayon kung sinu-sino lang ang pinagkakatiwalaan mo. Kaya ka tinatraydor ng paulit-ulit." Hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinasabi niya.
"Wala kang karapatan na sabihan siya ng ganyan." And then Cloud defended me against her.
"Aba, Cloud, ang lakas mo ring magsalita."
"Jing, please, tama na." I never expected that Cloud will plead.
"Jing!" sigaw ko, damang dama ko ang malakas na pagbayo ng dibdib ko, "I'm sorry." I almost lost my voice, and then silence, "I'm sorry kung wala akong nagawa noon para iligtas ka. Cloud's mother killed you, but he killed her in the end—" But Jing just laughed.
"Parehas kaming buhay ngayon ni Margaux, ano pang silbi ng pagsosorry mo? Gumising ka, Jill Morie. The world doesn't need you and yet halos lahat ng tao kailangang magsakripisyo para sa'yo."
"I don't need to be saved! I'm not asking for it!"
"Then wake up. Wake up from your ignorance."
"That's enough," it's Eliza this time. "It's annoying."
Wala nang nagsalita pa. Napatingin ako sa kawalan atsaka napagtanto... Lahat sila... May itinatago. Hindi lang si Otis ang nakasuot ng maskara—lahat sila.
"You know what guys." It's Vince.
"I miss those days when we are all friends."
https://youtu.be/MDlS0plzT3k
A/N:
Hey guys! Thanks again for reading!
Additional info for Cristo Redentor's interior structure!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top