/8/ Tulak ng bibig, kabig ng dibdib

Sa pagdaan ng mga araw na umabot ng isang buwan, andoon ang mga tagpo sa records store kung saan kinaiinisan namin ni Ben ang isa't isa.


Pilit ko man iwasan at tumutok sa aking trabaho, bigla na lang hihirit ang taong ito. Minsan ako na nga nananahimik, siya pa itong gagawa ng dahilan para kami ay magsagutan.


May araw na napunta lang sa ibang section ang isang cassette tape, ako na agad ang napagbintangan. I just quietly made a face at him and placed that cassette tape where it belonged.


The next day, the same thing happened again. Napasama ang vinyl disc ng isang local singer doon sa mga American singers, na siyang ikinainit ng ulo ng loko.


"Sino ba kasi nag-aayos nitong mga records? Kung saan-saan nakalagay."


Bakas ang pagkairita ng mukha ni Ben sabay kuha ng record disc at ibinalik ito sa hanay ng mga OPM singers. Umismid ako sa kanya at binalikan ang aking kausap na customer, na tuwang-tuwa sa nabili niyang cassette tape ng teen singer na si Julie Vega.


"Thank you, Miss! Fan na fan ako ni Julie!" Her smile was so bright, which made me ignore Ben saying some snide remark behind me.


"Thank you for buying here at Luxe Records!" Ngiti ko.


"Bye Miss!" Mahigpit siyang nakahawak sa munting paper bag kung saan ipinaloob ang kanyang nabili.


Umalis na ang dalagang customer. Binaling ko ang tingin kay Ben, at sinalubong niya ako ng isang mapanghusgang pag-irap.


"Ano na naman?" Tinaasan ko siya ng kilay sabay pamewang.


Lumapit si Ben sa akin at sa mahina ngunit klaro na pananalita, ito ang kanyang sinabi:


"Alam mo naman may sections ang mga albums. Bakit kung saan-saan nakalagay? OPM, napupunta sa international singer. Ballad songs, napupunta sa rock songs. Di mo ba tinitignan bago tayo umalis kapag gabi?"


Napapikit ako, pinipigilan ang sarili na magalit.


"Excuse me, I really do my job of fixing the records and returning them back to the right sections. Baka ikaw ang naglilipat-lipat ng mga iyan, tapos sa akin mo ibabaling." I raised an eyebrow at him for the second time to prove my point.


"Dalawang umaga ko nang nadatnan na nasa ganoong kalagayan," pagpupumilit ni Ben. "Di ba kayang i-double check man lang?"


"Hay, sige na po, boss. Iyan na ang gagawin ko bago tayo mag-out. Pero alam ko sa sarili ko na tinitingnan ko talaga kung nakaayos ang lahat. Pasensiya na ah, tumutulong din ako kay Mina at Abi sa daily inventory of sales."


"Kung makaasta akala mo ang daming ginagawa," pamumuna ni Ben.


"Hoy, tumutulong na nga ako dito, tapos pinapalabas mo pa na tamad ako!" Hindi ko na napigilang sigawan siya. "Ano bang problema mo sa akin?!"


Itinikom ni Ben ang kanyang bibig. Magsasalita na sana siya nang napadaan si Mina.


"Lower your voices! Nag-aargumento na naman ba kayo?"


Lumapit siya at pumagitna sa amin. I looked at her and said:


"Itong si Benjamin, pinaparatangan akong walang ginagawa, ginugulo ko raw yung ayos ng mga records, eh tinitignan ko kaya iyan bago tayo umalis at magsarado!" Naiirita kong kinuwento kay Mina.


"Benjamin, paano mo nasabi na si Andie nga iyon?" Tanong ni Mina.


"Ah..." Hindi ito makasagot at di makatingin kay Mina.


"Kaya pala halos hindi kayo nag-uusap araw-araw. Nagtatrabaho kayo pareho dito, pwede ba, paki-ayos ang pakikitungo niyo sa mga kasamahan niyo?"


"Siya itong nagsisimula ng gulo!" Dinuro ko si Ben. "Nananahimik ako dito, siya itong hihirit!"


"Iyan naman si Miss Miranda, halos walang ginagawa!"


"Anong walang ginagawa? May prueba ka na wala talaga akong ginagawa?"


"Shut up, you two!" Biglang sigaw ni Mina. "Nakakahiya kayo, naririnig tayo ng mga taga ibang department! Namemersonal na kayo! Benjamin, ilang taon ka na?"


"Twenty-one! Dapat lang turuan ko si Miss Miranda!"


"Mas matanda ka pala kay Andie ng tatlong taon, tapos ikaw itong immature!" Bakas ang pagkamuhi ni Mina sa inaasal ni Ben. I can't help but show a knowing smile at him. Obviously, nairita siya sa aking ngiti, dahil lumalim ang kunot sa kanyang noo.


"Mina, kung maari ba, hindi ko na siya ka-partner?" Hiling ko.


Huminga nang malalim si Mina. Tinignan niya ako pagkatapos at sumagot.


"Sa totoo lang, mas may kakayahan si Andie pagdating sa pag-entertain ng mga customers. Kabisado niya ang hit chart kada linggo, at hindi ako nahihiyang sabihin na tumataas ang benta natin dahil sa kanyang PR skills. Ngayon, Benjamin, pagsasamahin ko kayo ni Rex, ah? Kayo na sa pagkuha ng mga deliveries ng records, kaya na ni Andie dito na siya lang. Maliwanag ba?"


Pinandilatan ni Ben si Mina. "Iiwan mo lang siya dito?"


"Oo, kasi nakita ko kaya na niya! At kung lagi mo siyang iinisin, mas mabuti pang paglayuin ko muna kayo, para di kayo aso't pusa! Maliwanag ba?"


"Buti naman," sambit ko. "Baka ginugulo mo ako talaga at sinasadya mong ipagpalit mga records, noh?"

Hindi na nakaimik si Ben. Nag-walk out siya sabay sabi ng, "Di naman talaga ako iyon eh."


Nang kumalma na ako, pinasalamatan ko si Mina.


"Okay lang iyon, ang totoo niyan, sila Rex at Abi ang gumagawa noon ilang gabi na," rebelasyon niya.


"Why?"


"Ewan ko sa mga iyon," tawa niya. "Mukhang gusto kayong pag-awayin na dalawa. Pagsasabihan ko nga mamaya."


Now I know it wasn't him. It's such a relief. But I have one question in my mind.


"Bakit naman balak nila na mag-away kami? Kasi alam mo, gumana nga, dalawang araw na kami walang kibuan. Kung mag-uusap kami, para lang mag-argumento."


"Gustong-gusto ni Rex na inaasar si Ben tungkol sa iyo," sagot ni Mina. "Simula nang dumating ka dito. Kinakantahan pa nga ng tulak ng bibig, kabig ng dibdib."


Pinilit kong hindi matawa sa pagkanta ni Mina. "Kahit magkagusto iyon sa akin, di ko talaga siya magugustuhan!" I pouted, disgusted at this idea.


Natawa na lang si Mina sa aking reaksyon. "Basta, magiging maayos na ang lahat para sa iyo. Makukutusan ko talaga ang dalawang iyon!"


Di ko na mapigilan ang sarili na matawa na rin.

---

Buti na lang at napagsabihan na sila Rex at Abi na tigilan ang kalokohan nila. Nanahimik na rin ang aking mga araw sa records bar, at mas lalo akong ginanahan na magtrabaho.


"Sorry pala doon," mahinang paumanhin sa akin ni Abi sa may cashier. "Si Rex kasi, puro kalokohan."


"Pinatawad ko na kayo, basta huwag na uulitin," ngiti ko. "Nakakainis kasi iyang si Benjamin!"


"Sorry na, Miss Miranda!" Tumayo sa harapan namin si Rex.


"Okay na, ngayon umalis ka na sa tabi namin, tse!" Ngumuso si Abi.


"Opo na, mga madam!" Natawa tuloy si Rex. "Akala ko mapapaibig ko si Benjamin kay Andie!"


"Di mangyayari iyon!" Patutsada ni Abi. "Di ba, Andie?"


"Totoo!" Pagsang-ayon ko sa kanya.


"Hay, lalo ngang naging masungit ang loko! Siya, babawi ako sa inyo. Iimbitahan ko kayo sa birthday party ko ngayong Sabado," tugon ni Rex.


"Hindi nga!" Gulat na winika ni Abi.


"Birthday ko talaga, May 4!" Malawak ang ngiti ni Rex. "Sa Sta. Mesa ako nakatira, doon sa tinutuluyan namin na apartment nila Benjamin!"


"Basta sagot mo ang handa," ika ni Abi.


"Basta wala si Benjamin," natatawa kong dinagdag.


"May lakad daw iyon kaya punta kayo ah! Uubusan natin siya ng spaghetti at cake!" Magiliw na biro ni Rex.


"Sige! Ay, paano ka pala, Andie?" Tanong ni Abi.


"Magpapaalam ako sa dad ko, malay mo mapapayag iyon."


"Sige, see you! Andie, aasahan ka namin!"


Masayang umalis si Rex. Tinignan ako ni Abi at sinabing, "Paano ka pupunta doon?"


"Dito na lang tayo magkita tapos mag-bus or jeep tayo patungo doon," suhestiyon ko.


"Nagco-commute ka?" Hindi maitago ni Abi ang kanyang pagkamangha. "Akala ko palagi kang nakasakay ng kotse!"


"Nagdi-disco nga ako kung saan at nakakatulog sa bahay ng mga kaibigan ko pagkatapos, ngayon ka pa mag-aalala? Relax ka lang, mapapayag ko rin si Papa!"


"Usapang malupit iyan! See you at 4pm sa tapat ng entrance! Di natin shift ng Sabado at Linggo, ibang team ang pumapasok kapag weekends. Iyong mga working students na ka-tie up ng department store."


"May pinapaaral ang Luxuriant?" Ngayon ko lang nalaman ito.


"Oo, may mga under sa scholarship nila," tugon ni Abi. "Isang taon na ang nasabing programa. Ngayon alam mo na."


Hindi kasi ako nagtatanong kay daddy tungkol sa mga work matters niya. Ngunit nakakatuwang malaman na palihim palang tumutulong sa iba ang aking pamilya at mga kamag-anak.


Dahil masayang natapos ang aking araw sa trabaho, lumapit ako kay Daddy pagkatapos ng hapunan nang walang alinlangan.


"Dad?"


Naabutan ko si Daddy sa kanyang study. He was reading a business magazine and he looked up at me when he heard my voice as I entered.


"Adie, what brings you here?" He placed down the journal on the table and a smile showed up as he stood and walked in front of me.


"Daddy, um... I'm enjoying my summer job and making new friends." I showed him a bright smile.


"That's great to know!" Instant ang kanyang ngiti nang malaman niya ito. "Sa katunayan nga, maganda ang feedback ni Kuya Nixon mo. Natutuwa mga customers sa records bar kapag ine-entertain mo sila."


"Ay talaga po?" Pa-inosente kong tanong.


"Oo! You're not grounded anymore!"


Agad akong napayakap sa aking ama sabay sabi ng "thank you!"


Dad ruffled my hair and I broke away from him. I met his happy and smiling face. "Pwede ka nang lumabas ulit, huwag lang mag-party sa disco!" Tawa niya.


"Iyon nga po ang tatanungin ko. Yung isa kong kasama, iniimbita kami sa apartment nila sa Sta. Mesa this Saturday, kasi birthday niya. Pwede po ba akong magpunta doon?"


"Ipapahatid kita if you like. Anong oras ba iyon?"


"Dad, sasama ako kay Abi, ang cashier sa records bar. Magkikita kami sa Luxuriant at sabay na magco-commute papunta doon."


"Paano naman ang pag-uwi? Sigurado ka na kaya mo na?" Napataas ng kilay si Daddy.


Napakagat-labi tuloy ako. "Dad, please let me. I won't do anything untoward from now on," I pleaded.


"Ganito, agahan mo ang pag-uwi. May curfew ka na ten pm. Pwede ka tumawag dito at pasundo sa ating driver," suhestiyon ni Daddy.


I thought about this. Di kaya takaw-atensyon kung papasundo ako gamit ang aming sasakyan? Pero siguro, okay na iyon kaysa magpahatid ako kay Abi.


In the end, ito ang aking sagot:


"Sige po, masusunod."


"Basta mag-iingat ka. I want you to explore the world outside our own and to meet other people. Be good, okay, Adie?"


I hugged my dad again.


"Yes po, Daddy."


For some strange reason, I'm so excited to be with my workmates this coming weekend. Alam ko iba ang mundo ko sa kanila, at gusto ko rin makita kung paano ang kanilang pamumuhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top