/4/ Bad Reputation
Yes, I study hard. Yes, I try to follow the rules set by my dad. But somehow, I always find a way to go around it, break it, so I can do what I want. All for the sake of enjoying my youth.
This won't last long, so might as well live it. I don't know how much time I have before I start my way to becoming the second version of my rich, hot-shot father.
Alam kong "for show" lang ang kinilos ni daddy noong debut party ko. We are indeed hiding something. I already have a bad reputation with him, but I don't really care one bit.
Ang totoo, gusto ko naman talaga na magtrabaho sa aming department store balang araw, pero bakit kailangan ko pang magseryoso ngayon? Sobrang aga pa para mag-training ako. Bakit di ako pwede maging kagaya ng mga kaklase ko na easy lang sa buhay?
I remember the first time I cut classes. It was one crazy experience that led to a whole lot of other crazy experiences.
First year high school ako noon. Isang araw, nagkayayaan kami ng dalawa kong kaibigan na mag-cut kinabukasan.
"Ayoko sumali diyan, may exam pa tayo next week," diretso kong sagot.
"Andie naman, masyado kang seryoso!" Puna ng aking high school friend na si Ines. Kinuha niya ang aking nakabukas na libro na nakapatong sa arm chair at sinarado ito. "For once, mag-enjoy ka!"
"Baka magalit ang dad ko." Hinablot ko ang aking school book kay Ines at pinaloob ko sa aking bag.
"Anak-mayaman din kami pero wala naman sinasabi ang parents namin," sagot naman ni Yolly. "Ang lapit lang ng mall mula sa school. Pwede tayong tumakas, manood ng pelikula, at makabalik kapag afternoon class na!"
A wicked smile showed on her lips.
Oo nga pala, may kalapit na mall mula sa aming co-ed Catholic school. Kakabukas lang nito at kilala itong tambayan ng aking mga kaklase at schoolmates tuwing lunch break at after classes.
"Sumama ka na sa amin bukas, Andie!" Pagmamakaawa ni Ines. "Safe ka sa amin. Magugustuhan mo ang pelikula."
"Oh siya, pumapayag na ako," I replied dryly.
Napatili naman sa tuwa ang dalawa kong kaibigan.
Kinabukasan, bandang umaga, ay nakatakas kaming tatlo at naglakad sa nasabing mall. Saglit lang ang nilakad namin at buti na lang ay bukas na ito.
Si Yolly ang nagdala sa amin sa sinehan sa top floor ng mall. Apat ang movie houses dito.
"Anong papanoorin natin?" Tanong ko nang makabalik na si Yolly at may nabili nang tickets.
"Isang pelikula sa Hollywood, Empire Strikes Back ang title," sagot ni Yolly.

Hinanap ko ang poster ng nasabing pelikula. Nang makita ko ito, kumunot ang aking noo.
"A sci-fi movie? Looks boring," ismid ko. "Babalik na lang ako sa school."
"Hindi boring iyan! Pinanood ko na iyan kasama ang kuya ko noong weekend. Sequel iyan ng movie na "Star Wars" dati," kwento ni Ines.
"Mukhang may romance oh," tinuro ni Yolly ang dalawa bidang lalaki at babae na halos maghalikan na sa movie poster.
"Kaya ko nga nagustuhan iyan eh! Romantic kaya sila Han Solo at Princess Leia!" Kinikilig na sambit ni Ines.
"Hay, sige na, sasamahan ko na kayo, basta makatakas lang sa boring na klase natin sa Values Education ngayong umaga," wika ko.

Nagsimula nang magpapasok sa loob ng sinehan at naupo kaming tatlo nila Ines at Yolly sa may balcony seats.
Fifteen minutes later, the movie started running. Wala akong naintindihan sa kwento, but I watched it anyway.
Nasa isang snowy na lugar ang mga tauhan at parang may pinagtataguan. Mayroon din parang military base.
Una kong napansin si Princess Leia, na palaging nakikipag-away kay Han Solo.
Bumulong ako kay Ines kung tungkol saan ito, at buti ay pinaliwanag niya sa akin ang mga ganap.
Maya-maya pa ay pinalo na ni Ines ang aking braso. "Ayan na yung romantic na part!"
"Aray, huwag ka nga mamalo!" Giit ko.
"Sorry."
Ibinaling ko na ang aking mga mata sa screen at totoo nga, nasa kalagitnaan na ng malagkit na titigan sila Han Solo at ang bidang babae na si Princess Leia.
Nang maghalikan na ang dalawa ay napatili sila Ines at Yolly mula sa kanilang kinauupuan.
"Ayan na!" Si Ines.
"Ay, wow! Kinikilig ako!" Sigaw ni Yolly.
"Tumahimik nga kayong dalawa, baka makita tayo ng usher!" Paalala ko.
Totoo nga, napadaan ang movie usher at tinapat niya ang flashlight sa aming mga mukha. Agad kaming nanahimik at pumirme sa aming upuan.
"Sorry po!" Ika ni Yolly sabay tawa.
"Grabe naman kayong kiligin!" Sambit ko.
Nawalan na ako ng interes sa pinapanood namin at nakaidlip ako. Nang ginising ako ni Ines, natapos na pala ang pelikula.
"Bangon ka na diyan, Andie, baka balak mo pang matulog dito buong araw," biro niya habang marahan akong pinapalo sa aking balikat.
"Ito na," nag-inat ako at marahan na tumayo sabay kuha ng aking tote bag. "Anong nangyari sa pelikula?"
"Eh di tapos na! Sayang tinulugan mo lang!" Natawa si Yolly. Inakbayan ako nito at naglakad na kami papalabas sa cinema lobby.
"Ang tagal pa raw ng third movie, sa 1983 pa raw ang release," reklamo ni Ines. "Fourth year na tayo by that time."
"Wala ka bang kopya ng Betamax tape ng unang "Star Wars" movie?" Tanong ni Yolly.
"Magpapabili pa ako sa tito ko sa States. Sa Disyembre pa ang uwi, kaya doon ko na lang mapapanood," kwento ni Ines.
"Nagustuhan mo ba yung movie?" Tanong ni Yolly.
"Alam na natin ang sagot, tinulugan lang niya oh!" Sagot ni Ines.
Natawa na rin ako. "Di ako mahilig sa sci-fi o kahit anong pelikula, pero salamat, inaya niyo akong mag-cut!" Ngisi ko.
"Mukhang mapapadalas na tayo ah!" Nakipag-high five sa akin si Ines.
"Bukas ulit!" Biro ko.
"Huwag naman dalasan, baka mapansin nila!" Wika ni Yolly. "Balik na tayo sa school, lunch break na!"
Bumili lang kami ng burgers at softdrinks mula sa isang fast food sa loob ng mall. Doon na rin namin kinain ito at nakabalik kami ng school na ganoon lang.
No one suspected us and the cut we did this morning.
Simula noon, hinahanap-hanap ko na ang thrill na aking naranasan nang una akong mag-cutting classes.
Naulit ito noong second year nang tatlong beses. On the third time, nahuli kami ng aming adviser, na nagro-ronda pala sa loob ng nasabing mall tuwing lunch break.
Ang parusa sa amin nila Yolly at Ines ay ang paglilinis ng ladies' room sa aming floor pati pag-aayos ng mga libro sa library nang isang buong araw.
Of course, di ito alam nila Mommy at Daddy, kahit ni Ate Ranie. Dahil binayaran ko ang aking class adviser at principal para huwag sabihin sa kanila. Oo, galing ito sa aking allowance at personal na ipon.
Third year, natuto akong uminom ng hard drinks gaya ng rum.
School fair noon at walang klase, kaya karamihan sa amin ay nakatengga lang sa loob ng classroom. Ang ibang class officers ay mga tao sa booths sa quadrangle o kaya naman ay may inaasikaso.
May nagdala ng rum na nakapaloob sa isang malaking Coleman.
Nagpasya ang klase na maglaro ng spin-the-bottle at kung kanino tumama ang boteng umiikot ay iinom ng isang shot ng rum at pipili kung may sasagutang tanong o gagawa ng isang dare. Ginamit namin ang isang bote ng softdrinks na naiwan sa aming classroom.
"Shot na Andie!" Inabutan ako ng isa kong kaklase ng shot glass na may lamang rum.
"Sandali!" Sigaw ko sabay tayo at hablot ng shot glass. Ininom ko ang rum nang isang lugok at agad kong naramdaman ang pagguhit nito sa aking sistema.
"Yes, marunong na si Miss Miranda!" Sigaw ng aking kaklase, sabay hiyawan ng grupo.
"Sinong crush mo dito?" Tanong ng isa kong kasama.
"Wala!" Sigaw ko.
"Hindi nga!" Ngumuso ang aking babaeng kaklase sa akin.
"Andie, pa-kiss!" Hiling ng aking kaklase na si Teddy.
Napatingin ako dito sabay irap. Minsan ko na naging kasama sa group project itong si Teodoro "Teddy" Retana. Mabait naman ito, may itsura, at alam kong may pagtingin siya sa akin, ngunit sa di-malamang kadahilanan ay wala talaga akong nararamdaman para sa kanya.
Isang mapagbirong ngiti ang luminya sa kanyang mga labi. Mukhang may tama na rin siya.
"Pahingi pa ng rum," hiling ko sa may hawak ng Coleman jug. Nasa mood ako ngayon to do something wild.
Nagsisisigaw ang aking mga kasama nang punuin na ang aking shot glass ng rum. Iniabot ito sa akin ng aking kaklase, at diretso ko itong ininom.
Susuray-suray akong lumapit kay Teddy at inakbayan ko siya. Halos mabaliw na ang aking mga kaklase nang sinunggaban ko siya ng isang halik sa kanyang mga labi. To my surprise, Teddy kissed me back. It went on for a while as we savored the kiss.
Ganito ba pakiramdam nila Princess Leia at Han Solo nang sila ay maghalikan? Bakit di ako kinikilig?
Nang matapos na ito ay napuno na ng ingay ang buong klase. Kumindat ako kay Teddy at pinakawalan ko na siya sa pagkakayakap. Uminom muli ako ng isang shot at napaupo na ako sa sahig.
Nang may gagawa na ng isa pang dare ay bumukas ang pintuan.
"Third year, Section B! What the hell are you doing?!" Bulyaw ng aming class adviser. "Bakit amoy alak dito?!"
It ended with us getting a serious reprimand from our class adviser. Dumiretso na rin ang aming principal at lahat kami ay pinatawan ng automatic suspension. Ang parusa? One week kaming maglilinis ng mga banyo at library, kasabay ng community service for one month sa aming school.
Pero tinawanan lang namin ito nang matapos na ang tagpo.
Umuwi ako nang araw na iyon at agad napahiga sa aking kama. Nagalit si Daddy sa akin dahil naamoy niya ako. I explained what happened and the more he got angry, ngunit lahat ng sinabi niya ay pasok at labas lang sa aking tainga.
Ginawa namin ang sanction na ipinataw sa amin.
"Andie, akala ko ba, tayo na?" Pagtataka ni Teddy habang kami ay naglalampaso ng sahig ng library.
Isinandal ko ang floor mop sa kalapit na pader at sinabi, "Wala akong sinabi na tayo na."
"Pero naghalikan na tayo." Hindi siya makatingin nang diretso sa akin.
"Wala iyon. Ginawa ko lang iyon to get my first kiss over and done with." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi mo ako gusto?"
"Hindi. Wala akong nararamdaman para sa iyo, sorry. Iyon ang totoo."
Teddy looked hurt and he just left me standing between the library tables.
Lumapit sa akin si Trisha, na kasama ko rin sa inuman sa classroom. "Iba ka rin, Miranda. Malandi ka rin pala." Pumamewang siya sa aking harapan.
"Malandi lang ako, eh ikaw, balita ko may dine-date ka na college student at nakita raw kayong nag-check in sa motel. Buti hindi alam ng ama mong abogado." I smiled like I'm keeping the biggest secret in the world. "Seduction of minor iyan."
Agad akong nasampal ni Trisha. At siyempre, gumanti rin ako. Nalukot tuloy ang kanyang mukha pagkatapos nitong mahampas ng aking palad.
"Never lay your hands on me, you won't like it," pagbabanta ko. "Sige ka, ikakalat ko iyan sa buong school."
"Letse ka, Anna Diana Miranda!" Sigaw niya.
"Talaga! I have a bad reputation and I don't care. Sige na, i-comfort mo na si Teddy. Alam kong crush mo siya, pero ako ang gusto niya," ngisi ko.
Walk out si Trisha sa akin and I could only smile at what I did. She never approached me again after that.
Naging ganito ako hanggang fourth year high school. Dito ko nakilala si Demie Alfaro na isang transferee at masasabi kong medyo nagtino ako dahil sa kanya. Naka-graduate naman ako na maayos ang grades kahit hindi nasa honors' list.
But still, I find ways to do naughty things without getting caught. Until last night, when I was caught and there were serious consequences.
---
"Anak, kumilos ka nang tama. Napapahamak ka tuloy pati ang iyong academic standing."
"Mommy, matataas naman ang grades ko. Kaya kong mag-aral at mag-party at the same time."
"Pero may isa ka nang grade na tres, at first year college ka pa lang. Para ka pa rin high school student kung umasta, gaya noong dati. Adie, hindi ka na bata."
Kakauwi ko lang galing sa bahay nila Demie at nag-uusap kami ni Mama sa aking kwarto. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha and I have to admit, seeing her hurt was painful.
"Ma, napapansin niyo lang ako tuwing may ginagawa akong kalokohan," napaupo ako sa kama. "Lahat kasi kayo, nakatuon ang atensyon kay Ate Ranie."
Sa wakas ay nasabi ko na rin ang matagal kong kinikimkim. Totoo naman eh, mula nang mawala ang boyfriend ni Ate at nag-shift siya ng course, puro siya na lang. Kahit ngayon, may trabaho na siya bilang radio broadcaster, siya na lang magaling.
I don't hate her though, I just wish they will have more time for me gaya noon. But I never showed her that. Naawa rin ako sa kanya. Nagpapakababad sa trabaho para malimutan ang heartbreak. Ito ang dahilan kaya ayokong umibig gaya niya.
"So you're doing those things to get noticed?" Mom asked in a soft voice.
"No ma, I just want to enjoy things, pero ang sama pala ng dating sa inyo," simangot ko.
A long silence followed. Mom sat beside me on the bed and hugged me.
"Nag-aalala lang kami sa iyo. Nauunawaan kita, pero hindi ka bata habangbuhay. Sana makinig ka sa iyong Papa, Adie," hiling nito.
"Ma, I got this," I assured her. "Magpapakatino na ako with my summer job at Luxuriant. Magiging maayos na ako this next sem sa June."
"Gawin mo iyan."
Mom stood up and left me alone in my room.
I looked at the jacket from the mysterious guy. Nakapatong ito sa ibabaw ng aking kama. Ipapalaba ko na lang at baka magamit ko rin. Di ko kasi siya kilala at mukhang hindi ko na ulit siya makakasalubong pa. I owe him my life.
Kung tutuusin, swerte ko at nakauwi ako ngayon. Mukhang kailangang tuparin ko na ang aking pangako na hindi na ako magiging pasaway na party girl. Sana magawa ko ito.
A/N:
Ito itsura ng Betamax tape (photo by Anthony from Pexels)

Base sa research ko, naipalabas noong August 30, 1980 ang Empire Strikes Back dito sa Pilipinas. From IMDB.
Problematic si Andie. Typical rebellious high school student. Dumaan din ako sa stage na umiinom (pero noong working na ako imbes na estudyante).
And maraming kalokohan na nangyayari sa mga private schools (I know, I'm from one).
It's not that I'm promoting this. Pinapakita how actions can have long term consequences. And dumaan man tayo sa rebellious stage, darating yung time na gusto na natin magtino at mag-settle down.
Featured song: "Bad Reputation" by Joan Jett
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top