/16/ To the rescue

SPG chapter ito. Trigger warning: s*xual harassment near the end of this chapter. This is part of the story and it shows why it is wrong. If you can't continue reading, it's okay with me. You do you.


"Hi Val."


"Good evening, Andie! Pasok ka, welcome to our humble home."


Hindi maikakaila ang ngisi ni Valentin Torralba nang pinapasok niya ako sa tinatawag niyang "humble home."


Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Mas malaki ang kanilang mansion kaysa sa amin, na matatagpuan sa katabing exclusive village sa tapat ng Ford Park, kung saan naman nandoon ang aming tahanan.


Napupuno ng mga mamahaling muwebles at furniture ang bahay ng mga Torralba. Kulay beige ang walls na complemented ng white curtains. May grand staircase sa gitna na gawa sa marble at ang mga baytang ay covered ng green carpet na may golden lining sa bawat gilid.


Sa kaliwa ay ang living room na may light green wallpaper at white sofa set na may center table, habang sa kanan ay ang isang dining area na may wooden tables and chairs. Tumingala ako, at may crystal chandelier na nagbibigay ng soft lighting sa paligid.


"Manghang-mangha ka ah," ika ni Val.


"Amazed lang ako sa mga interiors," ika ko. "Siya nga pala, saan ang party?"


"Nasa likod. May clubhouse doon pati ang swimming pool. Sa dining tayo dumaan."


Bigla niyang hinawakan ang aking kamay at di na ako makapagsalita nang dinaan ako ni Val sa may dining room. May kitchen sa likuran nito at nang makalabas kami ng back door, bumungad sa akin ang isang malaking swimming pool. Sa di-kalayuan ay isang white cottage.


"Nagpaparty na pala. Whoa, di ko akalaing may swimming pool kayo!"


May mga grupo na lumalangoy na sa swimming pool. Nakilala ko ang iba sa kanila na galing din sa school ko, habang di pamilyar ang ibang mga mukha na nakaupo sa mga lounge chairs sa paligid ng pool.

 
Disco music played loudly from a speaker na nakalagay sa gilid, malayo sa swimming pool.


Naka-trunks ang mga lalaki habang naka-bathing suit or two piece ang mga babae. Everyone looked posh, paano ba naman, puro mga may kaya ang nandito.


"Pwede ka mag-swimming if you like," alok ni Val.


"No thanks, I just want to have a good drink," pagtanggi ko sabay bitaw kay Val. He stared at me as if I did something bad.


"Namamawis na kamay ko, ang higpit mong humawak," pagdadahilan ko.


"Okay." Val shrugged and added, "Doon na tayo sa clubhouse, may mini bar doon at pool table."


Naglakad kami sa gilid ng pool at sa pathway patungo sa clubhouse. Nang makapasok ako, it was larger than expected.


May billiards table sa gitna, at may grupo nang naglalaro doon. Sa bandang tabi ay andoon ang mini bar. May naka-set up nang table kung saan may nagsisimula nang mag-inuman. Sa bandang dulo ng kwarto ay may malaking sofa at bean bags.


"Andie!" Kumaway si Mitchell, na nakaupo sa isang bean bag. Agad kaming lumapit ni Val, at binati ko si Mitch ng isang yakap.


"Good to see you here, buti nakapunta ka!" Pinaupo ako ni Mitch sa isang bean bag sa tabi at pinagsalin niya ako ng beer.


"Salamat, wala bang pagkain diyan?" Tanong ko sabay kuha ng mug ng beer kay Mitch.


"Ito, pinwheel sandwiches and chips." Inilapit ni Mitch ang isang plato sa akin at kumuha ako ng sandwich. May nilapag din siyang malaking bag ng potato chips sa aking kandungan.


"Val, are you going to stay with us?" Tanong ni Mitch.


"Later, kukumustahin ko ang mga guests," ngiti ni Val.


"Teka, alam ba ito ng erpats mo?" Tanong ni Mitch.


"Illegal pala ang party mo ah!" Biro ko sabay kain ng chips.


"Hindi, next week pa siya babalik mula sa out of town trip niya, susunduin kasi si Mommy," natawa si Val. "We have the place all to ourselves, so let's have fun!"


"Bye Val!" Ngiti ni Mitch.


"Andie, enjoy yourself," kumindat si Val sa akin.


Matipid akong ngumiti sabay tango sa kanya. Nang makaalis si Val, doon lang ako nakahinga nang maluwag.


Hindi ako gaanong nagsalita. Nakinig na lang ako sa usapan nila Mitch at ng kanyang mga bagong kakilala, na nakapalibot sa amin ngayon.


May dalawang lalaki na naka-track jacket at jeans na nasa kabilang banda at mga nakaupo rin sa bean bag. Sa sofa naman ay may tatlong babae; yung isa ay naka-black shirt at mini denim skirt, yung nasa gitna ay naka-polka dot mini dress, habang ang nasa tabi ni Mitch ay naka-white shirt, acid wash jeans, at pink sneakers.


"Guys, si Andie pala, taga-uni namin," pakilala ni Mitch sa akin.


"Hi Andie!" Kumaway ang dalawang binata na nasa kabila. "I'm Leo, and this is Trevor."


"Hello," ngiti ko sa kanila. Si Leo ang nasa kanan habang si Trevor ang nasa kaliwa.


"And these girls are from the exclusive St. Stephen University, they are Kate, Yumi, and Hermie."


"Hi Andie!" Tumayo si Kate, ang nakasuot ng mini denim skirt at black shirt, at nakipagkamay sa akin. Ganoon din ang ginawa nila Yumi (si polka-dot mini dress) at Hermie (white shirt girl).


"Pamilya lang naman nila Andie ang may-ari ng Luxuriant Department Store!" Pagmamalaki ni Mitch.


"Miranda pala apleyido nito!" Natawa si Leo.


"Can we raid your department store? Tapos ikaw na lang magbabayad," biro ni Trevor.


"Ayoko nga, discount na lang!" Natawa na rin ako at medyo gumaan na ang aking pakiramdam.


"Kapag nagcu-cutting kami nila Yumi at Kate, sa Luxuriant kami dumidiretso!" Kwento ni Hermie.


"One time, we shopped for a brand new wardrobe! Dahil gusto lang namin gawin!" Proud na sabi ng si Kate.


"Uy, bawal mga cutting classes sa mall namin!" Biro ko.


"Ayaw mo iyon, kumita ang pamilya mo dahil sa amin!" Halakhak ni Yumi sabay inom ng beer.


"Toast tayo! More cutting classes to come and more parties!" Itinaas ni Leo ang kanyang beer at tumayo kami ni Mitch para mag-toast kaming lahat.


Dumaan ang isang oras na tahimik lang akong nakaupo kasama nila Mitch. Nakinig na lang ako sa mga kwento nila tungkol sa mga trips abroad, mga kalokohan sa school, failing grades, shopping spree, at mga ka-relasyon. Nahaluan rin ng mga bagay na adult ang takbo ng usapan.


"Yes, nagkikita kami ni Leo, we went all the way," Kate smirked. Tumabi si Leo kay Kate sa sofa at umakbay dito.


"Proud ka niyan?" Umusog si Yumi sabay palo ng balikat ni Kate.


"Oo naman, di na ako V, and my parents don't even know!" The wide grin on Kate's face was glowing.


Inilapit ni Leo ang kanyang mukha kay Kate at mainit niyang sinakop ang kanyang mga labi. Tinukso tuloy sila ng mga kasama namin at tumayo sila para umalis.


"We'll find a make-out spot!" Ngisi ni Leo. Nakaakbay si Kate sa kanya at humalik muli bago sila naglakad papaalis.


"Get a room!" Natatawang sigaw ni Trevor sa kanila. Kumaway si Leo at tuluyan nang lumabas ang dalawa.


"Grabe iyon, sana kami rin!" Tawa ni Yumi.


"Andito naman ako," ika ni Trevor.


"Huwag ka na, kakagaling mo lang kay Monica from our class!" Pagtanggi ni Hermie. "Ayan oh, si Miss Miranda!" Turo nito sa akin.


"Mitch, can I have your friend?" Tanong ni Trevor.


Tinignan ako ni Mitch at umirap ako sa kanya.


"No, off limits si Andie!" Tawa ni Mitch. "But I'm free."


"Mitchell, huwag kang mang-iwan dito!" Palo ko sa kanyang binti nang siya ay tumayo at umakbay kay Trevor.


"Have fun naman diyan, Andie! Hindi na ikaw yung kilala namin na Andie eh!" Mitch advised me with a smirk on her face.


Hindi na ako nakapagprotesta nang tuluyan nang sumama si Mitch kay Trevor.


Nang makaalis ito, naiwan ako kasama sila Yumi at Hermie. Tahimik na lang kaming uminom ng beer at kumain ng mga pica-pica. Soon, Hermie and Yumi got engrossed in their own conversation, and I felt left out.


I took this as a chance to excuse myself. Nagpaalam ako sa kanila na lalabas na muna ako at maglilibot.


"Mukhang di na ako babalikan ni Mitch, may bago nang lalaki," pilit kong ngiti.

"Kaya nga," tawa ni Yumi.


"Nice to meet you." Pamamaalam ko sa dalawa.


"See you around!" Si Yumi.


"Kung kailangan mo ng lalaki, andito kami!" Biro ni Hermie.


"No thanks, I don't need one these days," ismid ko sabay ngiti.


Nakipag-beso ako kina Yumi at Hermie at lumabas na ako sa clubhouse.


Tuloy pa rin ang pool party. Hindi ko mamataan si Val o kahit si Mitch. Wala rin sa paligid sila Leo at Kate, kaya nagpasya akong magtungo sa mas tahimik na lugar.


Dinala ako ng aking mga paa sa living room, kung saan mas tahimik at walang tao. Napaupo ako sa isang armchair at sumandal doon. Sa malayo ay dinig ko pa rin ang ingay ng musika sa speakers at ang malalakas nilang boses na sumisigaw maya't maya.


Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim.


Hindi na ikaw yung kilala namin na Andie.


These words played in my head repeatedly, and I realized how true it was.


Kung dati, excited akong gumawa ng kalokohan at maging pasaway, ngayon ay uncomfortable na akong makarinig ng mga usapin tungkol sa mga kalokohan sa school. Kahit ang mga usaping pang-relasyon ay naiilang ako.


Bakit ganoon, lahat nasa kanila na pero hindi matino ang takbo ng kanilang buhay? Hindi pwedeng palaging nakapdepende sa pera ng mga magulang kahit na mayayaman kaming lahat dito.


All actions have consequences, and we cannot undo it. Being this rich means being responsible for your life and not wasting your money on nonsense like partying, shopping, and making out somewhere. If dad can hear my thoughts right now, I'm sure he'll be proud of me.


Tunog lola na ako, pero ito ang natutunan ko habang nagtatrabaho sa Luxuriant, at nakakasalamuha ang mga kagaya nila Ben, Rex, Abi, at Mina. Wala silang sinasayang na pera. Matipid silang gumastos, at bakas sa kanila ang hindi madaling pamumuhay. Pero kahit ganoon, masayahin sila at nagsusumikap.


Ayoko nang maging kagaya ng mga nasa party dito, kahit sa sarili kong kaibigan na si Mitchell. Bakit ka sasama sa lalaking ngayon mo lang nakilala? At least yung kay Ben, nakilala muna namin ang isa't isa at naging magkaibigan.


Hindi na nga ako ang dating Andie Miranda. Kay laki ng aking pinagbago. Ayoko nang manatili dito sa party na ito, makaalis na nga. Pagkatapos nito, kay Demie na lang ako sasama.


Tumayo ako sa armchair at akmang papalabas na ng living room, nang biglang may kumorner sa akin sa pader.


"Paalis ka na?"


Kahit madilim ang kwarto at may kaunting liwanag mula sa labas, agad kong nalaman na si Val ito. Nalanghap ko ang amoy ng alak sa kanyang hininga at pinilit kong tumingin nang diretso sa kanya.


"Oo, bakit?" Matalim kong tanong while trying to meet his eyes in the dark.


Itutulak ko na sana siya papalayo ngunit mas matangkad itong si Val sa akin. Mas dinikit niya ako sa pader at mahigpit niyang hinawakan ang aking balikat.


"Dito muna tayo, di pa kita natitikman," lasing niyang winika. Mas inilapit ni Val ang kanyang mukha at naaninag ko ang isang nakakakilabot na ngiti.


"Hoy, hindi kita binibigyan ng permiso na humalik sa akin!" Pagtanggi ko sabay layo ng aking mukha. Ngunit hinawakan ni Val ang aking pisngi gamit ang kanyang kabilang kamay at pinilit akong tumingin sa kanya.


"Pagbigyan mo na ako, matagal na kitang gusto! I thought you were fun to be with, just like what Mitch told me earlier? Huwag kang party-pooper. Isang beses lang natin itong gagawin. Walang makakaalam."


"Di ako cheap gaya ng iniisip mo!" Galit kong sinagot. "I said no!"


"Come on, Andie, gusto ko maka-score sa iyo! Gusto kong mauna sa iyo!" His hand went downwards and caressed my bare thigh. Kinilabutan ako sa di-magandang paraan, at di ko na alam ang gagawin. Damn this miniskirt.


Ramdam ko ang dagundong sa aking dibdib. Hindi na ako makapagisip nang diretso dahil overpowered na ako ng lasing na si Val.


Next thing I know, he forced his lips on mine and kissed me hard. It went for seconds until I decided to snap out of it.


Mali ito, di dapat nangyayari ito.


I pushed him hard at nawalan ito ng balanse. Agad sumalampak si Val sa sahig at ito na ang pagkakataon ko para makalayo sa kanya.


I ran out of the Torralba mansion at dire-diretso akong tumakbo hanggang sa makatawid ako sa aming village. From there, I knocked at our gate and one of the househelper let me in.


"Ma'am Andie, ayos lang po kayo?" Nag-aalala niyang tanong nang makita niya akong humahangos papunta sa aming pintuan.


But I did not answer. I got in our house and ran all the way up the stairs to my bedroom.


Una akong nagpunta sa bathroom, kung saan ako naghilamos. I rubbed my lips, trying to erase that unwanted kiss.


Nang nabura na ang aking make-up, napaupo ako sa sahig at tuluyan nang humagulgol. Inilabas ko ang aking takot, galit, at pagsisisi mula sa nangyari kanina.


"Andie?"


Bumukas ang pintuan at tumambad sa akin si Ate Ranie, na suot ang kanyang pajama set.


"Ate, something bad happened at the Torralba mansion," kwento ko habang dumadaloy ang aking mga luha. "I... I got kissed and I did not like it. Pinilit akong makipag-make out ni Valentin Torralba, yung classmate ko, pero ayaw ko."


Isang malalim na kunot sa noo ang gumuhit sa mukha ni Ate Ranie. Nilapitan niya ako at lumuhod sa sahig para ako ay yakapin nang mahigpit.


"Ate, sorry, dapat di ako nagpunta doon," hikbi ko.


Nanahimik si Ate at tinulungan akong tumayo.


"Magbihis ka ng pants, pupunta tayo doon," utos niya.


"Huh?" Pagtataka ko sabay palis ng aking luha.


"Do as I say. We'll show that bastard that he can't mess with us."


A smile showed up on Ate Ranie's lips. Yung tipong ngiti na may binabalak na paghihiganti.


"Ate, baka balikan tayo," pag-aalinlangan ko.


"No, mali ang ginawa sa iyo. Gaganti tayo, ngayon din."


Minutes passed, and later, Ate Ranie and I walked all the way to the next village. Ate Ranie wore a jacket over her pajamas, while I was already in pants while wearing the track jacket earlier.


The moment we showed up at the gate of the Torralba residence, agad itong bumukas. And the person at the gate was none other than a drunk Valentin Torralba.


"Andie, siguro nagbago ang isip mo at gusto nang makipag-all the way sa akin," he laughed.


Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Agad na pumasok si Ate Ranie at sinuntok si Val sa may ilong. Dahil sa sobrang kalasingan, natumba ito at pasuray-suray na tumayo. Ngunit gumanti pa rin ng suntok si Ate Ranie at tuluyan na itong nawalan ng malay.


"Hoy ikaw, hindi basta-bastang babae ang kapatid ko!" Sigaw niya.


I looked around. A crowd of partygoers was starting to form by the mansion door, at isa na sa mga nanonood si Mitchell, na nakanganga habang nakita ang mga pangyayari.


"What is this commotion?!"


Lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng boses. May lalaking nakatayo doon, at may kasama itong babae. Kapwa sila may edad na at may buhat silang maleta.


Dito ko natanto na biglang umuwi ang mga magulang ni Val at nasaksihan ang lahat ng mga pangyayari.


A/N:

Problematic na friend si Mitchell, basta na lang nang-iwan imbes na samahan si Andie

G*go talaga si Val. Huwag kayong papayag na ganituhin kayo mga girls.
Guys like him exist. At di lahat ay kayang lumaban, ingat tayo.

At si Ate Ranie ay atapang-a-tao. Siya ang "hero" dito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top