/15/ Reality

"Last day mo na pala ngayon dito, Andie."


"Oo nga, Mina. Salamat sa inyong lahat. Salamat din sa cake roll."


Sa huling araw ko dito sa Luxe Records, nagpabili si Mina ng ube cake roll at nandito kami ngayon sa back office, kung saan kami nagmerienda.


"Mami-miss ko kayong lahat," ngiti ko sa kanila.


"Hindi ka ba pinayagan mag-duty ng tatay mo?" Tanong ni Abi sa akin, sabay subo ng cake.


"Marami akong subjects ngayong first sem, kaya malabo akong magkaroon ng weekend duty. Tapos may major subjects na rin," paliwanag ko. "Desisyon ko na rin iyon."


"Malay mo, sa sembreak, baka pwede," Mina assured me. "Andito lang kami."


"Oo nga."


"Pag-aaral muna ang asikasuhin mo. Pwede mo kaming dalawin dito anytime," Abi smiled. Ibinaba na niya ang paper plate ng cake at sinabing, "Doon na ako sa may cashier."


I stood up and hugged Abi. "Dadaan ako dito ah."


"Sure!" wika niya.


Pagkaalis ni Abi, dumating na sila Rex at Ben, at sila na ang umubos ng cake roll. Masaya naman ang naging usapan namin, at buti ay natigil na rin si Rex sa pang-aasar niya.


Nagpaalam na ako kina Rex at Mina pagkatapos.


"Sige, babalik din ako dito. Mangungumusta lang. Thank you sa lahat."


"Mamimiss ka namin," yakap ni Mina.


"Di ko malilimutan yung sa albums ni Julie Vega." Nakipag-high five sa akin si Rex. "Niligtas mo ang buong Luxe Records!"


"Alagaan mo iyan si Benjamin," biro ko.


"Akala ko ba may nag-aalaga na sa puso niya," ngisi ni Rex.


Umirap si Ben sa kanya sabay siko ng kanyang tagliran.


"Tol! Aray!" Pabirong sinuntok ni Rex si Ben. Natawa naman ang isa.


"Sige, aalis na ako."


"Bye Andie!" Pamamaalam ni Rex.


Sinulyapan ko si Ben, na matipid lang ngumiti sa akin. Tumango ako sa kanya sabay talikod na.


Nakalabas na ako ng Luxe Records at pilit itong hindi nililingon. Nakakainis na walang huling salita sa akin itong si Ben.


Isinantabi ko na lang ito at inisip na maghihintay ako sa opisina ni Daddy bago umalis mamaya. Nang makalabas na ako papunta sa kabilang building, narinig ko ang isang pamilyar na boses na tumatawag sa akin.


"Andie!"


I turned my head and saw Ben running towards me. Natigilan ako sa paglalakad at nang tumigil ito sa aking harapan, hinahabol niya ang kanyang hininga.


"Ito talaga, wala man lang sinabi sa akin kanina," panunumbat ko. "Tapos ngayon, hahabol-habol ka."


"Halika, doon tayo sa may car park. May pader doon na pwedeng tambayan."


"Okay," pagpayag ko.


Naglakad kami ni Benjamin papunta sa car park at nang makarating kami sa may tinibag na pader sa likuran nito, tanaw pala dito ang skyline ng mga buildings sa Makati.


"Wow, hindi ko ito alam ah," napangiti ako. "At sunset ulit, kulay orange ang langit, ang ganda!"


Nakatayo kami ni Ben at magkatabi kaming nakasandal sa may pader. Nakita kong naglabas siya ng isang stick ng sigarilyo. Inilawan niya ito gamit ang lighter at humithit siya nito pagkatapos.


"Pasubok nga niyan." Kukunin ko sana ang sigarilyo ngunit inilayo ni Ben ang kanyang kamay.


"Bawal ito sa iyo," mariin niyang paalala.


"Oh, bawal din naman iyan sa iyo! Bakit mo ginagawa?" Tinaasan ko siya ng kilay.


"Ngayon lang ulit ako nagsisigarilyo," sagot nito.


"Huwag kang lalapit sa akin, maaamoy kita."


Lumayo nga si Ben at matagal bago niya ako binalikan. Nang makabalik na ito, wala na ang sigarilyo, at may ningunguya na siyang chewing gum.


"May regalo ako sa iyo."


Mula sa kanyang belt bag ay may inilabas itong cassette tape. Inilagay niya ito sa aking kamay at hindi ko mapigilang ngumiti nang makita ito.


"First Love ni Julie Vega." Nag-uumapaw tuloy ako sa kaligayahan. "Pero gumastos ka talaga para dito?" Isinilid ko ang cassette tape sa loob ng aking tote bag.


"Regalo nga eh, wala akong pakialam kung ginastusan ko iyan. At ikaw ang naaalala ko sa mga awitin niya."


Nagkasalubong kami ng tingin, at ang lawak ng kanyang mga ngiti. Walang pag-aalinlangan akong napayakap sa kanya. I expected him to push me away, but instead, we remained that way for a long time; locked in each other's arms and me feeling his warmth.


I slowly broke away from him, remembering that we're just friends and nothing more. That's the reality now.


"Hindi pa naman tayo maghihiwalay nang tuluyan, bakit naluluha ka diyan?" Natatawa niyang puna.


Naramdaman ko ang pagtulo ng isang luha sa aking mata. Agad ko itong pinunasan at pilit na tumawa.


"Wala iyon, mami-miss ko kayong lahat," pagdadahilan ko.


"Mag-aral ka nang mabuti ah? Pero dumalaw ka rin sa records. At kapag may oras ako, aayain kita ulit sa overlooking ridge."


Ngumiti si Ben sa akin. Natutukso akong humalik sa kanya. Pero nahiya ako sa aking naiisip. Lalo na maayos ang pakitungo niya sa akin. Hindi siya bastos at presko.


"Oo, gagawin ko bilin mo," paninigurado ko.


"Baka may gusto ka pang hingin. Huwag lang bagay na may kaakibat na salapi," ngisi niya.


"Halik na lang!"


"Halik?" Kumunot ang noo ni Ben nang marinig niya ito.


Naku, bakit ba dumulas ang aking dila?


"Nakakahiya," napatakip ako ng mukha.


Nagulat na lang ako nang hinawi ni Ben ang aking mga kamay. Agad niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at akala ko ay tuluyan na niya akong mahahalikan. Ngunit inangat niya ang kanyang ulo at dumampi sa aking noo ang kanyang mga labi.


I was stunned the moment he did that. Speechless, I stared at him, and his lips spread into a knowing smile as he looked down at me. I let go of my hands from his grip, feeling my cheeks heating up.


"Akala mo sa mga labi? Hindi ah, ginagalang kita para gawin ko iyon sa iyo," pahayag niya.


Napabuntong-hininga tuloy ako. "Hay, akala ko pa naman!"


"Wholesome kiss na iyon, di ka pa nakontento? Pinagbigyan na kita!"


"Bad trip naman oh!"


Napasiko ako sa tagliran niya. Nagtawanan kami pagkatapos. Sa mga sandaling iyon, tumatak na sa isip ko na hindi kami magiging higit pa sa magkaibigan.


At doon na nga natapos ang aking summer job sa Luxe Records Bar.


Umuwi ako nang gabing iyon kasama ang aking ama. Ikinuwento ko ang lahat ng aking karanasan noong hapunan (maliban kay Ben), at masaya ako na proud sa akin sila Mommy at Daddy.


Ngunit nang mag-isa na ako sa kwarto, doon ko ulit naramdaman na mami-miss ko silang lahat.


Lalo na si Benjamin Robles.


Niyakap ko na lang ang aking unan. Kahit hindi ko nakuha ang isang mainit na halik mula sa kanya, natutuwa akong malaman na ginagalang niya ako bilang babae at kaibigan. Naka-score naman ako ng disenteng halik, okay na iyon.


But what frustrates me is, the idea that we could be something more. And yet I'm the only one feeling this way for him.


I'm the only one with that reality. That loving him seems right.


But it's not.


All because we live in different worlds. Not just with our social status, but also, with our feelings that are the complete opposite of each other.

---

Naghanda na ako para sa darating na pasukan. Sinamahan ako ni Ate Ranie sa bookstore para bumili ng mga kailangang gamit, mula yellow pad hanggang mga textbooks. Sa kabilang department store kami nagtungo, dahil doon may bookstore.


Pagkatapos namin mabayaran ang lahat, inaya niya ako sa ladies' section.


"Bakit, may event sa trabaho ninyo?" Tanong ko habang tumitingin si Ate sa isang hilera ng mga dresses.


"I'm going out on a date," kaswal niyang sagot sabay kuha ng isang blue sleeveless dress.


"What?" Napanganga ako sa kanya. "Wait, sino makaka-date mo?"


"Bagay ba?" Inangat ni Ate Ranie ang blue dress, na mukhang maiksi.


"Oo, basta ikaw may suot," ngiti ko.


Dinala ako ni Ate sa may fitting rooms at doon ko siya hinintay. Lumabas siya na suot na ang blue dress. Square ang neckline, A-line ang tabas nito, ang haba ay hanggang sa gitna ng hita, at may kasama pang pattered neck scarf.


"Iyan na lang, Ate." I gave her a thumbs up.


"Sige."


Nagpalit na si Ate Ranie ng kanyang sariling damit. Pagkatapos naming magbayad, patuloy ko siyang kinulit tungkol sa magiging date niya.


"Ate, sino ba kasi iyon?"


The moment we got in the car, Ate Ranie stepped on the pedal and we drove home.


"My date will be two weeks from now, on a Saturday night. It's one of the sons of dad's friends."


"Sigurado ka ba?" Judging from the look on my sister's face, mukhang napilitan lang siya. Nakakunot ang kanyang noo habang nagmamaneho.


"Oo, baka makatulong na makalimutan ko siya."


Nanahimik ako. I know how hard she's trying to forget her ex.


"Ate, you don't have to say yes kung ayaw mo," payo ko.


"Baka ito lang ang paraan para makausad ako kay Bestre," wika niya. "Baka hindi na siya buhay."


"Ate Ranie, ikaw ang nagsabi na maghintay ka for nine years. It's only the eighth year. Sulitin mo na. And while at it, do the things you want."


"Adie, baka ito ang makatulong sa akin. I know I don't know much about the guy I'm going to meet, but let's see what will happen. Let's hope it will be for the best."


Ate Ranie smiled at me and that ended our convo.


Kung alam niya lang, halos magkapareho na kami ng landas na tinatahak. Pareho kaming umiibig at umaasa sa wala. Yung sa akin, buhay pa, baka pwede pa. Yung kay Ate, hindi ko alam kung nasaan.

---

School week arrived, at napasabak na muli ako sa mga klase at school works.


As expected, kaklase ko si Valentin Torralba sa limang subjects. Buti na lang ay kasama ko rin si Demie sa mga subjects na iyon, kaya walang panahon si Val na pormahan ako.


Ipinakilala ko na rin si Val sa iba naming mga kaibigan.


"Hey, visit my house this Saturday," pag-aaya ni Val sa amin nila Demie at Mitchell. "We have a billiards table and a mini-bar."


"Sige!" Agad na pagpayag ni Mitchell. "Demie, Andie, sama kayo."


"Pass muna ako, may lakad kami ng pamilya," sagot ni Demie.


"So Andie will go instead," agad na sagot ni Val.


"Ah, kasi---" pag-aalinlangan ko.


"Yes na iyan!" Excited na sagot ni Mitchell. "Wala ka naman lakad that day, eh di sama ka na!"


"Sasama iyan, I'm personally inviting her," Val winked at me.


I sighed. Pagbibigayan ko na rin ito, just this once.


Saturday came, and I found out that it's also Ate Ranie's date night. Ako na ang nag-make up sa kanya.


"Okay na iyan," ika ko while studying her face. I placed light brown eyeshadow on her and reddish lipstick. I straightened out her hair before that, at bagay sa kanya ang nakalugay ang buhok.


"Thanks!" Ate stood up smilingly in her short blue dress. "Wait, bakit pormado ka rin?"


She eyed my pink and white track jacket and mini skirt ensemble. I even wore white heart earrings and high cut white sneakers. Bagong gupit din ako at naka-half ponytail ang buhok.


"Inaya lang ako ng bago kong kaibigan sa party nila sa bahay," sagot ko.


"Bakit parang napilitan ka rin lang?" Kumunot ang noo ni Ate.


"Para di na ako kulitin pagkatapos," I rolled my eyes.


Ate Ranie laughed and enveloped me in a hug.


"Let's enjoy our night. Take care ah. And kung di mo na gusto, feel free to walk out," payo nito.


"Ikaw rin, kapag nabagot ka na sa date mo, umalis ka na," tawa ko.


Lumabas na si Ate Ranie sa aking kwarto.


I felt uneasy about going to Val's house. Walking distance lang ito at kahit sa kabilang village lang, parang ayoko nang ituloy.


I took a deep breath. Baka napapraning lang ako. Sige na, pagbibigayan ko na si Val, kahit ngayon lang.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top