/11/ In a new light

"I'm glad to know you are enjoying your summer job, Adie."


"Surely. Hindi ko ito inaakala."


I smiled at my Dad as I placed a forkful of spaghetti in my mouth. Tinupad nga ng aking ama ang kanyang pangako na kakain kami ng pananghalian sa paborito kong spaghetti house sa may Ermita, Manila.


At gaya ng napag-usapan, hindi kasama si Ate Ranie. Siya na mismo ang tumanggi dahil gabi na siya nakauwi at gusto pa niyang matulog hanggang tanghali.


"Baka naman dahil sa Sir Benjamin na kinukwento mo," biro ng aking ama.


"Dad! Hindi naman!" Natawa ako sabay inom ng tubig. I looked at my father's face across from me, a knowing smile forming on his lips.


"Hindi naman kita pinagbabawalan magkaroon ng crushes, ang sa akin lang, huwag magmadali na pumasok sa isang relasyon," paalala niya. "You and your sister are grown ladies now. Naaalala ko kayo sa awitin ng The Lettermen, ang Morning Girl."


"Your favorite song," ngiti ko. "But I'm not in a hurry, Dad. Having a relationship is far from my mind. Also, I don't want to be..."


Nag-alinlangan ako sa naiisip. My father finished it for me instead.


"To be like your Ate?" tanong niya.


I nodded at him.


"Magkaiba kayo ng kapalaran. Hindi porke't nangyari sa kanya ang isang heartbreak, ibig sabihin, mangyayari rin ito sa iyo. Though heartbreaks are a part of life," wika niya.


"Pero kayo ni Mommy, nagkatuluyan," seryoso kong sagot. "Sana may mahanap din iba si Ate Ranie, so she won't pin over her ex. We don't know if he's already gone."

"I understand your concern towards your Ate," tumango si Dad. "But it's her choice if she wants to continue waiting. Let's respect her for it. She's strong."


"Okay."


Natapos ang aming pananghalian at ipinasyal pa ako ni Dad. We drove to Greenhills right after, where we stopped at Uni-Mart to buy some snacks to take home. Dumaan din kami sa loob ng Virra Mall at tumingin ng mga damit, comic books, at gift items. For once, it was just us talking about comic books, music, and clothing styles. I'm glad he's my dad today and not dad the businessman.


We ended the day with a snack at Dunkin Donuts. Bumili na rin kami ng dalawang kahon ng donuts para pasalubong. At nang makauwi kami, tuwang-tuwa sila Mommy at Ate, pati na rin ang aming mga kasambahay, dahil sa regalo namin sa kanila.


For once, I did not think of Ben, but as I lay down in bed that night, alone in my room, napuno ako ng kaba at galak.


Monday finally came, and I went to work prepared and kind of excited.


Nothing interesting happened, except that Ben was indeed much nicer to me today. Dumating sila ni Rex na may deliveries ng mga plaka at cassette tapes. Tinulungan pa nga ako ni Ben na maglagay nito sa mga shelves.


"Salamat," matipid akong ngumiti sa kanya.



"Wala iyon. Sandali, kumain ka na ba?" tanong niya.



"Hindi pa. Ako pa ang nag-a-assist dito para sa mga customers, mamaya na lang."


"Hi Miss, may album kayo ng First Love ni Julie Vega?"

 

Nilapitan kami ni Ben ng tatlong dalaga. Sabay namin silang tinuro sa shelf ng OPM records, kung saan nandoon ang nasabing album.



"Bagong stocks iyan," sagot ni Ben sa kanila. "Ayan, tig-isa kayo, kung gusto niyo."



Masaya silang kumuha ng cassette tape ng First Love. "Salamat!" ngiti ng isa sa amin.



"Walang ano man," ngiti ko rin.



Kapwa sila nagbayad ng kanilang pinamili sa cashier, at nang paalis na sila, narinig ko ang kanilang usapan.



"Nasa ospital pa rin si Julie, sana gumaling na siya."



"Ano ba naging sakit niya?"


"Hindi pa rin alam eh."


Nang makaalis na sila, naikwento ko kay Ben, "Pitong tao na ang naghahanap ng album ni Julie Vega magmula kanina."


"Mukhang ito ang magiging mabenta ngayong buwan ng Mayo," pagsang-ayon ni Ben sa akin. "Ano kayang nangyari doon? Di ako mahilig sa artista, pero nakapagtataka. Ayon sa balita, hindi maipaliwanag ang nangyari sa kanya."


"Sana nga gumaling na siya," tugon ko.


"Kain na tayo, pwede nang magpaalam kay Mina," pag-aaya ni Ben.



Lumapit kami kay Mina sa back office, at hindi mapinta ang kanyang kaligayahan nang sabihin namin na out for break na kami.



"Sige lang, basta bumalik kayo after one hour," bilin niya. The smile on her face was priceless.


"We're not dating yet," paalala ko.


"Nahalata mo ang ngiti ko," nahihiyang sagot ni Mina.



"Kakain lang kami," tugon ni Ben. "Makaalis na nga, itong isang ito, masyadong kinikilig."



"Bye Mina!" Pamamaalam ko.



Kapwa kami umalis ni Ben at dinala niya ako sa isang malapit na karinderya. Dito rin kumakain ang ibang empleyado ng Luxuriant at ang mga kalapit na malls nito.


"Ako na ang bibili, maghintay ka lang dito sa labas," ika ni Ben nang nakatayo na kami sa harapan ng isang eatery. Sinilip ko ang loob at puno nga ito ng mga parokyanong kumakain ng pananghalian.


"Anong gusto mong ulam?" tanong niya.


"Kahit ano, basta kanin at ulam," ika ko. "Di ako maarte sa pagkain, kahit na mayaman ako."


Tumango na lang si Ben at pumasok sa loob para bumili. Maya-maya ay nakalabas na rin ito na may dalang malaking plastic na naglalaman ng dalawang styrofoam na lalagyan. Sa kabilang kamay ay may hawak siya na dalawang bote ng soft drinks na may straw.


Inabot ko ang isang bote ng soft drinks at tinanong siya. "Saan tayo kakain?"




"May alam akong lugar, sumunod ka lang."



Imbes na sa ruta na papuntang Luxuriant, dinala ako ni Ben sa katabing mall. Nagpunta kami sa may parking lot sa likuran nito, at laking gulat ko nang makita na may espasyo pala para dito.

 

May bubungan ang dining area. Napapaligiran ito ng mga karinderya sa paligid, at may mga lamesa at upuan din na gawa sa kahoy.



Naupo si Ben sa may dulo, at pinili kong maupo sa harapan niya. Tanaw dito ang mga nakaparadang sasakyan at ang mga empleyado ng katabing mall na kumakain. May namataan din akong mga salesgirls na suot ang uniporme ng Luxuriant.



"May canteen sa loob ng Luxuriant, para sa mga empleyado. Pero mas gusto ko dito," kwento ni Ben habang nilapag niya ang styrofoam ng ulam sa aking harapan. Binuksan ko ito, at natuwa ko nang malaman na kanin at adobong manok ang ulam. May kasama na rin itong plastic fork at spoon sa loob.


"Wow, adobo!" ngiti ko. Nanalangin muna ako bago kumain at dito ko sinimulan na lasapin ang aking ulam.


"Nagustuhan ni Princess Diana ah."



Napatingin ako kay Ben habang nagsisimula na rin siyang kumain. Halata pa rin ang ngiting di niya maitago.

 

"Sabi ko sa iyo, marunong akong makibagay." Sumubo ako ng aking ulam at kanin. "Kita mo, ang lakas kong kumain!"



Nang malulon ko na ang aking pagkain, sumimsim ako ng softdrinks gamit ang straw. Nagulat na lang ako nang inilapit ni Ben ang kanyang kamay sa aking mukha at may pinahid sa aking pisngi gamit ang table napkin.



"May kanin kang naiwan sa may pisngi mo, pinunasan ko lang."



Agad siyang bumalik sa kanyang upuan, habang natulala ako sa ginawa niya.

 

"Nasarapan lang ako sa adobo." Pinilit kong ngumiti sa gitna ng aking pagka-ilang.


"Ito talaga, parang di ka umangkas sa akin noong Sabado," natawa si Ben.



"Di ako kinilig doon, uy!" Pagtanggi ko.



Mas natawa pa si Ben. Abot-mata ito gaya ng nakita ko sa kanya sa bahay nila Rex. I felt something flutter in my chest, one that I could never say out loud.



Nang makita niya na tapos na akong kumain, tumayo na si Ben at inaya na akong bumalik sa Luxuriant. All the while, I acted as normal as I could, even as I now see him in a new light. I just laughed along with him while we joked together.


---

Kinabukasan, Martes, pumasok ako sa Luxuriant at napansin ang kakaibang katahimikan sa paligid. Usually kapag bukas na ang stores, nagsisimula nang magsipasukan ang mga mamimili at puno ng ingay at usapan galing sa mga staff ng department store.



Napadaan ako sa accessories section at napansin ang dalawang sales lady sa gilid. Nakaupo ang isa malapit sa may counter ng mga alahas at parang pinapatahan ng kanyang kasama.



"Huwag ka nang umiyak diyan, April. Sige ka, masisira make up mo."



"Hindi ko mapigilang umiyak, Pat. Pasensiya na."



Lumapit ako sa kanila para mag-usisa. "Hi, anong nangyari sa kanya? Nasisante ba?"


Napatingin sa akin sila Pat at April.


"Hi, uy, ikaw pala, Miss Miranda," pilit ngumiti si Pat.



"Kilala mo pala ako," napangiti ako.



"Siyempre, kilala ka na dito!" Natawa si Pat.



"Anong nangyari diyan?" Pinagmasdan ko si April at nakita ang sira niyang mascara dahil namumugto na ang mga mata niya sa kakaiyak.



"Hindi ako nasisante," hikbi ni April sabay punas ng luha gamit ang kanyang panyo. "Ano... Namatay na kasi si..."



"Si Julie Vega, namatay," sagot ni Pat para sa kanya. "Yung artista."



"Huh? Yung singer?" Kumunot ang aking noo. "May dumaan sa amin, kakabili lang ng cassette tapes niya kahapon."



"Paki-reserve ako ng plaka niya," pakiusap ni April sabay tayo sa kanyang kinauupuan. "Ang bata niya para mamatay. Paboritong artista ko pa naman siya."



At napahagulgol ulit ito habang pinapakalma siya ni Pat.



"Daan ka na lang mamaya sa amin," bilin ko. "Sige, mauna na ako. Bye."



"Salamat Miss Miranda!" Si Pat.



Nang makapasok ako sa Luxe Records, nagkukumpulan ang aking mga kasamahan.



"Andito na si Andie!" Tawag ni Rex. "Halika dito, short meeting lang."



"Tungkol ba ito sa pagkamatay ni Julie Vega?" Tanong ko at lumapit ako sa kanila.



"Oo," sagot ni Mina. "Sa katunayan nga, nakapila ang fans niya sa labas. Gusto bilhin ang album niya pero kulang na ang stocks natin."



"Ilan ang nakapila?" Tanong ko.



"Mga trentang tao siguro," sagot ni Abi. "Di pa sila pinapapasok ng guard dito dahil baka magkagulo."


"Pero ang natira lang sa atin, mula noong Biyernes, pitong cassette tapes at sampung plaka. Paano na ito, anong gagawin natin?" Pag-aalala ni Mina.



"Wala bang paraan para ma-replenish ang mga records? Pwede ko puntahan si Kuya Nixon," pagpresenta ko. "Baka matawagan ang supplier nito."



"Kakadala lang nila sa atin ng albums pati sa kabilang mall. Narinig ko, andoon din ibang mamimili at nagkakaubusan na sila doon," sagot ni Mina.



"May paraan ba para mapakalma ang mga tao?" Tanong ni Rex.



Tinignan ko si Ben, na parang malalim ang iniisip.



"May suggestion ka ba?" Tanong ko kay Ben.


"Paano kaya kung first fifteen na katao muna, sila ang bigyan?" Suhestiyon ni Abi.



"Pero paano yung next fifteen na katao na naghihintay?" Tanong pabalik ni Mina. "At sigurado, dadami pa ang mga nakapila."



"Subukan kong kausapin si Kuya Nixon," ika ko. "Sandali, babalik ako. May naisip akong ideya."



At agad akong kumaripas ng takbo papalabas ng department store.

 

Sana magbunga ang plano kong ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top