Chapter 9
Chapter 9
My head was pounding as though it would suddenly detonate. I'm physically stagnant until we have completed the last step of our enrollment process. Ganito talaga ang nangyayari sa akin sa tuwing hindi nakakakain ng mabigat sa tiyan na almusal.
Bukod sa nakita kami ni Mama at wala naman akong mukhang maihaharap sa kanila, dumating na rin agad si Dwight dahil sa napag-usapan naming oras. Pinapasok ko muna siya at saglit na ipinakilala kay Mama bago kami umalis.
Although Mama knows I slack off whenever I skip breakfast, she had no choice but to let us go, or we'll be late. At bakit naman ako papayag pa lalong makasama sila sa breakfast kung nandoon din sina Tito Miko at Tita Dias? The former and Papa will just make the whole breakfast in chaos if they're together.
"Dapat ay dumaan talaga muna tayo kahit sa drive thru. Namumutla ka na, Izzy," nag-aalalang untag ni Dwight habang naglalakad kami palabas ng ICT Unit.
Nagbaon naman ako ng sandwich at saging na kinain ko sa sasakyan niya kanina. Problema lang dahil hindi talaga sapat iyon sa akin para sa almusal.
"Punta na muna tayong Dagohoy para kumain..." he said when I didn't speak.
Mag-aalas dose na kaya tumitirik na ang araw na nakapagdagdag sakit sa ulo ko. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng jeans at ginawang pamaypay sa akin.
"Sorry, I forgot to bring an umbrella."
I smiled faintly. "Ayos lang."
He softly grasped my arm to support me even though I could carry on alone. Ang hawak niyang envelope ay ipinatong niya sa ulo ko para magsilbing panangga sa araw kahit paano.
Malawak ang UdLAT pero hindi rin naman imposible na may makasalubong kaming kakilala rito. Unibersidad de La Trinidad is a state university that offers low tuition, one of the best options for students who are financially challenged or unable to pass the entrance exams of any other state university that has no tuition at all.
Ang alam ko ay meron namang scholarship program ang UdLAT para sa mga estudyanteng nais talagang walang bayaran na tuition at para magkaroon ng allowance every month. There are also other Student Financial Assistance or scholarship programs you can apply to as long as you meet the requirement.
Currently, there are many opportunities for students that will let them enjoy and maximize free, good, and even high quality education. Nasa estudyante naman iyon kung gustong pumasok sa university nang libre, may kaunting babayaran, o 'yong may pangmalakasang tuition every sem.
Hindi naman kami sobrang yaman kaya mas mabuti na ring maging praktikal sa pagpili ng papasukan. Plus, nandito rin naman ang gusto kong kurso kaya ayos na ako rito.
"Narinig ko kanina sa pila roon sa main building, nagkakaubusan na raw ng slot for Accountancy. Grabe, 'no? Balita ko ay mahigit dalawampu na ang section para sa program na 'yan pero paubos na. May susunod pa namang batch sa atin."
Madaldal na ako ulit dahil nakakain na kami rito sa Dagohoy. It is an open area at the university where you can choose what to eat from various stalls. Sementado ang mga upuan at mesa na gamit dito at may mga puno naman kaya kahit paano ay may masisilungan.
May mismong canteen naman ang unibersidad pero mas malayo iyon mula sa ICTU kung saan kami nanggaling kanina. Sabi rin ni Harley ay mas mura at mas maraming pagpipiliang pagkain dito sa Dagohoy kaysa sa canteen.
"Disadvantage talaga iyon para sa mga mahuhuling batch sa enrollment. Base pa naman sa result ng UdLATET ang schedule mo kaya mauuna talaga ang mga nakakuha ng matataas na score."
Ipinatong ko ang siko sa mesa at bahagyang humilig. "Ano kayang mangyayari kapag hindi nila nakuha ang degree program na gusto nila? Lilipat sila ng school o ibang program na lang ang iti-take?"
Umangat ang kanyang balikat. "I'm sure many aspiring professionals considered UdLAT as their dream school because of its reputation. Kung ikaw ang papipiliin, dream school o dream program?"
Natigilan ako roon at napaisip. Well, I couldn't say that UdLAT is my dream school but it offers my first choice of degree program so it's still a win-win situation.
Paano nga kaya 'yong iba na nakapasok nga sa dream school nila pero hindi naman nakuha ang dream course? Puwede namang mag-take ng ibang kurso ngayon at mag-shift next academic year. But one of the disadvantages is that you will be back to being a freshman.
Kung lilipat naman ng school pero same program next academic year, magiging irregular student lang siguro pero hindi babalik sa first year. Hindi naman kasi pare-pareho ang subject na meron ang bawat unibersidad per sem at buong academic year.
"I'll choose my dream program if it were me," I told him.
Ngumiti siya. "Bakit ka nag-take ng HUMSS instead of ABM noong senior high?"
"Kasi kaunti lang ang math kumpara sa ABM?" patanong kong sagot.
He chuckled and sipped on his lemon juice. "And Hospitality Management still has math. Magti-take ka pa tuloy ng bridging subjects."
I sagged my shoulder with a long sigh. I know. Hindi ko iyon masyadong inisip noong senior high at nitong mga nakaraang buwan lang nag-sink in sa akin ang mangyayari.
Ayan, Izzy, petiks petiks ka pa noong high school, ha? Hindi mo pa pinag-isipan nang maayos ang kinuha mong strand noong SHS.
"Pero kung tutuusin, tatlong strand talaga ang puwedeng ilinya sa HM. If you're focusing more on financial, management or business skills, then go for ABM. If you want to enhance your communication and social skills which is very essential in hospitality industry, choose HUMSS. Pero kung more on technical skills ka like cooking, baking, housekeeping, or bartending, puwede rin sa TVL. May advantage ka pa rin sa specific field kahit anong piliin mo," sabi ko.
"What's more important is that you enjoy or like what you're doing. It is also good to take at least one opportunity that is not really our specialty. Who knows... we might discover our hidden talent or skill because of that?"
Tumango-tango ako sa sinabi niya. I played with my hair as my lips kissed the straw of my fruit shake.
"They say SHS is a stepping stone to your college hence choose the best track and strand aligned to your dream course. Tama naman. But come to think of it, hindi naman lahat ng kumuha sa strand nila noong senior high ay nakalinya sa kursong kinuha o kukunin nila sa college..."
Tinuro ko ang sarili at bahagyang tumawa bago inilabas ang straw sa bibig. "Count me in."
"Senior High School is not just a stepping stone but it also serves as a medium for students to establish, enhance or discover new skills—their capability as a whole—and to ensure if you are really fit with what you're planning to take in college."
"A change of heart," I mumbled and gazed at him.
"Hmm?" Tumaas ang kilay niya.
I squared my shoulders and scanned the area.
"Minsan akala mo rin sigurado ka na sa desisyon mo pero pagdating ng panahon, mapagtatanto mong hindi pala. Sa loob ng dalawang taon mo sa senior high, maraming puwedeng magbago pero dalawa lang ang sigurado: you continue on your track or you'll have a change of heart."
Kaya walang tama o mali sa pagpili ng track at strand sa senior high. Kung hindi ka pa sigurado, ayos lang. Hindi naman titigil ang pag-aaral at pagkatuto sa senior high. Hindi naman ang kinuha mong strand sa SHS at program sa college ang magiging basehan ng pagiging successful sa hinaharap.
Pero ano nga ba ang basehan ng pagiging successful? Matataas na grade? Maraming medalya? Magandang trabaho? Mataas na suweldo? May negosyo? May magandang bahay at kotse?
Puwedeng ang mga bagay na 'yan, puwede ring hindi. Different people, different basis and definition of success and being successful.
Kaya nga tuwing ipinakikita ko ang report card ko kina Mama at Papa, lagi kong sinasabi na, "Grades don't define me and it's not the basis of my success in the future."
Pero todo review pa rin tuwing major exams at takot bumagsak.
"Gusto mong maglibot-libot muna sa campus?" Dwight suggested after we entirely consumed our food.
Kinuha ko ang plastic ng binili namin at inilagay sa loob ang mga disposable meal box na nagamit namin. Kinuha niya naman ang mga pinag-inuman at iba pang basura sa table namin.
"Puwede rin? Wala naman akong gagawin ngayon."
Tumayo na siya sa inuupuan at kinuha mula sa akin ang plastic na hawak. Siya na nga rin ang naghawak ng envelope naming dalawa. We went to the nearest trash can to dispatch the garbage.
Nakakalungkot lang dahil kahit may basurahan na sa lugar, may iba pa rin talagang iniiwanan ang kalat nila sa mesa at sa daan. Kahit may tagalinis naman dito, dapat matuto tayong magtapon kahit ng sarili nating basura sa tamang tapunan.
Sobrang bigat ba ng basura? Hindi naman, 'di ba?
"Puntahan kaya muna natin 'yong building ng CTHM? Para hindi na rin tayo mahirapang maghanap ng room sa pasukan."
He glanced at me sidewards with a twitting look. "Natututo ka na yata. Ayaw mo nang maligaw ulit tulad noong Grade 7 tayo?"
I mused at his words, and when I grasped what he meant, my hand instantly flew to his arm.
"Grabe ka! Naalala mo pa 'yon?"
Humalakhak siya. "Sinong hindi makakalimot doon? Nakipagtalo ka pa sa mga nasa science special class—"
"Malay ko ba naman!" putol ko sa kanya habang nag-iinit ang pisngi. "Section 1 daw sila, e, Section 1 din tayo noon."
"Section 1 of special science class nga lang sila." He was still chuckling.
Ngumuso ako.
Dalawang section kasi ang SSC na meron sa school namin noon kaya pala may section 1 at 2 dahil marami ang mga gifted learner. Sana all na lang talaga. Sayang lang at ayaw ni Ral na pumasok doon at mas pinili ang regular class. Pero siguro, dahil ayaw rin niya na pine-pressure. Gusto niyang kusa siyang nag-aaral in advance.
"Wait... CR muna ako," pigil ko sa kanya nang nadaanan namin ang common restroom.
Tumango siya at tumigil sa paglalakad. "Hintayin kita rito."
"Hindi ka magbabanyo?"
Nag-isip pa siya bago tumango. Tumawa ako at tinapik siya sa balikat bago pumasok ng banyo.
Maayos naman ang loob at maraming cubicle. May mahabang sink at salamin din na talagang hindi puwedeng mawala sa banyo para sa akin. Medyo marumi lang ang sahig dahil basa iyon.
I entered one unoccupied cubicle and made sure to lock it. Isinabit ko ang bag sa hook na nakadikit sa itaas ng pinto bago binuksan ang butones ng jeans ko.
I used the bidet to wash off the invisible dirt on the toilet bowl's mouth without sprinkling too much water on the floor. Pinupunasan ko pa minsan iyan ng tissue kapag meron pero dahil wala, ayos na ang tubig.
Saktong natapos ako nang tumunog ang phone ko mula sa bag. Pinindot ko ang flush at agad na kinuha na ang bag para lumabas ng cubicle. Hindi ko nasagot agad ang tawag dahil naghugas ako ng kamay. Nang natapos sa pagpapatuyo ng kamay ay nakita kong si Ral pala ang tumawag sa akin.
"Oh?" I greeted him when I finally answered his second attempt.
Naglakad na ako palabas ng banyo at namataan agad si Dwight. Nakasandal siya sa pader na nakapagitan sa dalawang banyo.
"Tapos ka na mag-enroll, Ate Izzy?"
I could discern the curiosity in Dwight's eyes. I mouthed my brother's name before I tilted my chin to the direction ahead of us. Nagsimula na akong maglakad at nakita ko naman ang pagsunod niya sa akin.
"Oo, bakit?"
"Uwi ka raw po agad sabi ni Papa. May importanteng pag-uusapan."
Kumunot ang noo ko. Ayan na naman ang araw. As if on cue, Dwight put the envelope above me again to mildly protect my head and eyes from the scorching sunray.
"Thanks," I whispered and glanced at him.
He only smiled.
"Anong thanks, Ate? Huh?" Puno ng pagtataka ang boses ni Ral.
"Ano raw ang pag-uusapan?"
It's Saturday, and if my father wanted me to go home early to discuss something, it only meant he didn't go to work today.
Anyhow, it's his own engineering services company. It was established eight years ago after working from another company. Kung ayaw niyang pumasok, hindi naman siya mawawalan ng trabaho at hindi rin naman malaking kawalan na wala siya sa mismong site o opisina ng isang araw.
"I'm not sure. Basta uwi ka raw agad..."
"Hindi puwedeng mamaya na?"
"Ikaw bahala."
Bigla kong naisip ang nangyari kanina. Is it about what Mama saw between Axe and I? Nasa bahay rin namin ang parents niya kaya baka iyon ang dahilan kung bakit hindi pumasok si Papa sa trabaho?
"Paano kung ayaw ko?"
"Ikaw bahala."
The side of my lips curved down. Bihira lang talagang namimilit 'tong kapatid ko at ewan ko ba, naiinis nga ako minsan kasi ang dali niyang kausap.
Kapag ayaw mo, e 'di huwag. Ganoon siya. Siya 'yong tipong 'take it or leave it' sa mga bagay-bagay.
Sinusundan ko lang si Dwight dahil naka-focus ako masyado sa pakikipag-usap.
"Nandiyan pa ba sina Tito Miko?"
Mga ilang segundo bago ko narinig ang boses niya. "Opo."
Matunog akong napabuga ng hangin. I guess I really know what we're gonna talk about. Mas mabuti nga siguro na pag-usapan na rin namin ang bagay na iyon para maging clear na ang lahat.
Ibinaba niya na ang tawag pagkatapos magpaalam. The equivocal dejection shadowed in Dwight's eyes when I told him I needed to go home early due to urgent matter.
I didn't want to bother him by sending me home but he was so persistent. Nagkuwentuhan lang naman kami tungkol sa nangyari noong senior high namin habang nasa biyahe.
The moment of silence engulfed us as we approached our house's street. Nasa labas ang tingin ko kaya naman habang palapit kami nang palapit sa bahay ay paliit naman nang paliit ang mata ko.
Until it widened when his car stopped in front of our gate. Axasiel was leaning against the gate's wall and his hands were inserted in his pockets. Ang mga mata niya ay nasa bintana kung nasaan ako nakapuwesto.
If it's not for the window as a barrier, I would've seen him looking straight at me. Tumuwid siya ng tayo at halatang nag-aabang na lumabas ako ng sasakyan.
"Izzy?"
Bahagya akong napaigtad nang hawakan ni Dwight ang balikat ko. Napalingon ako sa kanya at alanganing ngumiti.
"Salamat sa paghatid, Dwight..."
Lumabas siya ng sasakyan habang tinatanggal ko ang seatbelt sa upuan ko. Binuksan niya ang pinto sa tabi ko para sa akin kaya lumabas na ako.
"Thank you," I uttered and flickered my eyes in Axe's direction.
He was watching us keenly while nibbling his bottom lip. Bakit ba nandiyan siya? Hindi ba siya naiinitan sa init ng araw? Kailangan bang manood din?
"You're welcome. Una na ako," ani Dwight at humakbang palapit sa akin.
Napaatras ako sa gulat kaya napadikit ako sa sasakyan niya. Bahagya ring nanlaki ang mata niya sa naging reaksyon ko at agad na umatras.
What was that?
"I-ingat ka."
Tumango siya. Nanatili ako sa kinatatayuan habang tinatanaw palayo ang sasakyan niya. Kahit nawala na iyon sa paningin ko ay hindi pa rin ako gumagalaw sa puwesto. Kahit mainit.
Bakit ba kasi nandiyan si Axe?
At bakit ba masyado akong apektado sa presensiya niya? Puwede ko naman siyang hindi pansinin at dumiretso na sa loob, hindi ba?
"Ate Izzy," he called my name gently.
Nayakap ko ang hawak na envelope at sa wakas ay hinarap siya. He was only a meter away from me.
Ngumiti ako sa kanya. "Mainit dito sa labas, Axe. Pasok muna tayo—"
Umangat ang balikat ko sa pagkabigla nang hawakan niya ang aking pulso. My lips went ajar when he started dragging me across the street. My mind was still in dazed that I didn't realize we were already inside his house!
Pagkasara niya ng pinto ay marahas kong binawi ang kamay mula sa kanya. My chest was rising in haste and I could feel my ears burning.
"Axasiel, ano bang problema mo?" sigaw ko sa kanya.
The reflection of melancholy in his glistening brown orbs inflicted a subtle blow within me. Natutop ko ang bibig at agad pinagsisihan ang ginawang pagtaas ng boses sa kanya.
"Gusto mo ba siya, Ate Izzy?" His voice was almost inaudible.
Ayaw kong magbulag-bulagan sa mga ikinikilos niya. Hindi rin naman ako tanga para hindi malaman ang tinutukoy niya. Kung sino ang tinutukoy niya.
Nang tinanggihan ko ang ibinigay niya noon, hindi pa ba halata ang gusto kong iparating sa kanya? Hindi rin naman na kami nagkikita at nag-uusap noong summer kaya bakit ngayon, ganito na naman ang ikinikilos niya sa akin?
"Paano kung gusto ko nga siya?"
The instant regret and remorse glimmered in his eyes. Namumula na iyon tulad ng kanyang labing hinuli ng kanyang mga ngipin.
"Gusto po kita..." His voice cracked. "Gustong-gusto kita, Ate Izzy..."
Napapikit ako at nasapo ang noo. My throat was clogged that I couldn't breathe properly.
There. He finally said it. Anong gagawin mo ngayon, Izzy? He's my brother's best friend. I treated him like my younger brother but now that I confirmed he didn't see me the same way I do to him, I don't know what to do.
Dumilat ako at naabutang nakatitig pa rin siya sa akin gamit ang mga matang iyon. Mga matang ang bilis makapagpalusaw sa isang tao.
"Axe..." I sighed in frustration. "I'm... too old for you. Kapatid ako ng kaibigan mo. Hindi puwede..."
Now I wonder if Ral's aware of Axe's feelings toward me.
"Ayaw mo ba sa... mas bata?"
Napalunok ako sa tanong niya. "Ayaw ko sa mas bata."
Paulit-ulit kong nang sinasabihan ang sarili sa isipan. Puso ay ingatan; bata ay iwasan.
"Pero hindi naman na ako bata," he said in a low voice.
Binalot kami ng katahimikan. I was thinking of some other reasons for him to stop liking me. I'm sure it's just a crush. Hanga lang. Hindi naman ito malalim. Kasi kung malalim na... baka pareho lang kaming mahirapan.
"You're still a kid for me, Axe. Crush lang siguro 'yan kaya mawawala rin agad..."
"How can it be just a crush if I always have my eyes on you since the first time you were introduced to me?"
Nagulat ako sa pagbabago ng kanyang tono. It was adamant and cold unlike his usual gentle voice. Pero ang mga mata niya... ganoon pa rin. Nakakatunaw habang nakatitig sa akin.
Umigting ang panga ko at humakbang palapit sa kanya. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang bitiwan ko ang envelope at hinawakan ang kanyang balikat.
I shut my eyes close and tiptoed to reach his lips. My stomach clenched upon kissing him softly. Naramdaman ko rin ang paninigas ng kanyang katawan dahil sa ginawa ko.
Agad din akong humiwalay sa kanya at dumilat. The transparency of his spheres never failed me to see the extreme astonishment in them. His cheeks and ears were bleeding red.
"If it's not a crush, then it's just lust, Axe," malamig kong sinabi.
Yumuko siya para harapin ako. Halos makuryente ako nang maramdaman ang mainit niyang palad na gumapang sa gilid ng aking leeg. His eyes darkened as they pierced through me.
"That's not how you should kiss me if you want to prove my feelings wrong, Ate."
Before I could even react, he had already crashed his lips against mine. This time, it's not just a smack like what I did. It was way bold and stimulating... that I lost my rational judgment and let myself go with the damn flow.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top