Chapter 8

Chapter 8

Hindi kami pinalaki ng magulang ko na mahilig magmura pero hindi ibig sabihin ay hindi na rin ako nakapagsasalita o nakagagawa ng hindi maganda. Hindi rin ibig sabihin na nagmura ka, masama ka na agad.

It's just sad that this world is full of individuals who, no matter what you say and do, are going to judge you. Hindi totoong sa paligsahan lang may hurado at sa korte lang may hukom dahil lahat tayo, tagahatol sa kapwa natin tao.

Sabi noon sa akin ni Mama, kapag ang tao ay nag-mature na, hindi na sila basta-basta nanghuhusga dahil mas bukas at malawak na ang isipan nila.

I can't say I'm mature enough not to judge other people but as much as possible, I prevent myself from doing so. Kasi ano ba naman ang mapapala ko kung manghuhusga lang ako lagi ng ibang tao? Hindi na nga ako matalino, puro negatibo at ka-toxic-an pa ang iisipin ko.

Waste of time.

"Saan ka magka-college ngayon, Dwight? Sa Unibersidad de la Trinidad papasok si Izzy!" Harley was so enthusiastic while talking to him.

Like what I just said, I don't usually cuss. Mahal ko naman si Harley pero puwede bang murahin ko rin? Kahit isa lang?

"Really? Doon din ako papasok ngayong academic year. What program are you planning to take, Izzy?" Dwight asked beside me.

Ang sarap lang talaga murahin ni Harley pero hindi ko magawa. Especially not when Dwight is here. Bakit ba kasi niyaya ni Harley ang isang 'yan at pumayag naman ito?

Papunta kami ngayon sa Timezone kung nasaan ang apat. Muntik ko na ngang makalimutan kung bakit kami nandito dahil kay Dwight.

"Uh... Hospitality Management." I swallowed. "Ikaw?"

Matangkad lang yata ng isa o dalawang pulgada sa akin si Dwight. He was my classmate in junior high but we were not really close. His hair reminds me of our elementary and junior high school years when they were required to have clean-cut hair.

He's sporty and he has... chinky brown eyes. Iyon ang pinakagusto ko sa isang lalaki. Chinito. 'Yong tipong kapag ngingiti o tatawa, nawawala ang mga mata.

"Oh? E 'di nasa iisang department lang pala tayo kung nagkataon. I'll take Tourism Management," manghang aniya at ngumiti.

"Talaga? E 'di hindi na pala ako masyadong mag-aalala sa kanya sa pasukan. Isang building lang naman ang College of Tourism and Hospitality Management sa UdLAT, e," pabida na namang sabi ni Harley. "Samahan mo lagi 'tong kaibigan ko para naman hindi lonely!"

Bahagya ko siyang siniko. Napagigitnaan kasi nila akong dalawa tapos itong si Harley, siya ang panay kausap kay Dwight. Sana nagtabi na lang sila, ano? Nakakahiya lang na lilipat pa ako ng puwesto sa tabi lang ni Harley, baka isipin ni Dwight na ayaw ko siya katabi o ano man.

Pero teka nga, ano naman kung iyon ang isipin niya?

Dwight chuckled. "I don't think she'll be lonely, though. Madali lang namang pakisamahan si Izzy kaya magkakaroon agad siya ng kaibigan doon. Hindi rin naman siya mahirap... gustuhin."

Tila ako kinidlatan sa huli niyang sinabi kaya napatingin ako sa kanya. He was smiling genuinely and I couldn't help but to adore him again.

Nakakainis. Bakit ba parang ang hilig ko sa mga mukha at totoong good boy? Wala ba ako diyang magugustuhan na medyo bad boy naman? Kaso ay ayaw ko naman talaga sa bastos at barumbado.

Hindi raw ako mahirap gustuhin? E, bakit hindi niya ako magustuhan tulad ng pagkagusto ko sa kanya noon? Kinalimutan ko na nga siya noong nag-SHS tapos biglang magpapakita?

"How can you say that she is not hard to like, then? Bakit? Nagustuhan o gusto mo ba siya?" Harley kept her intriguing questions to him.

I instantly averted my eyes from him. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Matagal siyang natahimik hanggang sa nakasakay na kami sa escalator. Nasa harapan ko si Harley na nakaharap naman sa akin habang si Dwight ay nasa likuran ko.

I was ready for rejection the second time, but his answer only confused me.

"Gusto ko naman siya dati pa," he said it in a low voice.

Pinadaan ko ang dila sa nanunuyo kong labi. Harley's round eyes expanded and slowly, the sides of her lips curved.

Gusto niya ako dati pa? Iyan din naman ang sinabi niya sa akin noon. May karugtong nga lang 'siyempre, best friend kita.'

Bukod sa si Harley lang ang best friend ko, may mag-best friend bang hindi na nag-usap kahit isang beses lang sa loob ng dalawang taon? Ano? Kami lang?

Iyak na naman tayo, Izzy. Hindi bale, for sure, maraming guwapo sa college department namin. I crossed my fingers, praying more chinitos to come.

Saka hindi mo naman na crush, 'di ba?

'Di ba?

At kita mo nga naman, ang bilis kong makita ang isang chinito na talagang mabait na bata. After nearly two months, ngayon ko lang ulit siya nakita. Wala namang nagbago sa kanya... kasama na 'yong dalawa pang bata. Si Ral naman ay araw-araw kong nakikita.

"Ba't kasama niyo 'yan, Ate Izzy?" tanong ni Ral habang nakatingin kay Dwight.

I stared at him with mouth agape. Napatingin ako kay Dwight na kumunot ang noo sa kapatid ko.

Pinandilatan ko si Ral. "Nakasalubong namin siya sa ibaba. Niyaya lang ni Harley na sumama kaya..."

"Tss..."

Hindi itinago ng kapatid ko ang magaspang na ugali kay Dwight.

"Hoy mga bata, sa inyo lahat 'yan?" bulalas ni Harley at tumuro sa sahig.

Bumaba ang tingin ko at nakita ang apat na malalaking transparent plastic malapit sa paanan nila. I stared at those, astounded, before drifting my gaze back to my brother. Lumipat pa iyon sa tatlong nasa likuran niya.

Wilder was talking to Rainier. Nakangisi ito na para bang may nakakatawa sa sinasabi sa pinsan niyang mukhang walang pakialam. The tallest among them and the only one wearing a black ball cap was busy on his phone. Bahagya siyang nakayuko kaya hindi ko makita ang mukha nang klaro.

"I guess?"

"'Di mo sigurado?"

Nagkibit ng balikat si Ral at kinuha ang isang eco bag bago iniabot sa akin. Tumaas ang kilay ko.

"Gagawin ko diyan? Sa 'yo iyan, 'di ba?"

"Throw them if you want to," suplado pa rin niyang sagot sa akin.

"Suhol?" tanong ko pa pero tinanggap naman ang plastic na puno ng stuffed toy.

Ral inserted his hand in his pocket. Nilingon niya ang mga kasama.

"Tara na. Nagugutom na ako."

Ginulo ni Harley ang kapatid niya at ang pinsan nilang si Wilder habang naglalakad kami palabas ng Timezone. Hinihingi kasi niya 'yong mga stuffed toy, e, ayaw ibigay sa kanya. Sila raw ang naghirap para doon.

"Para kayong hindi mga kadugo," kunwari'y nagtatampong sabi ni Harley sa dalawa. "Kahit tig-isa lang, e!"

"'Yoko nga, Ate. Itatambak ko 'to sa kuwarto ko!" si Wilder at inilayo sa pinsan ang hawak na plastic.

"Bangungutin ka sana na hinahabol ng mga stuffed toy mo. Ikaw, Rain? Ayaw mo sa stuffed toys! Bakit ka kumuha niyan?"

"Ingay mo, Ate. Oh, sa 'yo na nga," ani Rainier at binigay sa nakatatandang kapatid ang dala niya.

"True ba?!"

"Hindi, Ate. False," sarkastikong balik ni Rain kay Harley.

Katabi ko lang sila at kanina pa may napapatingin sa kanila dahil sa ingay nila. Nasa harapan naman namin ni Dwight ang kapatid ko at si Axe. Nagugutom na raw silang apat kaya ngayon ay sinusundan lang namin sila kung saan nila gustong kumain.

"May galit ba sa akin ang kapatid mo?" bulong ni Dwight.

I looked at him skeptically. Sa totoo lang, hindi ko rin naman kasi sigurado.

"No. Sorry. He's really like just that at first if he doesn't know the person," I explained.

Tumango siya. "Akala ko kasi ay galit siya. Ang sama ng tingin niya kanina sa akin kahit wala pa naman akong sinasabi o ginagawa," he said with a chuckle.

I laughed awkwardly with him. Hindi ko naman puwedeng sabihin na alam ni Ral ang tungkol sa pagkagusto ko sa kanya at ang pagpi-friendzone nito sa akin. Not that I was ready to be in a relationship that time, though.

Tumigil sa paglalakad ang dalawang nasa harap namin kaya napatigil din kami. Lumingon si Ral sa amin.

"Where do you want to eat?"

Magkakasunod na sumagot ang mga kasama ko maliban sa amin ni Dwight. Magkakaiba pa sila ng pinili. My brother frowned and he seemed to be regretting that he asked us.

"Nagugutom ka ba? Saan mo gustong kumain?" tanong ni Dwight.

"Ha? Kahit saan naman, ayos lang. 'Yong mga bata na lang ang magdesisyon." Kinagat ko ang ibabang labi. "Ikaw ba? May gusto kang kainan?"

Ngumuso ang mapula niyang labi at ngumisi. "Ramen Nagi?"

"Oh!" Napangiti ako sa sinabi niya. "Puwede!"

I asked the others if they wanted to go there, and I got so ebullient while we were on our way down to Ramen Nagi when they agreed.

"Na-miss ko tuloy 'yong ramen house sa Macopa!" tuwang-tuwa kong sinabi habang nasa iisang table kaming pito at kumakain.

"Doon tayo lagi madalas noong high school, 'di ba? Tapos kapag kasama natin si Dwight, siya nanlilibre!" Tumawa si Harley.

"Kayo lang naman ang nililibre ko noon." Dwight chuckled. "Pero may kondisyon na dapat maubos niyo 'yong tatlong bowl."

Tinuro ko siya. "That's basic for Harley! Kulang pa nga 'yong tatlo sa kanya. Tatlong beses mo lang yata ako nalibre dahil hindi ako makaubos ng tatlo. I mean, paano ba napagkakasya nitong si Harley ang tatlong serving ng ramen?"

Tumawa silang dalawa dahil sa reklamo ko. Naalala ko 'yon, tuwing magkasama kaming tatlo ay mas madalas niyang nalilibre ng ramen si Harley kaysa sa akin dahil sa kondisyon nito.

Mahal ko ang ramen pero madali rin akong mabusog. Hanggang dalawang bowl lang talaga madalas ang kaya ko tapos 'yong tiyan ko, lumulobo na.

"Hmm... ba't ka nga pala lumipat din sa school namin ni Eria noong Grade 10 kayo, Dwight? Hindi ka naman nag-senior high doon, 'di ba? Bale isang taon ka na lang sana doon sa school niyo sa Mandaluyong pero dahil lumipat si Izzy, lumipat ka rin?"

Tipid na ngumiti si Dwight at tumingin sa akin. "Bakit? Masama ba mag-transfer din kahit dahil kay Izzy?"

Harley smirked. "So... you really followed her, huh? Aminin mo na kasi kung may gusto ka sa kaibigan ko. Baka mamaya... maunahan ka ng iba."

Namilog ang mga mata ko. "Huy, sinasabi mo diyan?"

"Ingay naman," pagpaparinig ni Wilder habang kumakain. "Nagtatalsikan na 'yong mga laway sa pagkain namin, e, hindi naman kasama 'yan sa bayad."

Dwight's laugh slowly faded, and he resumed eating his ramen.

"Ayaw mo no'n? May libreng add ons ang binayaran mo?" Harley retorted. "'Yang si Rain ang daldalin mo. Huwag niyo kaming pakialaman dahil usapang matanda 'to."

"Usapang matanda na 'yang pagkain niyo ng ramen? Kahit sino naman ay puwedeng mag-usap tungkol sa pagkain, e."

"Iyon naman pala. Ba't hindi rin kayo mag-usap na apat? Huwag niyo na lang kaming pansinin dito. Isipin mo na lang na wala kami rito—"

"Nasa harapan namin kayo, paanong hindi namin kayo mapapansin? Sana hindi na lang kasi kayo pumunta rito at sumama sa amin."

Hinampas ni Harley ang mesa pero bago pa siya makapagsalita pabalik ay hinawakan ko na siya sa kamay. Binitiwan ko rin ang hawak na kubyertos at ipinatong iyon sa mesa.

"Tama na," kalmado kong awat sa kanya at pinasadahan ng tingin ang apat.

Ral seemed alarmed that he stopped eating to face me. Naramdaman ko rin ang paghawak ni Dwight sa kanang braso ko.

"Ate Izzy..." marahang tawag ni Ral.

"Sana sinabi niyo na lang na ayaw niyo pala kaming kasama o hindi kayo pumayag na kumain tayo rito kung ganito lang pala ang mangyayari."

"Mabuti pa ngang umalis na tayo. Kaimbyerna. Akala mo naman ay hindi nag-uusap kapag kumakain," iritadong sambit ni Harley at tumayo na.

"Wait, Ate Harley," pigil ni Rain at tuluyan na ring tumayo.

Hinawi ko ang braso ni Dwight at tumayo sa kinauupuan. Alam kong hindi matutuwa si Mama kapag nalaman niyang may ganitong pagtatalo sa harap ng pagkain pero hindi ako 'yong tipo na magtatagal pa pakisamahan ang isang taong ayaw naman akong kasama.

Sabay na napatayo sina Ral at Axe. "A-Ate Izzy..." they even both called in unison.

Kinuha ko ang wallet sa dalang maliit na bag at naglabas ng ilang libo. Inilapag ko iyon sa mesa.

"Para 'yan sa pagkain at pamasahe niyo pauwi. Ingat kayo. Huwag na kayong magpagabi."

Tulala lang sila at wala nang nagsalita. Nilingon ko si Dwight na hindi na kumakain bago kinuha ang kamay niya para hilahin na rin siya palabas.

Siyempre, magwo-walk out na kaming dalawa ni Harley at dahil kami naman ang kasama niya, hinila ko na lang din siya. Nanghihinayang talaga ako sa ramen pero nakakahiya talaga mag-away lalo na at may iba kaming kasama. Nakakahiya rin sa ibang customer na nandoon.

I apologized to Dwight before we separated ways at the parking lot. Naglabas naman ng sama ng loob si Harley tungkol sa pinsan niyang si Wilder habang nasa biyahe. Lagi namang ganyan ang dalawang 'yan kaya sanay na ako. Huwag lang talaga sa harap ng ibang tao.

Hindi ko masyadong pinapansin si Ral nang nasa bahay na siya dala ang mga stuffed toy. He even brought it to my room and asked if I was mad but I'd just shook my head.

"Sinabihan na namin si Wilder. I'm sure he'll apologize to you and Ate Harley," malungkot niyang sinabi bago umalis ng kuwarto ko.

I suddenly felt guilty for ignoring him. Tiningnan ko ang binigay niya at napatingin sa kuwarto. The theme color of my room is purple since it's my favorite color.

Hindi nga natapos ang gabi nang tumawag si Wilder para mag-sorry sa inakto niya kanina.

"Did you apologize to Harley?"

"Oo nga. Nauna ko pa siyang tawagan. 'Di naman din ako no'n matitiis."

"Yabang, ah. Huwag mo nang ulitin 'yon sa susunod, ah? Puwede mo namang sabihin nang maayos at hindi 'yong ipinarating mo pa na ayaw niyo kaming kasama. Huwag mong sasabihin lalo 'yon sa ibang tao."

He sighed. "Ayos naman kasi kung kayo lang ni Ate Harley ang kasama, e. Bakit kasi kayo may kasamang iba? Lalaki pa!"

Kumunot ang noo ko habang nakahiga sa kama.

"Anong masama kung may kasama kami? Dwight's our friend..."

"Anong friend? Kita ko nga kung paano siya tumingin sa 'yo kanina! May malisya, gano'n!"

Nagparte ang mga labi ko sa narinig. Paanong may malisya ang tingin ni Dwight kanina? Bakit siya lang ang nakapansin imbes na ako?

"Ano naman sa 'yo kung may malisya siya kung tumingin?"

He groaned and I heard some noises from his background. "Basta! Ayoko sa kanya! Bahala ka diyan!"

Kita mo 'tong batang ito. Tumawag para mag-sorry tapos biglang magagalit nang wala namang dahilan bago ako babaan ng telepono.

The night before my schedule for enrollment in UdLAT, an unknown number texted me. Nalaman kong si Dwight iyon nang tanungin ko siya at sinabi niya ang pangalan.

Izzy:

where did u get my num pala?

Dwight:

Got your number from Harley. Sorry, I forgot to ask you last time. I just wanna confirm if your schedule tomorrow is 9 am?

Izzy:

oo. ikaw ah, ba't pati 'yan alam mo? charz.

Dwight:

Nabanggit ni Harley haha sorry. Same sched pala tayo. Gusto mong sabay na lang tayo pumunta ng school?

I was bowled over after reading his message. Hindi ko mapigilang mag-isip nang kakaiba sa mga sinasabi niya. I don't want to fluster myself with my past feelings for him just because of this.

Remember, Izzy. He was just like this before. He's naturally thoughtful, kind, and...

Napailing ako naisip. Muling tumunog ang phone ko dahil sa message niya.

Dwight:

Ayos lang naman sa akin kung may kasama ka na pala. :)

Kumunot ang noo ko. May pa-smiley pa. Ayos 'yan?

Ngumisi ako at nagtipa ng reply sa kanya.

Izzy:

wala naman. sa UdLAT na ba tayo magkita?

He was quick to reply that my brow kept on elevating up to the ceiling.

Dwight:

How about I pick you up from your house? I'll bring my car, of course.

I slapped my ajar mouth and almost tossed my phone on the wall. Nagpagulong-gulong ako sa kama hanggang sa dumapa ako at ibinaon ang mukha sa unan. Hindi ko na napigilang umimpit ng tili habang pumapadyak.

Ano ba 'yan, Izzy? 'Di ba move on ka na sa kanya? 'Di ba hindi magjo-jowa ng malapit? E, bakit kinikilig ka diyan dahil lang sa susunduin ka sa bahay?

Pero teka... hindi pa siya nakakapunta ng bahay, ah?

Izzy:

lam mo ba kung saan bahay namin?

Dwight:

Nope.

Izzy:

e paano ka pupunta lol

Dwight:

Tell me your address, then.

I sent him our address and told him I had to sleep early. Balak ko pa sanang maglaro hanggang mamayang madaling araw pero nakakainis lang dahil ayaw ko namang magmukhang zombie bukas.

Ngayon lang ako na-excite mag-enroll sa totoo lang. Pinag-isipan ko na rin overnight ang kukunin kong kurso. 'Yong iba, ilang taong pinag-isipan ang kukunin sa kolehiyo pero ako, overnight lang para sa pinal na desisyon. Ang mga nakalipas na taon ay confusing era para sa akin.

Napasarap bigla ang tulog ko kaya naman alas otso na ako nagising sa lahat ng oras na in-alarm ko sa phone. Kulang na lang ay magpadulas ako pababa sa hagdan namin sa pagmamadali. Ni hindi na ako nakapaghilamos.

Huling tatlong baitang na lang nang nadulas ako kaya nagpatalbog-talbog ang puwet ko pababa sa hagdan. Ngumiwi ako habang nakapikit at ininda ang sakit.

Malas. Ang sakit ng balakang, puwet, at kamay ko.

"A-Ate... ayos ka lang?"

Napadilat ako at tiningnan ang ayos ko. I looked like a sitting frog on the floor.

"Mukha ba akong—"

Natigilan ako at unti-unting tumingala nang matantong hindi boses ni Raghnall ang narinig ko. My cheeks heated upon seeing Axasiel squatting in front of me with worried gaze.

Anong ginagawa niya rito?

Bahagya siyang yumuko at dinala ang likod ng mga daliri sa kanyang labi. May suot siyang itim na cap kaya hindi ko na makita ang buong mukha niya.

"A-ayos lang..."

Sinubukan kong iangat ang isang tuhod para makatayo nang bahagya siyang lumapit sa akin. He held both my arm gently as he helped me stood up. Nang nakatayo na ako ay dumausdos ang isa niyang kamay paangat sa balikat ko.

He fixed the strap of my spaghetti top.

"Thanks..."

Nanatili ang kamay niya sa braso ko at ang isa ay sa balikat. Hindi ko alam kung nilalamig ba ako o sadyang mainit lang ang kamay niya kaya ramdam na ramdam ko.

Nakayuko pa rin siya kaya umamba akong lalapit para silipin ang mukha niya nang pigilan niya ako sa kanyang hawak.

"Axe? Ayos ka lang?"

Both his hands glided down to my hands. Nalaglag ang panga ko nang ikulong niya iyon nang tuluyan sa malambot niyang kamay bago muling iniangat ang tingin sa akin.

"Axe—"

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko nang subukan kong bawiin iyon. My chest throbbed erratically. Please, Axe... bitiwan mo na ako. Huwag mo nang ituloy ang kung ano mang sasabihin mo.

"Ate..." Pumungay ang singkit at maamo niyang mga mata habang nakatitig sa akin. "Gusto—"

"Axasiel, Izzy..." Mama's strict voice reached my ear. "Anong ibig sabihin nito?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top