Chapter 6
Chapter 6
Hindi ko alam kung tama ba 'tong iniisip ko tungkol kay Axasiel pero hangga't maaga pa, mas maganda na sigurong iwasan ko na. I wouldn't want to create a misunderstanding with my brother just because of my mere assumption about his best friend.
Isa pa, ayaw ko rin namang magmukhang feelingera. Si Axasiel? After being friends with my brother for over 10 years, he'd suddenly develop a crush on me? Seryoso ka ba, Izzy?
Porke't lumalapit na siya sa 'yo para kausapin ka lalo na kapag wala si Ral, may malisya na? Nahuhuli mo lang laging sumusulyap, nakatingin o nakatitig sa 'yo, interesado na? Nagiging maalalahanin at maginoo lang sa 'yo, feeling mo special ka na sa kanya? Namigay lang ng box ng Pocky nang tatlong beses, gusto ka na?
Okay. Ang feeling mo nga, Izzy.
"Ate Izzy, okay ka lang?"
Napatalon ako at napahawak sa dibdib nang marinig ang boses ni Ral. Muntik ko pa siyang mahampas ng spatula na hawak ko.
"Ano ba? Ba't ka nanggugulat?"
His brows furrowed. "I was just asking if you're okay. Nakatulala ka lang sa harap ng niluluto mo."
"Ayos lang ako, siyempre!"
"Then why are you yelling at me?"
"Hindi, ah!" Mataas pa rin ang boses ko kaya napabuntong hininga ako. "Ral, I'm okay, alright? Doon ka na nga sa sala at hintayin niyo na lang akong matapos dito."
Looking still confused, he nodded and darted his eyes at the pan.
"Sunog na po," aniya sabay turo sa niluluto ko.
"Holy cow!" I muttered when I noticed the thick smoke coming from the frying pan and inhaled its burnt smell.
I abruptly turned off the electric stove. Hinawi ko ang usok sa tapat ng pan at inalis na iyon sa ibabaw ng stove. Itinaboy ko na si Ral dahil naiinis ako sa sarili ko.
Sa lahat ng oras na puwedeng maging lutang, bakit kapag nagluluto pa? Cooking is very crucial for me. Yes, natural lang na may pagkakataon na masunog ang niluluto lalo na kapag hindi pa ganoon kasanay pero hindi ako ganoon.
My mother taught me how to fry an egg when I was nine. Eventually, she taught me more basic cooking skills until I can finally say I've mastered how to cook some complex dishes. Okay lang naman sana kahit may sunog na kaunti ang nagawa ko ngayon. Pero buong isda, nasunog ko na.
Sayang 'yong isda. Gagawin ko pa naman 'tong sarciado.
"Anong nangyari? Nasunog?" tanong ni Mama nang pumasok siya sa kusina.
I looked at her with an apologetic smile. Kinagat ko ang kuko ng hinlalaki.
"Uhm... it was an accident, Mama."
Pagkalapit niya ay saglit lang niyang binigyan ng pansin ang sunog na isda at alam kong alam niya na hindi na nga iyon puwede. What should I expect from a chef herself?
"Ako na ang magluluto. Doon ka na lang sa sala kasama ang kapatid mo," aniya at kinuha na ang frying pan na nilutuan ko.
"Sa kuwarto na lang po ako," sabi ko.
Nasa sala rin kasi si Axe. After the night in Milestone, I became extra observant of his actions. Sa loob ng dalawang linggo pagkatapos ng gabing iyon, doon ko na talaga napansin na parang may kakaiba.
I mean, he usually doesn't talk to me, can't look at me straight in the eyes, and he's terribly awkward and shy when I'm around him.
Anong nangyari at nawala ang mahiyaing si Axe? Not that he's aggressive now, though... but I swear, he's been acting odd lately. Hindi pa nakatulong na nandito siya madalas tuwing umaga at gabi.
Kasalanan ko ba kaya naging ganoon siya bigla? Is it bad or good for him?
Bakit ba kasi pinayagan nina Tito Miko at Tita Dias na mag-solo 'tong anak nila sa bahay nila rito? Akala mo naman napakalayo nila, e, nasa kabilang bayan lang naman ang bahay nila, hindi pa nagsama.
"Ate Izzy, do you want some Pringles?"
Natigil ako sa paglalakad patungo sa hagdan nang marinig ang mahinang boses niya. They were watching an unfamiliar TV series on Netflix.
"Alam niyong maghahapunan na pero bakit pa kayo kumakain niyan?" I was scowling at them.
Axe looked up as though he was thinking before his eyes reverted to me and said, "So, do you want some?"
Oh my gosh. I suddenly just wanna lash out and throw things.
"No," mariin kong sagot. "Puwede ba? Alam niyo na ngang kakain na tayo ng hapunan, kumakain pa kayo niyan? Did Mama even allow you or you're just sneaking behind her back?"
Napakurap-kurap si Axe at si Ral naman ay napalingon na sa akin. I raked my fingers through my hair in vexation.
Nakakainis. Bakit ganiyan ang tingin nila sa akin? Why do they seemed so freaking honest, innocent, and impeccable while looking at me? Para bang ang sama sama ko agad dahil pinagsabihan ko lang ang mga batang gusto lang namang maglaro sa labas tuwing hapon.
My eyes widened when Axe pouted cutely with his woeful brown orbs.
"Sorry po..." aniya at maingat na ibinaba ang lagayan ng Pringles sa center table.
Gusto ko na lang maiyak at pukpukin ang sariling ulo. Kailangan ba laging ganito? Kapag dapat magagalit ako sa kanya, tititigan lang ako ng pares ng mga matang singkit at kulay tsokolate, matutunaw na agad ako?
Ano ako? Butter na tinunaw sa mainit na pan? Kaunting init lang, lalambot agad? Hindi lang lumambot, lusaw na lusaw pa.
I straightened my stance and pushed back my shoulders with my chin held high.
"'Wag niyo na ulit gagawin 'yan, ah? Kapag alam niyong kakain na ng hapunan, 'wag na kayong kakain ng... ng kahit ano!"
Raghnall's hawk-like eyes remained on me. Samantalang si Axe ay tila nanlulumo at kulang na lang ay lumubog sa kinauupuan pero nagawa pang tumango.
"Okay po," he replied sadly. "Huwag ka na pong magalit."
Back in his normal days in our house, he'd just usually nod his head and keep his mother frigging innocent eyes from me without uttering a single word.
"Nasaan ba si Papa, Ral? Nasa kuwarto nila?"
"Dunno."
Pagkaakyat ko sa sariling kuwarto, napahanap na lang ako bigla sa apat na sticky note na nakuha ko mula sa box ng Pocky na ibinigay ni Ral at Axe. Isang galing kay Ral na idinaan lang sa kanya para iabot daw sa akin, at tatlo galing kay Axe. The last one was given to me just last week.
Tiningnan kong muli ang sticky notes. I'm bad at encryption so I wasn't able to know the message the sender wanted to disclose. Ito ang hirap sa communication process, e. Kaya may decoding sa process as major element kasi may mga mensahe mula sa sender na hindi puwedeng malaman ng iba bukod sa receiver.
Maliban na lang kung may ibang tao na makakaalam agad kung paano i-decipher ang mga codes.
Nanlaki ang mata ko at tila may nag-ilaw na bumbilya sa ibabaw ng ulo ko.
I brought the side of my forefinger over my lips as I smiled in jubilance upon thinking of something I should've done before.
Bakit ngayon ko nga lang naisip? Kung hindi ko kaya, e 'di magpatulong sa iba. At sino pa ba, bukod kay Raghnall, ang marunong mag-decipher ng ganitong code or something?
Dala ang mga sticky note, nagmamadali akong lumabas ng kuwarto. Sakto namang kabubukas lang ng pinto ng kuwarto nina Papa at Mama kaya napasigaw ako.
"Papa! I need your help!"
Eksaheradong napahawak siya sa dibdib. "Magpapatulong ka na lang, gusto mo pa yata akong mamatay sa gulat! Ano bang kailangan mo?"
I waved him the notes I was holding. Binuksan ko ulit ang pinto ng kuwarto nila bago siya hinila papasok sa loob.
"Ano ba 'yan? 'Di ba puwedeng mamaya 'yan? Nagugutom na ako. At akala ko ba ay ikaw ang nagluluto ng hapunan?"
"Basta, Pa. Saglit ko lang hihiramin ang kaguwapuhan at katalinuhan mo pagdating sa kalokohan," I jested.
"Nang-uuto ka na, nanglalait ka pa. Ayoko na—"
"Pa, please? I just want you to decode this," I cut him off and showed him the notes.
Nagsalubong ang kilay niya at kinuha ang hawak ko. He took his time scanning every paper before he walked toward their desktop table. Kumuha muna siya ng lapis bago binuksan ang kanyang phone at lumingon sa akin.
"Kanino galing ang mga 'to?"
"Basta galing po sa kaibigan."
"Kaibigan kaibigan, baka ka-ibigan?"
"Payag ka na bang mag-boyfriend ako?"
Natigil siya sa pagsusulat at pailalim akong tiningnan nang masama.
"Pinagbawalan ba kita?" nagtatakang tanong niya bigla.
Kumunot ang noo ko. "Wala ka po bang sinabi?"
"Meron ba?"
"I was asking first, Papa."
Tumaas ang kilay niya. "May nanliligaw ba sa 'yo?"
Napakamot ako sa ulo. Tumawa siya nang nakakaloko habang umiiling.
"Wala naman pala, e. Kahit hayaan kitang mag-boyfriend, kung wala namang nanliligaw, hindi ka talaga magkaka-boyfriend."
Uminit ang pisngi ko. I exuded air through my nostrils. Tinamaan naman yata ako roon, ah?
Hindi naman sa walang nanligaw o nanliligaw sa akin. There were a few from my classmates before and from other strands or sections who attempted to court me, but I never got really interested in them.
Bukod sa ayaw kong magkaroon ng jowa sa malapit, wala rin naman talaga sa isip ko ang makipag-commit sa isang tao na alam kong pansamantala lang. Pansamantalang landian, puwede pa.
"Oh, tapos na," ani Papa at pinaikot ang upuan paharap sa akin.
"Bilis naman," puna ko at tumayo para kunin sa kanya ang mga note.
"Ang dali lang naman i-decode niyan. Bakit ba hindi ka nagmana sa katalinuhan ko?"
"Katalinuhan sa kalokohan?"
"'Wag ka nang magpapatulong sa akin sa susunod, ha?" kunwari'y galit niyang sinabi.
Tumawa ako at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. "Thanks, Pa. Baba ka na at nakahanda na siguro ang kakainin mo."
I was hopping merrily toward the door when he shouted that I should also go down for dinner. Kumaway lang ako at lumabas na ng kuwarto nila para bumalik sa sariling silid.
I plonked down in my gaming chair and eagerly arranged the notes on my desktop table. Ang tanging naiibang sulat lang sa apat na iyon ay ang una at pangalawa. Ang dalawang huli kong natanggap ay malamang na sulat-kamay ni Axe.
My eyes landed on the small arrow beside the code and read my father's all neat and capitalized handwriting. My lips gradually parted as I read the encrypted message.
-> u kujw tiy, nuaa wkwdr ⇾ i like you, miss eleft
Hydrogen. Beryllium. Lithium. ⇾ 143
01110000 01101100 01110011 01110011 01101101 01101001 01101100 01100101 ⇾ pls smile
57-5-39-8-74 ⇾ LaBYOW
Ang tagal kong tinitigan ang nakasulat. Sumandal ako sa upuan at napahilot sa sentindo.
Tama ba itong nababasa ko? Ang hindi lang galing kay Axe ay iyong una at ang natitirang tatlo, siguradong galing sa kanya. Although iyong unang ibinigay sa akin ni Axe ay ibinigay lang din naman sa kanya ng ibang tao but still, he gave it himself to me.
And that last one... that was also the message he replied to me on the day of their P.E performance.
Napailing na lang ako at tila nasisiraan na tumawa. Labyow? Iyon ang sinabi ko sa message na para sana kay Ral tapos... nag-reply siya ng 'labyow din po'?
Anong ibig sabihin no'n? May gusto nga ba talaga siya sa akin? O baka naman as an older sister? O kaya bilang nakatatandang kapatid ng pinakamalapit niyang kaibigan para mas specific?
I jolted from my seat when I heard three consecutive knocks on my door.
"Ate, kakain na!"
"Palabas na!" sagot ko at tumayo na sa kinauupuan.
I kept mum during our dinner when suddenly, Papa began provoking me with his question regarding the sticky notes I received.
"What sticky notes?" naguguluhang tanong ni Mama.
Pinandilatan ko si Papa bilang senyas na huwag magsalita pero hindi naman siya nakatingin sa akin.
Ang hirap umiwas ng tingin sa kapatid ko at sa katabi niya na nasa harap ko lang. Pangit naman ka-bonding ngayon ni Papa. Talagang nagtanong pa tungkol doon kung kailan nandito ang nagbigay?
Kahit naman yata sabihin ko sa kanya na kay Axe galing ang tatlo roon, hindi rin siguro ako makakaligtas sa panunuya niya lalo na at siya ang nag-decode ng mga iyon.
"May nagbi—"
"Papa, can I go to Harley's house this coming Friday?" I asked, cutting him off intentionally but politely.
"Bahala ka," sagot niya sabay balik ng tingin kay Mama. "'Yong notes—"
Hinawakan ko ang kamay ni Mama sa tabi ko para maagaw ang pansin niya dahil papansin na masyado si Papa. Inaasar lang yata ako nito, e.
"Mama, kailan po ulit bibisita rito sina Tita Rachel at Tita Viva? I kinda miss hanging out with Dexter," malungkot kong sinabi.
Tita Rachel and Tita Viva are my mother's best friends, and although not legally married yet, they have been living under the same roof with their foster child, Dexter. He's ten years old and so adorable.
Nagtagumpay akong makuha ang atensiyon ni Mama. I smirked internally when the corner of Papa's mouth twirled down.
"I'm not sure when are they available but I guess you can visit Dexter in their house? Hanggang tanghali lang naman ang practice niyo para sa graduation, hindi ba?" Mama arched her brow.
Tumango ako. Pangalawang linggo na namin ito na nagpa-practice para sa graduation. Hindi naman na nagkaroon ng problema sa mga requirements namin at nakakatuwa lang din na walang bumagsak sa amin sa final exams.
"Sama ako, Ate Izzy," singit ni Ral.
Napatingin tuloy ako sa kanya. At dahil nga katabi niya rin si Axasiel, hindi ko rin napigilan na mapasulyap dito.
Humigpit ang hawak ko sa kubyertos nang mapunang nakatitig siya akin. I gritted my teeth and focused my eyes on my brother. Kaso kahit naman kay Ral lang ako tumingin, nakikita ko pa rin ang katabi niya.
"Sige. After your class tomorrow?"
Bahagyang nanulis ang kanyang labi. "Okay po." Nilingon niya ang katabi. "Gusto mong sumama?"
My eyeballs almost burst out from their sockets. Ano 'yan? Bakit sasama 'yan?
"Puwede ba?" alanganing tanong ni Axe pero halatang umaasa na makakasama siya.
Gusto kong umiling pero natatakot ako na baka mapahiya siya. Halos kahit saang lugar yata magpunta ay magkasama 'yang dalawa kaya sanay naman din akong nakakasama siya pero kasi... pakiramdam ko ay makagagawa ako ng mali kapag hinayaan ko pa ang sarili na mas mapalapit sa kanya. Not that I haven't done something wrong before.
Or am I the only one who feels this anxious and worried? Should I confront him as early as now? 'Cause I badly want to sort my mind. Ayoko ng ganito.
Mama turned to me. "Isama mo na 'yang dalawa kung pupunta ka bukas. I'll inform Viva that you'll visit Dexter."
"Pe... pero..."
"Ate?" tawag ni Ral, nagtataka ang tono. "Ayaw mo bang sumama kami?"
"Bakit naman ayaw ng ate mo?" Papa chipped in. "Siyempre ayos lang kay Izzy. 'Di ba, 'nak? Isama mo 'yang dalawa bukas, ha?"
My shoulders sagged, and I sighed, resigning to what they wanted.
Kinabukasan ay nagsimula ang practice namin ng graduation ceremony nang alas sais. Mabuti na lang talaga at may aircon dito sa Mabini Hall kaya hindi na namin kailangang magtiis sa init mamaya. Dito ginaganap ang lahat ng malalaking event ng school kasama na ang Graduation at Moving Up ceremony kaya rito na rin kami nagpa-practice.
Lima lang ang ino-offer na strand sa school namin. Nasa pinakaharapan nakaupo ang mga ABM, sunod ay GAS at kaming mga HUMSS, TVL, at pinakahuli ang STEM.
Pagkatapos ng strand at section namin na umakyat ng stage at makaupo sa sariling puwesto, may nangalabit agad sa akin sa likod. I knew it was Ivy even before I whirled my neck to see her.
"Nagugutom na 'ko. Puslit tayo sa cafeteria."
Napatingin ako sa stage saglit. "Gutom na gutom ka na ba? Baka pagalitan tayo kapag nahuli. May break naman mamaya..."
She protruded her lips and batted her lashes. "Hindi ako nakapag-almusal, e."
Kinagat ko ang aking labi. Kawawa naman ang babaitang 'to. Breakfast is the most important meal of the day because it helps you boost your energy and become more active for the rest of the day. Mas nakakapag-function kasi nang maayos ang katawan at utak natin kapag may laman ang tiyan.
"May pagkain ako rito. Gusto mo?"
"Gusto ko ng mac and cheese," she responded, still pouting.
"Sige na nga..."
Inabangan namin na mawala ang isang teacher sa pinakamalapit na exit kung nasaan kami. Actually, hindi lang naman kami ang pumupuslit. May mangilan-ngilan na ring lumalabas nang hindi namamalayan ng mga teacher. Hindi rin naman kasi nila kami kita lahat at nang malapitan.
I only brought my phone and purse as we ducked our head and ran straight off the exit. Tumawa kami ni Ivy nang tuluyang makalabas ng hall habang hinihingal.
'Yong pinakamalapit sa amin, malayo pa rin kung tutuusin. Muntik pa kaming mahuli ng dating terror naming teacher sa EAPP!
"Akala ko ay masisigawan tayo ni Mrs. Domingo. Muntik pa akong matisod doon sa extension kanina!" Ivy exclaimed while still laughing.
"Nakita ko nga na nakatingin sa atin 'yong ibang mga STEM noong nasa may pintuan tayo. Feeling ko isusumbong nila tayo, e."
"Hindi naman nila tayo kilala."
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng slacks at ipinunas sa gilid ng mukha. Ayoko talagang laging pinagpapawisan kaya araw-araw akong may dala nito at ng face towel.
"Ano bang bibilhin mo? Hindi ka na kakain mamayang break?" tanong ko sa kanya.
May baon naman akong kanin at ulam kahit hindi lunch. May biscuits at Pocky rin akong dala para habang nagmamartsa pa ang ibang section, may mangangatngat ako.
Mabait ako, e. Ayoko na sanang lumabas ng Mabini Hall para pumuntang caf pero hindi talaga maiiwasan kapag may kaibigan kang umaasa sa mga paninda ng school. Mabilis pa naman akong mabudol kapag pagkain ang usapan.
"Akala ko ba may pagkain ka? Ba't bibili ka pa?"
"Bakit ba, e, naiingit ako na bumili ka."
Abala ako sa pagbibilang ng barya galing sa purse ko para naman mabawasan ang pabigat nang may tumawag sa akin.
"Bakit ka nandito, Ate Izzy? 'Di ba may practice kayo? Isusumbong kita kay Mama," Ral threatened with monotonous tone.
Umirap ako sa kanya at hindi sinasadyang mapatingin sa kasama niyang si Axe. Pareho silang may dalang in can na pineapple juice.
"Bakit kayo? May klase rin kayo, ah?"
"Nagpaalam kami," sagot ni Ral at sa harap ko pa talaga binuksan ang binili niyang juice.
Kinalabit ako ni Ivy sa siko. "Izzy, magbayad ka na."
"Ah, sorry." I sucked my bottom lip and gave my payment to the vendor for the mac and cheese.
Kinuha ko na ang binili namin at tiningnan ang dalawa. Ang walang pakialam na si Ral ay tinalikuran na ako pagkatapos kalabitin si Axe na nakatingin sa akin.
"Bili na tayo panulak," sabi ni Ivy.
I nodded at her, eyes fixed on Axe. "Bumalik na kayo sa room niyo."
His cheeks reddened. My shoulders squared when he stalked toward me and reached out his arm, the one where he was holding his canned juice.
Binibigay niya ba 'yan sa akin?
"Sa 'yo na lang po..." Kinagat niya ang ibabang labi pero agad din iyong pinakawalan.
Binibigay niya nga!
Narinig ko ang marahang singhap ni Ivy sa tabi ko. Kumuyom ang kamao ko at hinawakan ang kamay ni Axe. Bumaba ang tingin niya roon. His warm hand was trembling under my touch.
"I appreciate your generosity, Axasiel, but... please stop giving me anything. Hindi na ako tatanggap ng kahit ano mula sa 'yo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top