Chapter 5

Chapter 5

"Paano napunta sa 'yo ang notebook na ito, Axe?"

I'm still confused whether he really was the one who managed to sneak and purloin my school works inside the faculty room. I don't want to accuse him of doing such a thing if we have no solid proof. That's why I'm giving him the benefit of the doubt.

"I'm sorry, Ate Izzy."

I smiled bitterly. He wasn't answering my question directly.

"I'm asking you, Axe. Kaibigan ka ng kapatid ko at ayaw kong magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nating dalawa," I said calmly. "Bakit nasa 'yo ito?"

His heavy-lidded eyes fluttered to meet mine. I slanted my head to the side and waited patiently for his answer. Nanatili namang walang kibo ang dalawa pa naming kasama.

"I... stole it," he finally admitted.

My ears started to burn in animosity. Gusto kong magalit. Gusto ko siyang sigawan dahil hindi ko inakala na sa lahat ng taong puwedeng sumabotahe sa gawa ko, bakit siya pa?

Alam kong hindi puwedeng mambintang nang walang ebidensiya pero paano kung umamin na mismo ang tao sa ginawang kasalanan nito? Pero... siya nga ba? At ebidensiya na ba laban sa kanya ang makita siyang inilalagay ang nawawala kong notebook dito?

"Totoo ba 'yan?" Alex interrupted. "Anong rason mo para gawin ang bagay na iyon?"

There are things that we still need to clarify. Siya nga ba talaga? Bakit niya ginawa? Baka naman nagsisinungaling lang siya? Did he know who the real culprit is? Inaangkin lang ba niya ang kasalanan ng taong iyon dahil may rason siya?

"I don't have any reason," kalmadong sagot ni Axasiel.

Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Ibinaba ko na ang hawak na notebook habang nakatingin pa rin kay Axe.

For a moment, I thought I saw abomination dripping in his eyes but when he blinked, they returned to being somber yet tender.

"Wala?" I repeated. "Sinong tao ang gagawa ng isang bagay na magpapahamak sa kanya nang walang dahilan?"

"Alam mo ba kung gaano kalaking perwisyo ang ibinigay mo kay Izzy dahil sa pagkawala ng mga ipinasa niya? You are in junior high, this is senior high department... and you are her brother's friend. What's your real motive for doing that?" Alex interrogated further.

Gumalaw ang lalamunan ni Axe at itinuon sa akin ang mga mata. "I'm really sorry, Ate Izzy."

"At kung ikaw ang kumuha... bakit mo ibinabalik ngayon?" dagdag ni Alex.

Ivy chuckled. "Sabihin mo na kasi ang totoo, Axasiel. Moving up niyo pa naman this year. Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag ini-report namin ito sa ODA?"

"I'm willing to accept any punishment if you are going to report me."

Huminga ako nang malalim at napailing. Hindi ko alam kung bakit nagmamatapang pa siya sa sinabi pero halata naman sa mga mata niya ang pangamba.

Alam kong hindi niya magagawa ang bagay na iyon. Kung may tao nga siyang pinoprotektahan kaya inaangkin niya ang kasalanang hindi niya naman ginawa ay hindi ko rin sigurado. All I'm sure right now is he's not telling us the truth.

His tongue spat lies, but his eyes were telling me otherwise. And I just can't... stay mad at him.

"Hayaan na natin," sa wakas ay sinabi ko. "Nakapagpasa naman na ako ulit. Huwag niyo na lang sabihin sa iba ang nakita natin ngayon."

Nagkibit ng balikat si Ivy at bahagyang ngumisi. Alex raised his brow but didn't oppose. Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Axe dahil sa pagbuntong hininga nito at bahagyang paglaylay ng balikat.

Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng faculty room.

"Ipinasa mo ba ulit ang lahat ng nawala sa akin?"

Axasiel jerked his chin up. I handed him the notebook I was holding.

"Kolektahin mo lahat ng ibinalik mo ngayon. I don't care if you burn them to ashes but never let anyone see it again."

Kampante naman akong hindi ipagkakalat ng dalawa ang nangyari ngayong araw. Mabuti na lang din talaga at kami ang nakakita kay Axe at walang ibang teacher ang nasa loob.

For sure, he went there knowing the faculty had a meeting and probably thought that no student would suddenly pop out in there. Kanina pa natapos ang exam at sino ba naman ang gugustuhin pang pumunta ng faculty after exam unless really necessary?

Ang naudlot kong pagpunta sa Milestone ay natuloy ngayong gabi. Mama allowed me to go out until midnight. Susunduin ako ni Harley sa bahay dahil siya ang may sasakyan sa aming dalawa. Kahit kasi may sasakyan kami, hindi naman ako marunong mag-drive at lalong wala pa akong lisensiya kaya hindi puwede.

Naabutan ko silang tatlo sa sala, tamang Netflix and chill lang. May sinasabi si Papa kay Mama tungkol sa movie at si Ral naman na kumakain mag-isa ng Pringles ay napalingon sa akin.

"Ma, Pa, nasa labas na si Harley, una na po ako."

"Alas dose, Izzy, ha?" paalala ni Mama. "Ipasusundo kita sa Papa mo kapag hindi na rin kaya ni Harley ang mag-drive."

Nag-thumbs up lang sa akin si Papa.

"Mangingisda kayo, Ate?" kunot-noong tanong ni Ral.

"Anong mangingisda?"

Tumawa si Papa nang nilingon din ako. "Ba't kasi may fishnet kang suot sa binti mo, 'nak?"

Napatingin ako sa suot ko. "It's a tights!"

"Masikip pala, bakit mo pa sinusuot?" nagtataka pa ring tanong ni Ral.

I groaned. "My gosh. It's fishnet tights!"

"Fishnet nga!" si Papa. "Masikip na lambat!"

Napapadyak ako. Bakit ba ganito sila sa akin?

Mama waved her hand. "Hayaan mo na ang dalawang 'yan. Umalis ka na at 'wag ka nang babalik."

"Mama!"

She giggled. "Ingat kayo. Sabihin mo kay Harley na dahan-dahan lang sa pagmamaneho at naaksidente na nga iyon kahapon dito. Huwag masyadong uminom at may pasok ka pa rin bukas."

Tumango lang ako at lumabas na rin agad ng bahay. I slid myself into Harley's passenger seat as soon as I saw her car parking in front of our house. Habang ikinakabit ang seatbelt ay tiningnan ko siya.

"Mukhang maayos na 'yang paa mo, ah? Hindi na rin sumasakit ang balakang mo?"

Her full red lips formed a smile. "Ano ka ba, kulang lang 'to sa alak at sayaw."

I snickered. If I know, nananakit pa 'yan pero kapag inaya na sa Milestone, mawawala na lang bigla ang sakit sa katawan.

"Tapos na exams niyo, 'no? Pinakawalan ka agad, e," aniya habang nagda-drive.

Tumango ako at nilakasan ang aircon sa loob ng sasakyan. I wore the same getup from yesterday but a different set. My hair is in a high ponytail, revealing my slender neck and highlighted collarbone and shoulders.

"Yeah. How about yours? Kailan final exams niyo?"

She clicked her tongue against the roof of her mouth. "Next week pa. Mas gusto ko ngang mag-practical exam na lang kaysa written exam, e."

"Boo. Ang gastos kaya kapag nag-laboratory. Mas budget-friendly ang mag-review, uy."

Akala mo talaga kung sino ako itong nagpapayo na mag-review. Pero iyon naman kasi talaga ang mas praktikal. Ang alam kong laboratory pa naman nila ngayong sem ay baking. Kunsabagay, may pera naman sila at magaling din siyang mag-bake.

"Kapag nag-review ako, mas magastos. Ipagagamot na ang ulo ko kasi sasakit lang sa kaiisip kung bakit ka iniwan ng ex mo last month," pang-aalaska niya sabay tawa.

A frown etched on my face. "Wala namang banggitan ng ex diyan. Heart broken pa ako, babe."

She feigned an apologetic smile. "Sorry, babe. Hindi ka raw kasi marunong lumaplap nang maayos."

Napahawak ako sa dibdib at binuka ang bibig na animo'y nasusuka. She burst out laughing and even tapped my back as though soothing me.

"Akala mo naman talaga ex," natatawang aniya. "Kadiri talaga 'yon. Ang feeling."

Inilapit ko sa kanya ang kaliwang kamay ko na nakasara.

"Ito siya..." Sabay taas ko ng gitnang daliri kaya agad niyang tinulak ang kamay ko palayo sa gilid ng mukha niya habang humahalakhak.

"I forgot to tell you last time, nakita ko 'yon last week sa isang night club sa Makati. One of my friends even heard him talking to his friends about how lousy of a kisser you are."

Tumawa ako at humalukipkip. Hindi naman na bago sa akin ang makakilala ng mga ganoong klaseng lalaki lalo na kapag sa bar lang nakilala.

"Hayaan mo siya. Mas mabuti nga 'yon para hindi na sila umaasang seryoso ako sa ganoong bagay. Kasayawan ko lang, naging ex ko na agad. Ex-co-dancerist gano'n?" tawa ko.

I'm one of those usual types who go to a bar to drink, party with friends, and find a temporary fling if I'm in the mood. I just want to enjoy the night. Magsasaya pero hindi magseseryoso. Bar is not a recommended place to search for a serious relationship cause you will only find someone who'd eventually treat you like shit.

Pero hindi rin natin sigurado... baka may mga naligaw lang sa ganoong lugar at siya na pala ang destiny mo. Hindi naman ibig sabihin na dahil hindi nangyari sa akin ang magandang bagay, hindi na puwedeng mangyari sa iba.

Nanayo bigla ang balahibo ko sa naisip. Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na makasama nang matagal ang isang taong nakilala ko lang sa isang bar.

"Pupunta raw ba sina Glaize ngayon?"

Ipinaparada na niya ngayon ang sasakyan sa parking lot ng Milestone. Umiling siya habang tumitingin sa side at rearview mirror.

"Nah, they have other plans tonight. Alam mo naman na karamihan sa atin ay tuwing Friday at Saturday talaga pumupunta rito."

Mag-aalas siyete na kaya madilim na rin ang langit. I expect that there will be few customers tonight since it's a weekday, specifically Tuesday.

Bahagyang hinahagis ni Harley sa ere ang kanyang key holder habang naglalakad kami papasok ng Milestone. Agad na may lumapit sa aming takatak boy na madalas nandito. Tumigil kami ni Harley para bumili ng candy.

"Sipag niyo talaga, ha. Kumusta benta ngayon, totoy?" tanong ni Harley sa bata habang binubuksan ang pakete ng Maxx.

"Kaunti pa lang po pero ayos lang, Ate. Siguradong dadami naman na ang mga tao mamaya kaya lalakas din po ang benta."

I roamed my eyes around the dim area outside the bar and spotted some Marlboro girls. May mangilan-ngilang light posts naman kaya hindi sila mahirap makita.

Milestone is not a high-end bar so their drinks and food cost are even affordable for students. Kuwento ni Tito Marco, sa mga ganoong klaseng bar daw sila pumupunta noong college sila. Aside from Milestone, he also owned two branches of luxurios night club. Isa sa Taguig at isa rin sa Quezon Avenue.

"'Wag kayo masyadong pagabi rito, okay? Uwi na rin kayo mayamaya at delikado na para sa inyong mga bata ang manatili rito. Baka may mapadaang masasamang loob dito ang saktan kayo."

Looking at people who are less fortunate in life makes me more grateful of what I have right now. Hindi lang kami nakakakain ng masarap na pagkain, madalas na sobra-sobra pa ang mayroon kami. Ang trabaho at negosyo ng mga magulang namin ang tumutulong din sa amin para sa araw-araw. Samantalang ang iba, sobrang pahirapan talaga kung kumita ng pera.

Pareho lang namang nagtatrabaho at naghihirap ang bawat tao para kumita at mabuhay ang kani-kanilang pamilya pero kailangan nating malaman na sa mundong ito—sa bansang ito—na hindi pantay-pantay at hindi parepareho ang pribilehiyo na mayroon tayo. Malala pa kung minsan dahil nawawalan din ang iba ng karapatan kahit bilang tao dahil sa mga nakaupo sa itaas.

Kaya kahit gaano pa kaliit o kalaki ang isang bagay na meron ako ngayon, pinagpapasalamat at pinahahalagahan ko na. I have learned how to appreciate even a small thing because in this world where nothing is certain and the only constant is change, we might lose everything we have in just a blink of an eye.

"Sanay naman na po kami, Ate." Ngumiti ang bata sa akin. "Kayo po ang mag-ingat. Hindi po lahat ng masasamang tao ay nasa labas. Minsan, nasa loob lang din po ng lugar na akala natin ay ligtas tayo at madalas, ang mga taong hindi po natin inaasahan ang mananakit sa atin."

Bahagyang yumuko si Harley at ginulo ang buhok ng batang lalaki. "Ano bang pangalan mo, bata?"

"Kokoy po."

"Kaano-ano mo si Kokey?"

Binatukan ko si Harley kaya tumawa siya.

"Ilang taon ka na? Kung makapagsalita ka ay daig mo pa yata ako, ah?"

"Katorse po," sagot ng bata.

"Nag-aaral? Anong grade kung oo?"

The boy shook his head. "'Yong kapatid ko pong mas bata ang nag-aaral ngayon..."

"Oh?" Tumuwid muli ng tayo si Harley. "Punta ka ulit dito sa Sabado. Ganitong oras din. Hihintayin ka namin at kapag hindi namin nakita ni anino mo, ipapupulis kita."

"Harley," I warned her.

"Joke lang, 'to naman." She pouted. "Basta sa Sabado, ha?"

Kokoy the totoy nodded his head and smiled. Nang umalis na ang bata ay tuluyan na rin kaming pumasok sa loob ng Milestone.

Pagpasok pa lang ay may namataan na kami ni Harley na kakilala. They invited us to their table and after conversing and drinking a bit, we both went to the bar counter and ordered our drinks.

"Pass muna sa hard drinks. Papasok pa ako bukas," sabi ko at humalakhak nang tanungin kami ng bartender.

"Bigyan ng Piña Colada 'yan!" si Harley.

"Pero sho-shot din ako mayamaya," dagdag ko. "Wala akong lakas ng loob magwala mamaya diyan sa dance floor kapag wala pang amats kahit kaunti."

Harley pulled my hair. "Gaga ka. Akala ko ayaw mong magkaamats!"

"Hanggang tipsy lang, babe. Don't even think of suggesting any drink tonight because the last time you made me drink something mixed with rum and whisky, I got a bloody headache the next morning!"

"Excuse me, pinatikim lang kita pero ikaw ang umubos at nag-order pa ng kung ano-ano pagkatapos no'n. Muntik mo na ngang sukahan ang baby ko," she countered, referring to her Honda Accord.

"Ay, sorry, akin pala." I sneered and stuck out my tongue.

Anton, the bartender, started preparing and mixing for our drinks. I placed my right elbow on the edge of the counter and faced Harley when I remembered something.

Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina sa school. Kilala niya naman si Axe pero hindi lang siya masyadong malapit dito kahit pa kaibigan ng kapatid niya. They are casual with each other when they get together though mostly during some family events.

"So you let him off the hook because he's your neighbor and your brother's best friend?" nakataas ang kilay niyang tanong.

I sipped on my drink and riveted my eyes to the dance floor. Medyo nadagdagan na ang mga taong naroon pero hindi pa naman nagiging dagat sa dami.

"No..." I replied, shaking my head. "I know it wasn't really him. He was lying for sure. Kilala mo naman din siguro siya... na hindi niya magagawa iyon."

She folded her arms across her chest and put her right leg over the left. Naningkit ang mata niya sa akin.

"And how would you know that he's lying?"

"How would you know that he's telling the truth, then?"

"He admitted it himself."

"But it could be a lie," I insisted, refraining from telling her that my only basis was the look in his eyes that time.

Kapag nagkakaroon ng debate sa loob ng room namin o ang bawat section, hindi puwedeng bara-bara lang ang argumento mo. You need to think and speak logically, critically, and reasonably for the cross-examination and rebuttals.

Higit sa lahat, hindi puwede ang pikon. Kaya ngayon ay hindi ko alam kung bakit tila umuusbong ang irita ko sa simpleng pagtatalo namin.

"Teka nga, parang grabe ka naman yata makapagtanggol sa batang 'yan, Eria. Concern na concern, ah?"

"Tss..." I avoided her gaze. "Ayaw ko lang talaga na napaparusahan ang isang tao sa kasalanang hindi niya naman talaga ginawa. Alam mo naman dito sa Pilipinas ngayon, kahit 'yong mga walang kamalay-malay at inosente sa isang krimen, kung hindi ka huhulihin para ikulong, papatayin ka naman agad at sasabihing nanlaban."

Umangat-baba ang balikat niya at tinungga ang inumin niya. "Well, what do you expect in this country where the justice system is rotten?"

Humaba pa nang kaunti ang usapan namin at nakainom na rin ako ng hindi cocktail kaya nagkalakas na ulit ng loob na sumabak sa dance floor.

I raised my arms and let my body sway along the upbeat music. Tumawa ako nang may pumuwesto sa harapan ko para makipagsayaw. May iba pa akong nakasayaw na tila nagwawala lang o nagpapakitang gilas. It was normal, though.

When someone started to dance behind me in a sensual way when the music turned slow, I let my eyes shut down and enjoyed his company. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking baywang at sinasabayan ang bawat paggiling ko ng aking balakang.

Gumuhit ang ngisi sa aking labi nang may ibinulong siyang biro. I assumed he was not the aggressive type because he kept his distance between us, unlike the usual who would press himself against me while dancing.

Hindi ko alam kung saan na ako nakarating pero nang idilat ko muli ang mga mata habang nasa likod pa rin ang kasayaw, dumapo ang mata ko sa bar counter. I didn't notice him earlier but when I squinted my eyes and gazed at him longer, my hips stopped swaying.

"I'm sorry, I... I need to go," I apologized to the guy I hadn't even seen the face and ran toward the counter.

Nagpamaywang ako nang tumigil sa harap ng dalawang prenteng nakaupo at umiinom ng juice. Or is it really a juice?!

"Anong ginagawa niyong dalawa rito?" sigaw ko sa kanila.

Ral stared at me whilst sipping his drink. "Drinking?"

Nasapo ko ang noo at napabuga ng hangin. Ibinaba ni Axe ang tall glass na hawak niya sa counter at napakamot sa batok. Tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa. They are both wearing jackets, a shirt underneath, and a pair of jeans.

"Paano kayo nakapasok dito?"

Nginuso niya ang direksiyon ng entrance. "Through the door?"

Wala ba talaga akong makukuhang matinong sagot sa kanya?

"Alam ba ni Mama na nandito ka?"

My brother nodded. Kulang na lang ay batukan ko siya pero hindi ko ginawa.

"May dala kayong sasakyan?"

"Hinatid kami ni Papa. Sabay na lang daw kami sa inyo ni Ate Harley umuwi."

Mariin akong napapikit. Talaga naman, oo. Wala pang alas dies, may sumusundo na kahit hindi naman kailangan. Nananadya yata talaga si Papa para makauwi ako nang mas maaga, e.

Wala tuloy akong choice kung hindi hanapin na si Harley para ihatid kami. Hindi ko naman puwedeng hayaan ang dalawang 'to rito at menor de edad pa.

"Iyan lang ang ininom niyo?" I asked them both harshly.

"Yup... bayaran mo, Ate. Wala kaming dalang pera."

Halos makita ko ang ngala-ngala ni Harley sa pagtawa niya. Pagkatapos naming magbayad ay sabay-sabay na kaming lumabas ng Milestone.

Niyakap ko ang mga braso nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Masama ang tingin ko sa kapatid na nasa harapan ko lang at kinukulit ni Harley nang may mainit na bumalot sa lantad kong balikat at braso.

Tumigil ako sa paglalakad nang pumunta sa harapan ko si Axe para ayusin ang jacket niya sa akin. Maingat niyang hinila ang buhok ko sa likod para ilagay sa labas ng jacket na ipinahiram sa akin.

Kinagat niya ang labi nang makuntento at doon pa lang itinaas ang baba para magtagpo ang mga mata namin.

"I hope it can give you some warmth..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top