Chapter 38
Chapter 38
Leadership entails a big responsibility. Anyone can be a leader, but not everyone can be a great leader. Some people are naturally born to be a leader, and some cultivate themselves to be competent leaders until they become a great one.
Ever since I stepped on the school grounds, my main goal was to pass the grade level so I can advance to the next grade level. Tuwing may groupings, hindi ako pumapayag na maging lider dahil nasa isip kong hindi para sa akin ang posisyon na iyon. I can't even be responsible to lead myself, how am I gonna lead other people, then?
"Izzy, ano? Okay lang sa 'yo na ikaw na ang Kitchen Manager natin para sa function?" untag ni Vivien habang nasa harapan siya.
Isa sa final requirement namin sa Fundamentals of Food Service Operation ay ang gumawa ng event, a function to be exact. The purpose of this function event is to apply what we learn in food service operations. Tulad na lang ng table skirting, table setting, table napkin folding, and food and beverage services. Siyempre, bukod pa roon ang planning, organizing, staffing, leading and coordination, at controlling.
"Gusto mo ba, Izzy?" tanong ng isang kagrupo ko.
Nahati kaming buong section sa dalawang grupo para sa dalawang klase ng table service: French service at Russian service. Kami sa Russian.
"Okay na 'yan si Izzy. Magaling naman 'yan sa kusina."
"Kaya mo ba, Izzy?" si Lucia. "I mean, siyempre, iba pa rin 'yong magaling lang magluto sa magaling at kayang mag-manage sa mga kasama niya sa grupo, 'di ba?"
Kumunot ang noo ko. I don't want to lead or manage people in a group because I find it stressful and heavy, and I don't fully trust myself sometimes when it comes to handling responsibilities.
Hindi ako 'yong tipo na napipili bilang lider. All the years I've been in school, I was always one of the followers—the members. Hindi ako napipili o napipilit maging lider dahil madalas na may mas magandang option para sa posisyon na iyon tuwing groupings namin.
Kaya kapag nagkaroon ako ng kagrupo na wala talagang gustong maging lider, nagiging lider na lang ang kung sinong sa tingin naming "pinakamatalino" o "pinakamagaling", hindi bale na kung saan man siya matalino o magaling. Madalas mangyari iyon sa amin noong junior high school pa lang. Basta may masabing lider, ayos na 'yon.
"E 'di ikaw na lang ang Kitchen Manager. Mukhang kaya mo naman." Sabay tawa ni Seth na katabi ko lang.
"Wala naman akong sinabing gusto ko—"
"Ang sabi ko, mukhang kaya mo naman. Hindi ko sinabing mukhang gusto mo naman. Magkaiba 'yon. Unless gusto mo lang ng posisyon pero hindi mo rin kayang gampanan ang responsibilidad?" putol ni Seth kay Lucia habang nakangisi.
Siniko ko siya. Nagtaas siya ng kilay pero nakatingin pa rin sa kaklase namin. Bakas naman ang iritasyon sa mukha ni Lucia dahil sa sinabi ng kaibigan ko.
"Bakit gugustuhin kong maging KM, e, sa dining na nga ako nakatoka?"
"Sa dining ka na pala nakatoka, bakit pinakikialaman mo pa ang sa kitchen? Tapos na kayo, kami naman, puwede?" Seth retorted.
"We are still in a group. At anong masama kung tanungin si Izzy kung gusto o kaya niya bang maging Kitchen Manager? For all we know, magaling lang naman siyang magluto! Diyan lang naman siya magaling, 'di ba?"
"Woah..." bulalas ng nga kaklase ko habang ako ay natutop lang ang bibig.
"Hoy, ano ba kayo? Teka nga!" Hinampas-hampas ni Vivien ang teacher's desk sa harap pero parang walang narinig ang mga kasama ko.
"Oh, Izzy, payag ka no'n? Magaling ka lang daw magluto?"
"At least, magaling siyang nagluto. E, ikaw? Marunong ka man lang ba?"
Naghiyawan pa lalo ang mga kaklase ko sa sinabi ni Seth. Sinubukan kong awatin siya at ang iba pa nang nakitang namumula na si Lucia pero kung anu-ano na ang pinagsasabi ng mga kaklase ko at nagtatawanan pa.
Si Vivien na kanina pa hinahampas ang mesa sa harap ay tumigil na dahil wala namang nakikinig. Hinawakan niya na lang ang kamay na namumula bago umupo sa mesa at humalukipkip, nanonood na lang.
"Kami ang magdedesisyon sa kitchen department kung sino ang gusto namin at kung sino sa tingin namin ang dapat na maging Kitchen Manager. Kung ayaw ni Izzy, e 'di huwag niya. Don't belittle someone's capabality of being a leader just because you think she's not fit in that position. Kung hindi siya pasok bilang KM, bakit pa siya ni-nominate ni Vivien na siyang pumili rin sa Dining Manager niyo?" mahabang litanya ni Seth.
Hindi na nagsalita si Lucia. Umirap na lang at inabala ang sarili sa telepono. Si Seth naman ay hindi nagpaawat at nagpatuloy pa.
"Jusko, college na tayo, 'te. Hindi na dapat pinagti-trip-an lang ang pagpili kung sino ang dapat sa posisyon sa loob ng klase. Mataas ang expectation ng mga professors sa atin dahil section 1 daw tayo kahit ang totoo, nauna lang naman tayong nag-enroll sa iba. Hindi 'yon basehan kung matalino o magaling ang isang tao. Kung kayang maging leader o hindi. Cooperation lang ang kailangan natin ngayon dito, aba!"
"Uh, tama naman si Seth. Hindi naman siguro pipiliin ni Vivien si Izzy bilang KM kung tingin niya ay hindi nito kaya o hindi siya nababagay sa posisyon na 'yon..." singit ni Danica na isa sa pinakatahimik kaya napatingin sa kanya ang mga kaklase namin.
"May experience na rin siguro kasi 'yang si Izzy sa kitchen management kasi nga 'di ba, nagtrabaho at may-ari sila ng restaurant?" si Atienza.
"Nakagrupo po namin siya last sem sa Kitchen Essentials. She wasn't our leader that time but she knew how to guide her fellow members. Tinutulungan at tinuturuan niya kami sa mga dapat gawin without sounding like a boss."
I was born with enough confidence to stand on my own, and I'm aware of it. Yes, I can freely speak what I think and do what I want whenever I feel like doing so, but I know my limits and boundaries. Subalit sa ilang taon ko sa pag-aaral, mas marami pa yata ang nanguwestiyon kung kaya kong gawin ang isang bagay. Only those people who personally know me can acknowledge and appreciate the things I can do.
This is one of the reasons why it is hard for me and why I don't want to become a leader. Hindi dahil lang sa ayaw ko, kundi dahil ayaw rin mismo ng mga kasama ko. Wala na nga akong tiwala sa sarili ko sa bagay na iyon, wala pang nagtitiwala sa akin.
Pero ngayon ko lang napagtanto... paano nga naman sila magtitiwala sa akin kung ako mismo ay hindi nagtitiwala sa sarili ko na kaya ko?
"Payag na akong maging Kitchen Manager, Vivien," desididong sabi ko habang nakataas ang kamay at sa malakas na boses.
Nasa isip ko noon, kung sino talaga ang matatalino ang siyang dapat maging lider. But now, I think good leadership and management do not always rely on someone's intellectual ability but rather on having the mindset and qualities of a good leader to lead people. Someone who is brave enough to take the lead.
Pumalakpak si Vivien at tila nakahinga na nang malalim. "Okay! Any objection?!"
"Wala na! Okay na 'yan nang natapos na rin tayo!"
Napangiti ako nang tipid. We all start being a follower, but it shouldn't stop there. This time, I will prove to them that we have to be a leader at some point in life—a good one.
Natapos ang meeting namin sa pagpili ng magiging theme ng event, although hindi pa iyon final. Wala kasi ang prof namin sa oras na ito kaya kinuha naming oportunidad para gamitin dito sa meeting. Umalis din kami sa room kung saan kami nagmi-meeting dahil may susunod pang klase. Hindi kasi ito ang room talaga namin ngayong oras.
"Ang tagal naman nilang mag-meeting!" ani Seth nang tumigil kami sa isang room kung nasaan ang kalahating bilang ng section namin.
Dumungaw rin ako sa bintana at tiningnan ang nasa white board. Si Mason ang Dining Manager nila at kasama niya si Aaron. Ang pangalan ni Steffy naman ay nasa ilalim ng kanilang Kitchen Manager.
"Patapos na yata," sabi ko at nilingon si Seth.
Naglakad siya patungo sa may hagdanan para maupo sa mga upuan malapit doon. Sumunod naman ako pero dahil wala nang bakanteng upuan ay tumayo na lang ako sa gilid niya.
"Wala naman tayong assignment sa subject mamaya, 'no?" aniya at tiningala ako.
"Wala yata."
"Tss! Bakit nga ba sa 'yo pa ako nagtanong!"
Tumawa ako at tinampal siya sa balikat. "Wala naman talaga! Walang tiwala!"
"Wala rin naman talaga!" Humagalpak siya sa tawa kaya panay ang hampas ko sa kanya.
"Eria!"
Natigilan kami sa pag-aasaran nang may tumawag sa pangalan ko. Nagsalubong ang kilay ko nang huminto sa harapan ko si Harley na nakahawak sa kanyang dibdib habang hinihingal.
"Kanina pa kita hinahanap at tinatawagan!"
"Huh? Bakit? Nasa meeting kami kanina kaya—"
Napabukas tuloy ako sa bag para hanapin ang phone nang hawakan niya na ako sa braso.
"'Yong kapatid mo, dinala sa clinic! Sobrang taas ng lagnat!"
My eyes widened. Hindi na ako nakapagpaalam nang maayos kay Seth at halos magpagulong-gulong na kami ni Harley pababa ng hagdan sa pagmamadali.
"Paanong nasa clinic siya, e, hindi siya pinayagang pumasok dahil nilalagnat na nga kaninang madaling araw!" I rambled.
We were half-running to the clinic. Natisod pa nga ako pero nahawakan naman ako agad ni Harley sa braso kaya hindi tuluyang tumumba.
"Aba, anong malay ko? Nagulat na nga lang ako nang may lumapit sa akin kanina sa Dagohoy at pinatatawag ka dahil hindi ka raw sumasagot sa tawag."
"May meeting nga kasi kami! Hindi ko hawak ang phone at naka-silent siguro!"
"Heh! Huwag mo akong sigawan!"
"Sinisigawan mo rin nga ako!"
My legs were wobbling and I was short of breath when we set foot in the infirmary. Nagulat pa ang nakabantay roon habang may kausap na isang estudyante.
Lumapit sa akin si Harley para bumulong. "Doktor 'yan. Doktora ang itawag mo."
Tumikhim ako. "Magandang hapon po. Dok, kapatid po ako ng dinala raw dito na STEM student, si Raghnall po."
Ibinalik niya ang tingin sa estudyanteng kinukuhanan ng BP pero sinabi ring nasa loob pa nga ang kapatid ko at nagpapahinga sa isa sa mga kama na naroon. Isa lang ang puwedeng pumasok kaya naiwan muna si Harley sa tanggapan kasama ang bag ko.
"Ral!" tawag ko nang makita siyang sinusubukang umupo sa kama.
Nilagay ko agad ang kamay sa kanyang noo at halos mapaso sa init kaya agad ding tinanggal. I was ready to chastise him for being hardheaded, but my heart sank when I noticed how pale his face was with those bruises and cuts he got last night.
"Why are you here?" Mahina at paos ang kanyang boses. "Uuwi na rin ako, Ate. Baka may klase ka pa..."
Hirap akong lumunok at kumurap-kurap para pigilan ang nagbabadyang luha.
"W-wala na akong klase. Bakit ka pa ba pumasok? Hinayaan ka ni Mama na pumasok?"
Hindi pumasok sa trabaho si Mama para bantayan si Ral dahil mataas na ang lagnat kanina. Hindi naman niya kayang ilabas ang galit sa harap ng kapatid ko dahil sa nangyari kagabi noong umuwi kami kaya sa akin at kay Papa niya ibinuhos iyon.
She couldn't accept that someone would do that to her child. Ano bang rason para gawin iyon sa kanya? Sa kanila ni Axasiel? Imposible naman kasing saktan lang sila nang walang dahilan!
"Dalawang klase lang naman ang pinasukan ko," nanghihina pa niyang sambit.
"My goodness, Ral! Your health should always come first before anything else!"
"Shh. May quiz at report ko kasi kanina..."
Mariin akong pumikit. Gusto ko siyang batukan dahil naiinis talaga ako. Hindi ko kayang makita siyang nanghihina at nasasaktan ng ganito, e. Ang hirap tagalan na tingnan ang mukha niya dahil sa mga pasa at sugat tapos may sakit pa. Hinarap niya ba talaga ang mga kaklase na ganiyan ang mukha niya?
"Maiintindihan naman 'yon ng teacher niyo, Ral. Gagawa naman ng excuse letter at kukuha tayo ng—"
Napatigil ako sa pagsasalita nang hawakan niya ang kamay ko at bahagyang pinisil iyon. It was gentle yet burning as I let him hold me. I looked away from him when he focused his drooping eyes on me.
"Let's go home."
I sighed heavily. Pumasok ang doktor at kinausap ako tungkol sa lagay ng kapatid ko. His temperature hiked up to 40° celsius! At nakapag-quiz at report pa siya niyan? If I were that, I'd probably pass out to death. Hindi ko lang sigurado kung sa sakit ba o sa quiz.
Nagbigay rin muna ng reseta sa gamot ang doktor bago kami umalis doon. Hawak ko si Ral sa braso para alalayan habang suot sa aking balikat ang maliit na bag niya. Meanwhile, Harley's walking abreast me while holding my bag.
"Anong nangyari sa mukha niyan?" bulong niya, bahagyang nakayuko sa akin dahil mas matangkad.
Bumaling ako sa kanya para bumulong din. "I'll just tell you next time."
Nagkatitigan kami bigla at parehong napahinto sa paglalakad. Raghnall was forced to halt because of us.
"Teka, magkaaway tayo dapat, 'di ba?" kunot-noo kong bulong.
She tilted her head. "Oo nga, 'no? Bakit tayo nag-uusap?"
"Kasi may bibig tayo?" patanong kong sagot.
"Ah, sige. Next time na lang tayo mag-away," aniya habang tumatango. "Uuwi ka na rin ba? I can drive you home together with Ral."
I pursed my lips and suppressed my laugh. Inirapan ko siya at nagsimula nang maglakad ulit. Sinipat ko si Ral na halos nakapikit na habang naglalakad. His shoulders were slouched and his steps were slower and shorter than his usual pace.
"Pinagamit na sa akin ni Papa ang sasakyan. Ako nang bahala kay Ral. Isa pa... may klase ka pa yata, ah?" sabi ko habang kinukuha ang panyo sa bulsa ng skirt.
I used the hanky to wipe off Ral's sweat on his neck and forehead. May suot kasi siyang itim na facemask para hindi siguro makita ang mga pasa sa kanyang mukha.
"Mamaya pa naman ang klase ko pero..." Natigilan siya sa pagsasalita habang nakatingin sa harap at tila may tinititigan.
I stopped what I was doing and my eyes traveled to where her gaze was fixed at. Bahagyang nagparte ang labi ko nang namataan si Dwight, naglalakad kasama ang dalawa niyang kaibigan.
Harley pushed my arm with my own bag aggressively. Kinuha ko naman iyon sa kanya agad dahil binitiwan niya na.
"Sa susunod, huwag mo na akong uutusan para kunin 'yang bag mo! May mga paa at kamay ka kaya iyan ang gamitin mo!" she hollered madly.
I was astounded at first but then realized something. Bago pa ako makapagsalita ay padabog na niyang nilagpasan kaming dalawa ni Raghnall.
I avoided meeting Dwight's eyes, but in just a blink of an eye, he was already upfront with us, making Ral and I stop on our course. My brother sighed and murmured something to himself beside me.
Dwight seemed like a tamed tiger. "What happened to him?"
"Nilalagnat. Iuuwi ko na," matabang kong sagot habang naglalakad pa rin.
"Oh? I can drive—"
"No need, Dwight. May dala akong sasakyan."
"You drive a car now?"
"Kasasabi lang, 'di ba?" Umirap ako at binalingan ang kapatid. "Ral, kumain ka na ba?"
I totally ignored Dwight for the hell I care. Mukha siyang tanga na nagsasalita sa tabi ko hanggang sa umalis na lang. Hindi niya maipakita ang tunay na ugali sa harap ng kapatid ko.
Kahit mainit ay tiniis kong nakapatay ang aircon ng sasakyan. Ral's still shivering in cold even though he was already covered with his jacket and hugging himself. I reached for his hand and caressed it, releasing a breath at the same time.
"Hindi ka na kasi sana pumasok, Ral..." mahina kong sinabi.
Nakapikit na siya at hindi na nagsalita pero sobra na ang panginginig niya. Pinunasan ko muli ang kanyang leeg at noo hanggang sa naging berde ang ilaw ng traffic signals.
Napailing ako at marahas na pinalis ang tumulong luha sa pisngi. I gasped and tried to calm myself. Kahinaan ko talaga ang makitang nanghihina at nasasaktan ang mga taong mahal ko, lalo na ang sariling pamilya. I'm always willing to take all the pain from them just so they won't suffer.
I made a U-turn and sped up to the nearest hospital. Raghnall was completely unconscious when we arrived, so I asked for the nurses' assistance.
"His temperature hiked up to 40 degrees celsius..." panimula ko sa nurse nang nagtanong pagkapasok namin sa ospital.
Tinawagan ko na si Mama para sabihin ang balita tungkol kay Raghnall. Nasa bahay lang siya para bantayan sana si Ral pero ang pasaway kong kapatid, pinagpilitan pa ring pumasok para sa quiz at report niya!
Naupo ako sa waiting shed at tulala lang sa sahig hanggang sa may pares ng sapatos ang tumigil sa harapan ko mismo. I looked up at the owner.
"Oh... anong ginagawa mo rito?" Nakaturo pa sa akin si Ajasiel at bakas ang pagtataka sa mga mata.
"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"
Ngumisi siya at humalukipkip. "Apparently, someone beat the daylights out of my little brother last night, and he had—"
Napatayo ako. "Nandito rin si Axe? Nagkasakit din ba? Kumusta na ang lagay niya? Nasaan siya?"
His jaw ticked. Tumagilid nang kaunti ang kanyang ulo habang nakatitig sa akin, nakaangat nang bahagya ang isang sulok ng labi.
Ajasiel is the complete opposite of Axasiel. While the latter's innocent and genuine expression mirrors his personality, the former is that devil in disguise despite his saintly countenance.
Siya 'yong tipong ngumingiti kasama ang mga mata. Pero sa likod ng mga ngiti at tingin ay tila laging may nakatagong lihim. Para bang may alam siya tungkol sa 'yo na kahit ikaw mismo sa sarili ay hindi iyon alam.
They are both transparent at some point, though, based on my observation. Madali lang para sa akin basahin kung totoo o hindi ang ipinakikita nilang dalawa. Ang pinagkaiba lang, hindi madaling alamin kung ano ba ang nakatago sa bawat ngisi at tingin ng mas matanda sa kanila.
"I already sent their fingernail clippings to a forensic laboratory and we are just waiting for their report. Sa tagong parte ng memorial park naganap ang pambubugbog sa kapatid ko at sa kapatid mo. Walang CCTV, wala ring witness. Kung meron man, baka multo naman."
"Oh... so where is Axe now?"
Numipis ang labi niya at mariin akong tiningnan. He slid his hand into his pants' pocket.
"Did you even comprehend what I said, Miss Isra?"
"I'm not as dumb as you think—"
"You are not dumb because you are dumber than I imagined," he said to slice me off.
Kumulo ang dugo ko at napatayo na para pantayan ang mga mata niya. He didn't even squirm as if not affected by my obvious rising spleen.
"Anong sabi mo?"
"Hindi mo ba talaga maisip kung sino sa tingin mo ang may pakana kung bakit nandito ngayon sa ospital ang kapatid natin?"
Nagtiim-bagang ako at pinagmasdan siya. The smirk on his lips evanesced in an instant.
"Sa tingin mo ba ay isang tambay na lasing lang ang gagawa no'n sa kanila? Pinag-trip-an lang, ganoon? Sa Loyola Memorial Park?" he probed in a low voice, eyes shifting from his east to west discreetly. "It can't be just a coincidence, Miss."
"The idea has also occurred in my mind, Aji. But we have not enough evidence yet—"
"Raghnall and Axasiel harbored physical evidence to track the offenders, and that's already sufficient. Axe can not and will not use his fist to fight back, but he's wise, clever, and intelligent enough to punish the punishable by law without dirtying his hands."
He brought his fingers to his lower lip and played with it. Nakatungo siya nang kaunti at tila may malalim na iniisip. Bumalik ako sa pagkakaupo at ipinahinga ang kanang binti sa kaliwa.
"He's quite knowledgeable when it comes to forensic science since he's advance studying it. Kahit ipusta ko pa lahat ng ngipin ko, alam kong alam niya na rin kung sino talaga ang may pakana sa nangyari sa kanila pero hinihintay pa rin ang resulta." Now he sounded playful.
I smirked. "No one will be interested in your teeth, though."
Umiling siya habang pinatutunog ang bibig gamit ang dila pero nakangisi na ulit. His brown orbs were now sparkling with sly delight. Kumibot ang labi ko.
"But I think we should take this incident as an opportunity to capture someone..."
"What do you mean? Kasasabi lang na hihintayin pa ang..." Natigilan ako sa sinasabi nang napagtanto ang tinutukoy niya.
Lumawak ang ngisi niya. "Tonight's event should be entertaining, Miss..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top