Chapter 37
Chapter 37
My head was pulsating brutally as though my blood vessels would suddenly burst upon waking up on Tuesday morning. I groaned and rolled over my bed whilst holding my head.
Binuka ko ang mga braso sa gilid at dumilat. The strands of my hair hovered my face as I pulled myself up. Muli akong umungol sa sakit ng ulo habang hinahawi ang buhok na nakaharang sa mukha.
Bumaba ang tingin ko sa katawan at nakitang naka-undies na lang ako. I crawled out of bed and found my stinking clothes on the floor. Iyon ang mga suot ko kahapon pagkatapos ng duty.
Yesterday was Glaize's birthday and she threw out a party at their house. Hindi ko na napasukan ang una at pangalawang subject kaya ang isa pang bridging na lang ang a-attend-an ko mamayang alas sinco.
My eyes were still half-open when I drew out a boyfriend shirt from my closet. Nag-toothbrush lang ako at lumabas din agad ng kuwarto para kumain. Hindi naman ganoon yata karami ang nainom ko dahil hindi ako nagsusuka pero masakit pa rin ang ulo.
Nasa hagdan pa lang ako nang marinig ang iba't ibang boses, nagpapahayag na maraming tao ang nasa ibaba. Kumunot ang noo ko at nang tuluyang nakababa ay naabutan ang ilang naka-uniporme pang bisita habang nasa sala namin. May nakaupo sa sahig at meron ding nasa couch namin. Papers and books were scattered on the center table.
Anim sila kasama na sina Raghnall at Axasiel. Nakita ko rin 'yong babaeng laging naka-high ponytail at salamin katabi ng kapatid ko. My brow lifted. Bihira lang magdala ng mga kaklase si Ral dito sa bahay para sa mga group meeting, although wala namang problema sa amin.
Axasiel was talking to his classmate when his head swirled in my direction. He squared his shoulders and examined me from head to toe.
"Ay... hello po!" nakangiting bati ng isang morenang abala sa kanyang laptop.
Napatingin na tuloy sila sa akin at bumati rin ang iba. I only smiled at them and jerked my head in the kitchen's direction.
"Continue what you're doing. Sa kusina lang ako."
"Ate..." tawag ni Ral at may itinaas siyang plastic.
Napangiti ako at nilapitan siya. Galing sa KFC iyon.
"Thank you. Kumain na ba kayo?" I asked.
"Kumain na po kami kanina. Nasa ref 'yong kasamang inumin niyan kung gusto mo," Ral answered without looking at me.
Tumango lang ako at nagpunta na sa kusina para hindi na sila maabala. Iniwasan ko ring sumulyap doon sa babaeng nakasalamin at kay Axasiel kahit pa bulgaran na ang pagtingin sa akin.
Ipinatong ko sa mesa ang bigay ni Ral at inilabas na sa plastic ang pagkain. Nang buksan ko ang fridge ay halos wala nang paglagyan sa loob dahil puno na naman. May stocks na nga rin ng mga inumin, ice cream, at iba't ibang tsokolate. Mukhang nag-grocery sila kahapon nang hindi ako kasama.
I shrugged my shoulders and just pulled out the water pitcher. Nakalabi pa ako nang umikot at natigilan lang nang namataang naglalakad si Axasiel patungo sa direksyon ko.
Tumigil siya sa harapan ko para kunin ang pitsel bago niya ipinatong sa mesa katabi ng pagkain ko. He even got me a glass and filled it up with water. I was only watching him from my position when he turned to me.
"Kumain ka na," aniya habang nakatitig sa akin.
Bahagya akong nakayuko nang lumapit sa mesa. He carefully hauled back the chair before he moved astride to give me some space.
Sinulyapan ko siya nang patagilid. Halos isang linggo na yata siyang pumupunta ulit dito sa bahay para mag-aral. Kapag umuuwi ako galing sa trabaho, saka naman siya umaalis nang hindi kami nag-uusap. Though, I've been receiving constant messages of greetings and reminders from him everyday.
"You should go back to the living room, Axe. Baka mamaya ay magtaka sila kung anong ginagawa mo rito at ang tagal mo."
"Ano po bang ginagawa ko?"
Huminga ako nang malalim at nilingon siya. "Axasiel, nag-usap na tayo, hindi ba?"
He avoided my gaze and faced the table. He planted the heel of his palm on it and drummed his fingers largo.
"Do you know what livor mortis is?"
My brow rose. "Liver... what?"
"Livor mortis," he repeated clearly. "It's the gravitational pooling of blood and can be used to determine the time of death of a victim by analyzing the discoloration at the lowest point in the body."
"Oh... 'kay?"
"Also, insects have proven to be a reliable indicator of a person's time of death or the post-mortem interval. Since insects have a certain level of endemism—which means the tendency to live only in specific areas, bugs present in the corpse can help investigators determine where the crime was committed. Insect evidence may also indicate that the body was moved to a different location after death or was disturbed at some point. That's how insects can be helpful to investigators in solving crimes involving someone's death."
I was only gawking at him while he was explaining something my brain couldn't grasp. Mukhang nabawasan na naman ang brain cells ko. Ang sakit na nga ng ulo ko dahil sa hangover, mas sumakit pa yata dahil sa sinabi niya.
"Axe... gusto ko lang kumain," I said cautiously. "I honestly don't want to hear anything about blood or insects or someone's time of death, especially when I just woke up with a hangover and while I'm trying to eat."
He blinked fast. "S-sorry. Does your head still hurt? Gusto mo pong uminom ng gamot?"
"Just leave me alone, please? Baka hinahanap ka na roon sa meeting niyo."
The bulge on his neck bobbed. Mula sa mga mata ko ay bumaba ang tingin niya sa sahig bago inalis ang kamay sa mesa. Tumango siya at tipid na ngumiti.
I evaded my eyes from him and focused on my food. It was hard for me to see the pain in his eyes even though he wasn't directly looking at me.
"Mamaya pala... susunduin kita," pahabol niya pa.
"Hindi mo na nga ako kailangang sunduin, Axe," medyo iritado ko nang sinabi. "Ihahatid ako pauwi ni Dwight mamaya, okay? Kapag nakita ka niya—"
"Okay," he cut me off before I could finish my sentence. "I understand."
Bago umalis ay kumuha siya ng saging na nasa fruit basket at ipinatong sa tabi ng pagkain ko.
My jaw clenched. Mabilis kong tinapos ang pagkain at bumalik na sa kuwarto. Mukhang research ang ginagawa nila sa sala dahil may narinig akong tungkol sa mga article, journal, literature, and study.
I opened my desktop and reviewed my report for our lecture later. It's a group report, but I wonder if the rest of my groupmates even study their part. Blockmate ko sila kaya kilala ko na rin ang ugali pagdating sa reporting.
Isang nagbabasa lang sa PPT presentation at sa papel, isang mag-e-explain pero tinagalog lang naman, at isang tawa nang tawa habang nagre-report.
I faced palm after their turn, but I was chuckling. Hindi naman ako kagalingan sa pag-report pero naitawid ko rin naman ang sa akin. I just read the first to the second sentence of my presentation and then explained it briefly. Our professor allowed us to speak Tagalog and English, so it was more convenient.
"1.25 grade mo. Nakita ko," bulong ni Damien pagkaupo niya sa tabi ko.
"Huh? Paano mo nalaman?"
Ngumisi siya. "Nandoon kaya ako sa tabi ni Sir kanina kaya nakita ko 'yong grade na nilagay niya sa index card mo."
"Weh?" Tumaas ang kilay ko. "Kayo? Ilan?"
"1.75 'yong dalawa, e. Ewan ko lang sa akin, hindi ko nakita. Baka same lang din sa kanila?"
Ngumuso ako at tumango-tango.
Quarter to 7 o'clock na natapos ang klase namin sa subject na iyon. Nawala na rin naman ang sakit ng ulo ko habang nasa klase pero inaantok na agad ako kahit pa kaninang hapon lang naman ako nagising. Mabuti na lang at wala akong pasok sa trabaho ngayon.
"Izzy! Mag-LRT ka, 'di ba? Sabay na tayo!" ani Damien habang nagsisilabasan ang mga kaklase namin.
"Ah, sige."
Kinuha ko sa bag ang phone at ch-in-eck ang inbox. I received Dwight's texts saying he would wait for me at the parking lot. Kumawala ang dismayadong hininga sa bibig ko nang walang mabasang mensahe galing kay Axe.
Right. I told him that he doesn't need to pick me up because of Dwight. Matamlay kong nilingon si Damien habang pababa kami ng hagdan.
"Damien... may susundo pala sa akin ngayon. Diyan lang ako sa parking lot."
"Ah, gano'n ba? Hatid na lang kita roon kung ganoon." He smiled at me.
I returned the small smile to him. We were talking about the probable next activity in our FSO subject along the way to the parking lot when someone took hold of my arm forcibly. Napatigil tuloy kami sa paglalakad.
Ngumiwi ako at nilingon si Dwight na nakangiti, animo'y isang inosenteng tuta na hindi kayang manakit. Mariin kong hinawakan ang kamay niya para tanggalin sa braso ko bago nilingon si Damien.
"Sige, Damien. Siya 'yong sundo ko. Ingat ka," I told him and nodded.
Nakakunot ang noo niya nang balingan si Dwight pero nang bumalik sa akin ang tingin ay ngumiti lang siya bago tumalikod na. Saka lang ako lumingon kay Dwight gamit ang matalim na mata nang medyo nakalayo na ang kaklase ko.
"Where's your car? Ihatid mo na ako pauwi," I ordered him.
"Kailangan pa bang magpahatid ka sa lalaking iyon papunta lang dito?"
"Kailangan bang mangialam ka lagi sa ginagawa ko at mga kasama ko?" I retorted and scoffed.
He grabbed my forearm and dug his nails into my skin through the thin cloth. "Nakipaghiwalay ka lang sa ex mo, kung kani-kanino ka na ngayon nagpapasama?"
I flinched at his physical violence and my palm landed on his cheek like a shot. Mabilis ang pagtaas-baba ng aking dibdib habang hawak ang braso at nanlilisik ang mga mata sa kanya nang lumayo.
"Don't you ever hurt me again, or you'll hear the mourning cries of a banshee at midnight," I threatened and smiled wickedly. "You know what that is? I bet not. So, do your research about it. Maybe it could help."
I spun my heels and beat a hasty retreat. Pretending to be a deaf and blending with other students while he was calling me aided me to escape. Sa sobrang bilis ng lakad ko ay naabutan ko pa si Damien at ang tatlong lalaki na kaklase namin sa bridging subject.
"Oh, akala ko ay may sundo ka?" gulat na tanong ni Damien nang pumuwesto ako sa tabi niya.
Bahagya pa silang napatigil sa paglakad pero tumuloy rin naman ulit.
"I changed my mind. Mag-LRT na lang ako. Doon din ba kayo sasakay?"
Nagkatinginan silang apat.
"Ano, Izzy..." Napakamot ng ulo si Terrence. "Pupunta kasi kami ng—"
"Oo," Damien cut him off. "Sabay ka na sa amin. Pauwi na rin kami."
"Ha? E, akala ko ba pupunta na tayo ng—aray ko naman!"
Bahagya akong ngumisi at tiningnan sila. Umiwas ng tingin ang tatlo habang si Damien naman ay nakatingin lang sa akin.
"Mukhang may plano pala kayo. Don't worry, you don't have to cancel your plan just because of me. Sabay na lang ako hanggang diyan sa labas."
Damien smiled shyly. "Sorry, Izzy."
Tumawa ako. "Okay lang, uy. 'To naman..."
Napagdesisyunan kong pumunta muna ng Gateway at doon na lang din kumain. Raghnall's birthday is coming this Friday so I spent time in Datablitz to buy him a gift.
I bought a Nintendo Switch impulsively. Hindi bale, minsan lang naman gumastos nang mahal at para naman kay Raghnall. Although I'm pretty sure he'd reprimand me for spending a lot, he has no choice but to accept it in the end.
Pagkauwi sa bahay ay naroon pa sa sala sina Mama at Papa, nanonood ng pelikula sa Netflix. Si Mama ang lumingon sa akin nang nakalapit ako.
"Kumain ka na?" she asked after I kissed their cheeks.
"Opo. Kayo, Ma?"
"Kanina pa," sagot ni Papa saka lumingon sa akin at inilahad ang kamay. "Magbihis ka na at sunduin mo ang kapatid mo."
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kamay niyang hawak ang susi ng sasakyan. It was our Chevy's key fob!
"Sunduin si Ral saan? At... hahayaan niyo na akong gumamit ng sasakyan?"
"You enrolled in a driving school, got your student's permit last year, and recently, you applied for a non-professional driver's license without even informing us beforehand. You really can decide on your own, hmm?" sarkastikong pahayag ni Papa.
Yumuko ako at ngumuso.
He clicked his tongue. "Tinatamad na akong mag-drive. Ikaw na ang sumundo sa kapatid mo. Ayusin mo lang ang pagmamaneho at baka—"
I squealed and snatched it from his palm. Masama ang tingin niya nang ilagay ko ang kamay sa dibdib, halos mapunit ang labi sa pagngiti.
"Akin na 'to, Pa!" I almost jumped for joy, but it faltered when I remembered Ral.
"Wala akong sinabi na sa 'yo na ang sasakyan, Izzy," ani Papa. "I'm just letting you use it for the meantime."
"Pero saan nga po nagpunta si Ral?"
"Today is Axasiel's sister's death anniversary," si Mama at bumaling na sa TV habang umiiling. "They always stay up late until either Third or Miko picks them up from the memorial park. Sinabihan na ni Third si Miko na ikaw na lang ang susundo sa kanila ngayon doon."
Umawang ang labi ko. My energy was drained as I went up to my room to change clothes. Nasa sala pa rin ang mga magulang ko nang bumaba ako.
"Drive responsibly and go home safely, Izzy," paalala ni Mama.
"Kapag may nakita kang multo, kuryentehin mo agad," nakuha pang biro ni Papa. "May nakatagong maliit na taser doon sa compartment sa tabi ng manibela. Dalhin mo 'yon kapag lumabas ka ng sasakyan para sigurado."
"You have a taser inside our car?" Mama inquired.
"Tagal na, ah? Hindi lang nagagamit."
Tulala ako habang nagmamaneho. May navigator naman kaya hindi ako nahirapang pumunta sa Loyola Memorial Park. I'm not afraid to go there but my hands are sweating cold for uncertain reason.
Axasiel's family—particularly on his mother's side—is filthy rich that they had built their daughter's own mausoleum. That is the nearest memorial park to their house.
It is not a significant day for me and I'm terrible when it comes to date so I have no idea that today is Sapphire's death anniversary. Ang una't huling punta ko lang yata roon ay noong araw ng libing niya mismo kaya hindi ko rin sigurado kung saan iyon banda.
I parked at the entrance, sighing as I picked up my phone from the dashboard. I dialed Raghnall's number, and he answered it on my third attempt.
"Hmm?" tila pagod at walang lakas niyang bungad.
"Nasa entrance ako para sunduin kayo. I don't exactly know where are you. Lumabas na lang kaya kayo? I'll wait."
There was a moment of silence until I heard his sigh. "Papunta na kami."
I ended the call and leaned back with closed eyes. Nagpatugtog lang ako habang naghihintay. Panay sulyap ako sa orasan at inabot yata ng bente minutos nang may kumatok sa bintanang katabi ko.
Sumilip ako at nang si Ral ang nakita ay mabilis kong in-unlock ang mga pintuan. Halos magkasunod lang silang pumasok at nasa tabi ko si Ral.
"Ang tagal niyo—"
Naputol ang sinasabi ko nang makita ang mukha ng kapatid. Tinanggal ko ang seatbelt sa katawan at humilig para hawakan ang mukha niya. Agad niya namang iniwas iyon sa akin at tumingin sa may bintana.
"What happened to your face?" I exclaimed angrily.
Sinubukan ko ulit hawakan ang mukha niya at nang iniwas niya ulit ay hinampas ko na sa braso. I clutched on his jacket and pulled him toward me. Sapilitan kong sinapo ang pisngi niya para iharap sa akin.
Mariin kong kinagat ang labi at pinagmasdan ang kawawang mukha niya. Puno ng pasa at natuyong dugo ang kanyang pisngi, mata at kilay, at labi.
What the hell?
"Masakit, Ate!" reklamo niya at hinawakan ang kamay ko.
"Halata nga!" Pinandilatan ko siya. "Mukhang kanina pa 'yan, ah! Sinong gumawa niyan sa 'yo, ha? Kilala mo ba? Bakit ka sinuntok—"
"Ate, umuwi na nga lang tayo!" Ngumiwi siya agad at sinapo ang pisngi.
"Ayan! Sige, sigawan mo pa ako at dadagdagan ko 'yang bangas mo sa mukha," pagalit kong sinabi pero nalukot muli ang mukha habang tinitingnan siya. "Sino nga ang gumawa niyan? Kilala mo?"
My blood's already boiling in anger. Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang gumawa nito sa kanya, siguradong ipakukulong ko. Ni hindi nga pinadadapuan ng lamok 'yan ni Mama, tapos gagawin lang tortang talong ang mukha ng ibang tao?
Mama would be furious, too. Baby namin 'yan, e. Siguradong hindi palalagpasin ito ni Mama!
"Wala. Hindi."
"Anong wala? Anong hindi? Huwag mong sabihing multo ang gumawa sa 'yo niyan, Ral! Naku, dadagdagan ko 'yan talaga at itotorta kita nang tuluyan! Hindi tayo makakaganti sa multo, leche!"
The short and silent chuckle caught my attention. Bahagya akong napalayo kay Ral at itinagilid ang ulo para sulyapan ang nasa likod. Mabilis na yumuko si Axasiel at tinabunan ng kamay ang bibig. Dahil sa suot na itim na sumbrero ay hindi ko na makita ang mukha.
My gaze darted to his dirty white shirt underneath his unzipped jacket.
"Axasiel," I called in a warning tone, but he didn't look up.
"Ate, umuwi na tayo," tawag pansin ni Ral. "Ihatid muna natin si Axe sa kanila."
Hindi ko siya pinansin at pinanatili ang tingin kay Axasiel. Pasimple niya pang isinara ang jacket nang abutin ko ang sumbrero niya para tanggalin sa ulo niya.
"Patingin ng mukha mo, Axasiel," utos ko.
"Ayoko po."
"Isa!"
Hinawakan ni Ral ang braso ko at bahagyang hinila. "Ate, hayaan mo na nga. Umuwi na tayo."
Umigting ang panga ko at pairap na tumingin sa kapatid. He retrieved his hand and looked away.
Tumahimik na ako at pinaandar na ang sasakyan. I stopped at the nearest Mercury Drug and my ear was sharp enough to discern Raghnall's grumble beside me.
"Umuwi na lang tayo agad, Ate—"
"Huwag mo akong utusan!"
Sinara niya agad ang labi at yumuko. Padabog akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng drugstore. Wala naman masyadong tao kaya mabilis lang akong nakabili ng kailangan para sa pansamantalang gamot sa sugat nila.
I hopped inside the car and turned on all the interior lights. Humarap ako kay Raghnall habang tinitingnan ang mga pinamili bago siya sinimulang gamutin. I gently dabbed the cotton with ointment on his cuts but he was still grimacing.
Napabuga ako ng hangin. Buong oras na ginagamot ko siya ay hindi siya makatingin sa akin kahit pa nakaharap sa akin ang mukha niya.
"The ointment is useless. Marumi pa ang sugat ko nang ilagay..." bulong niya.
Inirapan ko siya. "Palit muna kayo ni Axe ng upuan. Gagamutin ko rin ang sa kanya."
Inirapan niya rin ako at bumusangot. "I'm wounded. You should be the one to adjust, Ate Izzy."
I glared at him. Humalukipkip lang siya at sumandal sa bintana habang nakapikit. Sinulyapan ko naman si Axe sa likod at pareho lang sila ng posisyon ng kapatid ko ngayon. I can now clearly see his damaged face. May black eye pa nga.
Sino bang bumugbog sa dalawang 'to? E, walang laban pa naman ang dalawang 'to pagdating diyan.
Lumabas ako para makalipat sa likuran at naupo sa tabi niya. Tumuwid siya ng upo at halos hindi rin makatingin sa akin.
"Humarap ka sa akin."
He shifted in his seat to face me. Salubong ang kilay ko habang ginagamot ang sugat niya at pilit ding iniiwasan ang kanyang mga mata. He didn't even flinch every time the cotton would peck on his cuts. Sinubukan kong diinan at doon pa lang siya ngumiwi.
My eyes flickered from his lips to his eyes and caught him staring at me. Napalunok ako at agad nang ibinalik sa sugat ang tingin.
"Hindi niyo ba talaga kilala ang gumawa nito sa inyo?" mahina kong tanong.
Bahagya siyang umiling.
"Saan nangyari? Sa loob o labas ng memorial park?"
"Loob."
Kumunot ang noo ko. Wala bang ibang tao sa loob malapit sa kung nasaan sila?
"Don't fret, Izzy. We can still trace them."
"Hindi niyo nga kilala, e." I frowned.
"We really didn't know them. But we were able to scratch their skin to obtain their skin cells and blood underneath our fingernails. It can be used as physical evidence to trace them since their DNA—ah!" Halos mapapikit siya sa ngiwi nang diinan ko ang cotton bud sa pisngi niya.
"Stop talking too much!"
"I'm just explaining that you can get someone's DNA by scratching their skin and track them, especially if that person is a perpetrator—whether you know him or not," he said with a dejected face. "As long as you don't immediately clean your nails prior to DNA testing, it will be very helpful. I already told Ral to clip and keep his fingernails to prevent further contamination once we get home."
Tumango ako at tinapos na ang paggamot sa kanya. Ibinalik ko na ang mga gamot sa paper bag at bubuksan na sana ang pinto sa gilid ko nang hawakan niya ang aking pulso.
Napasulyap ako sa rearview mirror at hindi ko naman makita si Raghnall dahil sa puwesto niya. Tinaasan ko ng kilay si Axasiel nang umusog siya palapit sa akin. Umalon ang lalamunan niya habang nakatitig sa akin.
"Axe?"
Namilog ang mga mata ko at hindi agad nakagalaw nang yumuko siya palapit sa akin para patakan ng halik ang labi ko. Daig pa ang kidlat sa bilis ng halik niya pero halos magkanduling pa rin ako sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin.
Namumungay ang mga mata ko nang muli niya akong halikan. Marahan at mababaw lang iyon hanggang sa napapikit ako sa lambot at kakaibang kiliti na dulot ng mga labi niya sa akin.
It wasn't intense nor fierce, yet it felt like he consumed all my strength when our lips pulled apart. Dinilaan at kinagat ko agad ang labi bago siya tiningala. I noticed my hand gripping his shoulder.
"Izzy..."
Binawi ko ang kamay at lumingon sa harap. Hindi ko alam kung tulog na ba talaga si Raghnall o nagpapanggap lang.
"S-sorry. U-umuwi na tayo," nanginginig kong sambit at walang lingong lumabas na ng sasakyan para bumalik sa harap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top