Chapter 33

Chapter 33

Christmas doesn't feel the same way it did last year. Perhaps because I'm getting older. My heart wouldn't flutter anymore at the thought of it. Or because I finally believe that Santa Claus isn't going to come inside our house and leave me a gift for being a good girl because he's not real.

Inalog ko ang hawak na snow globe. Sa loob nito ay isang snowman na nakasuot ng Christmas hat at napapaligiran ng tatlong reindeer. It was one of Axasiel's gifts for me last Christmas.

Dito lang kami sa Pilipinas nag-celebrate ng Pasko, sa bahay mismo ni Dada. Before the holiday, I'd already sent my gifts to some of my classmates, friends, and relatives. The presents I received from them are still unopened except the ones I got from my family, Harley, and Axasiel.

And this snow globe is my favorite. Ngumiti ako at muling inalog-alog iyon nang may kumatok sa pintuan ko. Hindi ko inalis ang tingin sa hawak nang narinig na ang pagbukas ng pinto.

"'Nak, kakain na."

"Mamaya na po ako. Hindi pa po ako gutom," sagot ko kay Papa.

"Isra, hindi ka raw kumain kanina kaya maghapunan ka na..."

"Mamaya na nga po. Please, huwag niyo na po akong kulitin."

Tumalikod ako sa direksyon ng pinto. I heard him sigh before the door's creak followed. I reached for Dolphy and thrust him into my chest while still playing with the snow globe.

Tapos na ang New Year at pasukan na naman. I don't know what's wrong with me but going to school again seems like entering a small part of the burning pit. Ayaw kong pumunta at gusto ko na lang mag-stay rito sa kuwarto—sa kama mismo—hanggang mamatay.

Tutal mukhang sa kama naman ako ginawa, sa kama ako ipinanganak, bakit hindi na lang din dito sa kama na ito mamatay? Tapos sa espesyal na kama rin ako ihihiga kapag namatay.

And do you think it's funny, Eria? Talking about death after you almost took the life that wasn't even yours in the first place?

I dragged my feet into the hallway of our department building the next day. Sobrang aga ko na naman kahit pa sinabing ayaw ko ring pumasok. Si Papa ang naghatid sa aming dalawa ni Ral.

Ibinalik niya na rin ang mga pagkain at credit card ko pero hindi ko pa nagagamit ang huli. At parang wala akong balak gamitin na.

I'm already 19... yet I'm not doing anything to earn money for myself. Kahit pa sabihing hindi naman kami naghihirap, mas maganda nga naman siguro na maghanap din ako ng pagkakakitaan?

I was contemplating about it inside a cubicle when unfamiliar voices filled in the four corners of the restroom. Ang lalakas ng boses nila na para bang hindi nag-e-echo ang boses hanggang labas at hindi natatakot na sawayin ng tagalinis dito.

"He's turning 17 naman. What's wrong with that? Legal na rin kami sa pamilya, both side."

"Hindi ba child grooming na 'yan? You're already an adult while he's still a minor. Sixteen is still considered a child here in the Philippines. A juvenile, Saddie."

Natigilan ako sa pagbubukas ng pinto nang mapagtanto ang pinag-uusapan nila. Hindi ako ganoon katsismosa pero nakuha nito ang atensiyon ko at gusto pang marinig ang pag-uusap nila.

"Huh? Grooming agad? Paano naman naging child grooming iyon?"

"Sino ba ang unang nagkagusto sa inyo?"

"H-huh? Siya..." Her voice lowered. "Hindi ko naman siya napapansin noon pero... ewan ko. Bigla na lang, ano, nagkagusto rin ako sa kanya?"

An adult dating a minor... is it really considered child grooming? It seemed that one of the girls outside this cubicle was in the same situation as I was with Axasiel.

"Maraming tao na sinasabing grooming agad kapag nagkarelasyon ang isang minor at adult. However, grooming is an act of manipulation toward a child. Whether the groomer is a man or a woman, if he or she tries to gain the trust of a child in order for them to cross the boundary, say... initiating or persuading the potential victim to do something inappropriate—to sexually abuse them to be exact—that is grooming," panibagong babae ang nagsalita.

My hands went cold and sweaty as I sat on the toilet bowl's cover.

Hindi naman... hindi ko naman siguro minamanipula si Axe? Hindi ko naman siya binibigyan ng mga bagay para makuha ang tiwala niya. I cooked for him, yes, but it's just an act of service. Saka hindi lang naman siya ang nilulutuan ko lang.

Pinilit ko na ba siyang may gawin kaming hindi dapat? Ang alam ko ay hindi rin naman. Ni hindi nga pumasok sa isip ko na gawin ang bagay na 'yon sa kanya kahit pa noong naging kami na.

Holding hands, kisses on cheeks and forehead, hugging... iyon lang naman ang ginawa namin. Mali na ba iyon? Well... we have kissed two times...

Ang una ay roon sa bahay niya. Pangalawa ay 'yong sa labas ng banyo rito sa school. Nakuhaan ba kami ng lalaki roon? Wala naman akong nabalitaan na kumalat na picture namin ni Axasiel kaya baka hindi?

"What? I'm not giving anything to him nor even thinking of having sex with him," the girl said what was on my mind.

"I'm not really sure, Saddie, but I guess it's not necessary about having sex with the child to consider it to be grooming," the girl who explained about grooming supplied. "Marami kasing puwedeng senyales na grooming ang ginagawa ng abuser. Pero iisa lang ang gusto mangyari—iyon ay ang makuha ng groomer ang tiwala ng isang bata. I also think na hindi lang adult ang puwedeng mang-groom. Kahit bata o minor siguro mismo, puwedeng gawin iyon sa mas bata sa kanya."

Mas lalo akong nanlamig sa narinig. Naiintindihan ko ang ipinupunto ng babae at kahit hindi niya na dinagdagan pa ay nag-conclude na ako sa isipan ko.

"Gago, Yas, namumutla si Saddie!" Sabay tawa ng isa pang babae.

"Hindi naman natin masasabi agad kung may grooming na bang nagaganap sa inyo ni Tj, Saddie, dahil tulad nga ng sabi ko, maraming dapat ikonsidera. Still, sa mata ng lipunan at ng maraming tao, unacceptable ang relasyon sa pagitan ng isang adult at menor de edad."

"E 'di hintayin mo na lang na mag-18, Sads?"

"Hindi pa rin tama. Hinihintay mong maging legal ang isang menor de edad para ano? Para magawa niyo na ang mga bagay na ginagawa ng mga adult?"

"Hindi naman sa ganoon. Hindi naman iyon ang habol ko, e. Our relationship isn't all about physical contact..."

"Hmm..." A short laugh erupted. "Well, sabi ko nga, depende pa rin sa sitwasyon kung grooming na ba o hindi. Don't just rely on what I said. Kung alam mong may mali na sa ginagawa niyo lalo na ngayong minor pa si Tj, e, mag-isip-isip ka na."

"Punyeta, bakit ba kasi nag-jowa ka ng Senior High student, Saddie! Hay naku. Basta para sa akin, ayos lang naman ang agwat nila. Age doesn't matter!"

"Age does matter if we're talking about an adult and a minor.  But ah... a significant age gap between a minor and an adult relationship is more problematic."

Thinking about those times I would tease Axasiel made my blood run cold. Alam kong sinabi kong handa akong harapin ang mga sinasabi ng mga tao, pero handa nga ba talaga ako?

My throat clogged at the thought. Bumaon ang daliri ko sa aking nanginginig na palad. I kept replaying on my mind that Axasiel is still a minor and I'm an adult. Kahit mahigit dalawang taon lang ang agwat namin.

And in the eyes of society and people, it's unacceptable and wrong.

Nang wala na akong marinig na boses ay lumabas na ako ng cubicle at dumiretso sa may sink. I stared at my reflection on the mirror.

I looked awful and miserable without makeup on. Maitim ang ilalim ng aking mga mata at namumutla ang labi. My brows were not even trimmed neatly. Ang mahabang buhok ay nakalugay lang kaya mas nagmukha akong bruha.

My eyes glistened, and tears eventually flowed down my cheeks. Bumaba ang tingin ko sa kaliwang kamay, sa daliri kung saan nakahimlay ang singsing na ibinigay ni Axasiel.

Hinawakan ko ito at sinubukang tanggalin gamit ang isang kamay pero sarili lang din ang pumigil. Itinakip ko ang kamay sa bibig nang may kumawalang hikbi. Nanlalabo ang paningin ko habang tinitingnan ang singsing.

We are not supposed to be together. Mali ito. Mali ako. Hindi ko dapat siya hinayaan na mahulog pa lalo sa akin. Hindi ko na dapat siya in-entertain. I probably manipulated or lured him... somehow... so it is my fault. Hindi mahalaga kung siya man ang unang nagkagusto dahil ako pa rin ang mas matanda.

Simula pa lang, dapat aware na ako sa bagay na iyon. I can't blame our family for supporting us. Sarili ko lang dapat ang sisihin dito dahil ako ang pumasok sa relasyon. Ako ang mas matanda. Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili.

You're so disgusting, Eleftheria Isra. How can you do that to your brother's best friend?!

Suminghap ako at napahawak sa dibdib dahil nahihirapan nang huminga. Nanigas ako sa kinatatayuan nang nakita ang pumasok sa loob ng banyo. Ini-lock niya iyon agad at lumapit sa akin.

Wala akong lakas nang hapitin niya ang baywang ko at pilit hinalikan ang aking leeg.

"Dwight, tama na," pagod na pagod kong bigkas habang tinutulak siya sa dibdib. "Ayoko, please..."

Nagtagumpay akong itulak siya pero bago ko pa man makuha ang bag na nasa island sink ay nahuli niya na ulit ang braso ko. He pushed me on the sink making me wince after it hit my lower back.

"Nakipag-break ka na?" mahinang tanong niya.

My eyes fluttered close as I shook my head. Napadilat lang nang pisilin niya ang panga ko gamit ang isang kamay. I stared at him while weeping.

How did we become like this?

"Noong pumunta ka sa usapan natin at tinanggap mo ang kapalit na hinihingi ko para sa pagkamatay ni Fatima, nakatali ka na sa akin. I let you be with your fucking boyfriend until New Year, Izzy. Tapos na ang Bagong Taon, kaya bakit hindi ka pa nakikipaghiwalay sa kanya?" Lalong dumiin ang pisil niya sa pisngi ko.

Hinawi ko ang kamay niya at matalim siyang tiningnan nang maalala ang araw na iyon. All along, I thought it was really Fatima who kept on stalking and messaging me before. I thought she was still alive but I was wrong.

She's already dead. At nalaman kong si Dwight lang pala ang nasa likod ng mga pagbabanta sa akin noon. Tinigilan niya lang noong nakipagkita ako sa kanya nang madaling araw.

I should have followed my parents' order that time. Pero gusto ko ring matapos na sana ang kung anong meron sa amin ng tao sa likod ng pagbabanta dahil akala ko ay si Fatima. Na pinagsisihan ko na naman muli dahil mali ang pinili ko.

"Kahit hindi mo ako sabihan ulit, makikipaghiwalay na talaga ako sa kanya," mariin kong sinabi at marahas na pinunasan ang pisngi.

My chest constricted at the thought of breaking up with him. Hurting him intentionally was never in my plan. I swore I couldn't do that, but now that I realize things and how I had been good for nothing girlfriend to him, it is best for him if we separate.

He doesn't deserve someone like me. He will never...

Pero bakit ang sakit isipin na... sa ibang babae siya nababagay? Parang... hindi ko yata kayang makitang kasama niya ang ibang babae. Ngingiti na nakatutunaw ng puso. Tatawa nang nagpapatigil sa galaw ng bagay at tao sa paligid.

I couldn't envision him holding other girl's hand... hugging her and kissing the top of her head, whispering how much he loves her. Mas gusto ko pang isalang ang kamay sa kumukulong mantika kaysa makita iyon.

"Good," Dwight whispered and he smiled evilly. "You don't deserve to be happy after killing the girl I love, Izzy. You have to follow what I say or... I'll send you to jail... and you know what will happen to your family and friends."

I was staring straight ahead when I felt him putting something inside my pocket. I endured the pain in my knees as they clashed with the cold tiles of the restroom. Lumabas na ng banyo si Dwight na para bang walang pakialam kung mahuli man siya na galing dito.

Kinapa ko ang nasa bulsa bago kinuha iyon at pinagmasdan nang ilang sandali. Kumapit ako sa may sink para tulungang iangat ang sarili bago ako pumasok muli sa isang cubicle.

My eyes rolled back to my skull. My head felt so light and somehow, I was relieved for a little while. I ensured that my makeup concealed my distressed visage before I left the restroom.

First subject namin ay Professional Development and Applied Ethics. Pumasok naman ang professor namin pero pinag-meeting lang din ang bawat grupo para sa ginagawa naming Development Plan. Ngayon pa lang kasi ito sisimulan.

"Need ba nating pumunta ng Boracay?" tanong ni Atienza.

Nakapabilog kami at nakikinig lang ako sa kanila habang nagsusulat din sa papel. My brain couldn't process our topic. I massaged my temple as I spun the ballpen around my fingers.

Bakit ba kasi no choice sila na ako ang gawing secretary? May minutes of meeting pa naman na kailangang i-report after nito.

"Hindi po. Isi-search lang din natin 'to sa internet, sabi ni Sir. Uh... may nakapunta na ba sa inyo sa Boracay?" tanong ni Max, ang leader namin.

Binuka ko ang mga daliri habang nakadikit pa rin ang hinlalaki sa gilid ng noo.

"Oh, ayan, si Izzy. Mayaman 'yan, e!"

Porque nakapunta lang sa Boracay, mayaman agad?

"Hindi naman," matabang kong sabi.

Max asked me about things that may help us in our development plan. About sa facilities at guest service lang naman ang nasabi ko. Karamihan naman kasi ng kailangan naming impormasyon tungkol sa Boracay ay makikita rin sa Google at website nito.

Hanggang gabi ang klase ko sa araw na iyon dahil sa Business Marketing na bridging subject. Chill at friendly ang prof namin doon kaya nagigising talaga ang kaluluwa ng mga natutulog ang diwa. Hindi niya naman ito major kaya binabasa niya lang din ang itinuturo niya na nasa powerpoint.

Wala namang kaso sa amin iyon lalo na at mukhang hindi rin talaga interesado ang mga kaklase ko sa subject mismo. Tapos tuwing may exam, by groupings pa. Puwedeng magkopyahan pero bawal maglabas ng phone at notes. Madali lang din naman siya magpa-exam.

"Nasaan ka po? Nandito na ako sa labas ng gate..." Axasiel notified when I answered his call.

Hirap akong napalunok. Nasa loob pa ako ng building namin at alam kong susunduin ako ni Axe kahit pa hindi na sabihan.

"N-nasa... LRT na ako, Axe."

Tumahimik siya sa kabilang linya. My hand was itching to end the call, or else he would find out I was lying.

"Ang tahimik," puna niya sa mababang tono.

Nahigit ko ang sariling hininga. "Y-yeah. Nasa, uh, banyo kasi ako ng station."

"Tatakbuhin ko... I'll be there quickly, Izzy. Please, wait for me."

Wait for me...

Hinuli ng ngipin ko ang pang-itaas na labi bago huminga nang malalim pagkatapos kong ibaba ang tawag. Sinamantala ko ang oras na iyon para umalis ng unibersidad. Madilim na pero marami pa rin ang mga estudyanteng nagkalat sa campus, labas at loob.

"Where are you? Nandito na ako sa station." Hinihingal pa si Axe nang tumawag ulit.

Naglalakad pa lang ako patungo roon nang mag-isa.

"Nakasakay na ako, Axe. Masakit kasi ang tiyan ko. Sorry, hindi ko na kayang maghintay pa." Lies came out smoothly from my mouth.

Natahimik na naman siya. A loud honk from somewhere made me jump. Napatay ko agad ang tawag at nasapo ang dibdib.

Hindi muna ako umuwi sa gabing iyon. Hindi naman na ako grounded. Hindi nga lang din ako nagsabi na matatagalan din ako sa pag-uwi. At alam ko rin na malalaman ni Axe na nagsisinungaling ako.

"Saan ka galing?" ang bungad ni Papa nang nakauwi na ako.

"May meeting lang kami, Pa, kaya medyo natagalan."

His jaw clenched, insinuating that he didn't buy my alibi. Parang may gustong sabihin pero hindi na itinuloy.

"Magbihis ka na at bumaba agad para sa hapunan."

"Kakakain ko lang po, Papa. Mamaya na po ako..."

"Puro ka na naman mamaya na, Izzy! Tapos hindi ka na naman kakain mamaya hanggang sa makatulog kami?" he spat.

Pumikit ako at yumuko. "Sige po... bababa rin ako agad."

Nilagpasan ko na siya habang ang tingin ay nasa tiles namin. Nakabunggo ko pa si Ral sa balikat na mukhang sinadya pero hindi naman ganoon kalakas. I muttered an apology and resumed stalking to my room even when he called my name.

Sa hapag ay kinumusta ni Mama ang unang araw ng pasok ngayong bagong taon. Napag-alaman kong may quiz bee na nilahukan si Ral ngayong buwan. Aniya ay kasama rin daw si Axasiel doon. Meanwhile, I have nothing to inform them about what's gonna happen in my school life.

Unang linggo pa lang ng klase ngayong taon ay tinatambakan na kami agad ng mga gawain. I wasn't even able to jot down important things in my notebook. There's no more reminders in my calendar and alarm clock, hence I procrastinate intensely like before.

"Izzy, butones ng damit mo." Sabay nguso ni Seth sa damit ko.

Itim na pencil skirt, vest, bow tie, at puting longsleeves ang uniform namin sa FSO. May suot na rin kaming stockings na itim para sa subject na ito dahil required.

Tumungo ako sa damit ko at nakitang kita na ang itim na sports bra ko. My button on that part was missing! Napatayo ako mula sa pagkakaluhod sa harap ng mesa kung saan kami nagti-table skirting.

Masyado naman kasing fit sa akin 'to. Pinasuyo ko lang din kasi kina Steffy noong bumili siya. Hindi na kinaya ang dibdib ko.

"Paul! Tabingi na 'yang ginagawa mo!"

Tumawa ang kaklase namin nang mapansin ang ginagawa. "Ayos lang, tabingi rin naman buhay ko."

"Gago! Matagal ko nang alam 'yan pero ayusin mo kung ayaw mong mawalan ng pandinig mamaya." Tumawa rin si Ezekiel.

Muntik na akong madulas sa telang naapakan ko. Mabuti na lang at nakahawak agad ako sa mesa. Si Aaron na nakita iyon mula sa kabilang table ay humagalpak sa tawa at bumaling agad kay Steffy.

My cheeks heated. I searched for at least a safety pin to replace the missing button of my uniform. I didn't find any from our tables. I even asked my block mates, but they didn't have a free one.

Kumuha na lang tuloy muna ako ng isang pin mula sa gamit namin pang-table skirting para naman hindi muna bumuka iyon. Natatanggal nga lang iyon agad dahil maikli kaya naisipan kong bumili na lang din ng safety pin mismo sa labas.

"Izzy, saan ka pupunta?" sigaw ni Seth nang papunta ako sa pintuan.

"Bibili lang ng perdible!"

Pumunta ako sa maliit na tindahan sa ground floor ng building namin pero wala silang binebentang perdible. I had no choice but to go to dome where the stores that sell school supplies and offers printing services are. Sa main building lang din naman iyon kaso medyo malayo.

"May perdible po kayo?" tanong ko nang nakalapit sa unang tindahang nakita.

Pinunas ko sa gilid ng mukha at leeg ang hawak na panyo. Ang init talaga rito lalo na at maraming tao. Halo-halo pa ang amoy ng mga estudyante.

"Meron. Ilan ba?"

"Dalawa na po."

Kinapa ko ang bulsa bago isinuksok doon ang kamay nang napansing walang kahit pisong barya pala ang nandoon. Nag-init ang pisngi ko nang balingan ang tinderang naghihintay sa akin.

"W-wait lang po, Ate. Nalimutan ko pala ang pera ko. Babalik ako. Sorry po!"

Patalikod na sana ako roon nang may marahang humawak sa braso ko. Napaigtad ako sa gulat at init na hatid ng kamay ng taong iyon.

"Ako na po ang magbabayad. Magkano po ba?" magalang na tanong ni Axasiel.

I immediately tugged my arm from his hold. Sumulyap siya sa akin bago nag-abot ng bayad sa tindera at kinuha ang binili ko.

He licked his lips when he faced me and held out his hand to me. I projected a blank expression before I snatched the safety pins from his palm. Ang malamlam niyang mga mata ay pilit hinuhuli ang sa akin.

"Thanks," I told him coldly. "Bakit nandito ka pa pala? Hindi ba't kanina pa dapat tapos ang klase mo?"

"May group meeting lang," he answered and sighed. "Hihintayin kita mamaya. Ihahatid kita..."

"Huwag na. May lakad ako kasama ang mga kaibigan ko."

Marahan siyang tumango at ngumiti. A smile that didn't even reach his innocent and dusky brown orbs. I spent seconds no more and left him there with a heavy heart.

Lies after lies... I wish he can get the hint that I don't want to waste my time with him anymore. I find it hard to tell him directly that I want us to break up. For his own good. Baka kapag napansin niyang wala na akong pakialam sa kanya, siya na mismo ang bumitaw. And I think, mas ayos na iyon.

Tinitigan ko ang alarm app sa aking phone. Wala nang magpapaalala sa mga dapat kong gawin. I smiled bitterly. I guess at some point, I became dependent on him.

Pinagpatuloy ko ang pag-iwas kay Axe. Lagi kong dahilan ay may gagawin pa akong homework kahit pa ang totoo, halos hindi ko rin nagagawa iyon. Kung hindi iyon, sinasabi kong may gala ako kasama ang mga kaibigan.

Magtatapos na ang January nang bumisita na siya sa bahay namin. Sabay siguro silang dumating ng kapatid ko. Biyernes at wala akong pasok kaya nasa bahay lang. Nasa likod ako ng bahay at nagsu-swimming nang lumitaw siya sa paningin ko.

He was watching me from the poolside, still wearing his white shirt and black slacks while holding my white towel. Naka-shirt at shorts naman ako kaya hindi ako gaanong naiilang. Still, the immense fire of longing in his eyes pierced through me.

"What are you doing here?" I asked angrily to shroud my bottled-up desire to hug him and apologize.

Sa hagdan ako umakyat para makaalis sa pool. I stalked toward him and grabbed the towel from his hand.

Subalit imbes na mahila ang tuwalya, ginamit niya pa iyon para mahila ako patungo sa kanya. My mouth went ajar and I was immobiled when he hugged me tightly, ignoring the fact that I could transfer the water from my body to his.

Bago pa man magtagal ang yakap niya ay naitulak ko na siya. I glared at him while he was just standing in front of me with sagged shoulders. His soulful eyes turned red and misty.

"I noticed that... you're getting colder..." he breathed out.

"That's because I'm getting older, Axe. While you... you're still young..." Napalunok ako sa huling sinabi.

"Do you want some warmth?"

He smiled but his tears betrayed him. Namilog ang mga mata ko at nanikip ang dibdib habang pinagmamasdan ang patuloy na agos ng kanyang luha.

"Please... let me provide you some heat to warm you. I'd rather lose my own warmth than lose you..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top