Chapter 32
TW: Self-harm.
Chapter 32
"1-D! Huwag kalimutan sa Monday ang deadline ng payment na 150 pesos para sa FSO, ha? Para sa Tuesday, bibili na sina Diego at Arnel ng tela sa... saan nga ulit kayo bibili? Sa Divisoria na, 'no, kasi mas mura?" sigaw ng treasurer namin habang hinahampas ang mesa sa harapan.
Uwian na namin at mabuti na lang ay hindi napansin ng prof namin na hindi ako naka-bar uniform. After apologizing to them, Mason let me borrow his jacket to hide my uniform. Especially on the part where I announced their relationship to everyone.
Wala silang sinasabi sa aming tatlo at hindi rin naman talaga ako sigurado roon sa relasyon nila. I just concluded that there was something in between them upon observing. Hindi ko naman inakala na totoo pala talaga lalo na nang aminin din nila sa amin kanina.
I didn't seriously expect that. Ang alam ko kasi ay may boyfriend si Mason noon pero ka-M.U lang daw pala. A few days after my birthday last August, doon nagsimula ang ugnayan sa pagitan nina Mason at Steffy.
"So, ano? Punta muna tayo sa condo ni Steffy bago mag-Milestone?" si Aaron.
Nasa likuran kami banda ng bar room at hindi pa lumalabas. Pinag-uusapan pa kasi nila ang inuman mamaya para sana sa selebrasyon ng pagkapanalo namin bilang 1st place ni Steffy sa UCC.
"Aga pa, e. Doon na lang muna tayo sa kanila. Mga anong oras ba tayo aalis?" Sabay tingin ni Seth kay Steffy.
"Sure kayong mag-Milestone pa? Puwede namang bili na lang kayong alak ta's sa condo ko na lang tayo?"
Tinanggal ko na ang suot na jacket bago iniabot iyon kay Mason at nagpasalamat.
"Last sem, lagi tayong nasa inyo! Aba, labas labas naman tayo at baka ito na ang huling inom natin ngayong taon!" Tumawa si Seth.
Sinapak siya ni Steffy sa braso habang tumatawa. Si Aaron naman ay nakangisi habang pabalik-balik ang tingin kina Steffy at Mason.
"Gusto lang niya sa condo para malapit sa kuwarto..."
Sinipa siya agad ni Mason sa gilid ng binti kaya humagalpak kaming tatlo sa tawa. Aaron kicked him back. Bago pa makaganti ulit si Mason kahit siya naman ang nagsimula ay pumunta na si Aaron sa likuran ko, hinahawakan ako sa braso bilang panangga.
"Subukan ko munang magpaalam kay Papa kung papayagan ako. Baka kasi hindi," sabi ko nang matapos sila sa harutan.
All of them turned to me with a stupefied expression. Nakaakbay na sa akin si Aaron kaya naman medyo nabibigatan ang balikat ko. Gayunpaman ay hinayaan ko na lang ito.
Alam naman nila na hindi na ganoon kahigpit ang mga magulang ko pagdating sa pagpunta ko sa bar. Minsan na lang din naman kasi ako pumupunta sa ganoong lugar at kapag walang pasok kinabukasan. Nagpapaalam pa rin naman ako at siguradong napapayagan din. Kaya ang sinasabi ko madalas sa kanila kapag may inuman, magpapaalam muna ako.
Pero kahit kailan ay hindi ko pa sinabi na baka hindi ako payagan—ngayon lang dahil grounded ako. Kaya siguro gulat na gulat sila.
I excused myself for a while to make a fake call to my parents and ask for permission. Mga ilang minuto lang bago ako pumasok sa loob ulit ng room. Tumigil sila sa pag-uusap at tumingin sa akin na halatang nag-e-expect na makakasama ako.
"Uh... sorry, guys. Hindi ako pinayagan, e. Bibisita raw si Dada sa bahay namin," I lied.
I felt terrible for using Dada! Pumikit ako saglit at napailing. I'll probably just visit him for real.
"Sinong Dada?"
"Lolo ko sa side ni Papa."
"Sayang naman," ani Steffy at bumuga ng hangin. "E, ano? Sunod na lang tayo nomi?"
Pinasadahan ko sila ng tingin. Napagkasunduan nilang sa susunod na nga lang iinom kaya nakahinga ako nang maluwag.
Papa was still giving me the cold shoulder as though I was a ghost that he could feel but couldn't see. I'd probably lose my marbles if we stayed like this for the next few days. Bawal bang next year na lang siya magalit at huwag ngayong magpa-pasko at Bagong Taon?
Sinusubukan ko naman siyang kausapin at magpaliwanag pa. I don't often apologize to anyone, even to my parents, simply because I don't have any reason to. Ayaw ko kasi ng sorry ako nang sorry kaya hangga't maaari, hindi na lang ako gagawa o magsasalita ng posibleng makasakit o makagalit sa ibang tao.
But now, I use it as frequent as I wear my school uniform. Madaling sabihin para sa ibang nagkasala ang salitang ito pero hindi lahat ng tatanggap nito ay kayang tanggapin agad. Walang saysay ang salitang patawad kung uulitin lang din naman o hindi kaya'y hindi naman nakikitaan ng pagsisisi ang taong nagsasabi nito.
Maybe that's what I lack. For now, I can't show him that I'm being regretful and prove to him that I would stop using that.
Thinking that he might completely lose his trust in me ached my heart. Ayaw kong magkalamat ang relasyon namin pero ano ba itong ginawa ko?
Am I really regretful for what I did? Am I really going to stop using that? Can I do that?
I can... pero paano kung mapipilitan na naman ako?
"Galit si P-Papa sa akin, Axe," I said over our video call using my laptop. "Hindi niya ako pinapansin."
A sob I attempted to keep broke from my lips. Agad kong tinakpan ang bibig at tumingala para kumurap nang mabilis at hindi tuluyang malaglag ang luha sa pisngi.
I'm so upset with myself. Ayaw ko sanang magsabi sa kahit kanino pero nahihirapan din akong sarilihin.
"Izzy," he called, using his gentle voice marked with worry. "Pupuntahan kita."
Umiling ako sa kanya at tumawa. He sounded determined that he didn't even bother to ask if I would want him to go here.
"A-ano ka ba! Ba't ka pupunta, e, gabi na? May pasok ka pa bukas—"
"I want to see you," he cut me off with a relentless face.
"Bukas na lang..." Sabay iling ko.
Umiling din siya habang ang manipis na labi ay mariing nakatikom at mapupungay ang mata. Halata naman sa kanyang inaantok na, e. He just made time for us to talk through this medium. He always does. Siya ang madalas nag-i-initiate bago matulog.
"Bukas na nga lang, Axe," sabi ko ulit sa nanghihinang tinig.
The truth is, I want to see him, too. But I don't want my desire to personally see him jeopardize his safety while he's on his way here. Gabing-gabi na at may pasok pa siya bukas.
"But I want to see you tonight. I don't want to postpone important things I can do now... now that you need me," aniya pa.
"You have more important things to do tomorrow, Axasiel."
"That's technically for tomorrow, not for tonight. There's nothing more important to me now aside from—"
"I don't want to see you right now. I just want to talk to you, alright?"
"Then why did you accept my video call if you don't want to see me?" he countered with pain in his voice.
My heart sank as I stared at his wistful orbs. I curled my bottom lip and dug my teeth into it.
"Don't bite your lip like that," he mumbled and sighed. "I'll see you within half an hour, Izzy."
Umalis siya sa pagkakasandal sa headboard ng kanyang kama, mukhang handa at desidido talagang umalis at pumunta rito.
"I said don't come here, Axasiel. Hindi rin kita lalabasin kapag dumating ka."
Kinalaykay ng kamay niya ang buhok kaya naman nagulo ito.
"I said I'll see you within half an hour, Izzy. Ayos lang po kung hindi ka lumabas..."
I gnashed my teeth at his persistence. The more he insists, the more I regret telling him that I have a problem. Why can't he wait until tomorrow? Inaalala ko lang naman ang kapakanan niya.
"End the call now, Izzy—"
"Don't come."
Tumingin siya sa gilid at napapikit. Nagtaas-baba pa ang kanyang adam's apple.
"Come on, Axe. Ayaw ko lang na mapahamak ka dahil gabi na. Isa pa, may pasok ka pa bukas."
Mabibigat ang talukap ng mga mata niya nang bumaling sakin.
"Hindi ako mapapahamak, Izzy. Please, even if it's only a minute. I just want to see you and be with you," pagod niyang saad.
"Bukas na—"
"Kahit isang minuto lang po..." he plead.
Napalunok ako at mariing napapikit. Sa huli, wala rin akong nagawa kung hindi ang tumango bago tinapos ang tawag. Humiga lang ako sa kama katabi ang laptop at phone habang nakatingala sa kisame.
I hope he arrives here safely. Sana ay hindi rin siya pagalitan ni Tita Dias. Kagigising at kalalabas lang ng panganay nila sa ospital nitong nakaraang buwan dahil naaksidente at na-comatose. Ayaw kong may mapahamak na naman sa isa sa mga anak niya.
Bumuntong hininga ako at nasapo ang noo. Mayamaya ay bumangon ako at lumabas ng kuwarto dala ang phone at susi sa gate. Madilim na sa hallway ng second floor namin kaya nag-flashlight ako para mahanap ang two-way switch malapit sa hagdan.
My parents are probably asleep now. Sa ilalim ng pinto ng kuwarto ni Ral ay may sumisilip pang liwanag kaya palagay ko'y gising pa siya. Just as the light dominated the darkness, his door opened.
His forehead creased upon seeing me. Nakapantulog na siya at magulo ang buhok nang naglakad patungo sa direksiyon ko. Nakapaa lang din tulad ko.
"Why are you still awake, Ate?"
"I'm... waiting for Axe," I said in a low voice.
His pale pink lips parted as he looked up. "Anong oras na."
He wasn't asking so I shrugged my shoulders. Sabay kaming bumaba nang tahimik. Dumiretso siya sa kusina habang ako, umupo na lang sa couch. He'll probably drink his milk before he sleeps. Baby pa kasi.
Ilang sandali lang nang nanginig ang kamay ko dahil sa text ni Axe na nasa labas na siya. Mabilis ngunit tahimik pa rin akong lumabas ng bahay. My shoulders quivered when the chilly gust hugged my exposed arms and legs.
I ran toward the gate and peeped between the space of horizontal metal bars. Namataan ko siyang nakapamulsa sa harap ng gate pero medyo malayo. Kahit naka-cap, tindig pa lang ay kilala ko na. Bahagya siyang nakayuko at nakalingon sa kaliwa.
I bit my lip. Naiinis pa ako kanina at pinipilit siyang huwag nang pumunta pero ngayong nandito na siya ay nagkukumahog na ang dibdib ko sa sobrang saya. At least, he's safe!
"Axe," tawag ko nang nabuksan ang gate.
Tinanggal niya ang pagkakapasok ng isang kamay sa bulsa ng suot na jacket at humarap sa akin. The emitting light from the moon and the street lamp was barely peeking through his face because of his cap.
He lifted his chin a bit, making me witness how the side of his lips curled upward. He stretched out his arms on his sides as though offering himself for me to embrace him. My heart warmed despite the cool air brushing my skin as I ambled toward him.
Lalong uminit ang pakiramdam ko nang ipinulupot ko ang mga braso sa kanyang baywang at ihilig ang ulo sa kanyang dibdib.
He's like a soft mattress giving me comfort and a place to rest when I'm tired. The morning sunlight that provides energy and vitamins in defiance of the heat it brings to my skin, thrusting into my heart. A touch of him alleviates my distraught mind, giving me the strength to hope and rise from the ground.
The embrace took a couple of minutes without any of us breaking the silence. Marahan niyang tinatapik ang likod ko habang ang isang kamay ay humahaplos sa likod ng ulo ko. He was occasionally kissing the top of my head.
Mayamaya ay may tumikhim dahilan para mapahiwalay ako sa kanya. I turned around only to see Ajasiel, leaning on the wall beside our gate. I gaped at him while he was smirking at us.
"I told you not to intervene, Kuya Aji," sambit ni Axasiel sa marahang tono.
Kilala ko si Ajasiel pero wala ako masyadong alam tungkol sa kanya lalo na at bihira ko lang din siyang makita noon pa man. Kapag may okasyon na kasama ang pamilya niya, madalas siyang wala. Kung pupunta man, akala mo'y multo na dumalaw lang at mawawala na lang agad bigla.
I'm a year older than him and I can't even remember if we have talked to each other. Sigurado namang naka-interact ko na siya noon pero kung talagang usap, hindi pa nga yata.
"Sabi mo ay isang minuto lang," pilyong sabi ni Aji sabay sulyap sa akin. "Hi, Miss Isra. Long time no see."
Nakangisi siya at nakataas ang kilay na para bang may nakakatuwa kahit wala naman. Agad namang napawi ang kislap sa mga mata niya bago umiwas ng tingin sa akin.
Bumaling ako kay Axe nang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi. Kanina pa ba kami pinapanood ng kapatid niya? At hindi ko man lang naramdaman iyon?
"Bakit kasama mo ang kapatid mo?"
Bahagyang umusli ang kanyang labi at yumuko. My cheeks heated more when he tucked the strands of my hair behind my ear.
"Sorry. Nahuli ako noong paalis. He won't let me out unless I go with him."
Bumagsak ang balikat ko. "Sabi ko naman kasi sa 'yo ay bukas na lang tayo magkita."
Ngumisi siya pero agad ding nagseryoso ang mukha. "You seemed excited when you see me, though."
I slapped his arm lightly and glared at him. "Pasaway ka."
"Sorry po." Pumungay ang mga mata niya sa ilalim ng suot na cap. "I was just really worried when you told me about your father..."
I filled my lungs with air. "I'm okay now, Axe. Hindi rin niya ako matitiis nang matagal. Thank you for coming here safe and sound. Mag-iingat din kayo pauwi, ha?"
"Pinapaalis mo na ako agad?" kunwa'y nagtatampo niyang tanong.
I smiled and pinched his cheek. "Gabi na nga kasi. And... you have already lifted my mood. Sapat na sa akin na nakita at nayakap kita..."
Nanlaki ang mata ko sa sariling sinabi at muling napaso sa init ang pisngi lalo na noong ngumiti siya. I even heard Aji's sneer behind me.
"I-I mean—" I looked anywhere but at him. "B-basta! Okay na ako, gano'n!"
He was chuckling when he reached for my hand. Namilog ang mga mata ko nang may naramdamang malamig na dumausdos sa palasingsingan ko.
"Axe..."
I couldn't grasp any word to say next while staring at the diamond accented heart knotted ring. Simple lang iyon tingnan pero nahihinuha ko nang malaki pa rin ang halaga ng diamonds lalo pa at galing kay Axasiel!
"We'll be home safe and sound so you don't have to worry about me..." bulong niya at hinawakan ang kamay ko para haplusin ang mga daliri. "It's a promise, Izzy."
The corner of my eyes flamed as I rose my head to meet his glinting eyes in the dark. Ngumiti siya at ipinatong ang kamay sa aking ulo bago ako hinalikan sa noo.
"Sige na... pumasok ka na po para makaalis na kami," he softly said before he moved away from me.
Hinawakan ko ang pisngi niya bago ako tumingkayad para mahalikan siya sa pisngi. His tongue caressed his lips.
"Good night."
"Sweet naman," si Ajasiel mula sa likod.
Lumapit na siya amin ni Axe kaya lumayo na ako. Aji's voice was taunting, but there was something in his eyes as he watched me and his brother. Palihim akong umirap bago kumaway pa kay Axe. Tumango na lang siya at ipinasok ang kamay sa bulsa ng jacket.
Pagka-lock sa gate ay sumilip muli ako sa maliit na siwang sa mga pagitan nito. Hinintay ko silang tuluyan na mawala sa paningin ko bago ako pumasok ng bahay. Naabutan ko pa si Raghnall na nasa pinakababang baitang ng hagdan at tulala, para bang may malalim na iniisip.
Tumingala siya sa akin nang tumigil ako sa harapan niya.
"Umalis na?"
Tumango ako. He nodded, too, but didn't move a fraction from his position.
"Hindi ka pa matutulog?"
Umawang ang labi niya at tumulala sa akin na lukot ang noo.
"U-uh... Ate... I have a question."
I tilted my head and stared at him. Ngumiti ako at naupo na rin muna sa tabi niya bago isinandal ang ulo sa kanyang balikat.
"Ano 'yon, kapatid?"
Matagal bago siya sumagot. "K-kilala mo ba 'yong..." Tumikhim siya. "EXO?"
Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin na medyo namumula ang tainga niya.
"The K-Pop boy group? Kilala ko naman sila pero hindi ang bawat miyembro. Bakit?"
"May... exchange gifts kasi sa Christmas party namin. 'Yong nabunot ko... nasa wishlist niya ay kahit anong merch ng EXO. I don't know what kind of merch she wants, though."
Lumabi ako. "'Yon lang pala. Madali lang 'yon, Ral. Kahit ano naman daw, e. Shirt? Pillow? Cap? A postcard or photocard, perhaps? Medyo mahal nga lang yata ang price ng official kaya 'wag na 'yon."
"May fake ba?"
"I'm not sure since I'm not a collector of such things. Puwede ring mug basta may EXO!" I chuckled. "Nakasulat ba kung sino ang bias niya sa group?"
"Bias?" He looked so confused.
"Bias, Ral. Parang ano... kung sino 'yong pinaka-favorite mong member sa grupo, gano'n."
"You mean... favoritism?" naguguluhan pa rin niyang tanong. "Isn't it a form of prejudice? An unfair treatment?"
"That's not what you think it is like in that industry, Ral. Ganito na lang. Ang bias ay kung sino ang pinakahinahangaan mo sa grupo pero lahat pa rin sila, hinahangaan mo. Sadyang may lumalamang lang sa puso mo na isang tao mula sa grupong iyon. Puwedeng dahil sa looks, sa talent, o hindi kaya ay sa personality. In a positive way naman."
Tinitigan niya ako na para bang pinoproseso pa rin ang sinabi ko.
"For example, I'm a Directioner. Tawag 'yon sa mga fan ng One Direction boy band. Their fandom. I love and support them and their music. Kahit pa ngayong... nawatak sila... my bias is still Harry Styles. They all have the looks and talent pero iba ang hatak ng boses at appeal ni Harry sa akin lalo na kapag nasa stage na sila at nagpe-perform."
"Why do fans have to have a bias? Can't they support and love them fairly?" He looked away. "Favoring one member among others, particularly within the same group... doesn't sit right with me."
Napakurap-kurap ako. He's taking this religiously that I think he won't get my point in this matter. Pero naiintindihan ko naman ang gusto niyang sabihin dahil siya mismo, ayaw na mas pinapaboran siya sa mga bagay na hindi naman dapat ikinukumpara lalo na sa ibang tao.
"Hindi naman negative ang ideya ng pagkakaroon ng bias pagdating sa pagiging fan, kapatid. A fan may have a bias among their favorite group, but at the end of the day, they support every member as a whole. That's a true fan, Ral. As long as they don't tolerate their idol's bad deeds, that is. "
His face was still impassive. Ilang sandali lang ay tumango na rin siya. Ngumiti ako sa kanya at bahagyang ginulo ang kanyang buhok.
"I'll help you na lang na maghanap ng puwedeng ipang-regalo. Marami naman siguro 'yon sa online..."
"How about an album?" Sabay lingon niya sa akin.
Nalaglag ang panga ko. "A-album? Mahal 'yon, Ral! Saka merch lang naman ang nasa wishlist niya."
I grunted inwardly. Wala naman na siyang sinabi kaya naman napagpasyahan na rin naming bumalik sa sariling kuwarto. Alam kong may pera naman siya pambili ng album kung sakali, pero sino ba ang bibigyan niya at gagastos pa siya ng mas mahal na regalo?
I lay comfortably in bed and checked my phone. I texted Axe to ask if they already got home and he replied yes. Ipinatong ko ang phone sa dibdib at itinaas ang kaliwang kamay sa harapan ko para matitigan ang singsing sa daliri. Saktong-sakto iyon sa daliri ko. Paano na naman kaya niya nalaman ang size ko rito?
Napangiti ako at nakagat ang labi habang iniisip ang mukha ni Axasiel. Grabe, ang lala ko na yata. Pero mas malala naman 'tong si Axe.
I giggled to myself when my phone vibrated on my chest. Excited pa akong tiningnan iyon dahil akala ko'y galing kay Axe. My excitement vapored after reading the message. I gritted my teeth and hardened my grip on the phone.
Izzy:
Puwede bang bukas na tayo mag-usap?
Tumunog na ang phone ko dahil sa tawag niya. Bumuntong hininga ako at napipilitang sagutin iyon.
"Labasin mo na ako rito o papasok na lang ako sa bahay niyo?" Humalakhak siya.
I laughed sarcastically. "Go on, then. Marami kaming kutsilyo rito. Pasok ka na lang."
"Ah, ang tapang. Sige na nga. Bukas na lang." Lalo siyang natawa na para bang joke ang sinabi ko. "Nga pala, ang sweet niyo ng boyfriend mo kanina, ah?"
Bumilis ang paghinga ko at tumalim ang tingin sa pader na katapat ng aking kama. Nanginginig ang mga kamay ko at nag-iinit ang mata sa galit.
"Can I get a hug and kiss tomorrow, too? Hmm?" nanunuyang sambit niya.
"You shut up!"
The person on the other side didn't stop laughing. "Wow... you think you're a faithful and loyal girlfriend to him, Izzy? Baka kapag nalaman niyang may nangyari sa ati—"
I shrieked at the top of my lungs and threw my phone against the wall. Hinawi ko ang mga nakalagay sa side table pati na ang mga unan at kumot sa kama habang patuloy na sumisigaw.
Ang mapanuyang tawa sa utak ko ay paulit-ulit kong naririnig. I continued to cry out and pulled my hair even if it hurt so bad. Nang makita ang pitak ng night light sa sahig dahil sa pagkahagis ko ay agad kong kinuha iyon.
My tears were cascading down my cheeks when the door slammed open, revealing Raghnall and my parents with horror plastered in their eyes. Tinatawag nila ang atensiyon ko habang inilulubog ang matalim na bagay sa aking palapulsuhan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top