Chapter 31

Chapter 31

"Huy, 'te, absent ka na naman kay Sir. Ba't ngayon ka lang pumasok?" bungad ni Aaron pagkaupo ko sa tabi niya.

I put my necktie on my desk before unbuttoning the first button of my long sleeves. Hinawakan ko ang naka-bun kong buhok para i-check kung maayos at malinis ang pagkakatali nito.

"Ikaw pa ang unang reporter tapos wala ka. Gagi ka, alam mong nambabagsak 'yan," si Seth.

Umirap ako. "E 'di ibagsak niya ako."

Tumitig ako sa professor namin sa Micro Perspective of Tourism and Hospitality. Ang prerequisite subject nito ay ang Macro PTH na t-in-ake namin noong first sem. Ibig sabihin, kailangan muna naming ipasa ang Macro para ma-enroll ang Micro sa sem na ito.

Pareho lang din ang prof kaya hindi na ako natatakot na mambagsak man siya. He gave me 2.5 as a final grade last sem. Nahiya pang i-tres, e.

Tinulak ako ni Aaron sa braso, akala yata ay nakikipagbiruan ako.

"Gaga! Talagang ibabagsak ka niyan dahil wala kang report. Automatic na bagsak agad 'yan kay Sir kapag hindi nakapag-report kahit pa mataas ang scores mo sa mga exam!"

Aware naman ako roon. Kaya nga ngayon, nabawasan kami ng limang estudyante sa subject niya dahil bagsak sa kanya. Kaya naman sa susunod na academic year, 1st sem pa puwedeng i-take ulit ang Macro. Ang mga bumagsak naman sa 2nd sem ang puwede lang kumuha ng summer class.

And the sole reason why not all of us were able to take this subject is because they failed to present our individual report. Hanggang ngayon, nagpapa-individual report pa rin ang prof namin pero paminsan-minsan ding sumisingit para dagdagan at magpaliwanag pa tungkol sa topic.

"May assignment tayo sa FSO mamaya. Meron ka na ba?" Hindi pa rin tumigil si Aaron.

Ipinatong ko ang siko sa mesa at hinilot ang sentido. Puro pala major ang subject namin ngayon. At itong Fundamentals in Food Service Operations ang isa sa pinakamagastos ngayong sem.

"Wala..." sagot ko. "Wala rin akong uniform na dala."

Pinagmasdan niya ako na laglag ang panga. I drifted my gaze from him and pulled out a piece of chewing gum from my skirt's pocket.

I inclined my neck and glanced at him. Nakakunot ang kanyang noo nang bumaling sa kanan para kausapin si Seth.

Bumuntong hininga ako at pinulot ang necktie sa desk bago iyon inirolyo sa kamay para ilagay na sa bag. Hindi naman na ako mapapansin niyan ni Sir lalo't nasa likuran na rin ako. Tinanggal ko rin ang button sa cuffs ng uniform ko bago iyon itinupi hanggang sa ibaba ng aking siko.

Nang magkaroon ng short quiz ay inabutan ako ng papel ni Aaron pero hindi na nagsalita. I didn't understand the questions, hence I got wrong answers. Nevertheless, I didn't dwell on that.

Why would I put a pinch of effort into answering them when I know I'd still fail in the end? It's not gonna be worth it, anyway.

"Izzy! Dagohoy tayo!" malakas na anyaya ni Steffy nang nakalabas na ang prof. "Libre daw ng tatlo! Dali!"

She was so eager and excited that she was even pulling my arm. Nairita agad ako kaya naman marahas kong binawi iyon sa kanya na halos sumubsob pa siya sa akin.

"Ayoko. Kayo na lang."

"Ayaw mo pa no'n, libre na nga!" sulsol pa ni Aaron.

"Iba talaga kapag mapera na, tumatanggi na lang sa libre," ani Seth habang tumatawa. "Oy, bakla. Tumayo ka na kasi diyan. Minsan lang kami manlibre kaya dapat sulitin mo na!"

"Oo nga, sis! Halika na!" Hinawakan ulit ako ni Steffy at hinila ang braso.

"Sinabing ayaw ko nga! Bakit ba ang kulit mo?!"

Tumayo na ako at itinulak siya sa balikat dahilan kung bakit siya napaatras at tumama sa mga upuang nasa harapan namin. Agad naman siyang hinawakan ni Seth sa braso para alalayan habang si Mason ay pumagitna sa aming dalawa, nakaharap sa akin at madilim ang tingin.

I smirked in vex. "What? You're gonna hit me now, Mason?"

"Ano bang problema mo?" maangas niyang tanong.

"Oy, oy, oy! Bakla! Awat na!" Hinila ni Aaron ang braso ni Mason. "Kaloka kayo! Para kakain lang, mag-aaway pa!"

Imbes na lumayo ay lumapit pa si Mason sa akin at halos bungguin ako gamit ang dibdib niya. Siya ang pinakamatangkad at may malaking katawan sa amin kaya naman ang harapin siya ay literal na nakapanliliit sa akin.

Sanay na akong nagsusuplado at nagtataray siya pero ang hamunin ako ay nakakapanibago. If we would argue either in physical or verbal, he's most likely to win. I don't think he would do the former against me.

"Ba't hindi mo tanungin 'yang girlfriend mo? Sinabi ko nang ayaw ko, bakit kailangang mamilit?"

The oozing dark aura from his body didn't evaporate. Ang mga singhap sa paligid ay halatang nagpaparinig, tanda nang pagkabigla sa sinabi ko.

My smirk faded as I looked around our classroom when I realized what I said out of impulse. Almost everyone's eyes were on us. Pati si Aaron na nasa gilid ni Mason ay pabalik-balik ang tingin sa amin habang nakaawang ang bibig.

"Dati pa namang ganiyan si Steffy, namimilit dahil natural na makulit, pero kahit kailan ay hindi mo itinulak. Kung may problema ka, huwag mong ibuntong sa pananakit ng iba dahil hindi nakakatuwa," he said coldly.

"Siya naman ang nagsimula! Siya ang nagpupumilit pa rin kahit ayaw ko! Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya kong tiisin ang pangungulit niyo!"

"At hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang pangangatwiran mo. Kung gusto mong ibuntong ang galit mo sa iba, sige, gawin mo nga sa akin? Ano? Subukan mo sa akin, Izzy, at nang malaman natin kung hanggang saan aabot 'yang ganiyang ugali mo."

"Why does it seem that I'm not allowed to be annoyed, huh? At ngayong nairita ako at hindi lang napigilan ng isang beses, parang ang sama ko na agad?!"

My breathing increased, and I was about to push him when someone from behind pulled me that I almost stumbled. Galit kong tiningnan ang kaklase kong lalaki at pabalagbag na binawi ang braso.

"Oy, tama na 'yan! Ano ba kayo? Magpa-pasko na, nag-aaway pa 'tong mga 'to!"

"O tapos, Jake?" Tumawa ang isa kong kaklase.

"Anak kayo ng mga tsonggo! Oo!" Seth exclaimed in frustration. "Kung magsasaksakan na kayo, manghiram na kayo ng kutsilyo kay Ma'am Echaves! Iyon ang bonding niyo, 'di ba? Magsaksakan? Go! Mga punyeta kayo!"

"O, siya. Izzy, Julienne cut ang gawin mo kay Mason. At ikaw naman Mason, i-brunoise cut mo na lang si Izzy. Brunoise lang, ha. Huwag masyadong manggigil at baka ma-mince mo na. Alam mo naman siguro ang difference ng dalawa," gatong ni Aaron.

"Oh, sinong manghihiram ng kutsilyo?"

"Ako na! Isasaalang-alang ko ang ID at dignidad ko para sa kanila!"

"Mason, tama na 'yan," si Steffy at hinila na ang braso ng kaibigan namin.

I curled my bottom lip between my teeth, still glowering at Mason who was unyielding from his position. My chin was shaking as I shifted my gaze to Steffy who was crestfallen.

"Izzy, Mason..." tawag ng pamilyar na boses ng Presidente ng klase. "Tigilan niyo na 'yan kung ayaw niyong pareho kayong idiretso sa opisina ni Dean."

May humila na naman sa braso ko kaya mas lalo akong nairita. Matalim kong tinitigan si Atienza na bahagyang nakangisi nang mapansin kong tumuturo siya sa may pintuan na nasa likuran ko lang.

The fearless and austere set of raven eyes sent chills to my spine that I could feel my body hairs erecting. Shooting my friends a glance, I grabbed my bag from the chair and went straight to the door.

Harley anchored her arm on mine as she pulled me away from the classroom. Walang nagsasalita sa aming dalawa habang pababa ng building at kahit pa parehong may tumatawag sa pangalan namin ay hindi na napansin.

Sa Dagohoy kami dumiretso. She bought two chocolate drink and almost stuffed the cup into my chest before she dragged me again. Umupo kami sa isang bakanteng mesa sa likurang bahagi ng Dagohoy.

I sipped on my drink and stared at the ground full of dry leaves. Nagsalita lamang si Harley pagkaraan ng ilang minuto.

"What was that all about?" Her voice was as cold as my drink.

"Just a misunderstanding," I simply answered. "Free cut niyo?"

Sinulyapan ko siya nang iharap niya bahagya ang katawan sa akin. She lodged her elbow on the cement table as her full lips extended to their side.

"Do you know how ironic that I dislike the idea of pleasing other people, yet I still pursue this program and industry?"

My brow raised. She tilted her head a bit.

"The industry wherein our main objective is to provide the highest quality of service for various degrees of guests. We need to attend to their needs and inquiries, and lastly, we have to ensure that they are satisfied with our customer service. In simple words, our job is to please people."

Huminto siya sa pagsasalita at pinaglaruan ang straw ng inumin. Ipinatong ko ang inumin sa mesa at pinakatitigan iyon.

"Actually, ganoon naman talaga dahil business pa rin ang usapan dito. If you want the loyalty of your guests, you better serve them more than what you can offer. You have to exceed their expectations. Right? Dahil kung hindi, mawawalan ng guest o customer ang pinagtatrabahuhan natin. At sinong sisihin? Tayong empleyado pa rin."

Tulad niya, hindi ko rin gusto ang ideya na paluguran ang isang tao at wala akong balak na gawin iyon para lang magustuhan nila ako... o para sumaya sila. I'm fortunate enough that I was born with parents like my Mama and Papa that I didn't have to try hard to seek for love and attention from other people.

Nonetheless, I don't initially judge those who do it because I don't know their story.

I only took this program because I want to pursue being a cook that I somehow forget that this is not all about cooking. Hindi pa tapos ang unang taon ko rito at alam kong mas marami at mas malawak pa ang pag-aaralan namin. Hindi kami luto-luto lang. Baka nga pagsapit ng susunod na taon, bukod sa pagiging chef ay mas may gusto pa pala akong gawin na nakalinya sa amin.

"Satisfying our customers or guests means satisfying the company and ourselves, too. Because it only means we did our best in this field. And in order to accomplish that, we must bring a lot of patience. Alam mo 'yon? Kahit sobrang kulit at nagagalit na sila, we should remain ethical, professional, and patient with them."

Tumingin siya sa akin at ngumisi.

"You're not the most patient person I know, but I know you for being good at holding your horses. Minsan madali kang maasar pero hindi ikaw 'yong tipo na mabilis magalit lalo na kung walang malalim na dahilan."

"Nauubos ang pisi ng pasensya ng isang tao, Harley. Ganoon din ako. I can't always go with the flow. I can't smile or laugh every time. Isang beses lang hindi napigilan ang sarili pero parang ang laking kasalanan na nagalit agad ako?"

A wicked smile appeared on her lips. "No, Eria. Because what you did is just part of the training."

Kumunot ang noo ko. What training is she talking about? Hindi ba't sinasabi niya ang mga ito ngayon sa akin dahil sa inasta ko kanina na siguradong nakita niya? At ang alam ko lang na training ng mga freshmen at sophomore ay ang NSTP namin.

"A training to measure the capacity of your patience in our field. This university is our training ground, Eria babe. And we are the soldiers of our own war."

Nanindig ang balahibo ko sa batok nang umusog siya palapit sa akin. Her fingers traced my jaw down to my chin, lifting it up to face her. Her squinting eyes made my back stiffened. Nagparte ang kanyang labi nang pinasadahan ang pang-ibabang labi ko gamit ang kanyang hinlalaki.

"Bago tayo isabak sa isang laban sa labas ng unibersidad na ito, nakikipaglaban na tayo rito. Every day, we're fighting for our rights... for our feelings... for our friends... and for our family," she coldly drawled. "But we can not always win a fight, regardless of how much blood and tears we have to shed."

Hariona Ashley Blaustein's heart was once as hard as a rock, and her personality didn't go well with mine. Making her smile costs an arm and leg. When she looks at someone intently, she's trying to read something in their eyes.

Being her first friend after the Blaustein household adopted her was difficult... but worth it. Harley is worth being a daughter and a friend. A year after we became friends, I noticed that she turned warmer to other people.

Minsan nga lang, bumabalik siya sa dating Harley bago ko pa naging kaibigan—cold and hard to discipher.

"Patience, Eria," she breathed, eyes lingering on mine. "Yes, we are just human, and it may be unavoidable to vent our anger toward something or someone. Even so, we have to control our emotions. Outside professional work, we still have to be kind and patient with people. Not because it is our job or duty, or it is what they taught us in school, but it is simply because we are dealing with people with feelings, too."

My lips shuddered. Hinaplos niya ang pisngi ko at ang isang kamay ay nasa aking ulo.

"You think I didn't notice your sudden changes since last month? Specifically, after the night you had a sleepover in our house?"

I looked away from her. Humigpit ang hawak ko sa plastic na baso ng aking inumin.

"You are a little sister to me, Eria. Kung may problema ka at hindi mo masabi, mas gugustuhin ko pang sa akin mo na lang ibuntong ang galit mo. I can handle your frustrations and all, Eria. Basta ikaw..."

My eyes blurred as I remembered what I did to my brother this morning, and just earlier, I did the same to my friends even though they meant no harm. Guilt arose in my heart as I gazed at Harley, whose eyes were nothing but dark yet sincere.

"I can't do that to y-you." My voice cracked.

"And you can do that to your other friend?"

"I didn't mean to..."

"But you already did. It's normal to fight with friends as long as you both know how to settle things. But not all people can handle us. I can't even handle myself at times, either. But for you, Eria, I'll do my best to understand you, hmm? Just tell me what's bothering you these past few weeks."

I want to but I'd rather not say anything. The mere fact that Harley's one of the closest to my heart is harder for me to tell what's been running in my mind. I trust her, but I don't trust people around us that could hurt her. Kung siya ay handang tanggapin ang galit ko na para sa ibang bagay o tao, hindi ko naman kayang hayaan na masaktan siya dahil lang sa problema ko.

"Every day is a battle, and winning isn't always guaranteed. Life can be cruel to us sometimes, and even when some people can't be good to us, let's try our best to be kind to them. Alright? Eria?" She smiled, but it didn't reach her eyes. "Just don't forget to be kind to yourself, too."

Ngumiti ako at marahang tumango sa kanya. She looked away from me and tightly closed her eyes. Napahawak siya sa kanyang sentido na tila iniinda ang sakit dito kaya napawi ang ngiti ko.

"Li... ayos ka lang? Masakit ang ulo mo? Wait... punta tayong clinic—"

Hinawakan niya ako sa braso nang akma na akong tatayo.

"It's just because of hangover, Eria. You know, nasa Milestone ako kagabi. Celebration nga sana dapat iyon dahil nanalo kayo pero grounded ka naman!" Tipid siyang tumawa. "Ano ba kasing nangyari at bigla kang pinagbawalan ni Tito Vince? It's so unlikely for him to do that."

Sumandal ako sa kinauupuan at sumimsim na sa inumin. Nanatili naman siyang malapit sa akin at nakaharap, nag-aabang sa sagot ko.

"Uh, nagkaroon lang ng kaunting sagutan..." Tumikhim ako. "Kaya ayun. Pansamantala lang naman."

Nagtaas siya ng kilay sa akin. It was obvious in her eyes that she didn't believe my reason. Even so, she only probed a little about that topic. Instead, she informed me about the upcoming cooking competition outside the university that will be held in January next year.

She urged me to join again for another experience and to enhance my skills. I ain't ready to compete yet again, so I told her I'll still think about it. Sayang din daw 'yong prize.

"My next class will start in a few minutes. Babalik na ako sa building natin. Ikaw?"

"I'll probably just stay here for a while. I'll buy food na lang din."

"Kausapin mo na ang mga kaibigan mo mamaya, ha?"

Tumango ako sa kanya. She kissed my cheek before she waved at me and left.

Bumuntong hininga ako nang makalayo na siya. Iniisip ko kung paano ko kakausapin ang mga kaibigan, lalo na si Mason at Steffy, para makipag-ayos. I don't want this fight to prolong, lalo na at kahit saang anggulo tingnan ay ako pa rin naman ang nagsimula.

Though, hindi naman mahalaga sa akin kung sino talaga ang nagsimula ng gulo lalo na kung hindi naman ganoon kalala ang pagtatalo. Gusto ko lang na maging maayos agad dahil hindi ko kaya 'yong may kaaway o katampuhan lalo na kung malapit sa akin.

But before them... I need to apologize to my brother first. I shouldn't have shouted and pushed him. Thinking about it now makes me want to scold myself.

Why did I even do that?

Kaya naman dala ang bag, dumiretso ako sa main building para pumunta sa room nila kahit hindi ko sigurado kung nandoon ba siya. Nagkandaligaw-ligaw pa ako kahit na may direction at number naman kada floor at room.

"Hi! Ikaw 'yong Ate ni Ral, 'di ba?"

Napatigil ako sa paglalakad sa hallway nang humarang ang tatlong lalaking SHS student. Mga wala silang suot na ID kaya hindi ko sigurado kung anong strand nila. But they know my brother so probably, they're from STEM, too?

"Yup. Uh, kaklase ka ba niya? Kayo?"

"Opo. Sakto, wala 'yong teacher sa subject namin ngayon. Nasa room lang yata siya," sagot ng isa.

I nodded a bit and smiled. "Sige, salamat. Puntahan ko muna."

The boy in the middle was still staring at me with flushed cheeks. Siniko siya ng nasa kaliwa niya habang humahagikgik bago sila nagbigay ng daan sa akin.

"A-ah, wait lang po!" sabi ng nasa gitna at hinawakan ang braso ko.

Bumaba roon ang tingin ko kaya naman mabilis niya ring binawi ang kamay na tila napapaso. The boy smiled awkwardly and his friends were slightly pushing him to me.

I puckered up my lips and raised an eyebrow. "Yeah?"

"U-uh... Edison nga po pala—" pakilala niya habang nakalahad ang kamay. "Ano... uh..."

Lalong namula ang kanyang pisngi. Ang dalawang kaibigan niya ay napatakip sa bibig at bahagyang tumingin sa direksiyon taliwas sa kanilang kaibigan, natatawa.

"Izzy," I said and accepted his hand but quickly detached my hand from his. "I'll go now, Edison."

"Ano pong pangalan niyo sa Facebook?" pahabol niya noong patalikod na ako.

Napaharap bigla ulit ang dalawa sa kanya na para bang namamangha at proud na sa kaibigan. Sasagot na sana ako nang lumagpas ang tingin ko sa likuran nila.

Ngumiti ako kay Edison. "Why? You're going to add me on Facebook?"

His face brightened. "Opo sana..."

"Ate Izzy..." Raghnall uttered behind them with a grim face.

Napatalon ang tatlo at napalingon sa likuran para lang makita ang kapatid ko at si Axasiel na naniningkit ang mata sa talim ng tingin doon sa mga kaklase nila.

"Ral, pare!" Sabay tawa ni Edison. "Nagpapakilala lang ako sa Ate mo. Akala ko nasa room ka? Kayo?"

"Yari ka diyan," rinig kong bulong ng isa habang tumatawa.

Hindi na siya pinansin ng kapatid ko at bumaling na sa akin. Ang mapanuya kong ngiti ay nawala nang maalala ang ginawa ko sa kanya nitong umaga.

"Why are you here, Ate?" Malamig pa rin ang kanyang boses.

"Ah, sige. Una na kami!" sambit ni Edison at lumingon sa akin. "Bye, Izzy!"

Parehong kumunot ang noo nina Ral at Axe sa tinawag sa akin ng kaklase nila habang minamata ang mga ito. Nagtulakan naman ang tatlo palayo sa amin pero ang dalawa ay sinusundan pa rin sila ng tingin na para bang ano mang oras ay handa nang habulin at atakihin.

"Ral, I'm sorry," diretsahan kong sinabi.

Sabay silang napalingon sa akin. Axasiel opened his canned pineapple juice and averted his gaze from me. Umatras siya palayo sa amin at isinandal sa balustrade ang isang siko habang nakatanaw sa ibaba ng building. He inserted his other hand in his pants' pocket as his other hand brought the can to his lips.

"Okay," ani Ral kaya napabalik ang tingin ko sa kanya.

"Okay?" I repeated in confusion.

His head tilted a bit. "If you accept my money now, I will forgive and forget."

I sighed. "Ral, kapag tinanggap ko ang pera mo, baka pati ang sa 'yo ay kunin ni Papa."

"He would not know unless you tell him," he argued, casting his eyes down as he put his hand into his pants pocket.

Bumuga ulit ako ng hangin. Hinayaan ko na siyang maglabas ng pera sa kanyang wallet at nang inilahad niya iyon sa akin ay nagdadalawang isip pa rin akong tanggapin.

Lumapit siya sa akin at yumuko. His eyes softened as he stared at me. I licked my lips and lifted my hand to accept his money.

"B-Babayaran ko 'to kapag nabawi ko na—"

"I'm not asking for a money payback even if it's tenfold, Ate. We are siblings, and it's normal to help each other in any way we can without expecting anything in return. You should know that."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top