Chapter 30
Chapter 30
I'm willing to trade anything to go back to the time wherein I could choose between two options without thinking of the possible repercussions, whether I get to pick the better one or not. If I could go back to being a child, I would probably have fewer problems.
Because I realized that the older I get, the more risk I should take, and the more I think of the responsibility and consequences I have to shoulder after that.
Ang bigat pa rin sa dibdib sa tuwing sinusuway ko ang mga magulang para lang magawa o masunod ang gusto ko. Iniisip ko tuloy kung ano kaya ang nararamdaman nila sa tuwing hindi ko sila sinusunod? Kapag pinipilit ko ang gusto kahit ayaw nila dahil iniisip lang nila ang kapakanan namin?
Hindi ko alam kung bakit ba kailangang sumuway ng anak sa magulang... tulad ko. Maybe because that's what I'm good at? Because I know that they won't be too hard to punish me?
"I'm sorry, Izzy. A-alam kong... gusto mong manalo pero ako pa yata ang nagpabigat—"
Umiling ako at inangat ang kamay sa kanya para patigilin siya sa pagsasalita. Huminga ako nang malalim at pilit kinakalma ang sarili.
"Wala ako rito ngayon kung hindi rin dahil sa 'yo, Steffy. We both did our best since the very beginnng to represent our university. Sadyang..." I swallowed hard and wasn't able to finish my sentence.
At least we won the 1st place. That's my only consolation to myself and to everyone who supported and cheered for us silently. Alam ko namang sa college department namin, kami-kami lang ang nakakaalam ng tungkol sa kompetisyon na naganap.
Ikinulong ko ang kamay ni Steffy gamit ang dalawa kong kamay at ngumiti.
"Congratulations for us. I'm really glad that we are able to compete for ourselves... for our college department and university. Unang beses pa lang naman natin ito at 1st place naman tayo. Okay na 'yon. Masaya na ako roon."
Tiningnan niya ako na para bang naninimbang kung totoo bang masaya ako sa napanalunan namin. It is true, though. May iniisip lang din talaga ako at... kanina pa hindi maganda ang pakiramdam ko kaya tingin niya siguro, dahil sa hindi kami ang nanalo ay malungkot ako.
The Top 3 winners both received trophies, individual certificates, and other prizes. Malamang na mas malaki ang trophy at mas marami ang prize ng champion. May inilaan ding certificate para sa unibersidad na tinanggap ng tatlong faculty member bilang kinatawan ng aming department na kasama namin dito sa venue.
Pagkatapos ng awarding at makipag-usap sa mga kasama naming professor at iba pang kalahok, nagpalit na rin kami ni Steffy ng damit. Miyerkules ngayon at kahit may pasok pa kami ng hapon, puwede namang hindi na muna um-attend dahil excused kami pareho.
Kaya naman lulan ng sasakyan ng pamilya ni Steffy na siya ring gamit namin papunta kanina sa venue, hinatid nila ako pauwi ng bahay. I was expecting that no one will be there since my parents are still at work while Raghnall's at the university.
"Tulungan na kitang dalhin 'to sa loob," Steffy offered, tinutukoy ang mga nakuha naming premyo na nasa isang malaking box.
Kinuha niya iyon mula sa kanyang driver na si Mang Ernesto nang mailabas nito mula sa compartment ng sasakyan. Hindi naman iyon kabigatan at kaya ko namang buhatin mag-isa pero nagpumilit pa rin si Steffy.
"Just open the gate, girl!"
Napailing ako at in-unlock na ang gate namin para makapasok. Hinintay ko siyang makapasok din muna nang tuluyan at nang tumabi na siya sa akin ay sabay na kaming naglakad pa patungo sa pintuan.
"Nabasa mo na ba ang gc natin kanina? Milestone daw tayo. Libre no'ng tatlo," nakangiting sinabi ni Steffy.
I clamped my lips. "Kailan?"
"Bukas para ayos lang kung gabihin nang sobra kasi wala naman na tayong pasok tuwing Biyernes. Ano? G?"
"Sige." Binuntutan ko iyon ng tango.
"Alright! Baka pumasok na lang din pala ako mamaya sa last subject. Pa-aircon lang," she said and laughed. "Ikaw, pahinga ka na muna. Pero teka, hindi mo ba talaga sinabi sa pamilya mo na sumali ka sa UCC at ngayon ginanap iyon?"
Umiling ako sa kanya. Alam ni Harley na sumali ako pero sinabihan ko siyang huwag nang sabihin sa kahit sino sa pamilya ko ang tungkol doon. Mas gusto ko talaga 'yong sinusurpresa na lang sila sa mga bagay na nakakamit ko.
Pero hindi ko inakala na ako pala ang masusurpresa pagpasok ng bahay. Nang makaalis si Steffy ay dumiretso na ako sa kuwarto para lang tanggapin ang sampal na nagpanginig sa buo kong katawan.
"Third!" tawag ni Mama sa nangangatal na boses.
Gumawa ng ingay ang nabitiwan kong bag at box sa sahig. My lips quivered as I cupped my numbed cheek. Nag-init ang sulok ng mga mata ko habang dahan-dahang nilingon at tiningala si Papa.
My blood ran cold upon seeing his furious face. Pulang-pula ang mukha at nakaigting ang panga. I could even see the vein poking on his forehead and his neck.
"P-Papa..."
"Kailan pa?" mariin at punong-puno ng galit ang kanyang boses. "Kailan ka pa natutong manigarilyo at gumamit ng droga, Isra?!"
I jolted at his bellow as though he was ready to hit me again. The overflowing heat of rage and dismay from his voice speaks volume. Tila nakain ko ang sariling dila at hindi na nakapagsalita sa sobrang takot.
Papa had never raised his voice to me, let alone hit me. Siguro kaya rin ako lumaking spoiled sa kanya dahil hindi siya—sila ni Mama—nananakit sa amin. Na kahit sumusuway, may pakinabang pa rin kaya hinahayaan na lang ako.
"Third, please. L-let's talk peacefully. Hayaan muna nating magpaliwanag ang a-anak natin," si Mama na nakahawak sa braso ni Papa, hinihila palayo sa akin.
"Sumagot ka, Isra!"
Muli akong napaigtad sa kanyang sigaw. Bumaba ang mata ko sa nanginginig na kamay ni Papa, hawak ang pamilyar na maliit na box at ilang pakete na tinutukoy niya.
"L-last month—"
"Last month! Last month pa, Isra?! Hinayaan ka lang naming uminom, tingin mo ay ayos lang na manigarilyo at gumamit ng dro—" Mariin siyang napapikit. "Damn it, Isra!"
Tears sprang from my eyes as I tried to reach out for his hand. "P-Pa... magpapaliwanag p-po ako..."
Namilog ang mga mata ko at agad napaatras nang iangat niya ang kamay na balak kong hawakan. I even covered my face with arm in fear of him hitting me again. Patuloy na rumagasa ang luha sa aking pisngi habang iniinda ang paninikip ng dibdib.
"Third!" I heard Mama's sob. "Please, h-huwag mo nang saktan si Izzy. Kausapin natin siya nang m-maayos. Huwag ganito..."
Humikbi ako at dahan-dahang ibinaba ang braso para muling tingnan si Papa. Bakas din ang takot sa mga mata at boses ni Mama na pilit pinakakalma si Papa. Namumula at namamasa ang mga mata ni Papa sa sobrang galit habang nakatingin sa akin
His jaw clenched tightly as he craned his neck to the side. Pareho kaming napatalon ni Mama nang ibato ni Papa ang hawak sa sahig. Halos sabunutan niya ang sariling buhok bago bawiin ang braso kay Mama at tumalikod sa amin.
My heart was pounding hard because of fright and pain. My mother's bloodshot eyes were glistening with tears as she gazed at me, questioning but not uttering a single word.
"Ma... I'm sorry..." I choked and cried. "I-It is true that I... I've been smoking b-but I promise you! I'm not using drugs! Those a-aren't mine! Please, Ma..."
"'Nak, bakit naman?" Tumulo ang luha sa mga mata ni Mama. "Ano bang problema, 'nak? Bakit hindi ka na nagsasabi sa amin ng Papa mo?"
I bowed my head and fidgeted my fingers. God knows how much I wanted to tell them but... I couldn't. I should not. I'm caught in between the devil and the deep blue sea.
Nilapitan ako ni Mama at agad niya akong binalot sa mainit na yakap. I curled my hands on her sides, dipping my face on her neck as we both cried. Hinaplos niya ang aking ulo at likod.
"I'm sorry po..." I sobbed. "Hindi na po m-mauulit..."
Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang ulo. Nanginginig ang aking mga labi nang suminghap.
"Hindi mo kailangang gumamit ng mga iyon, 'nak, kung may problema ka. Nandito naman kami ng P-Papa mo, hindi ba? Lagi ka namang nagsasabi sa amin kapag may problema. Paano ka namin matutulungan kung hindi ka nagsasabi sa amin?"
"M-Ma..."
"Hinayaan ka naming uminom dahil nalilimitahan mo naman iyon. Pero, 'nak, ibang usapan na kapag..." She sighed. "Don't smoke again, alright? And don't you even dare to use substance. Please, anak."
It was heart shattering to hear my mother beg me not to do it again. Ayokong maramdaman o isipin nila na dahil sa kanila kaya ko nagawa iyon. Na pinabayaan ako. Na nagkulang sila sa pagbibigay paalala sa mga hindi dapat gawin.
Pero sa boses ni Mama... ramdam ko na ganoon ang nararamdaman niya. They are not to blame for my irrational choices in life. Ako lang ang may kasalanan pero naapektuhan pa rin talaga sila dahil magulang ko sila.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nasa ganoong posisyon. I honestly don't want to let her go because I know I'd have to meet my father's wrath.
Hinawakan ako ni Mama at inilayo sa kanya para sapuin ang magkabila kong pisngi. She smiled a bit while scanning and sweeping off the tears left on my face. I couldn't let her hold my gaze. That only reflected guilt, so I tried to look anywhere but her candid eyes.
"Kumain ka na ba?" she asked silently.
Tumango ako. Bumaba ang tingin ko sa mga dala at naisip na hindi na lang sasabihin ang tungkol sa nangyari ngayong araw. There's nothing to celebrate when I know they are disappointed and mad at me... especially Papa.
"Wala ka ng klase?"
"W-wala na po," I lied again and bit my tongue.
Nagtagal ang mga mata niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at napalunok.
She nodded and retrieved her hands from my face. Yumuko siya para pulutin ang maliit na kahon at mga pakete dahilan para muli kong makasalamuha ang mga mata ni Papa. Napahawak ako sa pisnging dinapuan ng kanyang kamay kanina at hindi muli napigilan ang pag-init ng mga mata.
Mula sa kama ay tumayo siya at humakbang palapit sa amin. I instantly stepped aside to give way for him. I wanted to talk and apologize again to him. Dahil alam ko, sa kanilang dalawa ni Mama ay siya ang mas galit at dismayado sa akin.
Tumigil siya sa gilid ko, sa tapat mismo ng pintuan na handa niya nang buksan. His side profile was giving me the sight of his jaw muscle, brutally and constantly moving.
"I'll cut off your allowance starting tomorrow. No night outs and alcoholic beverages until I let you so. You can only eat one box of your favorite snack once a week. If you want one, ask me. I have already confiscated all of them."
My mouth went ajar. His brooding eyes narrowed as they flickered to meet my depressed orbs.
"Kapag nalaman ko o nahuli kitang gumagamit pa rin niyan, o sumuway pa sa mga sinabi ko, hindi ako magdadalawang-isip na palayasin ka rito sa pamamahay ko."
Kinuyom ko ang nanginginig kong kamay. Kalmado lang ang boses niya pero tagos sa puso ang galit sa akin.
"Hindi naman mahirap iyon, 'di ba?"
Ang bigat ng baba ko nang iangat iyon para sumang-ayon sa tanong niya. Mama didn't oppose him. They probably had talked about it even before I arrived. At siguro, sa takot din kay Papa na ngayon lang nagalit nang ganito, wala ring magawa kung hindi hayaan na lang.
I plonked on my bed after they abandoned my room. Tumagilid ako sa kama at itinaas ang mga tuhod sa dibdib para yakapin iyon. Hinayaan kong tahimik na lumandas ang mainit na luha habang kinakagat ang labi para hindi makagawa ng ingay.
My phone rang and vibrated from the back pocket of my jeans. Alam kong isa iyon sa mga alarm na ginawa ni Axe bilang reminder sa kailangan kong gawin sa oras na ito pero hinayaan ko lang.
I'm down for the count. I feel like doing nothing but lying here on my bed.
Pinakawalan ng ngipin ko ang labi nang malasahan ang malapot at metal na likido mula roon. I stretched out my hand to reach for Dolphy but he was quite farther from me than what it seemed.
Hindi ako pinapansin ni Papa hanggang gabi. Si Mama lang ang kumakausap sa akin at si Raghnall na siguradong taimtim na inoobserbahan kami ay hindi rin naman nagsasalita noong nasa hapag. Kahit walang sinasabi, alam kong alam niya na may pagbabago sa amin.
Natural, kaming dalawa ni Papa ang pinakamaingay rito tapos mas malamig pa sa buwan ng Disyembre ang trato nito sa akin.
I had checked my drawers where my snacks and candies were only to found them clean. Simot lahat kahit pa ang mga sulok na pinagtataguan ko ng mga iyon. Nang subukan kong buksan ang desktop ay hindi iyon tuluyang nabubuhay dahil may mga wire pala na tinanggal si Papa sa PC.
Napahilamos akong umupo sa ibaba ng kama ko. Hawak ko ang phone at kababasa ko lang ng mga message ng mga kaklase at kaibigan. The latest came from Harley asking if I want to celebrate at Milestone.
"Hindi mo rin sinabi sa kanila na 1st place kayo kanina sa University Culinary Cup? Sabi mo ay sasabihin mo sa kanila kapag nanalo na kayo? Kaya nga hindi na ako nagsalita para may pa-surprise effect ika mo!" nanghihinayang na sambit ni Harley sa kabilang linya ng telepono.
Bumuntong hininga ako. Bubuka pa lang ang bibig para magsalita nang unahan niya na naman ako.
"At bakit naman hindi ka puwede lumabas? Binawalan talaga? Ano 'yan, grounded? Sinong nagbawal?!"
"Si Papa—"
"What!" Sinundan iyon nang kalabog.
I rolled my eyes at her exaggerated response.
"Why would Tito Vince suddenly do that to you, though? First time yata ito, ah? What happened ba?" Her voice turned curious. "Do you want me to come over? Hindi naman siguro pati pagdalaw sa 'yo ay bawal?"
Muli akong napabuga ng hangin. Even Harley doesn't know anything about what's going on in my mind. I never want her or anyone to be involved in my problem again.
"Gabi na, Harley," tanging nasabi ko na lang.
"Did he... cut your allowance, too?" she asked quietly.
"No," I replied and smiled a bit. "Sige na, Harley. Maaga pa ang pasok ko bukas. Good night..."
"Are you sure?" she insisted. "Usap tayo bukas, ha?"
"O-oo..."
Pinatay ko na ang tawag para hindi na siya makapagtanong pa. I pulled my knees up to my chest, crossing my arms above them before I rested my chin on them. My eyes were glued to my phone's screen when Axasiel's face from the side as an icon appeared to my sight. He was inviting me for a video chat on Messenger.
Even through this gadget, the thought of seeing and talking to him jumbled my heart. But instead of answering, I pressed the red circle to decline his call. Ilang sandali pa nang tumawag na siya sa mismong number ko na hindi ko pa rin sinagot. I turned my phone off and sank underneath my thick comforter in bed.
Dahil second sem na namin ngayong freshmen year, nagbago na naman ang schedule namin. Weekdays first subjects will always start at 7 o'clock in the morning except on Saturday and Sunday. Kung noong first sem ay isa lang ang bridging subject ko, ngayon naman ay dalawa na.
Si Papa ang naghatid sa amin ni Raghnall sa UdLAT dahil hindi naman nabago ang schedule niyang pang-umaga. Tahimik kaming tatlo sa sasakyan at halos hindi ako makatingin sa kaliwa dahil katabi ko lang si Papa.
Nagtatanggal pa lang ako ng seatbelt nang huminto ang sasakyan at naglahad ng kamay si Papa sa may gilid ko. Napasulyap ako sa likod at namataang natigilan si Ral sa pagbukas ng pinto.
"Give me your credit cards," Papa demanded coldly.
"Pa..."
"Huwag mong hintayin na ang buong wallet mo ang kunin ko, Isra. Bilisan mo."
My eyes clouded with tears as I searched for my wallet inside my bag. Mabilisan kong binilang ang papel na perang natira bago iniabot ang mga hinihingi ni Papa.
"Huwag mong bibigyan ng pera itong kapatid mo, Raghnall, kung ayaw mong pati ang sa 'yo ay kunin ko rin."
He wasn't sparing me even a glance after that. Nagtatalo pa ang isip ko kung hahalik pa sa pisngi niya tulad ng lagi kong ginagawa bago bumaba.
In the end, I did not. Nakalabas na kami pareho ni Ral nang humarurot na palayo ang sasakyan namin. Tinalikuran ko na agad ang kapatid para pumasok na sa loob ng unibersidad nang may humawak sa braso ko.
"Ral," pagod kong banggit at tiningala siya. "Mali-late na tayo."
His adamant and cold expression sustained on his face. "How much money do you still have?"
"Just enough to survive," I said and chuckled to lessen his tense presence.
Hindi niya ako bintiwan agad. Sa halip, dumukot siya sa likod ng bulsa ng kanyang slacks. Umiling agad ako at binawi ang braso sa kanya. It's undeniable that he's good at managing his finance so he can save more money than I do.
"I won't accept any amount from you, Ral," mariin kong bigkas.
He turned a deaf ear and held out two blue paper bills. Hindi ko alam kung bakit naiiyak na ako habang tinitingnan ang pera sa kamay niya.
"Alam kong linggo-linggo kayong hindi nauubusan ng binabayaran kaya tanggapin mo na, Ate."
Umiling ako ulit. Lumapit siya at kinuha na ang kamay ko para ipatong doon ang pera pero agad ko ring sinampal iyon sa dibdib niya. Nagparte ang kanyang labi at napayuko sa perang nalaglag sa paahan niya.
"Huwag mo na akong pakialam, Raghnall. Kung kailangan ko ng pera, gagawa ako ng paraan. Hindi mo ako kailangang bigyan dahil lang sa kapatid mo ako o naaawa ka!" Napataas ang boses ko.
I gritted my teeth before turning my heels. My chest was rising rapidly as though I had been in a race. Natigilan lang ako sa paglalakad nang matagpuan si Axasiel ilang metro lang mula sa likuran ko kanina.
Nakasabit ang isang strap ng bag sa balikat at nakapasok ang kaliwang kamay sa bulsa ng slacks. Nakasuot pa siya ng dark blue knitted sweater habang nakalabas ang kuwelyo ng suot na uniform sa ilalim nito.
I relieved my jaw from teeth grinding. Kusang natunaw ang iritasyon na naramdaman ko kanina dahil lang nakita siya. The cold morning breeze was blowing his dark hair.
My eyelids turned heavy when he took long strides ahead of him. Tumigil siya sa harapan ko at sumulyap muna sa likuran ko bago ibinalik muli sa akin ang mga matang hindi makikitaan ng kung ano mang masamang enerhiya.
"Ate," tawag pa rin ni Ral at ngayo'y nasa gilid ko na.
Hinawakan niya ulit ang kamay ko at sinubukang ilagay roon ang pera nang ilapat ko ang isang kamay sa dibdib niya para itulak siya. Nanlaki ang mata niya at napahawak doon, hindi makapaniwala.
"Ang kulit mo talaga! Sinabi nang hindi ko kailangan niyan!"
"Izzy." Axe's slender fingers wrapped my forearm, tugging me slightly. "Bakit ka ba nagagalit sa kapatid mo?"
I roughly retook my arm from his loose grasp and glared at him. Nagsalubong ang kilay niya at bahagyang tumagilid ang ulo.
"Ewan ko sa inyo!" singhal ko at inirapan siya.
Hindi ko na pinansin pa si Ral at binangga pa ang balikat ni Axasiel nang lagpasan ko. Malalaki at mabibilis ang bawat hakbang ko patungo sa building namin.
I checked the time on my wrist watch. I still have more than thirty minutes to kill before our first subject. Paakyat ako sa hagdan na maghahatid sa akin patungo sa rooftop nang bumigat ang dibdib sa pag-alala ng ginawa sa kapatid at kay Axe.
Tahimik kong binuksan at sinara ang pinto sa may rooftop. Wala pa namang araw pero maliwanag na at malamig pa rin. Ibinaba ko ang bag sa tabi ng isang pader at umupo sa semento nang parehong nakatagilid ang mga hita.
Isinandal ko ang ulo at bahagyang tumingala sa langit nang masilayan ang ilang ibon na sabay-sabay lumipad.
I raised my open hand and chuckled humorlessly to myself.
"Buti pa kayo, palipad-lipad lang. You have the freedom to go wherever you want to. Bakit ba hindi na lang ako naging ibon? Baka makita ko pa si Lord habang lumilipad sa langit." Sabay tawa ko ulit sa sarili.
I was also given the freedom to go wherever I want to. Kaya bakit ba ako naiinggit sa mga ibon na 'to? Ako naman ang gumawa ng rason para itali na nila ako.
Napawi ang ngisi sa labi ko nang may narinig na halakhak. Bumagsak ang kamay ko sa aking mga hita at nilingon ang lalaking naglalakad habang nakapamulsa patungo sa direksyon ko.
Naka-uniform na siya tulad ng sa uniform ng boys sa kurso namin. Ang pinagkaiba lang ay ang kulay ng longsleeves polo nila. Babae man o lalaki, parehong pink ang sa kanila.
Halos mawala ang mga mata niya nang ngumisi at umupo sa tabi ko. On his left hand, he was holding a small black box and a smaller metal one. Binuksan niya ang mas malaki at naglabas ng isang itim na stick. Inipit niya iyon sa pagitan ng hintuturo at gitnang daliri bago inilahad sa akin.
Umiling ako. He arched his brow and pushed the stick into my chest. Ang ngisi sa kanyang labi ay nababakasan ko na ng pagkairita.
"Take it, Izzy," he commanded icily. "I'm giving it to you for free so don't waste it."
Shaking in anger, I shoved his hand away from me and quickly stood on my feet. Pero bago pa ako tuluyang makatayo ay nahila niya na pababa muli ang braso ko dahilan para mapaupo ako ulit.
He grabbed my jaw and forcefully squeezed my cheeks using his fingers, making my lips part, and took that chance to thrust the black cigarette in between my lips.
"Kapag sinabi kong gamitin mo! Gamitin mo! Huwag mo 'kong artehan at tanggihan dahil may usapan tayo!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top