Chapter 29
Chapter 29
After our dinner, Axe and I went at the back of the house so we can talk alone in peace. Ang makulit na si Wilder ay wala sanang balak tantanan kami hangga't hindi niya ako nabubudol na bilhin 'yong mga crochet top na dala niya. He said it was for his friend.
"I... should have told you about it sooner," I said quietly and sighed. "I'm sorry. I really didn't expect that he'd do that."
Nanatili pa rin siyang tahimik pagkatapos kong ikuwento ang nangyari sa rooftop noong nakaraan. Hindi ko lang sinabi ang tungkol sa pinag-usapan namin mismo ni Dwight.
Pinisil-pisil niya ang mga daliri ko sa kamay na kanina pa niya hawak. May band-aid pa rin ang sugat ko roon na iniiwasan niyang hawakan.
Inalis ko sa pagkakakrus ang mga binti sa harapan habang nakaupo bago ko hinila paitaas ang sweatpants hanggang sa ilalim ng tuhod. Kinagat ko ang aking labi bago inilubog ang mga binti sa swimming pool kung saan ang mga binti niya ay kanina pa nakalubog doon.
"Do you still talk to him?" mahinang tanong niya at nag-angat ng tingin sa akin.
Mesmerized, I stared at the candescent glow of the moonlight in his brown orbs. Mababa ang talukap ng kanyang mga mata, halatang hindi nagustuhan ang nalaman.
Umiling ako at dinilaan ang labi. "Hindi ko na siya ulit nakausap pagkatapos no'n. At... baka hindi ko na rin siya talaga makakausap dahil sa ginawa niya."
Tinitigan niya ako nang mas malalim pa sa gabi.
"Do you think... it was my fault?" Bumaba ang tingin ko sa kamay naming magkahawak. "Siguro... kasi hindi naman mangyayari iyon kung hindi ko siya inayang kausapin sa lugar na iyon lalo na't kaming dalawa lang ang nandoon."
"It was his fault for being disrespectful," he retorted agitatedly. "Kung may respeto siya kahit bilang kaibigan mo man lang, hindi niya gagawin 'yon sa 'yo kahit pa kayong dalawa lang ang nandoon lalo pa at alam niyang may... boyfriend ka na."
Ngumuso ako. I moved my butt closer to him so that our knees would touch.
"What he did is also considered sexual assault. It is never okay, regardless of gender, to kiss someone forcibly or without the expressed content. It's always the perpetrator's fault, so... don't blame yourself for his sexual misconduct on you. Kahit kaibigan mo pa ang gumawa, kapag hindi mo gusto at pinilit niya ang sarili sa 'yo, mali iyon..."
His tone was calm, yet I could discern how disgusted and mad he was. I tilted my head to face him, and he gave me his heated and intense stare that I could drown now in the pool upfront us.
"I hope it won't happen again, but if he ever does it for the second time, you should tell me at once. Hindi dapat tino-tolerate at binabalewala lang ang mga ganoong seryosong bagay."
"Kapag ginawa niya iyon ulit, baka basagin ko na lang ang itlog niya," I jested but meant what I said. "Ikaw ba? Do you think the time will come that you're going to force someone? Sa kahit anong bagay?"
His tongue cruised his bottom lip, tugging the side gently with his teeth.
"Ayaw ko sa mga taong namimilit kaya hindi darating ang panahon na gagawin ko iyon."
I pursed my lips to refrain from smiling. "Paano kung ako ang mamimilit sa 'yo?"
"You won't need to do that. I'll willingly... give in to anything you want," pahina nang pahina niyang sagot.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin at ang likod ay tumuwid habang nakaupo. Binawi ko ang kamay sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya para iharap muli sa akin. Napaharap ko nga siya sa akin pero ang mga mata ay nakatingin sa ibaba.
"I don't want you to submit to me that easily. Kung ayaw mo sa pinagagawa ko o gusto kong mangyari, tumanggi ka. Karapatan mo 'yon. Hindi dahil girlfriend mo ako o mas matanda ako, basta ka na lang susunod kahit labag sa loob mo. Okay?" I smiled at him.
"I'm not going to succumb to pressure just because you're my girlfriend. I trust you... so I know that you are not going to make me do things against my will."
Lumapad ang ngiti ko at marahang tinapik-tapik ang pisngi niya. I scanned every part of his face, realizing that I won't be able to hurt this person in front of me intentionally. And if I did, I'd probably loathe myself.
"Kapag... may problema ka..." panimula niya. "Please, tell me about it. I'm going to listen... and understand. If I can be of help, I will do my best."
Tumango ako. "Tell me if you have any problem, too. I wanna know about it if there is. I'll do my best to understand... and help you, too."
My eyes settled on his honest eyes. He licked his lips. His eyelids were becoming more heavy as they shadowed his eyes.
"If you're stressed... or drained... or if you want to cry, cry on me. Lean on me. Hold onto me. You're free of charge for recharging."
"Automated Charging Machine ka?" I giggled.
He chuckled. "I can be one of the sources of your energy if you're out of it."
Pinatulis ko ang mga labi pero hindi rin napigilan at lumitaw muli ang mga ngipin dahil sa pagkakangiti.
"I changed your name in my contacts," I said.
Umusli nang kaunti ang labi niya.
"Dati, Baby Axe ang nakalagay roon. Same kayo ni Ral ng nickname sa akin. Ngayon..." Kinagat ko ang labi habang ngumingiti. "My Baby Giant na."
His pinkish lips twitched, and he tried to pull his face from my hold, but I didn't allow him to escape. I pulled his head down to plant my lips on his forehead.
Nakangiti pa rin akong humiwalay sa kanya. Dahil sa liwanag mula sa buwan at sa mga bumbilya rito sa likod ng bahay, hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng kanyang tainga. Inabot ko ang kanyang buhok na humaharang sa noo at sinuklay iyon palikod para mas malinaw na makita ang kanyang maamong mukha.
His hand lifted from his lap, and before he could even bring it to cover his mouth, I caught it right away.
"What's my name on your phone?"
Ngumuso siya at lalong yumuko para maitago ang mukha sa akin.
"Cosmos..."
Kumunot ang noo ko. "Cosmos? Bakit cosmos?"
"That's what you are to me," he answered, looking up at me.
I didn't get what he meant, but how he stared at me lovingly meant so much to me. I wanted to reciprocate the ferocity of his gaze longer, but someone shouted his name, and the next thing I knew, he was gone from my view.
"Ay, natulak."
"What the—"
Nalaglag ang panga ko at agad nilingon ang tumulak sa kanya sa pool. Tumatawa si Wilder habang nakatayo sa bandang likuran ko. Nagngitngit ang mga ngipin ko at bago pa mahila ang binti niya, binalot na ng malamig na tubig mula sa pool ang buong katawan ko.
Hindi ako agad makalangoy nang maayos dahil sa pagkabigla nang may humawak na sa baywang ko. My mouth encircled as I gasped for oxygen the moment Axe pulled me up. Napahilamos ang isang kamay ko sa mukha habang ang isa ay nakakapit sa baywang niya.
"Wooh!" I heard Wilder shout.
I was so ready to throw a curse at him when the water splashed near me. Tinulak ko si Axe na nakahawak sa akin at nilangoy ang distansiya palapit kay Wilder. Pagkaahon na pagkaahon niya pa lang ay hinila ko na ang kanyang buhok.
"Izzy," tawag ni Axe na hindi ko pinansin.
"A-aray! Aray!" Tumatawa pa si Wilder habang hinahawakan ang kamay ko para alisin sa kanyang buhok.
"Bwiset ka talagang bata ka!"
"Hoy! Child abuse ka! Bitawan mo 'ko!" He was still laughing.
Nilubog ko ang ulo niya sa pool bago patulak na binitiwan ang kanyang buhok. Umirap ako at hinihingal pa nang hilahin ni Axe ang baywang ko, tumatawa kaya matalim kong tiningnan.
"Anong tinatawa-tawa mo?"
Umiling siya at kinagat ang pang-ibabang labi pero nakangisi pa rin. Inirapan ko siya at lumangoy na patungo sa gilid ng pool nang lumabas mula sa bahay si Rain at Raghnall, kasunod ang apat na aso.
Tumalon ang tatlo mismo sa gilid ko. Si Cookie na pinakabata ay sa harapan ko pa mismo nagpahulog. Hinuli ko siya at niyakap, hindi na tuluyang umahon.
"Bawal mag-swimming nang hindi nagpapaalam," Rainier said in a nonchalant tone as he sat on the near lounger.
Lumapit sa gilid ng pool si Ral para umupo at maglaro ng tubig. Pumadyak ako patalikod habang nakahilig na ang ulo sa ibabaw ng tubig at hawak pa rin si Cookie nang may nabangga ako. Sinipa ko nang mahina si Wilder sa hita nang makitang siya lang iyon.
"Ako na tinamaan mo, ikaw pa nanipa?" reklamo niya.
I laughed and floated away from them. Nakita kong nasa gilid na ng pool si Axe, paahon na malapit sa kapatid ko pero tinulak siya sa balikat kaya bumagsak muli sa tubig.
Humagalpak sa tawa si Wilder habang tinuturo si Axe. Nang balingan ko siya ay kinain na ang sariling tawa at lumangoy palayo kasama ang mga aso.
"Ate, baka sipunin ka," ani Ral habang nakatingin sa akin bago tumayo. "I'll get your towel."
"And who says you can all swim here without me?" Harley's high-pitch voice boomed in.
Binitiwan ko na si Cookie para makalangoy kasama nina Eclair, Cannoli, at Ambrosia. Sina Cookie at Ambrosia ang Golden Retriever, at sina Eclair at Cannolie naman ang Siberian Husky nila. Harley pulled the hem of her peach top over her head and started unbuttoning her short's zipper. Naka-panty't bra na lang siya nang tumalon agad sa pool.
"Babies!" Tumawa siya habang lumalangoy patungo sa alagang aso.
Humalakhak ako at nilingon si Rain na napaahon sa pagkakaupo. He looked so done with his sister as he put his hands on his waist while watching her.
"Ulan! Tara na rito!" si Wilder habang sinasabayan sa paglangoy si Ambrosia. "Hindi naman malamig, e."
"Lakas ng loob niyong dalawa ni Axe na mag-swimming, wala naman kayong dalang damit." Sabay irap ni Rain at umupo na ulit.
"Tinulak lang ni Wild ang bebe ko!" sambit ko na hindi naman niya pinansin
I licked my lips and swam toward Axasiel who was busy playing with Cookie. Bahagya siyang nakatalikod kaya ang likod niyang bumabakat sa puting damit lang ang pinalulugaran ng tingin ko.
Sumisid ako bago tuluyang makalapit at sa tulong ng liwanag ng buwan, nakita ko naman kung saan ako aahon sa harapan niya nang hindi siya natatamaan.
Umahon ako at binuka ang dalawang kamay sa harapan ni Axe. "Boo!"
Cookie barked and immediately dived off away from us. Si Axe naman ay tinitigan pa ako hanggang sa sumimangot ako. Kinagat niya ang ibabang labi at tumingin sa kaliwa bago pumikit. Tinakpan niya ang bibig gamit ang likod ng kamay nang may kumawalang tawa sa kanyang labi.
Mas lalo akong sumimangot at hinampas siya sa braso. He moved away from me while chuckling which made my cheeks burn. Nang mapuna niya sigurong hindi ako gumagalaw sa puwesto ay muli siyang lumapit at hinuli ang kamay kong kumakampay sa ilalim ng tubig.
"Cute naman ng ilong. Lumalaki," aniya na bahagyang nakangisi.
Hinila niya ako palapit sa kanya pero bago pa kami tuluyang magdikit, nagulat na lang ako nang maramdamang may humihila ng garter ng suot kong sweatpants sa ilalim ng tubig.
"Shit! Harley!" gigil kong sigaw nang tuluyan niyang natanggal sa mga binti ko ang suot pang-ibaba kahit pa ginalaw-galaw ko iyon kanina.
Napahawak ako sa garter ng panty ko. Medyo nahila pa iyon pababa dahil sa ginawa niya.
"Got ya, babe!"
Harley was throwing her head back as she laughed. Lumangoy siya palayo habang nakataas ang braso kung saan hawak niya ang pants ko.
Uminit ang pisngi ko nang sumulyap kay Axe bago sinundan si Harley. Ang bruha, talagang umahon pa nang tuluyan.
"Oy, Mip-mip! Tinamaan mo si Eclair! Mag-sorry ka!" si Wilder nang nakasalubong ko sa paglangoy ang aso.
Inirapan ko nga siya.
"Eclair, hindi natin bati 'yang matanda na 'yan, ha? Tinamaan ka niya, e, tapos hindi pa nag-sorry. Bad 'yon..." sabi niya habang hinihimas ang ulo ni Eclair at matalim ang tingin sa akin.
Napailing na lang ako at kumapit sa railings para makaakyat sa hagdan. Nakapamaywang lang naman si Harley habang nakalahad ang isang kamay sa akin kung saan hawak niya ang sweatpants ko.
"Tumawag si Tito Vince kay Daddy," aniya nang hablutin ko ang hawak niya.
Sinampay ko muna iyon sa balikat at piniga ang buhok na nakatali. Nilingon ko si Axasiel na tuluyan nang umahon mula sa pool. Mula sa batok ng suot na puting shirt, hinila niya iyon para matanggal sa katawan niya.
"Anong sabi?" Lumingon na ako kay Harley. "Tinawagan ko siya kanina pero hindi naman sumasagot."
Her shoulders lifted. "Tawagan mo na lang daw sabi ni Daddy. It must be important..."
Tumulala ako sa pool. It's obvious that Harley's still clueless about what happened last time, and I won't be surprised if she didn't know that she's being followed by her secret bodyguards these past few days.
"Ate Izzy," Raghnall's voice called.
Napalingon ako at namataan siyang palapit sa amin. Umangat ang kilay ko nang mapansin ang pagpasada niya ng tingin kay Harley pero agad din namang bumaling sa akin para iabot ang isa sa mga dalang tuwalya.
"Thank you, Ral." Tumikhim ako at nilingon ang kaibigan. "Bigay mo kay Harley ang isa."
My brother held out the other towel to her, but instead of snatching it from him, Harley turned her back on Ral to stalk away from us.
"Mamaya na 'ko," simpleng sinabi niya habang naglalakad pababa sa hagdan ng pool.
Nilingon ko si Ral na tahimik at nakatitig sa hawak na tuwalya. The mold on his forehead and the way his lips pressed together, I could tell that he was rather irritated.
"Ral," tawag ko.
Lumambot ang ekspresyon niya nang mag-angat ng tingin sa akin. I smiled and went near him.
"Magtapis ka na po," marahang sambit niya.
Tinitigan ko lang siya kaya kinuha niya na mismo ang towel na hawak ko at siya na mismo ang nagpatong nito sa aking balikat. Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong doon ang dalawa pang towel.
"Pasok na muna ako sa loob, Ate."
My lips opened to speak but he quickly turned his heels to walk back inside the house. Tinanaw ko siya habang naririnig ko ang nagtatalong boses nina Harley at Wilder sa pool.
Mabagal akong naglakad patungo sa direksiyon nina Axe at Rain. Nakaupo lang sila roon sa lounger at mukhang may seryosong pinag-uusapan. Naharangan sila ng anino ko nang tumigil ako sa tapat nilang dalawa.
Pareho silang nag-angat ng tingin habang nagsasalita si Rain. He avoided my gaze right after he met my eyes. Si Axe naman ay nagsalubong ang kilay at ibinalik din ang tingin kay Rain.
Hinagis ko ang mga tuwalya sa kandungan niya kasama na ang sa akin. Hinawakan niya iyon at pinagmasdan. Ipinatong ko rin doon ang sweatpants bago ko hinubad ang ternong pang-itaas at hinagis sa mukha ni Axe.
"Aish..." Sabay pikit at takip ni Rain sa kanyang mata gamit ang kamay.
Laughing, I ran to the pool and dived into the water. Suminghap ako pagkaahon at humarap sa kung nasaan nakaupo sina Rain at Axe. Nakapatong sa ulo ng huli ang tuwalya habang nanonood sa akin.
"Wild! Let's have a race! Kapag nanalo ka sa amin ni Izzy, mag-o-order kami ng crochet top na binebenta ng kaibigan mo. Kapag natalo ka, mag-o-order ka sa akin ng cake and pastries!" hamon ni Harley habang nakasandal siya sa kabilang dulo ng pool.
"Sige ba!" sang-ayon agad ni Wilder.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Harley. "Ang unfair yata no'n sa akin. What would I get if we win? Ikaw lang meron?"
Harley chuckled. "E 'di mag-decide ka. Game naman 'tong si Wilder, e."
Habang nag-iisip ng puwedeng ipamusta, pinaalis ni Harley sa kapatid niya ang mga asong nasa pool. Kakamot-kamot pa ng ulo si Rain dahil tumakbo ang dalawa sa loob habang basang-basa sila. Ang natira naman ay pinunasan niya gamit ang dalang tuwalya kanina ni Ral.
"Hoy, Mip-mip! Bagal mo naman!"
"Hoy, excuse me, Wilder? Mas matanda 'yang kinakausap mo kaya mag-ate ka!" saway ni Harley sabay pingot sa tainga ni Wilder.
"Aray ko, Ate! Bakit pa ako mag-a-ate sa kanya, e, hindi naman din siya ina-ate ni Axe!"
"You dimwit! Malamang dahil mag-jowa na sila! E, ikaw? Bata ka pa lang, hoy! Mag-ate ka!"
"Ayoko nga! Hindi niya ako hinintay, e!"
I sighed and shook my head as I swam in their direction. Hinihila pa rin ni Harley ang tainga ng kawawang pinsan kaya naman pumagitna na ako sa kanilang dalawa. Wilder quickly pulled himself up from the pool and glared at his cousin whilst rubbing his ear.
"Isusumbong kita mamaya," bulong-bulong pa niya.
Kinurot siya bigla ni Harley sa binti kaya agad napangiwi.
"Game na!" sigaw ko sa kanila at pumunta na rin sa gilid para iangat ang sarili.
I was shaking my hands as Harley explained the rules. Ilang metro din ang layo namin sa isa't isa habang nakatayo at nakaharap sa pool. All we need to do is to swim from here to the other side and then return to where we start. Consider na panalo ang kung sinong mauunang makaahon at makatayo ulit dito sa puwesto namin ngayon.
Napalingon ako sa direksiyon ng sliding glass kung saan lumabas muli si Raghnall na may dalang mangkok. Napatingin siya sa amin pero agad ding dumiretso kung nasaan mag-isa na lang nakaupo si Axe at nanonood sa amin.
I craned my neck to the left, chuckling as I watched Wilder getting so ready. Parang gustong-gusto talaga manalo, ah? Ano 'yan? Para sa kaibigan?
"Game na! On the count of three! One!" pagbilang ni Harley. "Two! Three!"
Halos sabay-sabay kaming nag-dive sa tubig. Parehong nakaangat nang kaunti ang ulo namin ni Harley habang lumalangoy habang si Wilder naman ay nakalubog talaga ang buong katawan sa tubig.
I smirked underwater, kicking my legs and stroking my arms to move forward as fast as I could. Upon reaching the other end, I made a flip turn, thrusting my feet against the wall, letting myself glide, and resumed swimming back to our starting point.
Sumigaw at tumalon-talon si Harley nang siya ang naunang makaakyat. Hinihingal pa akong inilapat ang mga kamay sa semento para iangat ang sarili pero nanlalambot na ang aking mga braso.
Napahilamos ako sa mukha. Harley and Wilder were both laughing but they were cheering for me to pull myself up. Pareho na silang nakaangat at nasa may gilid ko banda.
I yelped in surprise when something wrapped around my legs and hoisted me from the water. Napahawak ako sa gilid at inangat na ang isang binti para makasampa sa tulong nang bumubuhat sa akin.
"Ang daya! Tinulungan!" si Wilder at sumimangot.
Umahon din sa tabi ko si Axe na siyang tumulong sa akin. He was wearing his shirt again. He combed his hair backward from his forehead using his fingers before he turned to me.
Bahagyang nakaawang ang kanyang labi at tumutulo pa ang ilang butil ng tubig mula sa noo pababa sa kanyang baba. Pumikit siya nang mariin at tiningala si Wilder.
"Talo na naman siya kaya ayos lang..."
Ngumuso ako. Pumalakpak si Harley at lumapit kay Wilder para itulak nang bahagya ang mga balikat.
"Okay, since si Eria lang naman ang natalo mo, siya lang ang bibili sa 'yo ng crochet top tapos ikaw, you still need to order cake or pastries from me. I need some money so you better do that, li'l couz."
"Bakit ba sa 'yo pa ako bibili? Doon na ako sa shop niyo—"
"Shh! Magkaiba ang sa shop namin at sa akin. Dapat sa akin ka um-order para lahat ng kita ay sa akin lang mismo!"
"May discount ba 'ko?"
"Sino ka naman diyan para bigyan ng discount?"
"Pinsan mo! Grabe ka!"
Umiling ako sa pagtatalo ng magpinsan. Tumayo sa gilid ko si Axasiel at naglahad ng kamay sa akin. Ipinatong ko naman ang kaliwang kamay roon bago niya hinawakan nang mahigpit at hinila para tulungan akong tumayo.
I crossed my arms over my chest when I felt his hand touching the small of my back.
"Magbihis ka na. Baka magkasakit ka pa sa lamig," bulong niya malapit sa tainga ko habang iginigiya ako palayo sa pool.
I bit my lip and nodded at him. Lumapit kami sa lounger kung nasaan ang kapatid kong kumakain pala ng cookies. Kinuha ni Axe ang nag-iisa na lang na tuwalya at ipinatong sa balikat ko. Hinawakan ko ang magkabilang dulo nito para maiyakap pa sa sarili.
"Tumawag si Papa," sabi ni Ral at inilahad sa akin ang phone ko.
"Kinuha mo 'to sa kuwarto ko?"
"Nakita ko lang 'yan sa kusina. Nakapatong sa counter."
"Anong sabi ni Papa?"
Tinitigan niya ako. "Huwag daw tayong aalis dito hangga't hindi pa pinauuwi."
Tumango ako sa kanya kahit na nagtataka. Napayuko ako kay Axe nang inilapag niya sa tabi ng kaliwang paa ko ang aking tsinelas.
"Thank you," I murmured.
Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nang maabutan namin si Rain na may dalang bagong tuwalya. Tumigil kami sa paglakad nang iabot niya ang isa kay Axe.
"Kumuha ka na lang ng damit sa kuwarto ko," he said before he walked past us.
Hinatid muna ako ni Axe sa kuwarto kung saan ako matutulog. Pakaladkad akong naglakad tungo sa banyo nang tumunog ang hawak kong telepono. Umawang ang labi ko at tila naubusan na ng dugo sa panlalamig nang makilala ang numero.
Swallowing, I accepted the call with trembling hands. I put it on speaker, and the first thing I heard was the unfamiliar deep male voice.
"Let's meet at dawn later. I'll text you the time and address. Mag-isa kang pupunta dahil kung hindi..." he paused and made a low evil chuckle. "Baka hindi mo na maabutan nang buhay ang mga magulang mo rito sa bahay niyo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top