Chapter 26

Chapter 26

I tried dialing Harley's number to confirm if the sender was just playing with me. Tumindi lang ang kaba at takot ko nang hindi niya iyon sinagot. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak habang nagmamadaling nagsuot ng shorts at kinuha ang I.D.

Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa silid ng mga magulang. I searched for my father's car keys and found them lying on the nightstand. I almost slid down our stairs for being in a hurry.

"Papa!"

Nasa sala silang tatlo at nakaupo sa sahig, naglalaro ng Jenga na nasa ibabaw ng center table. Sa gulat ni Papa habang seryoso siyang nakaharap sa mga block ay natabig niya iyon kaya gumuho.

"Talo ka na, Pa."

"Ah, shit! Ano ka ba naman, Izzy!"

I neglected his whine. "I'll borrow your car, Pa. May pupuntahan lang po ako."

Dumire-diretso na ako sa pintuan nang marinig ang boses niya.

"And who says I'll let you drive? Hindi ka marunong, Izzy! Tumigil ka!"

"Eleftheria Isra!" Mama bellowed when I shunned my father. "Where are you going?"

My thumb brushed my cheeks. Tumungo ako sa gate namin para mabuksan nang malawak iyon at mailabas ang sasakyan. Hindi ko pa nabubuksan nang tuluyan iyon nang may humatak na sa aking braso.

"Izzy, what's happening? Saan ka pupunta?" tanong ni Papa sa kalmadong boses.

It was the opposite of his dark demeanor. Sinubukan kong bawiin ang kamay kay Papa pero hindi niya iyon binitiwan. I didn't even hide my crying face. Umawang ang labi niya at lumambot ang ekspresyon ng mukha.

"P-Papa, kailangan ako ni Harley! Kaya please, payagan niyo na po akong umalis..."

He craned his neck, and folds emerged on his forehead.

"Anong nangyari sa kanya?"

"She was being kidnapped, Papa! And it was b-because of me! I need to find her..." sagot ko sa nanginginig na boses.

"What?"

Hindi mapakali ang mga mata ko habang humihikbi. "Someone sent me a picture and video of h-her. I-I tried calling her but she wasn't answering. She was... she was tied up—"

He spat a silent profanity. Hinila niya ang braso ko pero idiin ko ang mga paa sa semento para hindi niya ako mahatak.

"Get inside, Izzy. You're not going anywhere!" dumagundong ang kanyang galit na boses.

I stirred because of that. "Si Harley—"

"Kung na-kidnap nga si Harley, sa tingin mo ay hahayaan kitang makialam doon at mapahamak din?" he bellowed. "Come back inside our house, Isra. Try to call her again and if she still doesn't pick up, I'll call her father."

Halos kaladkarin pa ako ni Papa habang pabalik sa bahay. I was still shaking when I redialed Harley's number. Nakaabang na si Mama sa may pintuan at bakas na ang pag-aalala sa mukha.

"She was still not answering!"

"Anong nangyayari?" si Mama at hinawakan ako sa braso.

Pinakawalan ni Papa ang braso ko kaya napalapit ako kay Mama. He snatched my phone and his keys from my trembling hand.

"Izzy, come here..." Mama pulled me into her chest. "What happened? Hmm?"

I buried my face on her shoulder without saying anything. Hinaplos niya lang ang aking ulo habang pinapatahan. Narinig kong p-in-lay ni Papa ang video na tinutukoy ko.

"Love, what's that?" she asked.

"Sandali lang."

Dinala ako ni Mama sa sala habang nakakapit ako patagilid sa kanyang baywang. I swept my tears away when I noticed Raghnall's quizzical eyes. Umiwas ako ng tingin sa kanya nang paupuin ako ni Mama sa aming sofa.

"Ral, ikuha mo ng tubig ang ate mo," mahinahong utos ni Mama.

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri na nakapatong sa ibabaw ng hita. Pumasok na muli si Papa kasunod si Ral na may dalang baso ng tubig galing sa kusina.

"Ate..." Nilahad niya ang baso sa akin.

Tinanggap ko iyon at uminom. Hinagod ni Mama ang aking likod at inipit ang ilang takas na buhok sa likod ng tainga bago nilingon si Papa.

"Third, ano ba ang nangyayari?"

Bumuga ng hangin si Papa. He sat on the single couch and settled his dark eyes on me.

"Since when did you start receiving messages from this number?"

"What messages?" sabay pang tanong nina Mama at Ral.

"Izzy, sagutin mo ang tanong ko," mariing utos ni Papa.

I swallowed hard. "It was months ago when—"

"Months ago and you didn't even tell us?!"

Napapitlag ako. "I-isang beses lang naman po iyon at akala ko ay nanti-trip lang kaya binalewala ko. Last week, nag-text ulit—"

"At hindi mo na naman sinabi," he concluded.

"Ano po bang sabi, Pa?" usisa ni Ral.

Yumuko ako muli at tinitigan na lang ang baso. Hinawakan ni Mama ang pulso ko at bahagyang pinisil.

"Umakyat ka muna sa kuwarto mo, Ral. Kami muna ang mag-uusap dito."

"Pero, Papa—"

"Raghnall, just go upstairs," segunda ni Mama.

The absence of noise prolonged for a few minutes that I could hear the loud pounding of my heart. Sumilip ako kay Papa na nasa bandang kanan ko habang nakayuko at nadatnan siyang matalim ang tingin sa akin.

He was still holding my phone. Umiling siya at pumindot-pindot doon hanggang sa narinig ko ang pamilyar na boses ni Tito Trivo. May back straightened.

"Izzy? Bakit ka napatawag?"

"Si Vince 'to, pare. Nandiyan ba si Harley sa inyo?"

Naka-loudspeaker iyon kaya hindi niya na idinikit sa tainga ang aking phone. He was still glaring at me while I was so attentive to hear Tito Trivo's reply.

"Wala. Nasa school pa siguro. Bakit?"

Papa told him about what he saw in my phone. Naramdaman ko namang humigpit ang hawak ni Mama sa aking pulso.

"The fuck are you saying?" Tito Trivo responded in agitated tone. "I'll drop the call. Tatawagan ko muna siya o 'di kaya ang mga kaklase niya."

Pagkatapos ng tawag ay inilapag niya na ang aking phone sa mesa at inabot ang kanya na nakapatong doon.

"Someone kidnapped Harley?"

"Hindi pa sigurado. I'll contact Miko and ask him to trace the number," ani Papa kay Mama at inilagay ang telepono sa tapat ng tainga.

Kinuha ni Mama ang phone ko sa mesa at binuksan iyon. Dahil may password ay pinabuksan niya muna iyon sa akin. Her mouth gradually opened as she scrolled down on my phone.

Pareho pa kaming nagulat nang tumunog iyon. It was Tito Trivo. Mama answered the call and put it on loudspeaker.

"Tito Trivo! S-si Harley po?"

"Izzy? I just called Harley's friends 'cause she wasn't answering her phone. She's still in the university. Nakausap ko naman. Hindi niya raw nasagot ang mga tawag dahil nag-uurong pa sila at nasa bag lang ang telepono."

Parang gusto ko ulit maiyak kahit pa nabunutan na ng tinik sa dibdib. Ilang beses pa akong nagpasalamat kay Tito Trivo bago ibinaba ang tawag.

"If Harley's unharmed at the university right now, then how come she's in this video?" takang tanong ni Mama.

"It must be edited," ani Papa. "Nakausap ko na si Miko. Izzy, i-forward mo kay Tito Miko mo ang lahat ng natanggap mong text, pictures, at videos galing sa numerong iyan."

"But, Third, his son is also involved in this matter. He was even threatening our daughter to break up with Miko's son or else... what? He'll harm someone close to Izzy?"

Tumutok ang mga mata sa akin ni Papa. "Do you have any idea who might be this person, Izzy?"

Kinagat ko ang aking labi. "H-hindi po."

"Perhaps a stalker?" Mama propounded. "Kung stalker nga, dapat nang malaman kung sino ang nasa likod nito. Hindi ako papayag na may mangyaring hindi maganda sa mga anak natin, Third. Do something about it."

Humilig si Papa sa upuan at pinisil ang mga mata patungo sa pagitan nito.

"Ginagawan ko na nga ng paraan para malaman kung sinong may-ari ng numero na 'yon, Isha. Let's just wait for Miko's update. Izzy, ano na? Na-forward mo na ba sa kanya?"

"I'm doing it now," tahimik kong sinabi.

Nagpaalam ako na sa kuwarto na lang muna. Niyakap ko si Dolphy, ang dolphin stuffed toy na isa sa mga ibinigay sa akin ni Ral noon.

Tinawagan ko si Harley habang nakahiga ako sa kama. Finally, on the second ring, I heard her voice.

"Babe," she greeted in a worried tone. "Sorry. Kanina ko lang nakita ang mga missed call mo. Is there a problem? Kanina lang kasi natapos ang function at naghugas pa kami ng mga ginamit namin sa kusina. You okay?"

Harley is already a part of our family. And the family would always come first to me. I will always care about their safety, security, health, and everything. Getting them into trouble is a slice of my heart. Seeing them crying, hurting, because of me would be my death.

"Babe? Eria?"

"Anong oras ka uuwi?"

She chuckled. "I'm inside my car now. Pauwi na ako. Why? Do you want me to come over there?"

"Hindi na. Umuwi ka na agad sa inyo, ha? Drive safely, please."

"Eleftheria Isra, may problema ba?"

Umiling ako kahit hindi niya nakikita. "Basta mag-ingat ka. Kaskasera ka pa naman minsan. Text me when you get home."

"Okay, Mommy," she teased after bidding her goodbye.

Sa aming dalawa ni Raghnall, alam kong ako lang ang makagagawa ng bagay na ikapapahamak niya... ng pamilya namin. Alam kong may mga kalokohan akong nagawa noon na hindi nila alam at ngayong nangyayari ito, ako lang ang dapat sisihin doon.

I'm willing to unveil my evil identity if I want to... just for the sake of protecting them. Subukan lang nilang galawin ang kahit sino sa pamilya ko, wala na akong pakialam kung makasakit ako.

"Ate, kakain na raw," anunsiyo ni Raghnall pagkatapos kong marinig ang katok niya sa pintuan ng aking silid.

"Mamaya na ako, Ral," sabi ko sa malakas na boses.

I squeezed my eyes shut and rolled onto my left. Ilang minuto lang yatang nawala si Ral nang makarinig na naman ako ng katok.

"Mamaya na nga, Ral! I'm not hungry yet!"

"Ate, pagagalitan ako ni Mama kapag hindi ka pa bumaba." Kumatok ulit siya. "Saka nandito si Axe."

With that being heard, my ass left my comfortable mattress. Kinuha ko ang kulay lilang scrunchie sa ibabaw ng side table at naglakad patungo sa pintuan habang kinokolekta ang buhok gamit ang dalawang kamay.

"Axe is here?"

Pinagmasdan ako ni Ral nang buksan ko ang pinto. His chin lifted to fill in my quest.

"Kanina pa siya dumating at alam kong ikaw ang pinuntahan niya rito kahit hindi niya sinasabi."

"Ba't hindi mo ako tinawag agad? He didn't even inform me."

Sinara ko na ang pinto at nilagpasan siya. His light steps followed behind me.

"I don't know. Basta hindi ka ipinatawag, e."

Pagdating sa sala ay naabutan ko nga si Axasiel sa aming sofa. Nakaputing shirt at tokong shorts lang siya. Nakabaliktad naman ang suot niyang sumbrerong itim. Just the sight of him from virtual and personal, I could already smell his baby scent.

Raghnall and Axasiel, these two giant baby.

"Axe," agaw pansin ko sa atensiyon niya.

His innocent brown orbs flickered to meet mine.

I set aside all my negative thoughts from earlier and bestowed him a sweet smile. Inalis niya ang sumbrero at inilapag iyon sa lamesita bago tumayo.

"Dumiretso na rin kayo sa kusina. Kakain na," Ral said before he ambled toward our dining area.

Tuluyang lumapit sa akin si Axe. He glanced sideward, and when my brother disappeared from our sight, he seized my arm and pulled me into his arms for a warm embrace.

"I miss you," he whispered as I felt him kiss the top of my head.

Natunaw na naman ako sa simpleng yakap at salita niya. Ngumisi ako at pinulupot din ang braso sa kanyang baywang. Tumingala ako at bahagyang tumingkayad para gawaran siya ng halik sa pisngi.

"Bakit bigla kang pumunta rito? Hindi ba dapat ay nag-aaral ka?"

"I can study later. My girlfriend misses me so..." Humaba ang nguso niya, tila pinipigilan ang munting ngiti.

My cheeks heated. I rose my brow to make it seem like I was rather mad than glad that he was here. Kahit ang totoo, parang gusto ko na lang magkulong sa kuwarto kasama siya at sabay kaming mag-aral.

"Dito na rin po muna ako matutulog," sabi niya na nagpamilog sa mga mata ko.

Tinulak ko siya palayo kaya nagsalubong ang kilay niya.

"I beg your pardon, Axasiel Rafiki Ferguson. Anong dito ka muna matutulog?"

He looked like a lost Siberian Husky. Giant... but a baby.

"I'm... I'm talking about our house," parang hindi pa niya siguradong sagot at tumuro sa direksiyon ng aming pintuan. "Nagpaalam ako kay Mama na diyan muna ako matutulog."

"Oh."

Matagal niya akong tinitigan kaya ako na ang kusang umiwas ng tingin. He chuckled lowly.

"I don't do sleepovers, Izzy. I never did even here in your house. You should know that. Lalo pa't nandito ka..." mahina niyang pahayag.

Inirapan ko siya. "So, what are you saying? Ayaw mo akong makasama sa iisang bahay?"

Humalakhak siya at nilapitan akong muli, sinusubukang hulihin ang aking mga mata. Panay ang iwas ko ng tingin pero mas lalo lang siyang yumuyuko habang hawak ako sa braso.

"Bawal pa po at... ayaw ko rin hangga't wala pa akong napapatunayan. Hangga't wala pa Niyang basbas at ng mga magulang natin."

My heart raced like it was in a track competition when our eyes finally fixed on each other. Nangislap ang kanyang nakangiting mga mata habang nakatitig sa akin.

Axasiel is so pure and genuine that sometimes, I doubt myself if he really deserves someone like me. Self-deprecating is inevitable to me, and I couldn't help but think about certain what-ifs and follow-up questions.

What if he finds out about what I did years ago? Would he still like me as much as he does now? Would he still accept me as who I am now? Would he still stay with me... until we finally get the blessings that he just mentioned?

"Izzy! Pumunta na kayo rito at kakain na!" sigaw ni Papa mula sa hapag na nagpabalik sa aking ulirat sa kasalukuyan.

Tumindig ng tayo si Axe at tumingin sa kaliwa. Napahawak siya sa kanyang batok bago sumulyap sa akin. His ears were turning red.

I stuck out my bottom lip and reached for his hand. Bumaba ang tingin niya roon at umusli ang sulok ng labi.

"May dala akong ice cream. Para sa 'yo at sa pamilya mo," aniya at pinisil ang aking kamay.

I grinned and went beside him. "Salamat po sa pa-ice cream, yorme." Humalakhak ako.

No one dared between my parents and I to open up the topic regarding the 'stalker' over our dinner. Hindi rin naman nagpaparinig si Papa tungkol kay Axe dahil mukhang tiwala na rin siya sa aming dalawa na wala kaming gagawing kalokohan. Kinumusta lang din nila ang tungkol sa exams namin kanina.

"Do you have a class on Sunday, Izzy?" tanong ni Mama habang nakatingin sa akin.

"Opo. Exam lang naman sa NSTP. Bakit, Ma?"

Tipid siyang tumango. "May event sa Intramuros sa darating na Linggo. Gusto mong pumunta?"

"Sure po!" Ngumisi ako. "Basta may sahod ako?"

"Will depend on your service," she said and smirked.

Kinain namin ang dalang ice cream ni Axe matapos kumain. Kumuha pa muna ako ng Pocky sa kuwarto para i-dip iyon sa ice cream bago kainin. Silang apat ay nakatingin lang sa akin habang ngumunguya ako.

Naglagay ako ng tig-iisang stick ng biscuit sa kanilang ice cream bowl.

"Try niyo, dali! Masarap!"

Bumaling ako kay Axe na nasa tabi ko at nakatitig sa ice cream niya. Tahimik niyang ginaya ang ginawa ko kanina at lumingon sa akin.

I was smiling broadly. "Ano? Sarap, 'no?"

"There's nothing new or special, though," bulong-bulong ng kapatid ko.

Sumimangot ako.

"It's new to my taste," sabat ni Axasiel, nananatiling nakatitig sa akin. "And I think you can be more innovative to create a dessert using this ice cream and biscuit as the main ingredients."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Inubos niya ang binigay ko sa kanya habang nakatulala lang ako sa kanya.

My head turned to Mama when I thought of something, with the courtesy of Axe's idea. Ngumisi ako sa kanya nang nagtaas siya ng kilay. Innovative dessert! That's a good idea for our restaurant!

Umuwi rin si Axe mayamaya doon sa bahay na katapat ng sa amin. Naligo na rin ako pagkabalik ng kuwarto at nang humiga sa kama ay naramdaman ko muli ang pagod kong utak.

My phone rang because of Axe's call. Sinagot ko iyon at ni-loudspeaker.

"Let's study," he initiated.

Lumabi ako. "Wala ako sa mood, Axe. Bukas na lang siguro. Gigising ako nang maaga."

Narinig ko nag mahaba niyang paghinga. "Anong oras ang first subject mo?"

"10 o'clock pa naman."

He heaved another sigh. "Our exam will start at 9 in the morning. Do you want to study with me tomorrow at the library?"

"Sige!" I replied in glee. "Punta tayo roon ng alas sais?"

"Sigurado ka?" Saglit siyang napahalakhak.

"Oo nga. Nandiyan ka lang naman sa tapat namin, e 'di sabay na tayong pumunta sa UdLAT."

Kinabukasan, nauna pa nga akong nagising kay Mama. She was surprised to see me in our kitchen, preparing our breakfast. Nakaligo na nga ako, e.

"Good morning, Ma. Sabay kaming pupunta ng UdLAT ni Axe ngayon," bati ko at ngumiti.

Nagsalubong ang kanyang kilay habang kumukuha ng tasa.

"Hindi ba't mamaya pa ang exam niyo? It's just 5 am, Izzy."

"Ah, hindi po kasi ako nakapag-review kagabi kaya naisipan naming maaga na lang kaming papasok para mag-review."

Pinatay ko ang kalan kung saan ako nagluluto ng sinangag. Iniisip ko kung iimbitahan ko na rito si Axe o magdadala na lang ako ng pagkain niya. Paggising ko kasi ay nag-text ako sa kanya pero natapos na akong maligo ay wala pa rin siyang reply.

"Hindi ka nag-review kagabi," Mama repeated. "E, anong ginawa mo kagabi? Maaga kang natulog?"

I smiled cheekily. Inabot din yata ako ng alas dose sa paglalaro pagkatapos ng tawag namin ni Axe. Siyempre, hindi ko iyon sasabihin sa kanya.

"Naglaro ka na naman?" naniningkit ang matang hula ni Mama.

Hindi ko na siya nasagot dahil pumasok na rin ng kusina si Papa. Naka-shorts lang at magulo pa ang buhok. Mapupungay pa ang kanyang mata nang lumapit kay Mama para humalik sa noo nito.

"Good morning, wife. Anong ulam?"

Umismid ako. Napabaling sa akin si Papa at napatalon pa sa gulat.

"Ba't ang aga mong nagising?"

"'Yang anak mo, naglaro na naman magdamag at hindi nag-review kaya ayan. Sa school na raw siya mag-aaral," ani Mama sa kanya.

"Ah. Timpla mo 'kong kape, 'nak."

Pinaghanda ko na sila ng breakfast bago umakyat sa kuwarto. May reply na si Axe sa text ko kaya inanyayahan ko na lang din na pumunta rito. Mukhang mamaya pa talaga balak gumising ni Raghnall kaya hindi ko na inistorbo.

Baby Axe:

Puwede pong maligo muna? Mabilis lang po. I love you.

I chuckled at his message before replying yes. S-in-een ko na rin ang mga group chat at PM ng mga kaibigan at kaklase ko bago lumabas ng kuwarto para bumaba sa sala.

"He hired some secret bodyguards for his daughter. Na-trauma na malamang sa nangyari noon sa asawa't anak niya," rinig kong sabi ni Papa mula sa hapag.

Nahinto ako sa paglalakad. Sinong pinag-uusapan nila?

"Do you think we should also hire at least two for Raghnall and Isra? Hangga't wala pang balita tungkol sa nagti-text sa anak natin. Baka mamaya ay—"

Nagpakita na ako sa kanila kaya natigil si Mama sa sinasabi niya. Sabay silang napalingon sa akin pero agad ding inilagan ang tingin ko.

"Dito ba kakain si Axe, Izzy?" tanong ni Mama.

Lumapit ako sa puwesto nila at naupo sa harap ni Mama. "Hintayin ko na lang po siya. Maliligo lang daw saglit para diretso pasok na kami pagtapos kumain."

"Ihahatid ko na kayo," ani Papa.

"Huwag na, Pa. Mag-commute na lang po kami."

Gusto kong itanong ang tungkol sa pinag-uusapan nila pero pinili nilang manahimik. That means they don't need my opinion about it.

Secret bodyguards, huh? Mukhang si Harley ang pinag-uusapan nila kung pagbabasehan ko ang sinasabi ni Mama kanina noong nabanggit niya kami ni Ral.

"Izzy," untag ni Papa kaya napalingon ako sa kanya.

"Po?"

Ibinaba niya ang kubyertos na hawak at sumandal sa upuan.

"Dalawa naman ang sasakyan natin at ang SUV ang madalas kong gamitin. Libre naman ang isa kaya naisip ko... simula bukas ay ikukuha ko na lang kayo ni Raghnall ng driver. What do you think?"

My mouth parted as I was ready to vocalize my opinion, but he waved his hand dismissively.

"Nevermind. I'll still get you a driver."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top