Chapter 23

Chapter 23

"Bakit ang daming absent?" tanong ng propesor namin sa Kitchen Essentials.

Nagtinginan ang mga kaklase ko sa paligid. Kami ni Seth na nasa likod ay tahimik lang din habang nagmamasid sa loob ng classroom. Wala sina Steffy, Aaron, at Mason kaya mas lalong tahimik ang klase.

Gusto ko tuloy sumagot ng, "Kasi po maraming absent." Kaso baka magulat na lang ako at may lumilipad nang kutsilyo sa direksiyon ko.

Walang sumagot sa tanong ng prof. Napailing siya at hinila ang upuan niya sa likod ng mesa na nasa harapan.

"Get one whole sheet of yellow paper for attendance. Lagyan ng pirma sa tabi ng pangalan. Lahat ng nandito ngayon ay may additional points sa midterm exam."

May mga mahihinang pagdiriwang ng mga kaklase ang umabot sa pandinig ko. Kinalabit ko nang mabilis si Seth na iritadong tumingin sa akin.

"Ano ba? Fingerist ka na rin?"

"Absent ba talaga 'yong tatlo? Chat mo nga. Sayang 'yong points," bulong ko.

"Sulat na lang natin 'yong pangalan nila."

Hinampas ko 'yong kamay niya. "Sira ka ba? Alam mong naghe-head count 'yan si Ma'am kapag napansin niyang marami ang nakalista sa attendance sheet tapos kaunti lang tayong nandito."

Wala namang kaso sa akin ang ganoon dahil ilang beses na rin naman naming nagawa iyon noong high school pa lang. Pero ginagawa lang namin iyon kapag bilang lang talaga sa daliri ang absent at wala namang pinagagawa o tinamad pumasok ang teacher.

Napailing ako at mas lalong sumakit ang ulo. Nag-usap-usap ba ang mga kaklase naming pumunta kagabi sa CT na huwag pumasok ngayon? Alam ko namang may iba talagang pala-absent sa amin, pero grabe naman 'yong halos nasa kalahati na lang kami ngayon dito.

"Ma'am, may papasok pa raw po. Na-late lang po dahil sa heavy traffic" sabi ng class President namin.

"Bibigyan ko sila ng kalahating oras para pumasok. After thirty minutes, give me the list of attendees today and you are all dismissed."

Dahil nasa dulo ay kami ang huling dinaanan ng mahiwagang papel. Nilabas ko na rin ang sariling phone para ma-contact ang mga kaibigan sa gc namin.

"Papasok naman pala si Aaron. Nasa PNR na raw."

"Hindi nagre-reply 'yong dalawa," sabi ko at nilingon siya. "Nakauwi kaya ang dalawang 'yon nang buhay?"

Tumawa siya. "Siguro. Sigurado namang hinatid ni Mason si Steffy. Lasing na lasing ang gaga."

Tumaas ang kilay ko. "How about Mason? Baka naman lasing din 'yon, ah? Active 10 hours ago sila sa Messenger, e."

Tinubuan na naman ako ng panibagong kaba sa dibdib. Mabuti na lang at pareho akong may contact number ng dalawa kaya lumabas muna ako ng room. Naroon pa kasi sa loob si Ma'am at kahit naman marami na sa mga kaklase ko ang abala sa phone at maiingay, mas ayos nang walang makarinig sa akin.

Una kong sinubukang tawagan si Steffy pero out of coverage area. Nang si Mason naman ang tinawagan ko ay matagal bago niya pa sagutin iyon.

"Hello?"

"Hmm... sino 'to?" garalgal na boses ng babae ang nagsalita sa kabilang linya.

Natigilan ako at napatingin sa screen bago ibinalik iyon sa tapat ng tainga ko.

"Hello?" mas maliwanag na sambit ng babae.

Namilog ang mga mata ko at napatakip pa sa bibig gamit ang kamay.

"Steffy?"

"Ano? Wait... oh, shit..."

Bigla na lang namatay ang tawag. I tried redialing Mason's number but it was declined.

Napasandal ako sa pader malapit sa pintuan habang nakatulala. Kilala ko naman ang boses ni Steffy kaya sigurado akong siya ang sumagot ng tawag. Does that mean they're together? Nasaan sila? Nakauwi kaya sila? Bakit na kay Steffy ang phone ni Mason?

Napahilamos ako sa mukha bago pumasok ulit ng room. Nakasubsob na ang mukha ni Seth sa kanyang arm rest at nakapikit kaya hindi ko na inistorbo. Ibinigay ko sa kaklaseng nasa harap ang attendance paper nang may pumasok sa room.

Tiningnan ko ang schedule na inayos ni Axasiel sa aking phone. Wala namang naka-sched na quiz o ano pa mang importanteng gagawin ngayong araw maliban sa assignment namin sa P.E. na nagawa ko na noong Monday. Ipapa-print na lang.

Nakaabot ang ilang kaklase namin para sa attendance bago nag-dismiss si Ma'am. Nga lang, si Aaron lang din ang nakahabol sa amin.

"Gago," nakatulalang mura niya. "'Yong phone ko, 'te. Nawawala."

"Ha?" Nakisilip ako sa bag niya. "'Di ba gamit mo lang 'yon kanina?"

"Oo nga pero hindi ko na nagamit pagkatapos no'n."

Kumunot ang noo ko at hinila ang bag niya mula sa upuan para halukayin. Pinanood niya akong halos itapon ang laman ng bag niya.

"Ano ba naman 'tong bag mo, bakla ka. Basurahan?!" tukoy ko sa puro plastic ng kung ano-anong pagkain na nasa bag niya.

Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba muna ako o maaawa dahil wala 'yong phone niya sa bag.

"Gagang 'to. Talagang 'yan pa ang pinansin." Umirap siya at inagaw na sa akin ang bag niya.

"Check mo ulit ang bulsa mo."

Tumayo siya at ipinatong sa upuan ang vest niya. Nilabas niya pa ang laman ng bulsa niyang puro balat ng candy pero wala ang phone.

"Try mong tawagan," ani Seth. "Wala akong load, ah. Huwag ako."

Umikot ang bilog ng mga mata ko bago nilabas ang phone para tawagan ang numero ni Aaron.

"May laman ba 'yon na importante? Puro CODM at ML ka lang naman yata roon, e," si Seth at nag-unat habang humihikab.

"Importante ang nasa contacts ko roon, bakla. Shuta, may limang daan pa naman 'yon sa likod ng case!" lugmok na sagot ni Aaron.

"Bakit naman kasi doon mo pa nilagay 'yong ganoong kalaking pera? Dalawa pa tuloy ang nawala sa 'yo. 'Yan kasi. Burara."

"Shhh," saway ko sa dalawa habang hinihintay na may sumagot sa tawag.

"Dapat kasi isang pakete na lang ng condom nilagay mo." Humalakhak si Seth. "Baka dumami pa ang pera mo."

"Tanga, sa wallet 'yong sinasabi nila na dadami ang pera kapag naglagay ng condom, hindi sa case ng phone."

"Ayaw sagutin," sabi ko nang pinatay ang tawag. "May nakakuha no'n. Pinatay ang tawag, e. Magkaiba ang tunog kapag out of coverage area sa pinatay ang tawag."

"Pahiram nga. Text ko." Nakabusangot na nilahad ni A ang kanyang kamay sa akin.

Habang abala siya roon ay tinanong ko naman si Seth kung tapos na ba siya sa assignment namin sa P.E.

"Hindi pa. Mamaya gawin ko. Madali lang naman 'yon. Copy paste." Kibit-balikat niya. "Bakit ikaw?"

"Tapos na ako!" proud kong sinabi. "Ipapasabay ko na lang ipasa mamaya. Papasok ka ba mamaya?"

Tumagilid ang ulo niya, tila nag-iisip pa. "Hindi ka papasok? Hindi na lang din ako papasok. Ipapasabay ko na lang din sa kaklase natin."

"Gawin mo na ngayon para maaga tayo makauwi."

Tinulak ako ni Aaron sa balikat mula sa likod ko kaya napaharap ako sa kanya nang nakakunot ang noo.

"Uuwi kayo agad? Kararating ko lang! Lakas niyo makademonyo."

Humagalpak ako sa tawa. E, ang tagal pa ng susunod naming klase, anong gagawin namin dito? Matutulog na lang ako sa bahay.

"Papasukin niyo dapat sina Steffy at Mason para may representative sa atin kapag hinanap tayo," tawa ni Seth. "Dapat kasi nilista na natin ang pangalan nila, e. Tapos kapag hinanap, sabihin natin nasa CR."

"Mukha bang may makakalusot diyan kay Mrs. Uy pagdating sa attendance?" tanong ni Aaron. "Hayaan niyo na 'yon. Marami naman silang kadamay."

Nagkibit ako ng balikat. "O, ano na? Kinontak mo na ba ulit?"

"T-in-ext ko."

"Oh? Ansabe?" Humilig ako sa upuan niya para silipin ang phone nang ibigay niya sa akin iyon.

"Tingnan mo naman ang gago lang. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o ano."

Si Seth naman ngayon ang humilig sa upuan ko habang binabasa namin ang text message ni Aaron sa number niya. Halos makita ko ang ngala-ngala ni Seth nang tumawa kami sa nabasa.

"'Di ba? Sabihin niyo nga, magpapasalamat na ba ako?!" Aaron exclaimed in hysteria and distress.

Hinampas ko siya sa braso habang tumatawa. Panay naman ang irap niya sa akin.

"Sinunod lang naman niya ang gusto mo. Sabi mo, need mo lang kahit 'yong contact numbers sa sim! O, ayan, s-in-end naman sa 'yo lahat yata ng nasa phone book mo!"

Tawa kami nang tawa ni Seth nang kunin niya sa akin ang phone at nag-text din doon.

"Oh? Anong iti-text mo?"

"Pa-send din natin 'yong limang daan mo para hindi ka na malungkot diyan," ngumingising sagot ni Seth kay Aaron.

Mas lalo akong bumulanghit ng tawa nang i-send nga ng nakakuha sa phone ni A ang picture ng five hundred peso bill niya.

"Punyeta!" gigil niyang sigaw at hinila ang buhok ko. "Kapag kayo nawalan ng phone, ah. Tatawanan ko rin kayo!"

Hindi ko sinabi sa magulang ko o kahit kay Raghnall na balak kong umuwi. Dumaan ako sa room ng section ni Harley at nakitang nagkaklase pa sila. Hindi ko nga lang siya nakita nang pasimple akong sumilip sa glass window.

Parehong pumunta si Aaron at Seth sa library para gawin ang assignment namin. Ipinasa ko na rin muna sa huli ang file ng gawa ko bago ako lumabas ng building namin at dumiretso sa Dagohoy.

Medyo basa ang batong upuan at mesa ng tagpuan namin ni Axasiel. Naupo lang ako roon sa gilid ng upuan kung saan medyo tuyo habang naghihintay sa kanya. It should be their break time.

My right leg was swinging post-haste over my left leg as I looked around with anxiousness. Sanay naman akong wala masyadong tao rito pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin mula sa malayo.

The movement of my leg was put on hold upon thinking of the text I had received earlier. I already deleted it. Baka nangpa-prank lang. Walang magawa.

"Izzy."

"Ah!" I shrieked.

Napatayo ako at agad nasapo ang dibdib nang may humawak sa kaliwang balikat ko. Mariin akong napapikit at napabuga ng hangin nang makitang si Axasiel lang pala iyon!

"My gosh, Axe! You don't have to scare me like that!" singhal ko.

Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako. Paulit-ulit akong bumuntong hininga habang sapo pa rin ang dibdib. For a moment, I thought my soul had left my body.

"Bwiset!" Nagulo ko ang sariling buhok.

It was meant for me for being a chicken. The metallic tang of thick liquid from my lips spread on my taste buds after biting it so hard.

"I'm s-sorry. I didn't mean to scare you..."

My eyes were sharper than knives until they perched in his direction. His transparent eyes shadowed fright and remorse as they settled on mine.

Unti-unting pinakawalan ng ngipin ko ang mariing pagkagat sa labi at huminga nang malalim. Naglakad ako palapit sa kanya at ibinaon ang mukha sa kanyang dibdib habang mahigpit ang pagkakayakap ng mga braso sa kanyang baywang.

I inhaled his calming scent. "Sorry. Nagulat lang talaga ako dahil akala ko kung sino. I didn't mean to shout at you, baby. I'm sorry..."

His chest was rising slowly as he put his arm on my back and the other hand was stroking my hair.

"Ayos lang," mahinang sambit niya. "I thought you were really mad at me."

Umiling ako sa dibdib niya. I felt him kissing my head as he continued his gentle brush on my back.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo pong kumain muna?" malambing niyang tanong.

Umiling ulit ako, nanatili pa ring nakayakap sa kanya.

I thought my only home was within my family. Little did I know, I would also find the same solace and refuge in Axe's arms. I could stay in his embrace like this forever with just our hearts talking.

"Izzy, do we have a problem?" he asked in a worried tone.

This time, I gathered my courage to lift my head and meet his concerned eyes. Umiling ako at ngumuso.

"Can I sleep in your house later?"

Mabilis pa sa kidlat ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko para ilayo nang kaunti sa kanya. Ang singkit niyang mata ay may ilalaki pa pala habang nakatingin sa akin.

"Bakit?"

Kumibot ang labi ko. "I'm not going to attend my afternoon class later. Hindi ko sinabi kina Mama at Ral na uuwi ako kaya sa bahay mo muna ako matutulog kung ayos lang sa 'yo."

Nagsalubong ang kilay niya at naningkit naman lalo ngayon ang mata.

"Masakit pa ba ang ulo mo? Puwede naman nating sabihin kay Tita Isha..."

"Am I not allowed to sleep in your house? In your house, not inside your room if you don't want to."

Umawang nag labi niya at pinadaan ang dila roon. His adam's apple moved as he shook his head.

"H-hindi naman po sa ganoon. I just don't want your parents to think something—"

"Alam mo kanina..." putol ko sa kanya at malungkot siyang tiningnan. "Someone texted me. Medyo nawala na iyon sa isip ko kanina but now, it was quite bothering me."

"Who texted you? What did it say?" he demanded.

Imbes na sagutin ay yumakap ulit ako sa kanya. Napahawak siya sa balikat at likod ko, hindi sigurado kung itutulak ba ako o hahayaan sa puwesto.

"I'm not sure who it was, but the message said something like he'll see me later."

"Let me see the number. I'll try to contact and trace it, Izzy," he said in his cold voice that made my body hair rose.

Hindi ko matandaan kung narinig ko na ba ang tono niyang ganito. He's usually soft and warm when he speaks. He never gets cold until now and I admit that sort of stirred me up.

"I already deleted the text. Sana wrong send o prank lang 'yon. Natatakot ako, Axasiel." Ibinaon ko ang mukha sa dibdib niya. "Baka mamaya ay kung sino iyon."

Bahagyang bumilis ang paggalaw ng dibdib niya hanggang sa naramdaman ko na ang paghagod niya sa ulo at likod ko.

"Have you told your brother about it?"

Nanigas ako bigla. The mention of my brother linked with our subject relived a memory from the past. Ang pagdadrama ko ay nahinto.

"No! He doesn't need to know about it!"

Lumayo ako sa kanya at kinuha ang bag na nakapatong sa mesa.

"Aalis na ako. Kumain ka na bago pa matapos ang break time niyo."

I turned my back on him, regretting that I told him about the message. I should have kept it to myself. Sa akin namang problema iyon kung nagkataon at hindi naman dapat sila makialam at madamay.

"Izzy!" Axe's voice thundered behind me.

Nahuli niya ang aking siko kaya natigil ako sa paglakad nang mabilis. I brushed off his hand on me.

"Axe, just... just forget what I said and don't ever mention it to my brother, okay?"

"No, wait... where are you going?" nag-aalala niyang tanong.

"Not sure. Pag-iisipan ko na lang," sagot ko at tinalikuran siya ulit.

Napaikot ako ulit paharap sa kanya nang hawakan at hilahin niya ang braso ko. He didn't use much force, though, but it rather upset me.

"Ano ba, Axasiel? Aalis na nga ako."

Hindi niya ako binitiwan habang may kinukuha siya sa bulsa ng suot na slacks. My eyes followed his hand when he showed me his key fob.

"Sa... bahay ka na lang po muna. You can sleep in my room for the meantime if you want to. Huwag ka pong mag-alala, hindi ko sasabihin kay Ral na nandoon ka kung ayaw mong malaman niya."

Nagtagal ang titig ko sa hawak niya bago tuluyang kinuha. Apat na susi ang nandoon. Itinuro niya pa sa akin kung alin doon ang para sa gate at pinto kahit puwede ko namang subukan mamaya.

"I'll go home right after our class but you can sleep there until you wake up," he softly said. "Doon ka lang. May spare keys ako na nakatago sa labas ng bahay kaya hindi na kita kailangang istorbohin."

Lumabi ako. Nilapitan niya ako at hinalikan sa noo. Bahagya akong tumingkayad para halikan naman siya sa pisngi.

"Thank you." I smiled at him. "Lulutuan kita mamaya ng paborito mo."

Ngumiti siya nang tipid at ipinatong ang kamay sa ulo ko. "Sige na. Mag-iingat ka. At least text me when you're already there."

Ngumisi ako, naalala ang unang beses na nakapasok sa bahay niya pero hanggang tanggapan lang. Hindi ko sigurado kung may kapitbahay kaming tsismosa na nakakita sa akin nang makarating ako sa tapat ng bahay ni Axasiel.

I ensured the gate was locked again before I sauntered to the front door. Tahimik at maliwanag pa naman kahit hindi bukas ang ilaw dahil umaga. Nonetheless, I turned the lights on and let my sight wander through the living room.

Pareho lang naman ang laki nito sa bahay namin. Nga lang, talagang sala set lang ang nasa living room at wala pang TV rito sa kanya. Ibinaba ko muna sa sofa ang bag ko at dumiretso sa kusina niya.

Everything was clean. Walang kalat at halos wala ring mga gamit na makikita sa labas dahil nakatago lahat sa drawers nang halungkatin ko.

Ang refrigerator niya, puro chocolate, candies, at canned juice! Konsolasyon pa yata para sa akin na may mga bottled water doon. Nasapo ko ang noo at stressed na pinagmamasdan ang loob ng ref bago isinara. Ang ibang drawers, puno ng mga chichirya!

Pati trash bin niya, pinakialaman ko pa. Hindi naman ako maarte sa ganitong bagay kaya ayos lang. Pero hindi ayos na makitang puro plastic, microwavable containers, at meal boxes galing sa mga fast food chain at convenience store ang nadatnan ko roon.

Ito lang ba ang kinakain niya simula noong hindi na siya nakikikain sa amin? Alam ba nina Tita Dias at Tito Miko ito? Kung oo, bakit hinahayaan lang nila? Kung hindi naman, bakit nagtitiis sa ganito si Axasiel?

My heart sank at the thought of his unhealthy lifestyle. Pinakaimportante sa tao ang kalusugan at hindi ko naman hahayaan na sa ganito lang siya nabubuhay ngayon. It's... dreadful, heart-rending... and pitiful. I hate it.

Kinuha ko muli ang bag sa sala bago umakyat sa second floor pagkatapos siguruhing nakapatay na ang ilaw sa ibaba at naka-lock na rin ang pinto. Ang unang pinto sa itaas ay ang kuwarto ni Axe.

Kasinglaki lang din iyon ng kuwarto ko. Mas marami lang siyang book shelves na nagpasikip pa sa silid niya. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil maliwanag naman.

Maaliwalas ang kuwarto niya dahil sa nakagilid na kurtina sa bintana. Masarap din sa mata kahit na light gray lang ang kulay ng pader. White at gray lang ang halos lahat ng kulay ng mga gamit niya. His bedsheets and pillowcases are white, too. Pakiramdam ko ay nasa hotel lang ako. Ang linis, e. Halos lahat ay puti pa.

Ipinatong ko ang bag sa swivel chair niya at nagsimulang hubarin ang palda at long sleeves bago isinampay rin sa sandalan ng upuan. I'm now left with my cycling shorts and sports bra. Pagkakuha ko ng phone sa bag ay nag-dive ako sa malambot na kama ni Axe.

"Hmmm..." I moaned and smiled while hugging his pillow. "Pati kama at unan mo, amoy baby."

Nagpagulong-gulong muna ako roon bago naisipang mag-picture habang nakahiga. The edges of my lips curved as I held out my phone above my face.

I sent it to Axe with no text message. Kagat ang labi ay nagulat ako nang nag-reply siya agad.

Baby Axe:

Please, wear a shirt. You can borrow mine inside my closet. Close the curtains of the window and make sure that the front door is locked. Please.

Izzy:

mamaya na. tinatamad pa ako magbihis.

Baby Axe:

Did you close the curtains? How about the front door?

Izzy:

yung pinto, naka-lock. yung bintana, mamaya na nga po

Baby Axe:

Close it now, please. Someone might see you naked.

Humagikgik ako habang binabasa ang text niyang naririnig ko. Nasa klase kaya siya? I hope not.

Izzy:

but i'm not naked! i'm wearing a sports bra and cycling shorts so i'm not naked. mamaya na.

Hindi pa ako nakuntento at ipinuwesto ang phone nang nakatayo sa may unan. I fixed the angle and set the timer first before I knelt in front of the camera two meters away from it. Sinigurado kong kita rin ang chain waist sa aking baywang.

Baby Axe:

Eleftheria Isra Asturias. Stop sending me that kind of picture and just do what I say for your safety.

Izzy:

aww, my baby is mad. i'm sad

but don't u like big boobs tho choz

wuv u 7

Baby Axe:

Did you already close the curtains?

Humagikgik ako at tumayo na para gawin ang gusto niya. Binuksan ko nga lang ang ilaw saglit at ang aircon habang naghahanap ng damit sa kanyang closet. Ang paborito niyang white shirt na lang ang sinuot ko bago bumalik sa kama.

I took another picture of my body wearing his shirt. Maluwang iyon sa akin at mahaba na natakpan pa ang cycling shorts ko. My heart jumped in enthusiasm when I read his text.

Baby Axe:

My shirt looks better on you than it did me. Tungsten Uranium Vanadium Uranium, Izzy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top