Chapter 19
Chapter 19
"Izzy, don't move. Masasaktan ka po lalo."
Tumingala ako lalo at napakapit nang mahigpit sa inuunan ko habang nakataas ang kaliwang braso. I gasped soundly when his fingertips slightly brushed my inner forearm. Dumaloy iyon pababa sa balakang ko kaya naman umangat ang puwet ko sa kama nang napaigtad.
"Wala pa akong ginagawa."
"E, dumikit ka! Malamang makikiliti ako!"
"Nadikit lang kaunti—"
"Kaunti, e, bakit nakiliti ako?"
He clicked his tongue. Pagod niya akong tiningnan kaya napanguso ako.
"Huwag na lang nating ituloy kung ganoon," he said, giving up.
"Ikaw nagpumilit, ah?"
His lips thinned. Hinawakan niya ang wrist ko at inangat pa ang braso sa uluhan ko.
"Put your arm still there."
Tumango ako. His hand slid down onto my inner arm again that made me giggle and jolt nonstop. Panay ang hagikgik at igtad ko sa kinahihigaan.
"Enebe... nakikiliti nga 'ko!"
Pinanood niya akong tila binudburan ng asin sa kinahihigaan. The ghost of smile on his lips played as he shook his head at me. Tumikhim ako at umayos na ulit sa pagkakahiga.
"Okay. Sure na 'to. At least try not to touch me kasi!"
"Iangat mo po kasi 'yong braso mo. Paano ko mabubunot 'yang buhok sa kilikili mo kung nakababa naman?"
"Ito na nga po, 'di ba?" Sabay taas ko ulit ng braso.
I stared at him whilst he's scrutinizing my armpit. Hawak niya sa kaliwang kamay ang tweezer ko.
Funny that I tried to push him away just an hour ago but look who stayed here with me. Paano ba naman, pagkatapos kong sigawan ay tinitigan lang ako na akala mo ay tutang nagpapaamo. E, sino ba namang hindi makokonsensiya sa pagsusungit sa kanya nang walang dahilan kapag ganoon ang itsura niya?
Ending, nagpaalam pa rin siya kay Raghnall na dito niya tatapusin ang ginagawa nila. Axe left the door ajar for about 5 inches according to his measurement, which I let him do as we worked on our schoolwork.
"Why would you pluck them now, anyway? Hindi pa naman po mahaba—"
"Mahaba na nga 'yan sa akin. Ayoko nang mahaba ang buhok sa kilikili, 'no!"
"Okay..." He nodded lightly.
Medyo yumuko pa siya habang nakatingin sa kilikili ko. He was so ready to pluck one tiny armpit hair when he took a glance at me. Umiwas ako ng tingin at dinala ang libreng hinlalaki sa pagitan ng mga ngipin.
Pigil na pigil ang paghagikgik at igtad ko nang maramdaman ang unang pagbunot niya ng buhok. Hinawakan niya ang braso ko para pigilan sa paggalaw bago nagpatuloy sa ginagawa.
"Axe, anong balak mong kuning kurso sa college?"
"Forensic Science," he replied.
"Forensic Science? Parang 'yong sa CSI sa Netflix? Gano'n? Crime Scene Investigator ba ang gusto mo?"
"Somehow related to that show, yes. But I'd rather be a forensic lab technician than a CSI. Although both CSI and forensic lab technician play a crucial role in investigating and analyzing crimes through evidences, they differ in specialization, bodies of knowledge, trainings, and work environment."
"Huh? Sorry, Axe, hindi ma-absorb ng utak ko. Wala kasi akong alam diyan dahil banyaga pa sa akin ang trabaho na 'yan. Wala bang mas madaling intindihin sa pinagkaiba ng dalawa?"
"Ang CSI ay sa crime scene mismo nagtatrabaho habang ang lab technician ay sa laboratory. The former gathers relevant evidences from the scene of a crime which also requires documentation through photographs, sketches, and written notes. Meanwhile in the laboratory, the latter examines and analyzes the gathered evidences from the crime scene investigators."
"Ah..." Tumango-tango ako. "E, anong pinagkaiba ng CSI sa detective? Pareho silang sa crime scene, 'di ba?"
"As far as I know, unlike on the CSI TV show, crime scene investigators are only responsible for collecting evidences from the crime scene. They don't respond to majority of crimes unless their services are really needed. They will never perform the interviewing of witnesses, interrogating suspects, don't get involved in chasing criminals... such those things that detectives are obligated to do."
Tumango-tango ako kahit pa medyo nagdugo ang utak sa nalaman. Hindi naman kasi ako nanonood ng CSI kahit pa aware ako sa show na 'yon at hindi rin naman ako mahilig sa mga crime shows or series. Mystery and crime are my least favorite to watch. Hindi rin masyado sa mga documentaries na related doon.
Hindi ko nga siguro siya kilala pa nang mas malalim. He seemed really interested with our topic the way he answered my questions. I didn't even know or have any idea what he wanted to become. Akala ko nga ay engineering ang kukunin niya o related sa field na 'to dahil may engineering firm sila sa side ng Papa niya.
Sa Mama niya, may malaki naman silang kumpanya. They are indeed filthy rich but they remain humble. Although their house is huge and almost a mansion, they are not that fancy and expensive when it comes to themselves.
"Hmm... okay. I kinda get it. So, kaya pala love na love mo ang science, 'no? Kasi balak mong maging scientist?"
Si Ral naman ay mahilig sa math at alam kong susunod din sa yapak ni Papa bilang isang inhinyero.
"I guess."
Ngumisi ako. "But I'm not science."
"Yeah... you're not Science but I still... love you." His voice was almost inaudible.
Nakataas ang kilay ko siyang hinarap. Abala talaga siya sa pagbubunot ng buhok ko sa kilikili kaya hindi ko mapigilang titigan siya. Maninipis lang naman din kasi ang mga buhok kaya hindi ko na wina-wax at mas lalong ayaw kong ahitin dahil baka mas lalong kumapal at magkaroon pa ako ng chicken skin.
Naisip ko tuloy kung hindi ba siya nandidiri o naaalibadbaran sa ginagawa niya? I mean, obviously, I'm the only one who pluck my armpit hair and I know it is normal to have them. It was just kinda awkward that I let him do it when he insisted.
"Axe, paano kung marami, makapal at mahaba ang buhok ko sa kilikili, magugustuhan mo ba ako?"
"Oo."
"Kahit maitim ang kilikili at amoy putok ako?"
Ni hindi man lang nagbago ang expressionless niyang mukha.
"Oo. Hindi naman po ang kilikili mo ang gugustuhin at mahahalin ko. Kung mabuhok, e 'di tutulungan kitang magbunot kung iyon ang gusto mong gawin para matanggal kahit ayos lang naman sa akin kung meron ka nito. Kung mabaho, may deodorant naman kung ayaw mong maamoy ng iba. Kung maitim, may whitening cream naman kung gustong pumuti... o huwag kang mag-sleeveless kung ayaw mong makita ng iba?"
I rose my brow at him in amusement. Humahaba na yata ang mga sinasabi niya, ah? Nakakapanibago pa rin minsan pero nakakataba naman ng puso ang sinasabi niya.
Pinasadahan niya ng palad ang kilikili ko at tumingin sa akin.
"Tapos na po rito. Sa kabila naman..." aniya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa ibaba ng kama ko sa gilid nito.
Sumampa siya sa kama para pumunta sa kanan ko. Itinaas ko na rin agad ang braso para sa kanya. His tongue flickered across his lower lip before he crouched down without removing his eyes on my unplucked armpit.
"Do you love math?"
"Uh-huh."
Tumango pa siya habang abala sa ginagawa. He was really doing his best not to brush his skin onto me to prevent me from getting tickled.
"I hate math." Ngumisi ako at tiningnan siya. "But I love you so math."
My smile grew bigger when his orbs moved immediately to have an intense gaze rally with mine. Nakaawang pa ang kumikinang niyang labi na para bang nanghihikayat na dampian iyon kahit isang tapik lang ng aking labi.
Tumikhim siya. Bumaba muli ang tingin niya sa ginagawa nang hindi nagsasalita pero kitang-kita ang pamumula ng tainga at pisngi niya. Kumunot ang noo niya at pilit na inuusli ang nguso pero sa huli, tinakpan niya rin ang bibig gamit ang likod ng kanyang palad at bahagyang napapikit.
I giggled. "Sige. I'll give you the liberty to melt down your kilig."
Bahagya ko siyang tinalikuran dahil parang kaunti na lang ay mapapamura na siya kahit hindi naman niya ugali iyon. There's no way I could keep myself from smiling the way he reacted.
I put my hand above my chest to feel the fluctuating movement from the inside. Hindi naman siya ang bumanat pero bakit parang ako pa ang kinilig dahil sa reaksyon niya?
Peter Pan once said you'll fly when you think of happy thoughts. But when I think of Axasiel as one of my happy thoughts, I fall instead.
"Izzy," he called softly from behind. "Do you know that my favorite element is Uranium?"
My head turned to him but my body remained facing the side. "I didn't know... but why Uranium?"
"Because... I love U." He then looked away with flushed cheeks, bringing the back of his hand again over his mouth.
I gawked at him and even before I could release my suppressed shriek of exhilaration, he really had to cut my ample happiness.
"Uh, itaas mo na po ulit ang braso mo. Bunutan na ulit kita ng buhok sa kilikili."
I sported a scowl but he refused to take a glimpse of my pretty face. He shook his head and the corner of his lip was slightly hoisted.
The depth of my contemplation led me to affirm that life experience is a better mentor than our teachers in school. In school, teachers are ought to teach us first before they give us a test. In life, we were given a test to teach us a lesson. But school is part of our life thus inevitable to face the test ahead of us.
I drummed my fingers on the desk as I squeezed my brain to withdraw some stock knowledge I'm not even sure if there is. It's Monday again. Papansin ang malakas na buntong hininga ni Steff sa kabilang upuan kaya napapatingin ako sa kanya.
"Baka maubusan ng hangin diyan ang kanina pa bumubuntong hininga. Dagdagan mo pa. Huwag kang mag-alala at may oxygen tank sa clinic," sambit ng propesor namin sa Filipinolohiya habang nakaupo sa likod ng kanyang mesa.
No one dared to laugh at his sarcastic comment. Umikot ang bilog ng mga mata ko at ibinalik ang tingin sa test paper.
Seriously, I'd rather not receive any surprises if it's only a surprise exam. Sino ba kasing nagpasimula nito sa school at mukhang hindi yata naka-experience ng kahit anong pasurpresa sa buhay?
Ayaw ko na nga sa Lunes, ayaw ko pa sa professor namin. Needless to say that he doesn't like any of his students either so it's a mutual feeling. Ni hindi na nga nagle-lecture tapos nais pa ng surprise exam.
Sir, sana ginisa niyo na lang kami.
"Pagkabilang ko ng sampu, dapat lahat ng papel ay naipasa na rito sa harapan..."
Binitiwan ko na ang ballpen at tumuwid ng upo. Nagpapanggap lang naman akong may sagot dito. I played with my ballpen as I enjoyed the defeaning silence of dismay in every corner of our room.
That's when I realized... we are taught two times in school to give life to our lives. Their lectures may be forgotten but the true lesson will never be rotten.
"Oh, ano? CODM pa mga bakla. MVP earlier, singko later!" patutsada ni Mason nang makalabas na ang prof.
"At least naging MVP not just once, not even twice, but every tries!" Sabay taas at buka ng dalawang braso ni Aaron na akala mo'y nag-i-introduction sa pageant.
"And voila, si Sir may pa-surprise!" I imitated his action but only raised an arm while sitting.
"Pageant 'yan, girl?" tawa ni Steffy. "Oh, siya. Kay Miss Korea ako kahit never sila nakakuha ng korona! Ano? Kayo? Lapagan ng bente!"
Aaron swatted her arm. "Hala, maraming k-pop fans dito, baka ma-bash ka!"
"Sa pagkakalaam ko, wala pa namang K-pop idols ang sumali sa pageant. Pero ayos 'yan para sumikat ako! 'Di ba uso 'yon? Kunwari basher ng K-pop para mapansin? Papansin, gano'n!"
"Oo, tama, kasi kulang ka no'n."
"Alam mo, pakyu ka."
Humagalpak kami sa tawa. Halos tumirik pa ang mata ni Steffy sa irita. Funny that we were already digging our own graves just a few minutes ago, but they could still find a source of light within each other.
Being a college student is indeed a tough responsibility. Unlike in high school, you will only appreciate and lavish your free time once in a lifetime during your college days.
Magsaya hangga't kaya pa. Matulog hangga't may oras pa. Because when the day comes, the word fun, sleep, and even rest will vanish in your dictionary.
"Guys, huwag na kayong mag-away. Ang importante, mahal tayo ng mga magulang natin," si Seth habang kinakaladkad ang upuan pabalik sa dating puwesto, nakatingin pa sa hawak na phone.
"Naol love ng parents." I sighed dramatically.
Tinapik ako ni Mason sa braso. "Ay, 'te, bakit? Pinagkaitan ka na ba nila ng pagmamahal? Kulang ka sa aruga? Kawawa ka naman. Buti nga sa 'yo."
Steffy laughed. "Si Mason talaga 'yong sasabihan mo ng problema pero makikisabay lang din sa problema."
"Pinakikisamahan kasi ang problema para maresolba. Parang pekeng pagkakaibigan. Akala mo gusto ka talaga maging kaibigan pero pinakikinabangan ka lang pala."
"Ouch. I felt that."
Mason just smirked at Seth who was still busy on his phone.
"Nga pala... free kayo bukas ng gabi?" I asked them. "CT tayo."
"Ba't anong meron?"
"Anong CT? CT scan?" tanong ni Steffy.
"Chill Tonight, the club in Taguig? Meron din sa Quezon Ave pero mas maganda roon sa kabila. Birthday ko bukas, e," sagot ko sa kanilang dalawa ni Aaron at ngumisi. "Don't worry, sagot ko ang drinks!"
"Ay, shuta, weh?!" bulalas ni Seth na binitawan na ang phone.
"Wow, ang galing. Kapag may libre at alak na involve, ang bilis."
"Huwag mong sabihing ayaw mo ng libre, A?" si Seth kay Aaron.
"Tanga, may sinabi ba ako? Ang sabi ko, anong oras ba kasi tayo bukas, Izzy? Siyempre free kami kapag may libre rin. Sorry, ha. Hindi kami aware na birthday mo na pala bukas."
"De wala, ang true friend, hindi nakakalimutan ang birthday ng kaibigan!" ani Seth.
"Anong kakalimutan kung umpisa pa lang hindi naman natin alam?"
Dahil hindi pa naman ubos ang oras namin sa Filipinolohiya, binilog muna nila ang mga upuan para magkaharap-harap kami. Nagkaroon na rin naman ng sariling mundo ang mga kaklase ko.
Of course, I invited my close friends from high school and higher year, too. Napagkasunduan naman namin ng pamilya ko na sa Saquirias Ristorante na lang kami mag-celebrate muna kasama ang malalapit nilang kaibigan na ang mga anak nila ay kaibigan ko rin naman.
"Dang it. Hindi ako puwedeng mag-cut bukas dahil may long exam kami. I'll be late for the dinner!" nakasimangot na sabi ni Harley nang pumunta ako sa room nila para makipagtsismisan.
Saktong free cut naman nila at nandoon siya kaya roon muna ako nag-stay.
"Don't worry, I'll save your chair beside me."
Harley always claimed the seat beside mine whenever there's a celebration that our family would gather. Lalo na kapag birthday ko, ayaw na ayaw niyang ma-late.
She was really clingy especially back when we were still both in junior high. Nabawasan lang ngayon dahil hindi na talaga tugma ang schedule namin.
She scowled. "May maupuan pa kaya ako sa tabi mo? For sure isa sa family mo ang katabi mo sa upuan tapos sa kabila, siyempre, si Axe!"
Humalakhak ako. "Oy, hindi, ah? I will always save a spot for you. Ikaw ang uunahin ko lagi bukod sa pamilya ko."
Humaba ang nguso niyang natuyuan ng kulay orange na liptint. Paano ba namang hindi matutuyo ang labi kung de aircon ang room at hindi pa nagli-lipbalm? Ganiyan din ako minsan, e.
"Weh? Talaga?"
"Oo nga!"
"Harley first before Axe?"
I looked up, pretending to be in hesitant when she grabbed my necktie.
"Lah, bakit nag-iisip ka pa diyan? 'Di mo sure?!"
Bumungisngis ako at patagilid siyang niyakap bago hinalikan ang namumutok sa blush on niyang pisngi. Her eyeballs rolled back to her skull.
"Ikaw nga, babe," malambing kong sabi.
"Hmp..." She was still pouting.
Pinupog ko ng matutunog na halik ang pisngi niya hanggang sa mairita siya at tinulak na ako nang bahagya palayo sa kanya.
"Tama na nga! Basta save mo ako ng upuan sa tabi mo, ah?"
"Pajulit-julit, oo nga. Kokotongan na kita, e."
Kung minamalas nga naman, ang sabi sa balita ay wala nang bagyo sa bansa pero nang mag-uwian na, saka naman bumuhos bigla. Hindi lang pala professor namin ang may pa-surprise, pati langit din pala.
"Wala akong payong," ani Steffy habang nasa lobby na kaming lima.
"Shuta wala rin ako." Halos paungol na segunda ni Seth.
"Lagi naman kayong walang dala," ani Mason.
"Walang may payong sa inyo kahit isa?" tanong ko.
Hindi naman malakas ang ulan pero yong hangin, parang kaya ka nang liparin.
"Meron ako kaso sa lakas ng hangin, baka bigla namang masira kapag sumugod tayo. Pakalmahin muna natin," Mason said.
"Ah, gusto ko 'yan. Si Mason, magpapakalma, bago 'yan," Aaron sneered.
May payong din naman ako na nakalabas na nga pero ayaw ko naman iwan pa sila agad dito kaya sinamahan ko na lang din. Umupo muna kami sa mga bench sa lobby.
Tahimik na nag-uusap sina Seth at Steffy sa katapat naming bench nina Mason at Aaron. Nagugutom na nga ako pero ayaw ko namang pumunta sa Dagohoy lalo na at umuulan. Naubos ko pa naman ang Pocky na dala ko ngayong araw.
Aaron elbowed my side lightly. "Izzy, baka may lollipop ka diyan?"
Bumuga ako ng hangin. "Wala na nga, e. Gutom na rin ako."
I stretched my legs in front of me. Tumama pa ang gilid ng hita ko sa binti ni Mason dahil malawak ang pagkakabuka ng mga binti niya. Napasulyap siya roon at agad tinapik ang hita ko.
"Huwag mo namang ibuka 'yan, baklang 'to. Nangangamoy."
Pinagdikit ko rin ang mga binti bago ipinatong ang kanan sa kaliwa. "Hindi naman, e."
Inabala ko na lang ang sarili sa phone tulad nila. Bahagya kong kinamot ang kilay at napatuwid pa ang likod nang mabasa ang text ni Axasiel na kararating lang.
Baby Axe:
Nandito pa po ako sa school. Nakauwi ka na po?
Izzy:
hindi pa. pinapahina lang namin ang ulan. bakit nandito ka pa?
Baby Axe:
Papunta na po ako diyan sa building niyo. Sabay na tayo uwi.
Hindi ko na siya ni-reply-an at inabangan na lang siya. I told my friends that Axe is going to pick me up here.
True to his words, I saw Axasiel walking past the glass wall from the outside, wearing his white shirt, slack, and his bag dangling on his one shoulder. Nakabukas pa ang payong pero nasa gilid na lang nya dahil may silong naman sa labas.
Iniwan ko muna ang gamit sa upuan at pinuntahan siya sa labas. Sumasabay pa ang tunog ng takong ko sa ingay ng ulan.
"Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ko nang nakalapit.
Napansin kong medyo basa ang isang braso niya pati na ang sleeve ng shirt sa side na 'yon. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng skirt ko at nilapitan siya para punasan iyon.
He licked his lower lip. "May tinapos lang kaming report ng kaklase ko sa library. Ako na po..."
He tried snatching my hanky but I did not let him. "Medyo malaki naman ang payong mo, bakit nabasa ka pa? Ganoon ba kalakas ang hangin at ulan?"
"Uh, hinatid ko kasi muna 'yong kaklase ko sa may gate. Wala kasi siyang payong kaya..."
Umismid ako nang pinagmasdan niya ako na para bang nag-iingat sa magiging reaksyon ko. Tumikhim siya at bahagyang yumuko bago ginulo ang buhok.
"Nagugutom ka ba? May binili akong burger kanina pero hindi ko nakain. Gusto mong kumain po muna?" Sumulyap siya sa likuran ko saglit pero ibinalik din ang tingin sa akin.
"Hindi na. Uwi na lang tayo. Ayos lang ba na share na lang tayo sa payong? Nakalimutan ko kasing dalhin ang sa akin," I lied.
"Of course, it's okay," mabilis niyang sagot at itinupi ang payong. "Wait lang..."
Humalukipkip ako sa harapan niya nang may kinuha siyang plastic sa loob ng bag. My brow arched when he untied the knot and pulled out a pair of black Nike slippers.
"Ano 'yan?"
"Tsinelas?" patanong niyang sagot.
Wow. Hindi ko alam na darating pala ang time na parang ang sarap niyang kurutin nang mariin sa pisngi, ano?
Hindi naman na ako nakapagsalita agad dahil pinahawak niya na sa akin ang bag niya bago lumuhod sa harapan ko. My eyes bulged out as they roamed around the area. Napayuko lang ako nang maramdaman ang medyo malamig na kamay ni Axe sa kanang bukung-bukong ko.
Biting my lip, my hand crawled into his dark, silky hair to support myself. I lifted my foot off my black shoes. Siya pa mismo ang nagtanggal ng foot sock ko bago niya inalalayan ang paa ko para isuot sa tsinelas niya. My cheeks were burning as I let him do it with my other feet.
Nang matapos ay agad siyang tumayo habang inilalagay sa plastic ang sapatos ko kasama ang foot socks.
"Malaki sa 'yo pero..." Tinitigan niya ako. "Mas kumportable ka na ba?"
Suminghap ako at dahan-dahang tumango. Too comfortable that I'm afraid to get used to his gestures... and seek for him when I shouldn't be.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top