Chapter 18

Chapter 18

"Iginuhit kita kanina..." ani Axasiel at iniabot sa akin ang isang papel.

Katatapos lang naming ubusin ang pagkain at simot na simot ang lagayan sa kanya. Really, he didn't have to orally praise the product of our efforts because the look on his face when he tasted it was more than enough.

Ibinaba ko ang fruit shake na iniinom sa mesa at tinitigan ang gawa niya. Kasinglaki lang ng ID card ang bondpaper at naroon nga't nakaguhit ang mukha ko gamit lang ang ballpen. Parang papel na gustong mapunit ang labi ko habang nasa drawing ang tingin.

It's a head to waist simple sketch. Nakasuot ako ng chef's uniform at tall toque habang nakangiti ang labi at nakapikit ang isang mata. Naka-peace sign naman ang kaliwa kong kamay at sa kanan ay may hawak na spatula. Sa pinakababang kaliwa ay nakasulat ang 'Chef Isra.'

Ang cute ko naman dito. Feeling ko ay chef na chef na ang datingan ko.

Nilingon ko siya. His eyes were so attentive to me.

"Maganda."

"Maganda ka kasi," he replied silently.

Bumungisngis ako nang siya pa ang namula.

"Ilalagay ko 'to sa likod ng ID ko." At ipakikita ko sa mga kaibigan ko para ipagyabang. Ha!

"Sa susunod... hindi na lang 'yan basta drawing. Magiging totoo na." He smiled at me.

Natunaw ang puso ko sa sinabi at ngiti niya kaya sinuklian ko iyon ng mabilis na halik sa kanyang pisngi. Bahagyang nanlaki ang singkit niyang mata at nag-iwas ng tingin.

"Thank you, Axe."

Hinatid niya ako sa building namin habang hawak ko pa rin ang drawing at nakatitig lang doon. Naiwan ko kasi ang ID sa bag kaya hawak ko lang. Madalas niyang hawakan ang balikat ko para ilayo sa mga muntik ko nang matamaang estudyante dahil hindi ako nakatingin sa daan.

Tumigil siya sa paglalakad kaya ganoon din ang ginawa ko.

"I'll wait for you down here. Kunin mo po muna ang bag mo."

Kumunot lang ang noo ko sa kanya.

"Let's... exchange bags. Alam kong mabigat ang mga dala mo kaya itong sa akin po muna ang gamitin mo."

Tinusok ng dila ko ang kanang pisngi at napatingala, iniisip ang sinabi niya. Yumuko siya at minata ako habang tila nagpipigil ng ngiti. Pinindot niya ang pisngi kong nakausli dahil sa dila.

"I'll bring home your things with me. Kasya pa naman po siguro ang gamit ko sa bag mo. Iwan mo na lang ang mga gagamitin mo pa rito sa bag ko para hindi ka na mabigatan mamaya," he explained further as though he thought I still couldn't comprehend his suggestion.

His idea was so convenient for me. Habang ang mga kaklase ko ay halos kaladkarin ang mga gamit nila, ako naman ay patalon-talon pang naglalakad papunta sa oval kasabay sila.

"Lord, sana magka-jowa rin ako ng sobrang thoughtful. 'Yong makikipagpalit din sa akin ng bag, please, nang guminhawa naman kahit kaunti ang buhay ko," pagpaparinig ni Steffy.

Aaron laughed. "Oo tapos mas mabigat pa pala 'yong kanya. Pighati."

"Ano 'yan, magjo-jowa para may tagabuhat? E 'di sana nag-hire ka na lang ng bellboy para may tagadala ka ng gamit," si Mason sa mataray na tono.

"Tangek, itapon mo na lang kasi ang bag mo para wala ka ng dadalhing pabigat!" huling birada ni Seth.

"Leche! Alam niyo ba 'yong word na gentleman, ha? Gano'n kasi 'yon! Palibhasa hindi na nga kayo gentle, never pa kayong magiging man!"

"Aba, sino bang nagsabing gusto naming maging man?! Gusto namin ng man, hoy! Echusera ka."

Tumawa ako sa asaran nila. Ipinakita ko sa kanila ang suot na ID kung saan inipit ko sa likod ng case ang drawing ni Axe kaya naman mas lalong naghinagpis ang mukha ni Steffy.

"Kainis. Kapag ako talaga nagkaroon ng tulad ni Axasiel!"

Ngumisi ako.

"Hindi ka magkakaroon ng tulad ni Axasiel dahil nag-iisa lang siya at nasa akin na. You don't even have to find someone like him because you are fated to meet someone who's willing to stay by your side and do things that you've never even expected he'd do for you. 'Yong masasabi mo na lang na ginawa siya ni Lord para sa 'yo at para sa 'yo lang. 'Yong walang katulad o kapareho dahil lahat naman tayo ay natatangi."

I never thought it would be this early for me to talk about the right person for someone. Parang kailan lang, wala talaga akong balak pumasok agad sa relasyon. This may not be the right time to start a relationship, but I'm anticipating the time where we can see our growth as a person in a relationship.

After all, love has no age. It doesn't matter when you start loving, falling in love, or even just having the idea of being in love. What's more important is to know that your feelings for that person are real. You think of them. You care for them. You appreciate them. You adore them.

And it applies not only to romantic love but also to your family and friends.

And now I'm suddenly pondering... kailan kaya nagsimula ang pagkagusto sa akin ni Axe na hindi bilang kapatid? At kailan nga ba talaga ako nagkagusto rin sa kanya? Bilang siya... at hindi bilang kapatid.

I still have no idea.

"Kunin ko lang ang meryenda sa ibaba. Don't think of doing something nasty and inappropriate while I'm gone."

Tumawa ako sa narinig na sinabi ng kapatid ko pero ang mga mata ay nakatutok pa rin sa screen. Nandito kaming dalawa ni Axe sa kuwarto niya. While they were busy on their homework, I'm here busy playing on his PS5.

My bottom lip curved in as I let the tip of my tongue played with it. Sa gilid ng mata ay nakita ko ang paggalaw ni Axe at ang pagpunta niya sa gilid ng kama, nakaharap sa akin kaya naman napasulyap ako sa kanya.

"Yeah?" I then returned my attention to the game.

"You have an assignment to be passed on Monday. Tapos mo na po ba?"

Ngumuso ako. My character died in the game. Binitiwan ko ang hawak na controller. Habang nakapatong at naka-cross ang mga binti sa ibabaw ng inuupuan, humawak ako sa dulo ng desktop table para makaikot at maharap siya.

"I have?"

His thin lips pursed as he nodded.

"I forgot about it, though," nakanguso kong sabi.

"Kailan mo po gagawin?"

Ipinatong ko ang siko sa armrest at pinaglaruan ang labi ko habang tinititigan siya. Dalawang linggo na siyang naging si Raghnall version 2.0. Bukod sa kabisado niya ang schedule ko, naging daily reminder ko pa siya sa mga gagawing schoolwork.

Every day after my classes, without a miss, he would ask if I had any assignments or other important things to do. Siya ang magse-set ng araw at oras para gawin ko ang mga dapat gawin at least 2 to 3 days prior to the deadline.

Siya rin ang mag-a-adjust ng time kapag may gagawin akong hindi related sa school. Ina-alarm niya pa sa phone ko o 'di kaya ay tatawag sa akin kapag dapat ko nang simulan ang gawain.

"Paano kung hindi ko muna gagawin?"

Halos isang metro lang ang layo ng kama sa puwesto ko. Dahil mahaba rin ang binti niya, hindi siya nahirapang abutin at tapakan ang wheel base ng inuupuan ko bago hinila palapit sa kanya. Napahawak ako sa armrest dahil sa pagkabigla.

Nasa pagitan ako ng nakabuka niyang mga hita. Kinulong ako ng dalawang braso niya nang hawakan niya ang magkabilang armrest ng upuan. Pinagdikit ko ang mga binting ginapangan ng lamig at niyakap iyon.

"Hindi mo po muna gagawin?" ulit niya sa mas malambing na tono nang hindi inaalis ang maamong mata sa akin.

He's always like this, too. He is not exactly ordering me to do my tasks but rather stimulate and convince me to do so by asking using that sweet tone. Naiirita talaga ako noong una dahil naalala ko 'yong unang beses na ginawa sa akin 'to ni Raghnall. Eventually, I kept on surrendering.

"But I'm playing," sabi ko at nilingon ang monitor.

"Will you do it after you play, then? Hmm?"

Hinila niya pa ang upuan ko palapit sa kanya. Pinalobo ko ang pisngi na agad niyang sinundot gamit ang hintuturo. I popped my lips in front of him soundly.

"Yep." Ngumisi ako. "Last game then I'll do my assignment here."

Kumurba ang gilid ng labi niya at ipinatong ang kaliwang kamay sa ulo ko. Humaba ang nguso ko nang may kinuha siya sa bulsa ng suot na shorts at inilahad sa akin ang isang pirasong Chupa Chups.

"Ano 'yan, suhol?"

He blinked. "Hindi... pero ayaw mo?"

"Ayoko." Sabay halukipkip at sandal ko sa upuan.

Bahagya niyang inilayo sa akin ang lollipop para buksan iyon. I watched him unseal the wrap swiftly, and open his mouth before sucking the lollipop.

Tinampal ko siya sa braso at matalim na tiningnan. "Why would you eat that?!"

"Akala ko ay ayaw mo?" tanong niya habang nasa loob ng pisngi ang lollipop.

"Dapat pinilit mo ako!"

"Pero ayaw kitang pilitin," mahinahon niyang sinabi.

"Okay. Lalaro na ako."

My bottom lip jutted out as I averted my gaze from him. Inilagay ko ang talampakan sa dulo ng kama sa harapan niya para maitulak ang upuan nang hawakan niya ang ankle ko.

"Sorry." He chuckled slightly.

"Gawin mo na 'yong ginagawa niyo. Last game na ako ta's gagawin ko na rin ang assignment ko."

"Galit ka po?"

He was still not letting go of my ankle pasted on the edge of Ral's bed. Maluwang naman ang pagkakahawak niya sa akin doon at isang tadyak ko lang sa kanya ay siguradong pakakawalan niya iyon.

"Sus. Para do'n lang, magagalit na ako? Of course not." It was followed by a snort. "Kinain mo lang naman ang lollipop na in-offer mo sa akin. Hindi nga ako magagalit."

"Sinusungitan mo ako, Izzy."

I glared at him. "Baby nga! Kulit mo, ah! Baby sabi! Saka hindi kita sinusungitan. Hmp..."

"Hmp." Tumawa siya. "Lollipop is not good for a baby. If you're my baby, then I won't give you any..."

"I'm your baby but I'm not a baby anymore. Hmp! Alis na nga. Tuloy mo na 'yang ginagawa mo."

Nangingiti niyang binuka ang dalawang braso sa harapan ko kaya kinailangan niyang bitiwan ang hawak sa akin.

"Pa-hug po muna sa baby," he said teasingly.

Inirapan ko siya pero ibinaba rin ang dalawang binti sa upuan. I leaned forward to hug him when the door started to rattle, giving us the heads up that someone's about to open it and enter the room. Saktong lumingon ako roon nang umikot ang inuupuan ko.

"What the—"

Napahawak ako sa desktop table bago pa ako tuluyang lumagpas sa tapat nito at dumiretso sa pader. Laglag ang panga at halos lumuwa ang mata ko nang balingan si Axasiel. Nakahiga na siya agad sa kama ng kapatid ko at hawak ang notebook na animo'y nagbabasa at nag-aaral.

"Why did you do that?" I asked him.

"Did what, Ate Izzy?" inosenteng tanong ng kapatid ko dala ang isang tray.

Hindi ko siya pinansin at pinanatili lang ang tingin sa boyfriend ko pero tumingin lang siya sa akin nang nakakunot ang noo. Tinaasan ko siya ng kilay at pagak na natawa. Nagpapayakap siya tapos bigla niya akong itutulak? Tama ba 'yon?

Padabog kong pinatay ang PC ni Raghnall at tumayo sa kinauupuan.

"Uy, Ate... saan ka pupunta?" tanong ng kapatid ko.

"Sa impiyerno!"

"Bring some ice cubes with you."

"Tse!" Inirapan ko siya.

I made sure to create a magnitude 7.6 earthquake the moment I slammed the door open and close. Hinila ko ang scrunchie na nasa buhok at sinuot na lang iyon sa pulso habang naglalakad papunta sa kuwarto.

Hinagis ko sa gitna ng kama ang notebook, pens, at laptop bago nagbukas ng isang box ng Pocky. Dumapa ako sa kama at binuksan na ang laptop para masimulan na ang dapat gawin.

But me being me, nakipag-chat muna ako sa mga kaibigan ko kung nakagawa na sila ng assignment. As usual, si Mason pa lang ang may gawa. Si Seth naman, nag-aya bigla mag-CODM. Tuluyan na tuloy akong napahiga sa kama nang pumayag ang iba.

We were in the middle of the game and I was talking through the mic when I noticed the continuous knock on my door. Naririnig ko iyon dahil isang ear piece lang ang nakapasak sa tainga ko.

"What? I'm busy!" I shouted.

Minura ako ng mga kakampi kong nakarinig sa sigaw ko. Sumigaw ba naman ako sa tapat mismo ng mic, e. Kunot noo kong pinatay iyon nang hindi pa rin tumitigil ang kumakatok sa pinto.

"What, Raghnall?! Don't disturb me! I'm—"

"This is Axasiel."

Hindi naman iyon pasigaw pero klaro kong narinig sa buo niyang boses. Napatingin pa muna ako sa screen bago muling sumandal sa headboard.

"Come in!"

Ibinalik ko na ang earphones sa tainga at kahit nakatingin sa phone, sa gilid ng mga mata ay nakita ko pa rin siyang pumasok. Ngumuso ako nang mapasulyap na sa kanya at naabutang dala ang isang platito na may cake slice pati baso ng juice. Inilapag niya iyon sa side table.

My left leg took over my right as my eyes grasped him picking up my scattered things on the bed. Katitingin ko sa pagliligpit niya roon, hindi ko namalayang namatay na pala ako sa nilalaro kung hindi lang din nagsalita si Seth.

"Baby," I said.

His head turned to me but I looked away from him and held the mic piece.

"Gaga, anong baby? Kadiri ka naman, bakla." Tumawa si Aaron.

"Maka-react, ikaw ba ang tinutukoy?" si Mason.

"Yes, baby. I'm actually hungry na nga, e."

"Pinagsasasabi mo diyan, 'te? Paki namin kung gutom ka. Mamatay ka sa gutom," pambabara ni Seth.

Tumawa ang mga kasama namin pero bumubungisngis lang ako.

"Punta ka rito? Talaga?"

"Aba, utusan mo pa kaming pumunta diyan? Bakit ka namin susundin? Borta ka? Daks ka?"

"Seth, sagot nang sagot parang gusto, ah," ani Mason habang tumatawa.

"Shunga, merlat 'yan, sis. Wiz nota!"

"Wala nga—"

Nabitin sa ere ang tawa ko nang umupo sa gilid ko si Axe at ipinulupot sa ibabaw ng aking tiyan ang braso niya. Hinawi niya ang humaharang na buhok sa balikat ko bago siya lumapit pa lalo para isiksik ang mukha sa leeg ko. Hindi pa nakuntento, pinadulas pa ang braso sa espasyo sa pagitan ng likod at headboard ko para mas mayakap ako.

Puwede ko na sigurong palitan si Rizal sa monumento niya sa pagkaestatwa ko dahil sa ginawa ni Axe. I could feel his gentle warm breath stroking fondly on my skin. Tinanggal niya saglit ang earphone sa tainga ko bago ibinalik ang braso sa ibabaw ng baywang ko.

"Sinong baby mo?" he whispered through his quite raspy voice.

My shoulder cringed a little because his chin was tickling me when he spoke. Bumaba ang tingin ko sa braso niyang mabagal ang pag-angat baba sa aking tiyan dahil pinipigilan kong huminga.

"I-ikaw, ah?"

"Hmm? Bakit may iba ka na pong baby?" nagtatampo niyang patuloy.

"Wala..."

"May tinawag kang baby kanina..."

Kumibot ang labi ko. Humigpit ang yakap niya sa akin at naramdamang mas uminit pa ang dumikit sa balikat ko nang ipatong niya roon ang noo. Humagikgik na ako at tuluyan nang binitiwan ang phone sa gilid ko.

Hinawakan ko ang malambot na buhok niya para paglaruan. "Wala 'yon."

"Gusto kong ako lang ang baby mo," bulong niya. "Si Axe lang dapat ang baby mo."

Nanginginig na ang balikat ko sa paghalakhak pero hindi siya umaalis sa pagkakasandal at yakap sa akin.

"Dalawa ang baby ko, e. Si Ral saka ikaw."

"Okay lang si Ral pero bawal ang iba. Si Axe lang, ha?"

"Ral and Axe."

Bumuntong hininga siya sa braso ko. "Okay. Ral and Axe lang po."

"E, ba't mo pala ako niyayakap ngayon? Kasi nagseselos ka nang may tinawag akong 'baby'?" pang-aasar ko.

He lifted his chin and rested it again on my shoulder to face me. Nakasimangot siya habang namumungay ang mga matang nakatitig sa akin. Napawi ang ngisi ko.

"Bakit ka po kasi nagtatawag ng ganoon sa iba?"

Natigagal ako at hindi agad nagsalita. Reflecting on my juvenile act earlier had me thinking that I was being immature and didn't even think of what he could have been feeling.

Paano pala kung siya ang narinig kong may tinawag na ganoon? What would I feel? Of course, I'd definitely be jealous unless it was his younger sister, albeit she's already gone. Pero kung ibang babae? No way.

At kahit pa sigurong sabihin na kaibigan ko lang naman ang sinabihan ko no'n at baklang diring-diri pa sa tawag ko, I don't think it's still a valid excuse or reason that he should not feel jealous or anything.

"I wasn't talking to anyone in particular but still, I'm sorry for doing that in front of you. Hindi ko na uulitin," I drawled and puckered my lips. "Saka... ikaw lang ang baby ko talaga. Bebe na lang tawag ko kay Ral para magkaiba kayo."

He smiled a bit. "Hmm? Sino na lang po ang baby mo?"

Bumaba ang tingin ko sa manipis niyang labi. My cheeks heated up. Holy cheese. Why the heck he sounded so soft yet sexy at the same time?

"Ikaw."

"My name is not 'ikaw' po." Tumaas pa ng kaunti ang gilid ng labi niya.

Mas nagbaga ang pisngi ko sa klase ng tingin niya sa akin habang nag-aabang ng susunod kong sasabihin.

"Si... Axe lang ang baby ko." Tumikhim ako. "Si Axe lang ang baby ko, okay? Si Axe lang."

His upper teeth showed like he was ready for a toothpaste commercial. Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at bahagyang lumayo kaya bumagsak ang balikat ko. Pinadyak ko ang mga binti sa kama nang nakabusangot at nakaangat ang mga braso.

"Kakainis naman 'to. Bakit mo ako binitiwan? I want to hug you longer!"

Hinila niya ang isa kong brasong nakaangat hanggang sa makaalis ako sa pagkakasandal. I pouted my lips when he pulled me closer to him as I lovingly encircled my arms on his waist and positioned my right cheek on his chest.

"Kumain ka na muna bago mo gawin ang assignment," he said softly.

He smelled lavender fabric conditioner. Idinikit ko pa ang tainga sa kanyang dibdib para marinig ang walang humpay na tambol sa loob nito. Humigpit ang yakap ng isang braso niya sa baywang ko habang hinahaplos niya nang marahan ang aking buhok.

"Alam ni Ral na nandito ka?" I asked and slightly raised my head to face him.

Tumango siya.

"Tapos na ba kayo sa ginagawa niyo?"

He shook his head. Ngumisi ako at pilit pinahaba ang leeg para halikan ang panga niya. The lump on his neck bobbled up and down. Bumuntong hininga siya at gumalaw ang mata para tingnan ako.

"Gusto mong dito ko na tapusin?"

Halos mahilo ako sa pagtango. He really knew what I was thinking, huh? He craned his neck to the side and the tip of his tongue rolled over his lower lip. Mabilis ang pagtingkad ng kulay dugo sa kanyang tainga at leeg.

"Baby?" malambing kong tawag. "Ayaw mo?"

"I'll a-ask your brother first—"

"You don't have to ask him first."

Numipis pa lalo ang labi niya at mariin akong tiningnan.

"No. He at least needs to know that I'll stay in your room in the meantime to finish our schoolwork. Kung ayaw mo, sa sala na lang tayo mag-aral..."

"That's boring!"

Bahagyang nanlaki ang singkit niyang mata. "What's boring?"

"Mag-aaral sa sala? I never study in our sala, Axe! Ayoko nga roon! Gusto ko rito."

Napailing siya. "Gusto mo rito dahil nakakapaglaro ka pa bago gumawa ng dapat mong gawin. Kaya hindi ka natatapos agad..."

"Duh, malamang dito ako mag-aaral kasi nandito ang study table ko!"

Hindi ko na napigilang magtaas ng boses dahil sa irita. Kinalas ko ang mga braso sa kanya at lumayo habang iniirapan siya. Nagparte ang labi niya sa ginawa ko at sinubukan pa akong hawakan sa braso nang iniwas ko iyon.

"Izzy..." He sighed. "Alright. I'm sorry, okay? Dito na tayo mag-aaral. Magsasabi lang ako sa kapatid mo—"

"Huwag na! I don't need you here, anyway. I can study alone so leave, Axasiel!"

Tuluyan nang tinakasan ng kulay ang kanyang mukha habang nasa hangin pa rin ang kamay. Inirapan ko lang ang dumaang takot sa kanyang mga mata at tumayo na sa kama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top