Chapter 17
Chapter 17
"Bakla, 'yong kaibigan natin ngumingiti na habang naggigisa."
I hummed as I stirred the carrots and onions occasionally in the pot. Nang mag-brown na ang sibuyas ay saka ko inilagay ang bawang at ang seared beef chuck na ginawa nila kanina.
"Guys, may asin kayo? Pahingi naman kami kaunti. Nawawala 'yong binili namin sa plastic, e."
"Kaunti lang, e, bakit may hawak ka ng sandok? Anong lulutuin niyo? Sinabawang asin?"
Nakangiti kong nilingon ang mga kagrupong nanonood lang sa akin. Pare-pareho kaming nakasuot ng chef's uniform at naka-hairnet dahil required iyon sa kitchen lab namin. May mga naka-toque pa nga pero hindi ko na inabala ang sariling magsuot pa nito. Ayos na ako sa hairnet basta ay walang nakatakas na buhok.
"Where's the wine? Wala pa pala rito."
"A-ah! Ito... wait lang," ani Joanne at tumalikod sa amin para kunin ang kailangan ko.
Para sa activity ngayon, kailangan naming magluto ng French dish at beef bourguignon ang napili namin. It's basically a red wine beef stew. Sa mga French dish kasi, isa ang wine sa mga essential ingredient. Kaya naman hindi puwedeng mawala ang wine lalo na rito sa niluluto namin.
Although the wine has alcohol content, the alcohol evaporates once heated, leaving only the concentrated taste or flavor of the drink along with other ingredients. Kaya naman hindi na ito nakalalasing kapag kinain.
"Danica, tara dito," tawag ko sa isang kagrupo.
"Ano pong itutulong ko?"
Tinuruan ko siya ng mga dapat niyang gawin. Sa grupo kasi namin, hindi namin hinahayaan lalo na kami ni Steffy na hindi makasubok ang lahat sa pagluluto. Kaya nga group activity. Dapat lahat magpa-participate lalo na sa ganitong bagay.
Napansin ko kasi na silang tatlo ay parang nahihiya laging tumulong kahit pa halata sa kanila na gusto nilang subukan. Tingin siguro nila ay kaya na namin iyon nang kami lang. Yes, I know that we can do this on our own but it is important to let them experience and do the work themselves.
Hindi puwedeng puro kami lang dahil sa tingin nila, kami lang ang mas nakakaalam ng gagawin. No. Dapat lahat kami matuto. Kung hindi pa sila marunong o hindi alam ang gagawin, nasa likod naman nila kami para magturo. Kasi kapag actual nang nasa trabaho, hindi naman puwedeng nanonood ka lang sa head chef o sa sous chef.
Maliban kay Aaron na pagala-gala lang sa kabilang mga grupo o 'di kaya'y tamang ganda lang diyan sa tabi. Dora na, minsan model pa.
"Pour the wine, then the beef broth," I instructed her.
"Gaano po karami ang wine?"
Ito pa rin ang problema namin madalas sa grupo. The mise en place. Dapat nakahanda na kasi ang mga gagamitin namin mula sa ingredients at equipment bago pa man kami magsimula. We need to familiarize ourselves with the recipe, the timing, and the technique that we should use.
Minsan nakalabas lang 'yong ingredient pero hindi pa nagagawa ang dapat gawin doon. Magdadaldalan kasi muna bago trumabaho at nakikigulo pa sa ibang grupo. Minsan, nakakalimutan din.
"Kunin mo 'yong bote tapos maglagay ka lang. Puwede naman 'yang tantiyahin. Sabihin ko na lang kapag okay na."
This is our third laboratory activity, and needless to say, it costs us to create a hole in our pocket. Sa karneng baka pa lang, magkano na. Idagdag pa ang wine. The cheapest we could buy is the Carlo Rossi. Okay na 'yon. Merlot wine naman ang isa sa mga recommended na gamitin para sa dish na 'to.
Inabot kami ng mahigit dalawang oras sa pagluluto. Pinunasan ko ang gilid ng mukha at leeg gamit ang face towel na nakasampay sa batok ko bago naupo sa tabi ni Mason. Tinanggal ko na rin ang suot na apron at ipinatong sa mesa.
"Plating niyo na," sabay siko sa kanya. "Tikman niyo pala muna kung okay na."
Inunat ko ang dalawang braso sa mahabang mesa at ipinatong ang kanang pisngi sa isang braso.
"Huy, plating na raw! Seth! Ikaw naman magaling diyan!" sigaw ni Aaron.
"Ba't kailangang manipa?!" si Seth.
"Arte mo naman, bakla. Buti nga hindi tadyak."
"Max, okay na ba 'yong costing?" I heard Steffy ask her.
"Uh, oo. Check niyo rin kung tama ba ang ginawa ko."
Kinuha ko mula sa bulsa ng chef pants ang phone at bumuntong hininga nang mabasa ang text ni Axe kung kumusta ang niluluto namin. Umayos ako ng upo at tinanggal ang suot na hairnet habang hindi inaalis ang tingin sa phone screen.
Izzy:
katatapos lang naming magluto. sayang, di kami nakaabot sa break time niyo. later at lunch na lang? sa tagpuan o(≧▽≦)o
Pinadulas ko ang phone sa mesa at itinapik-tapik ang dulo ng mga daliri doon. Napatingin ako sa kaklase naming lumapit at may hawak na bond paper.
Sarah smiled. "May evaluation form na ba kayo?"
Suminghap ako at nilingon si Steffy na kinakausap si Maxine.
"Steffy, may eval form na tayo?"
"Ha?" Lumingon siya sa amin. "Ay, wala pa, 'te. Pa-print ka na sa baba, Aaron!" siko niya sa katabi.
"Luh, ako na naman nakita mo. Ako na nga inutusan niyo kanina bumaba para mag-print no'ng ingredients. Si Mason, wala 'yang ambag, siya na lang."
"Kapal mo naman. Ako na nga naglinis ng mga ginamit natin kanina."
Sarah chuckled. "Huwag na. Ito na, oh. Nagpa-print kami ng sobra, just in case."
She handed me the bond paper she was holding. Binasa ko naman iyon at kumunot ang noo.
"Bwiset na mga baklang 'to. Nagsusumbatan pa ng mga gawain," bulalas ni Steffy. "Anyway, thank you, Sarah! Ano pala ang niluto niyo?"
"Ratatouille. Kayo?"
"Beef bourguignon," Mason replied. "Kayo pala 'yong nag-ratatouille. Patikim kami, ah?"
"Sure!" Sarah beamed. "Basta patikim din kami ng inyo. Mukhang masarap, e," she said and giggled.
"Gagi parang ibang tikim nasa isip ko," tawa ni Aaron.
"Sa dumi mo ba naman, hindi na ako magtataka." Mason smirked.
"Wow. Nahiya naman ako sa 'yo? Malinis ka, 'te? Malinis ka?"
"Sa patnubay, gabay, at talento ni Chef Izzy, sure akong masarap!" bida-bidang sambit ni Steffy.
Dalawa sa mga kagrupo ko ang bumaba sa faculty room para ipatikim at ipa-evaluate ang luto namin. Kuntento naman ako sa naluto namin.
Kaming natira naman ay nagsimula nang linisin ang mga gamit pati na ang puwesto. Clean, then sanitize. They are not the same, just to be clear.
Hindi sapat ang cleaning lang dahil ang mga visible na dumi at food residue lang ang natatanggal dito. Sanitizing is needed to kill the bacteria on the surfaces. Both should be applied before and after cooking.
Basic hygiene procedure to prevent cross contamination and minimize the levels of microorganisms to forestall food poisoning. Isa ito sa pinakamahalagang dapat alalahanin sa pagluluto dahil nakasalalay rin ang kalusugan ng taong kakain. Their health and safety is still our priority.
"Holy shit! Perfect tayo guys!" tili ni Seth nang makabalik sa lab habang ipinapaypay sa ere ang bond paper.
Nakasunod sa kanya si Joanne na may dala ng tray kung nasaan ang dalawang mangkok at utensils na may laman ng niluto namin. Pati ang ibang natirang kasama namin sa lab ay napatingin din kay Seth.
"Weh? Tingin!"
Pinagkaguluhan nila ang eval form na hawak ni Seth bago sila nagtalunan at naghiyawan.
"Ibang klase! Si Mrs. Dimatibag na sobrang taas ng standard, natibag niyo? First time!"
"Patikim nga kami ng sa inyo? Ano ba 'yon? 'Yong beef stew?"
"Hoy, Lloyd, bawal libreng tikim. Dapat exchange. Ano ka sinusuwerte?"
"Sana lahat na lang perfect sa eval. Kailan kaya kami makakatikim ng perfect score diyan?"
"Wala, e. Kagrupo ba naman si Izzy. Siya nagbuhat."
"Eme niyo. 'Di lang naman ako ang nagluto!" sabi ko at tumawa.
I couldn't help but to celebrate with my groupmates. Siyempre, pinaghirapan din namin iyon. Hindi lang ako ang dahilan kung bakit kami nakakuha ng perfect score. Kahit pa nga nagtatalo kami lagi lalo na sa simula, teamwork pa rin kami sa pagluluto.
"O, ano? Kani-kaniya nang tupperware, aba!"
Tumawa ako at nanguha rin ng sariling tupperware sa bag na dala. Malaking bag ang dala ko ngayon dahil sa mga uniform. Complete normal uniform, chef's uniform, pati ang gagamitin namin sa P.E. Tatlong pares naman na sapatos kaya talagang busog ang bag ko.
We equally divided our part for the dish. Tig-tatlong slice kami ng beef chuck. Marami nga ang naluto namin kaya nakapagpalitan pa kami ng tikim sa gawa ng ibang grupo.
"Hoy, sugapa talaga 'tong si Troy! Kinain 'yong buong slice ampucha!"
"Sarap! Lambot ng karne!"
Ngumiti ako nang makuha ang parte at tinakpan nang maayos ang tupperware. Marami naman ang sabaw kaya ayos lang siguro kina Ral at Axe kung tig-isa lang sila ng karne. Kung kulang, e 'di bili na lang din sa Dagohoy.
Itinabi ko muna iyon sa tabi ng bag ko bago kinuha ang pamalit para sa P.E. As usual, shirt at shorts lang pero nagsuot pa rin ako ng palda muna dahil bawal ang naka-shorts lang sa building namin tapos pagala-gala lang. Ayaw ko rin namang naka-shorts lang dito maliban sa klase ng P.E.
Inayos ko ang pagkaka-tuck in ng shirt sa palda bago lumabas ng banyo dala ang chef's uniform na maayos ko na ring itinupi. Nasa harap na ng salamin si Steffy at itinatali na ulit ang kanyang buhok. Hindi tulad ko, ang uniform namin mismo ang suot niya pero walang vest.
"Hindi ka sasabay sa amin kumain, 'no?" Nakataas ang kilay niya sa akin.
"Ipapatikim ko kay Ral at Axe 'yong gawa natin."
"Ah, baka naman mamaya iba na ang ipatikim mo sa isa diyan ha."
I snickered and slightly slapped her shoulder. "Tumigil ka nga diyan. Bawal pa 'yon, 'no!"
"Oh, bakit? Ano bang iniisip mong ipatikim sa kanya? Ibang putahe kasi!"
Hinampas ko siya ulit. Tinawanan niya lang ako at napailing. Sumabog ang buhok ko nang tanggalin ang tali ko roon. Bahagya akong tumagilid para tingnan sa salamin ang kumulot pa lalong buhok ko dahil sa mahigpit at matagal na pagkakatali nito.
Abot na ang haba nito hanggang pwet ko. Humarap ako nang maayos sa salamin at sinimulang ipunin ang buhok para itali iyon kahit ponytail lang. I used the scrunchie Axe gave me.
Next sem, platinum purple naman ang ipakukulay ko sa buhok. That shall look sensual, elegant, and mysterious at the same time. Mabuti nga at hindi pa mahigpit sa kulay ng buhok ang mga prof namin ngayon. Ewan ko lang sa mga susunod. Kapag bawal, e 'di mag-black shampoo muna.
"But seriously... did you guys already kiss?"
Bahagyang nagparte ang labi ko bago umusli ang gilid nito para sa isang mapanuyang ngisi.
"Ayoko ngang sabihin. Baka mamaya, ma-imagine mo pa..."
Her round eyes turned into slits. "E 'di nag-kiss na nga kayo?"
Umugong ang halakhak ko sa apat na sulok ng banyo. Tiyempong kaming dalawa lang ang narito kaya ang lakas ng loob kong tumawa nang ganito.
Hindi ko itinanggi pero hindi ko rin kinumpirma iyon sa kanya. That kind of thing should be kept in private between Axasiel and I. Although ang pamilya namin at si Harley rin ay may alam sa nangyari noon.
Steffy is my friend but that doesn't mean I can already trust her with all of my secrets now, especially that private topic. Ayaw ko ring tuksuhin niya ako tungkol doon kapag may nalaman siya. Madaldal 'yan kaya alam kong aabot sa tatlo pa naming kaibigan at magsasanib puwersa pa silang asarin ako.
Bahala na lang siya kung anong gusto niyang isipin.
Pagpasok namin sa lab ay naroon na ang iba naming kaklase na nag-aayos na ng gamit para sa pagluluto. Dalawang batch kasi kami ngayon at kami ang una kaya naman may libreng oras pa kami bago ang P.E. class.
"Nasa room 310 daw ang iba nating kaklase," ani Steffy. "Wala na ang mga gamit natin dito. Dinala na yata nila sa room."
Nagpahinga muna kami roon sa room dahil ilang oras pa naman bago ang sunod na klase. Pabalik-balik ang mata ko sa oras habang ikinukuyakoy ang kanang binti na nakapatong sa kaliwang hita habang nakaupo.
Umilaw at tumunog ang phone ko dahil sa text ni Raghnall. Hindi naman umalis sa pagkakahilig sa pader na katabi ang ulo ko nang basahin ang text ng kapatid.
Baby Ral:
Ate, ibigay mo na lang po kay Axe ang parte ko sana sa ginawa niyo. Hindi siya kumain kaninang break time dahil yung luto niyo raw ang gusto niyang tikman. Mauuna na ako sa bahay.
"Huy, kain na tayo," ani Seth kasabay ng pag-alog kaunti ng inuupuan ko.
Humikab ako at tumayo pagkatapos sipatin muli ang oras. Nagtipa ako ng mensahe para kay Axe at sinabi ulit na sa tagpuan ko na lang siya hihintayin.
"Alis ka, Izzy?" Mason asked with an arched brow.
"Oo. Sabay na kami ni Axe kakain nito," tukoy ko sa gawa namin na nasa tupperware.
"Gagi kapag ako siguro nagka-jowa na laging nagluluto para sa akin, tuwang-tuwa na ako, busog na busog pa," Aaron laughed beside Mason.
"E 'di mag-hire ka na lang ng cook. Tagaluto lang pala ang hanap mo," Steffy commented.
Iniwan ko na ang bag doon sa room at tanging ang tupperware, phone, at wallet lang ang dala. Bumili muna ako ng dalawang order ng rice sa suki stall namin sa Dagohoy bago pumunta sa likod kung nasaan ang Narra.
That's our spot. Hindi naman sa inaangkin kong sa amin iyon pero para sa aming dalawa, iyon ang tanging lugar dito sa eskuwela kung saan masasabi kong 'tagpuan' naming dalawa.
Hindi ko sigurado kung bakit wala masyadong pumupuwesto rito sa parte ng Dagohoy. Iniisip ko nga na baka may horror story behind this place na alam nila at hindi ko alam kaya ayaw nila rito. Anyway, kung meron man ay ayaw ko na ring malaman. Mas maganda nga na wala masyadong tao rito para mas may privacy.
Wala pa siya roon nang dumating ako kaya matiyaga akong naghintay para sa kanya. Pinaiikot ko sa daliri ang buhok habang nakapalumbaba at nakamasid sa paligid nang maramdaman ang presensiya sa kaliwa ko kasabay ng paglapag ng dalawang fruit shake cup sa aking harapan.
"Hi..." he greeted beside me, flashing a small smile.
Magulo ang kanyang buhok at bahagyang humaharang iyon sa kanyang noo. Gumuhit ang ngisi sa labi ko at hinarap ang katawan sa kanya habang nakapatong pa rin ang pisngi sa kamay.
"Tagal mo," I said and pouted, lifting my free hand on his hair to brush it up. "Anyway, ang sabi sa akin ni Ral ay hindi ka raw kumain kaninang break time niyo? Why?"
Alam ko naman ang sagot. I just wanna know if he'll tell me the truth that he's anticipating the dish we cooked for our lab activity.
Hinawakan niya ang pulso kong nag-aayos sa kanyang buhok at umusog pa palapit sa akin. I stared at him with mouth agape as his head flopped forward.
Naamoy ko ang Johnson's sa kanya nang halos idikit niya ang mukha sa aking leeg. Kasabay ng kiliti sa kalamnan ko ay ang paggapang ng init sa aking pisngi.
"Amoy baka," bulong niya at tuluyan ko nang naramdaman ang tungki ng ilong niya sa gilid ng leeg ko.
My breathing was pulled off. Hindi ako makagalaw at lalong hindi makapagsalita. Halos manakit na rin ang siko kong nakapatong sa batong mesa at namanhid na rin ang pisngi kong nakasandal sa palad. Hawak niya pa rin ang pulso kong nasa ere.
"Amoy baka si Izzy," ulit niya sa mababa pa ring tono at binuntutan ng marahang tawa, tila namamangha pa.
He finally disjointed our skin to skin contact. Inabala niya na ang sarili sa dala kong pagkain habang ako ay nakatulala pa rin.
I removed my elbow from the table and leaned my back against the bench. Sinapo ko ang dibdib na hindi magkamayaw sa pagwawala ng nasa loob. It felt like any moment from now, it would shatter caused by delirium he had planted in me.
Gumalaw ang ulo ko at nagtagpo ang mga mata namin nang maramdaman ang init na bumalot sa aking kaliwang kamay na nakapatong sa hita ko.
"Baby, let's eat..."
My eyes rounded at how suave those words left his sensual lips. Nailayo ko ang kamay sa kanya kaya nalaglag ang kamay niya sa lap ko.
His lips parted as he looked down at his hand. He withdrew his hand from my lap at once, and the hump on his neck moved.
"Sorry," sabi niya, halatang nagsisisi sa hindi ko alam na dahilan.
Nawala ang kislap sa mga mata niya nang ibalik ang tingin sa dala kong pagkain.
"What are you sorry for?"
Pinasadahan ng dila niya ang labi. "For making you uncomfortable... again."
Inipit ko ang mga labi at tinitigan siya. Nang hindi na nakatiis ay ako na ang lumapit sa kanya at patigilid na ipinulupot ko ang mga braso sa baywang niya. Ipinatong ko rin ang baba sa kanang balikat niya at tinitigan ang nakatagilid niyang mukha sa akin.
Palagay ko'y pati ang puso niya yata ay huminto sa pagtibok dahil sa ginawa ko, inunahan lang ng kanyang kamay na abala sa plastic kanina. Gumalaw ang panga niya at nag-iwas pa lalo ng tingin sa akin. His ears were turning pink.
Ah, how I really love that he's so transparent.
"But I don't feel uneasy with you, Axe," I whispered and tilted my head, letting my cheek rest on his stilled shoulder.
Naramdaman ko ang mabagal na paggalaw ng tiyan niya. Hindi pa rin siya nagsalita kaya ipinagpatuloy ko ang sinasabi.
"Nagulat lang ako sa ginawa at tinawag mo sa akin. But... not uncomfortable."
Kinagat ko ang labi nang marinig ang buntong hininga niya.
"I don't care if I stink but you can smell me again whenever you want to. Call me baby whenever you want to. Hold my hand whenever you want to. And... you can hug me like this whenever you want to. My heart gets excited if you do that, Axe."
"But you never smell bad," he murmured.
My lips tipped down. "I didn't apply perfume or cologne. Nagluto kami kanina kaya alam kong amoy pawis, usok, at ulam ako. Amoy baka nga ako, sabi mo."
Nanginig ang tiyan niya sa mahinang tawa. Hinawakan niya ang kamay kong nakapulupot sa kanya at sinubukang tanggalin pero hinigpitan ko lang.
"I said, you smell like beef... na sigurado akong iyon ang niluto niyo. Wala naman akong sinabing mabaho ka."
"Gano'n din 'yon, e!" Sabay nguso ko.
"No, it's not."
Hindi niya tinanggal ang braso ko sa kanya pero hinarap niya na ang mukha sa akin. Inangat ko ang mukha galing sa balikat niya para harapin din siya. His heavenly brown orbs were directed on mine.
"I've always wanted your after-cooking scent to invade my nose. Tuwing nagluluto ka sa bahay niyo, gusto kitang lapitan. Hindi ko alam pero... gusto kong amuyin ka pagkatapos mong magluto. Gusto ko ang amoy ng pagkaing niluluto mo na dumidikit sa balat mo. Kahit medyo malayo, ayos lang. I just want to smell your distinct redolence after doing something you love..."
Bahagyang bumaba ang pilikmata niya, iniiwasan na ngayon ang tingin ko. Ako naman ay nanatili sa pagkakatitig sa kanya, namamangha dahil sa haba ng sinabi at sa laman nito.
"I love how you look so passionate whenever you prepare and cook for us. I love how your eyes shine whenever our mouths relish the product of your talent and skill. I love how you hold your horses to see our reaction without asking anything. I love... you..." At ibinalik niya na ang mga matang puno ng sinsero sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top