Chapter 13
Chapter 13
"Guys, sino pa ang walang kagrupo? Kulang pa kaming tatlo!" sigaw ni Steffy sa buong klase. "May chef kami rito. Bubuhatin tayo dali!"
Bahagyang hinila ni Mason ang buhok niya. "Gaga! 'Yong nanay niya 'yong chef!"
Tumawa lang si Steffy.
Katatapos lang ng discussion namin sa Kitchen Essentials and Basic Food Preparations. Isa sa mga major subject namin ngayong first sem na alam kong medyo confident ako.
Siyempre, dito ko mailalabas ang cooking skills ko na itinuro sa akin ni Mama. Though, I know that my knowledge and skills are still at a primary level. Generally, basic pa lang din naman ang alam ko at itinuturo sa amin ngayon.
Marami pa akong kakaining bigas.
Busy ako sa phone habang sina Steffy at Mason ang naghahanap ng ibang kagrupo. Sina Aaron at Seth naman ay nagdadaldalan pero isa sa kanila ang naglilista na ng pangalan namin sa 1/4 sheet of paper.
"Uh... p-puwede kaming makigrupo?"
My gaze from the phone screen shifted to the person who spoke. Napaayos ako ng upo. Tatlo sila, sakto para makumpleto na kami.
"Sino muna ang pinakamaganda sa amin?" tanong ni Seth.
Nilabas ko ang lollipop sa bibig at ngumuso. Ang mga katabi ko ay abang na abang sa isasagot ng tatlo. Kilala ko ang tatlong ito bilang mahiyain pagdating sa recitation pero halimaw sa mga quizzes.
I chuckled when they seemed so nervous as they bestowed us each a glance.
"Lista niyo na..." sabi ko at sumilip sa kanan. "Aaron!"
"KJ! Ililista namin kayo pero sino nga muna ang pinakamaganda sa amin?" pilit pa rin ni Steffy at tumayo para mag-pose.
Hindi naman nagpatalo ang tatlo at nag-pose din. They are really intimidating these three.
Kung tutuusin, sina Aaron, Mason, at Seth ang masasabi kong pinakaguwapo sa section namin. Naging crush ko nga saglit si Mason pero noong sinabi ko 'yon sa kanya, kinilabutan daw siya.
Malay ko ba naman na pareho pala kami ng gusto? Lalaking-lalaki kasi noong nagpakilala siya sa harap para sa introduction. Sina Aaron at Seth, lantaran ang pagpilantik ng mga daliri.
May ilang nagsasabi na sayang daw sila. Naisip ko naman... bakit sayang? Anong sayang sa pagiging parte ng LGBTQ+ community? Oh, well... I guess that's fine as long as they don't disrespect the community since we really have different views and beliefs.
"Dali na, girls. Promise, walang magagalit!" si Seth. "Sport tayo rito!"
"Tao tayo, 'te, hindi sport. Pero 'yang mukha mo, mukhang bola naman kaya sige," Mason chimed in.
"So, sino nga? Ang tagal naman. Turo niyo lang. Walang personalan!"
"Sa aming apat lang, ha! 'Di kasama 'yang si Izzy!"
My phone vibrated and I eagerly checked who texted. An automatic smile surfaced on my lips.
Baby Axe:
Is your class still on going, Ate Izzy? No need to reply if yes.
Tumaas ang kilay ko. Tingnan mo 'to, nagtatanong tapos ayaw rin akong sumagot.
Izzy:
yes, maaga nagdismiss. we still have 4 hours vacant before our P.E. class.
Limang oras kasi ang subject na ito. After the first three hours, we have half an hour break before the next remaining hours. Laboratory kasi kaya matagal pero hindi naman nasusunod talaga ang oras dahil depende rin sa discussion at trip ng prof.
Kapag discussion lang, maaga talaga natatapos. Kapag laboratory activity, doon talaga magtatagal. Mula preparation hanggang sa evaluation, kasama sa five hours. Natural na hahatiin din nang patas ang oras dahil hindi naman kayang sabay-sabay kaming 40 students ang gumamit ng kitchen lab.
Steffy's girly squeal resounded which resulted for the three to strike her. Siya pala ang pinili ng mga babae na pinakamaganda raw at siyempre, hindi pumayag ang tatlo na siya ang nanalo kuno.
"Aray ko! Mga walang hiya kayo! Sabi niyo sport at walang personalan!"
"Kung ikaw lang din naman, walang sport-sport dito at may personalan!"
Napailing ako sa kanilang apat at kinuha ang papel at ballpen sa arm rest ng upuan ni Aaron. Sinenyasan ko ang tatlo bago ako tumayo at lumayo sa mga kaibigang nagrarambulan.
"Danica Fernando, Maxine Abad, at Joanne Mae Pascual..." banggit ko sa pangalan nila. "Tama ba?"
Tumango silang tatlo.
"Dalawang 'n' po 'yong Joanne ko."
I nodded. "Gagawa na lang ako ng gc tapos i-add ko kayo, siyempre." Humalakhak ako.
After writing their names on the piece of paper, I let them check it again before I passed it to our class president.
"Sinong leader niyo?" tanong ni Vivien habang nakatingin sa papel namin.
"Ay, wala pa ba?"
Kinuha ko sa kanya ang papel at binasa ulit ang mga pangalan. Nilingon ko ang apat na nasa likuran bago ko sinulatan ng 'Leader' ang tabi ng pangalan ni Steffanie.
I smirked inwardly.
Nagyaya silang mag-Dagohoy muna kaya pumayag na rin ako. Iniwan na muna namin ang bag sa room dahil oras pa rin naman namin doon at naroon pa ang karamihan sa kaklase namin. Pare-pareho kaming walang vest nang lumabas dahil mainit. Ang cuffs ng long sleeves ko ay nakatupi hanggang siko.
"Mag-lunch na ba tayo? Aga pa, e," sabi ni Aaron habang naglalakad kami pababa ng building.
"Mamaya na tayo pumunta sa Dagohoy. Sa main muna tayo!" Steffy suggested with extreme delight.
"Ay, shet, oo tara!" Seth agreed. "May bet ako roon sa senior high! STEM student!"
Halos mabilaukan ako sa sariling laway sa narinig. Seth glanced at me with elevated brow and a sly smirk plastered on his face.
"Bakla ka. Bet mo na senior high? Medyo bata pa ang mga 'yon pero baka puwede na." Tumawa si Mason.
"Ngi, Seth, tirador ng senior high!" pang-aalaska ni Aaron.
"Ako nga ba talaga ang tirador ng senior high dito?"
"Sino bang titingnan natin doon? Alam mo ang pangalan? Section?" kuryusong singit ni Steffy at tumingin sa akin. "'Di ba STEM student 'yong kapatid mo, Izzy? Baka matulungan tayo maghanap?"
"Oo nga, Izzy. Baka kilala ng kapatid mo? Guwapo 'yon, e. Kasingtangkad din siguro namin. Maputi... saka chinito."
Hindi nawala ang tingin sa akin ni Seth habang nagsasalita siya. I completely devoured my tongue as questions flooded my mind because of Seth.
Does he know something? Did he... see us last night? Hindi ba siya umuwi agad noong pinauna ko na?
Still lost in my profound thought, I found myself walking with my friends along the corridor of the west wing of the main building. May mga nagkalat na senior high students base sa uniform at lanyard na suot nila. May mga college student din na naka-casual attire lang.
"Saan ba rito?" Steffy asked.
Lumingon sa akin si Seth. "Hmm... saan ba ang room ng kapatid mo, Izzy?"
"Huh? Hindi ko alam..."
Biglang tumigil sa paglalakad si Aaron sa harap ng kumpol ng estudyante kaya natigilan din kami. They are wearing blue lanyards which means they are also STEM students.
"Be, may kakilala ba kayong..." he paused and turned to me. "Ano nga ulit ang pangalan ng kapatid mo?"
"Raghnall," I replied.
"Ayun. May kilala ba kayong Raghnall? 'Yong maputi saka chinito. Grade 11, STEM din."
I pressed my tongue against my cheek, sniggering. He was probably referring to and describing Axasiel. Ang alam pa rin kasi nila ay kapatid ko ito. Hindi ko naman tinatama.
"Raghnall? May kilala po kaming Raghnall pero 'yong maputi at chinito yatang tinutukoy mo ay si Axasiel?" sagot ng isa. "Magkaibigan po sila at laging magkasama."
"Eh? Saan ba ang room nila, be? Alam mo?"
"Ah, opo. Room W421 po 'yong STEM 11-A."
"Thank you!"
"Raghnall is my brother," sabi ko sa kanila. "Pero 'yong tinutukoy niyo ay si Axe. 'Yong pumupunta sa building natin? He's not my brother."
"Eh?!" sabay-sabay na reaksyon ng tatlo maliban kay Seth.
My shoulders cringed when suddenly, Seth's arm snaked around my waist and pulled me closer to him. Nakakunot ang noo ko nang binalingan siya.
"Hoy, crush mo na ako?"
Natatawa pa ako noong una pero nang nakitang may tinitingnan siya, napasunod din tuloy ako ng tingin. My eyeballs almost bulged out as I spotted Ral and Axe walking in our direction. They were both holding a can of pineapple juice and an unidentified food in a plastic in their other hand, I guess.
Lumipat pa ang tingin ko sa katabi ni Axe na babae. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan dahil hindi pa tumitingin dito si Axe. The girl's wearing thick-rimmed eyeglasses and her long hair's in a high pony tail.
Napahawak ako sa buhok na ganoon din ang tali. Gamit ko ang scrunchie na ibinigay ni Axe.
"Ate Izzy, anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Ral nang medyo nakalapit na sila.
That was the cue for Axe to divert his attention in front of him. Umawang ang labi niya nang makita ako pero agad ding lumipat sa katabi ko... at bumaba pa sa kamay ni Seth na nasa baywang ko.
"Hi! Ikaw 'yong kapatid ni Izzy, right?" bati ni Steffy sa palakaibigan na tono. "Raghnall?"
Ral's reluctant eyes fluttered to her. "Yes po."
"Oh! Ikaw pala ang kapatid niya. I thought it was him!" Aaron pointed at Axe who was looking down.
I feigned a cough. "Ah, Ral. These are my friends..."
Pinakilala ko sila isa-isa pero tingin ko ay wala namang pakialam si Ral.
"Ito naman si Seth..." sabi ko habang sinusubukang tanggalin ang kamay niya sa tagiliran ko.
"Boyfriend niya nga pala." Naglahad siya ng kamay sa harap ng kapatid ko. "Nice to meet you... future brother in law, I suppose?" he continued with forced baritone voice.
Our three other friends almost broke off their heads from their bodies as they turned to Seth.
"Huh? Kailan pa?!" gulat na gulat nilang tanong.
Laglag ang panga kong nakatitig lang kay Axe na biglang nagbago ang ekspresyon ng mga mata. There was no fold on his forehead nor his brows knitted, but his eyes were sharper than our household knives. Nakadirekta iyon kay Seth.
Si Ral naman ay binuksan lang ang dalang canned juice at uminom doon, halatang hindi naniniwala.
"Charet!" bawi ni Seth sa malandi na ulit na boses. "Asa pa, 'no. Hindi kami talo! Yuck!"
He finally retrieved his arm from me as though he had just held the most disgusting thing in the world.
Wow, the audacity?
I snorted at him and rolled my eyes. Nadaanan ng tingin ko si Axe at ang mga matatalim na mata kanina ay bigla na lang ulit umamo nang tumingin sa akin. The talent of those brown orbs!
Ngumiti ako sa kanya.
"Ate, balik na kami ng classroom. Patapos na ang break time namin," agaw pansin ni Ral.
It was so blatant that Seth really knew something that our other friends did not, though he wasn't saying anything about it. Naglibot na lang kami saglit sa main at nang napagod sa kalalakad ay bumaba na papunta sa Dagohoy.
Binuksan ko ang phone habang naghihintay sa order naming pagkain. I jutted out my lips after reading Axasiel's message.
Baby Axe:
Please don't skip your lunch. Eat well.
Izzy:
bumibili na kami ng food. can we meet later?
My thumb brushed my bottom lip as I waited for his reply. Nakuha na namin ang biniling pagkain at nakahanap na kami ng puwesto pero wala pa rin siyang reply. He's probably in the class and I understand that he's not the type of student who uses his phone during lecture.
Inabot din kami ng isang oras sa Dagohoy bago kami bumalik sa room. Ang iba sa mga kaklase ko ay kumakain, natutulog, o 'di kaya ay abala sa phone. Nagkaroon na rin kaming lima ng sariling mundo kaya tutok na naman ako sa phone.
Wala pa ring reply si Axe kaya nag-text na rin ako kay Ral kahit pa alam kong hindi rin siya magre-reply agad kapag nasa klase. But I was stupefied for a few minutes when I received an instant reply from him.
Baby Ral:
Bakit po, Ate?
Izzy:
nagtetext ka sa klase!!! sumbong kita
Baby Ral:
I won't reply if we're in the middle of the class.
Alam ko... kaya nga nagtataka ako. Bakit siya, nag-reply? Si Axe, hindi?
I swept away the unnecessary thoughts that began forming in my mind. He's probably doing something more important. Makapaghihintay naman ang text ko.
Ipinatong ko ang kanang pisngi sa arm rest at tumulala pero nang naramdaman ang pagyanig nito dahil sa phone ko ay agad ako ulit napaupo nang maayos.
Harley:
Babe, yung bata mo nakita ko. May kasamang babae. Payag ka nun? Lmao
My nose flared at her taunting message. Mariin at mabilis akong nag-type.
Izzy:
saan?
Harley:
Sa clinic ata punta kasi buhat niya yung babae? Not sure. Baka nadapa or something then he just helped her?
I swallowed the chunk in my throat and didn't bother to reply. Isinubsob ko na lang ulit ang mukha sa ibabaw ng braso na nakapatong sa arm rest para umidlip.
Wala akong gana noong oras na namin para sa P.E. class. Wellness dance na naman kasi, e. Taon-taon na lang talagang hindi mawawala 'yan, ano? Marunong naman akong sumayaw pero nakakaumay talaga. Kairita pa dahil ala una ang klase, e, ang init-init dito sa oval.
Sino bang nag-aayos ng schedule at bakit may nagtatapat ng oras sa P.E. subject sa ganitong oras? Fine, hindi naman lahat pumupunta nga sa oval tuwing P.E. pero paano naman kaming kailangang nandito kahit tirik ang araw? Kahit pa sabihing may lilim naman kahit kaunti dahil sa puno, hindi naman lahat ay nasisilungan lalo na kapag nag-formation.
"Okay, water break!"
Nagsibalikan muna kami sa cottage kung nasaan ang mga gamit namin. Kinuha ko ang towel na nasa aking likod at pinampunas na rin sa gilid ng mukha at leeg. Napahilamos ako sa mukha nang makitang wala nang laman ang tumbler ko.
Pagod kong nilingon ang mga kaibigan para manghingi ng tubig. Ayoko nang bumili pa sa canteen o Dagohoy dahil sobrang init talaga.
"Ten pesos kada lunok, ah," sabi ni Aaron habang lumalagok ako sa inuman niya.
Muntik ko nang mabuga sa kanya ang tubig. Tumawa siya at binalingan na ang mga kaklase namin para makipagdaldalan.
I mopped my mouth using the back of my hand and released an audible sigh. Binalik ko na rin ang tumbler kay Aaron at isinandal ang puwet sa gilid ng mesa dahil wala nang puwedeng upuan. Inulit ko ang tali sa buhok at ginawa na lang bun iyon.
Mabuti na lang talaga at puwedeng mag-shorts kapag P.E. Marami naman sa amin ang naka-shorts, mapababae o lalaki. Last class na rin naman namin ito ngayong araw kaya hindi na problema kung malukot ang uniform sa bag dahil hindi na namin gagamitin.
"Condo tayo mamaya?" anyaya ni Steffy. "After nito."
"Arat! Maaga naman tayo matatapos."
I just agreed with them. Our practice resumed until we were all exhausted and near to melting because of the scorching heat.
Nagpalit lang kaming lima ng shirt pagkatapos ng klase bago pumunta sa condo ni Steffy. Mag-isa lang siya roon pero umuuwi naman sa bahay nila tuwing walang pasok kinabukasan.
"Gusto niyong mag-swimming? Puwede namang gamitin 'yong pool sa ibaba."
"Lah, ba't hindi mo sinabi agad? Wala kaming extra na damit," ani Seth.
"E 'di mag-boxer na lang kayo. May dryer naman dito, e."
"Boxer lang, e 'di bakat?" Aaron laughed.
Binato ni Mason ng throw pillow si Aaron. "May babakat ba diyan? Parang wala naman. Tara na!"
"Paano ako?" Sabay turo ko sa sarili.
Nagtinginan silang apat sa akin hanggang sa binato rin ako ni Mason ng unan sa mukha. I scowled and threw the pillow back at him but he was quick to avoid it.
"Para fair sa kanila, mag-panty ka lang," Steffy suggested followed by giggles. "Charot! May damit naman ako rito, girl. Ikaw lang ang mapapahiram ko sa inyong apat."
Ganoon nga ang nangyari. The three of them were only wearing their boxers or shorts while Steffy and I were on our cycling shorts and tank top.
"Picture tayo!"
Hindi ko alam kung swimming pa ba 'to dahil ang mga bakla, nag-pictorial na sa pool. Tagasaboy na nga lang ako ng tubig sa mukha nila para manggulo saka tatawa.
"Izzy, epal! Kampon ng mga beki, maghiganti!" sigaw ni Aaron na siyang nagpamilog sa mga mata ko.
Dahil nasa tubig ako, lumangoy ako agad palayo roon sa kanila nang mag-dive sila. Tumili ako habang tumatawa nang maramdaman ang braso nila sa braso at tiyan ko.
"Hoy! Huwag diyan! May kiliti ako diyan!"
"Huwag diyan, sige relax ka lang!" they continued with the familiar tune.
Hindi ko alam kung saan ba ako magrereklamo at iiyak o tatawa. Sa pangingiliti ba nila o sa pagbuhat nila sa akin paalis ng pool at walang awa akong hinagis ulit pabalik doon nang walang kahirap-hirap.
Nakasimangot akong umahon sa pool at hinawakan ang ilong na napasukan ng tubig. Tumatawa ang tatlong bading kasama si Steffanie na nakatapat sa akin ang phone.
"Izzy! Ang ganda mo diyan! Pose ka dali! Pang-IG!" she even urged me.
Ako naman si uto-uto, nag-pose nga habang nasa tubig. Hinawi ko muna palikod ang buhok. I tilted my head with slightly elevated chin and ajar mouth.
"Noise!" she shouted and angled her phone. "Isa pa! Smile naman."
Sinunod ko ang utos niya hanggang sa umakyat na ako mula sa pool para tingnan ang mga kuha ko sa phone niya. Hindi pa siya nakuntento at kinuhanan na rin ako ng whole body habang wala sa pool. Meron ding 'yong kasama sila.
"Post mo sa IG. Ganda mo diyan, 'te," komento ni Seth. "Hindi halatang kahahagis lang sa pool."
Inaasar pa nila ako pero inabala ko na ang sarili sa pagpasa ng mga pics sa phone ko. Nakaupo lang ako sa isa sa mga lounger na nasa ilalim ng puno at nakabalot ng tuwalya habang sila ay naroon na sa pool at naliligo.
My notifications on Instagram blew up right after I posted my pictures. Mamaya ko na sana titingnan iyon nang napukaw ng atensiyon ko ang mensahe galing kay Ral sa IG.
rxghnxll: I thought you were with Axe, Ate? He said he'd be meeting you after your class.
Napapunta ako bigla sa messages at napahawak sa bibig nang makita ang limang text galing kay Axe.
Baby Axe:
Sorry for the late reply, Ate. Kacha-charge lang ulit ng phone ko dahil na-low batt. Hintayin po kita sa Dagohoy pagkatapos ng klase niyo.
Tapos na po ba kayo? Dito lang po ako sa puwesto natin kahapon sa Dagohoy.
Ate Izzy? Saan po kayo? Puntahan na lang po kita para hindi ka na mapagod.
Nasa bahay ka na po ba? Sorry for texting you a lot. I hope you're okay, Ate Izzy.
Are you mad at me, Ate Izzy? I can't ask Ral if you're already home because he knew I'll be meeting you here at school. I'm sorry for bugging you but I'm really worried. Please let me know that you're safe and I'll be okay.
Bumagal ang paghinga ko kasabay ng pag-init ng sulok ng mga mata. Kinagat ko nang mariin ang nanginginig na labi nang may pumasok ulit na mensahe mula sa kanya.
Baby Axe:
I saw your posts... I'm glad to know that you are safe. Thank you for erasing all my worries, Ate Izzy. Ingat po kayo pauwi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top