Chapter 10

Chapter 10

"Bakit may bold dito?" sigaw ng kung sino na siyang nagpahiwalay sa akin kay Axasiel.

My heart drubbed achingly as I turned around only to see Tito Miko. My mouth opened to speak but when my eyes drifted to the person just behind him made me pray that the ground would open and shall just swallow me alive.

"P-Papa..." I gulped.

Perplexity embodied their visage. Salitan ang tingin nilang dalawa sa amin ni Axe hanggang sa nagsalita si Tito Miko.

"'Nak naman, ba't dito niyo pa sa sala ginawa 'yan? May kuwarto naman tayo."

Kumunot ang noo ko. Nakangangang hinarap ni Papa si Tito Miko.

"Gago ka ba?" bakas ang galit sa tono ni Papa. "Anak ko 'yang hinalikan ng anak mo tapos ganiyan ang sasabihin mo sa harap ko?"

"Anak ko rin ang hinalikan ng anak mo, Vince—" Napailing si Tito Miko at hinarap kaming dalawa ng anak niya. "Kayong dalawa, ano ba kasing iniisip niyo at naghalikan kayo rito?"

I licked my lips, readying to explain. "Tito, ganito po kasi 'yon—"

"Tito Vince... gusto ko po si Ate Izzy," kalmadong sinabi ni Axe mula sa likuran ko.

Maagap ko siyang nilingon at pinandilatan. His face was still a tomato and impassioned was displaying in his eyes.

"Axe, ano bang sinasabi mo?" Napabalik ang tingin ko sa dalawang matanda. "Pa, Tito, A-Axe was just kidding—"

"Isra," matigas ang banggit ni Papa sa pangalan ko. "Tara sa bahay at mag-uusap tayo."

"Axasiel, mag-uusap din tayong bata ka," mas kalmadong sabi ni Tito Miko sa anak.

Matalim ang tingin ni Papa sa kaibigan niya. "Umayos-ayos ka, Miko. Kausapin mo nang maayos 'yang anak mo at baka gusto mong ipagawa ko na ang lapida mo."

"Bakit anak ko lang ang dapat kausapin dito? Kausapin mo rin 'yang anak mo, bisente! Mas matanda 'yan sa anak ko!"

"Lalaki ang anak mo—"

"Tangina, bakit ba tayo nagtatalo agad dito, e, hindi pa naman natin alam kung ano ba talaga ang nangyari? Puwede bang kausapin muna natin ang kani-kaniyang mga anak?"

"Ah, oo nga pala. Isra, sinabing tara na sa bahay!" si Papa at agad akong nilapitan.

Litong-lito pa ako sa kung ano ang dapat gawin at sabihin pero nakita ko na lang ang sarili na kinakaladkad ni Papa pabalik sa bahay namin.

I know I was to blame for what happened. I initiated the kiss. Instead of proving a point, I just provoked him to do something amiss. I led him...

Gusto kong sabunutan ang sarili. Axe was still young and innocent. Dinumihan ko lang lalo ang isip niya dahil sa ginawa ko.

Pero... bakit ganoon siya humalik? I've kissed men, and I could tell who's experienced or not. I believe that Axe is an epitome of modesty and chastity, so how the bloody hell did he learn to kiss like that?

That soul-eater kiss.

Oh my God, Izzy. Ano ba 'yang iniisip mo? Mali ang ginawa mo. Mali rin na ipagkumpara ko pa ang nagawa ko sa kaniya sa ibang tao.

"Magbihis ka at bumaba rin agad, Isra. Mag-uusap tayo," Papa grimly said before letting go of my arm. "Sinasabi ko sa 'yo... bumaba ka agad."

Nakayuko akong naglakad paakyat sa hagdan. Muntik pa akong mabunggo ni Ral na pababa dahil sa pagmamadali ko.

"Dahan-dahan, Ate..." he reminded me.

Nilubog ko agad ang sarili sa kama nang makapasok sa kuwarto. I was still wearing my shoes and if Mama found it out, she'd definitely scold me.

Gumulong ako sa kama hanggang sa makatunghay at tumulala sa kisame. I placed my arm on my forehead and contemplated.

Kasalanan ko. I would just tell them that I was the root of predicament between the two of us and that he should be free from any responsibility. Ako ang mas matanda pero ako pa ang naglagay sa kanya sa kahihiyan.

Patapos na ako sa pagbibihis nang sunod-sunod ang katok sa pinto na animo'y gusto nang sirain iyon. Inayos ko ang laylayan ng string top na suot bago binuksan ang pinto.

"Pa..."

Nakasandal ang isang braso niya sa pader at nasa baywang ang isang kamay. Pinasadahan niya ako ng tingin bago tumayo nang tuwid at tinalikuran ako.

I followed him silently down the stairs. Nasa likod ko ang mga kamay at pinipisil ang mga daliri. I chewed my bottom lip when I spotted everyone on our living room.

Ano 'to? Bakit nagtipon-tipon talaga lahat?

Nasa mahabang sofa nakaupo sina Tita Dias at Axe. Meanwhile, Mama and Raghnall occupied both of the single ones. Nakatayo naman si Tito Miko sa gilid ng sofa at may sinasabi sa kanyang asawa.

"Papa, ba't naman po nandito pa pati si Ral?" mahina kong reklamo.

Para namang namamanhikan ang dating namin ngayon. Ipapaliwanag ko lang naman ang nangyari at magso-sorry. I'll hold myself responsible. Hindi naman kailangang ganito pa kami mag-usap!

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Embarrassment crept to me as my eyes landed on my mother. I could perceive the dismay in her eyes and it was an invisible arrow that hit me. Ral, on the other side, was keeping his composure. Ang mga mata niya ay nasa lamesita lang.

Tumikhim ako. "Uh... about earlier... it was my fault po—"

"Izzy," tawag ni Tita Dias kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko. "Do you know that our son here, Axe, likes you?"

Nabulunan ako sa sariling laway. My fingernails dug into my palm as my gaze shifted to Axe beside her. He was looking away from me.

"Tita Dias... I'm sorry po..." Napalunok ako. "I never intended to lead him or anything to like me. He's a brother to me and I'm just a sister to her... 'di ba, Axe?"

Halos mabingi ako sa lakas ng tambol sa dibdib ko. I'm anticipating him to agree with me so I can take full responsibility of what happened earlier.

Walang lumabas na salita sa mga labi ni Axe kaya ang ama niya ang nagsalita para sa kanya.

"Inamin niya kanina sa harap namin ng ama mo na gusto ka niya, Izzy," ani Tito Miko.

"It's a misunderstanding, Tito Miko. Gusto niya po ako bilang kapatid!" medyo defensive kong sagot.

"Ang sabi ni Axe ay siya raw ang unang... humalik sa 'yo kanina. Totoo ba, anak?" mahinahong tanong ni Mama.

Gumapang ang init ko sa mukha at umiling. Why would Axe lie to them? Bakit niya pa ako kailangang pagtakpan? Dahil sa sinasabi niyang gusto niya ako? Tingin niya, kapag ginawa niya iyon ay bibilib pa ako sa kanya?

No. I won't. Never.

"Ma, ako po ang n-nauna." Huminga ako nang malalim. "Ako po ang humalik kay Axasiel."

Kitang-kita ko ang sabay-sabay na pagkalaglag ng panga nina Mama at Tita Dias pati na ang sabayang paglingon ng ulo nina Papa at Tito Miko sa akin.

"Ate Izzy." Tumayo si Axe at mataman akong tiningnan.

I lifted my chin and fixated my eyes on him. "Totoo naman, Axe. I kissed you first and it was a big mistake."

Dumaan ang sakit sa kanyang mga mata. His teeth captured his lip and shook his head. Hinawakan ni Papa ang braso ko at pilit akong hinaharap sa kanya pero nanatili ang tingin ko kay Axe.

"'Nak, akala ko ba kapatid ang turing mo sa kanya? E, ba't mo hinalikan?"

I reflected about it many times. Kahit ano pang idahilan ko, mali pa rin ang ginawa ko.

God, I shouldn't have kissed him. Kumakabog ang dibdib ko sa takot at kaba. Kung may dapat pagalitan dito, ako lang iyon. Kaya lang, hindi rin nito mabubura ang katotohanan na napahiya rin si Axe dahil sa akin.

"That's why I want to apologize and accept the consequences of my action. Handa rin naman po akong layuan si Axe para hindi na siya maguluhan sa nararamdaman niya."

"Oh, si Izzy naman pala ang nagsimula," tila nanunuyang sabi ni Tito Miko. "Hindi ba dapat ay panagutan mo 'tong anak ko imbes na layuan?"

"Miko," Tita Dias warned him.

"Anong panagutan? Hinalikan lang, pananagutan na? Mabubuntis ba 'yang anak mo dahil lang sa halik ng anak ko? May matris ba 'yan? Ha?" Papa shot back.

"Third, ano ba? Huwag kayong magsigawan sa harap ng mga bata," saway ni Mama sa kanya.

"Mas matanda ang anak mo, pre. Saka siya nga ang nauna, 'di ba? Sabi niya naman, handa siyang tanggapin ang consequence ng ginawa niya—"

"Pa," Axasiel interrupted his father from speaking. "Ate Izzy will not be taking any responsibility for what happened."

Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang matandang nagbabatuhan ng salita pero napunta rin iyon kay Axe nang magsalita ito. Kumunot ang noo ko sa namumungay niyang mga mata at namumutlang labi.

Bakit parang ang tamlay naman ng itsura niya? Is he cold or something? Malamig naman dahil sa aircon pero bakit may namumuong pawis sa noo niya? Halata iyon dahil nangingintab ang balat niya.

"She kissed me and it was a mistake for her. But I kissed her back... and even if it means something to me, I won't seek accountability. Let's just put an end to this meaningless discussion..." napapaos ang boses niyang sinabi.

Ang pag-aalala sa mga mata ni Tita Dias habang nakatingin sa anak ay mas lalong nagpa-guilty sa akin. Tita Dias has always been kind, lively, and generous whenever she visits us in our house. Seeing her leave our house with troubled expression saddened me.

Certainly, Axe inherited all her soft profile. Pareho rin namang madaldal si Tita Dias at Tito Miko kaya hindi naman ako sigurado kung saan ba nakuha ni Axe ang pagiging tahimik nito. Kung hindi lang dahil sa singkit na mga mata ni Tito Miko na namana ni Axe, iisipin kong hindi siya ang ama nito, e.

"Ma, akyat lang po ako sa kuwarto ko," pagod kong paalam nang makaalis ang mga bisita.

Nasapo niya ang mukha pero tumango rin nang hindi nagsasalita. Nakahalukipkip na nakaupo si Papa at tila nananantiya ang tingin sa akin.

Sumimangot ako sa kanya bago nagtungo sa hagdanan. Bumagal ang lakad ko nang natagpuan si Ral sa may pintuan ng kuwarto ko. Nakapamulsa at nakayuko.

"Raghnall..."

He raised his chin to face me. Walang emosyon ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.

"Alam kong may gusto si Axasiel sa 'yo, Ate Izzy."

Pagod akong bumuga ng hangin. "Sinabi niya?"

He shook his head. "I've always been a keen observer, Ate Izzy. Hindi ko alam kung bakit hindi mo nahahalata noon pa man pero ako... una pa lang, alam ko na."

"Kung alam mo na pala, bakit hindi mo ako sinabihan? Why didn't you talk to him about it? Ayos lang sa 'yo na magkagusto ang malapit mong kaibigan sa kapatid mo? I should have avoided him only if I knew..."

The first two questions sounded wrong to me. Tunog naninisi pa ako kahit ako naman ang may mali.

"I'm only letting it slide because I reckoned he won't do anything to complicate things. That he won't make a move to you..." He clicked his tongue. "But I was wrong."

I pushed my tongue against my inside cheek. "Don't worry, I'll make sure to refrain from seeing or talking to him. I don't want your friendship to be tainted because of me."

My hand twisted the doorknob and I pushed it open. Bago pa ako tuluyang pumasok sa loob ay nagsalita muli siya.

"I'm not asking you to stay away from him, Ate Izzy. If he ever has a chance with you, I don't mind. I don't want either of you two to get hurt but honestly, I put more of my trust in him with this than in you. So if you give him a shot, I'm willing to forsake our more than a decade years of friendship if he hurts you..."

Umalis siya sa pagkakasandal sa pader at naglakad sa likuran ko.

"And if you hurt him, I will not condone you either."

The tiny hair on my nape stood as he completely passed by behind me.

I'm not sure if it was a threat, but it only reinforced my determination to keep my ass off Axasiel. And for the next few weeks, I was successful in doing so. The only news I overheard about him was that he got sick the night we kissed.

Hindi na rin siya pumupunta sa bahay kahit pa noong nagsimula na ang pasukan nila ni Raghnall. Ayaw yatang mahiwalay sa akin ng kapatid ko dahil sa UdLAT din siya pumapasok ngayong SHS since nag-o-offer naman ang university namin nito.

Nga lang, nauna ng isang linggo ang pasukan nila kaysa sa aming mga nasa college na. Mamamatay na yata ako sa buryo rito sa bahay.

Nakapunta na nga kami ni Harley sa Vigan at Bohol noong nakaraang linggo lang pero gusto ko na namang umalis. Ayaw ko talagang napipirmi nang matagal sa bahay.

Unfortunately, I caught a cold the day before my first day of school. Sinisipon lang ako noong una pero kinabukasan, medyo bumigat na rin ang katawan ko. I can still manage, though, so I insisted going to school. Mabuti nga at alas dies pa ang una kong klase kaya wala na si Mama o Papa para pumigil sa akin.

"Babe, 'yong uhog mo panay ang tulo. Pupunuin mo pa ng tissue ang sasakyan ko," sabi ni Harley habang nagda-drive siya. "Kung alam ko lang na may sakit ka, hindi na sana ako pumunta sa inyo para sunduin ka."

I blew my nose and threw the icky tissue on the dashboard. Suminghot ako at hinilig ang ulo sa headrest ng upuan.

"Hindi ako puwedeng mawala sa first day," I said groggily.

I could see her shaking her head from my peripheral. "You'll still meet and have friends even if you skip the first day."

She knows that first day every school year is very important to me. Dito ko kasi makikilala agad ang mga kaklase ko para magkaroon agad ng chance na makipag-interact sa kanila.

First impressions and interaction matter to me because I keep a weather eye if their personality and attitude will change or remain. For better or worse, I just wanted to observe.

"May lollipop ka ba diyan?" she asked when I closed my eyes.

Tumango ako. "Gusto mo ba?"

"Mukha ba akong mahilig diyan? Magsalpak ka muna ng lollipop sa bibig mo para naman gumanda-ganda 'yang pakiramdam mo kahit kaunti."

I lazily fluttered my eyes open and searched for a lollipop in my bag. I tried ripping off the plastic around the candy but my fingers were too feeble to succeed. Harley groaned and snatched it from me.

Ngumanga ako at hinintay ang lollipop sa bibig. My forehead wrinkled when she shoved it inside my mouth hastily that it hit my throat.

"Parang galit ka pa," puna ko pero natatawa.

"Dapat kasi ay hindi ka na pumasok! Tatlong subject ka lang naman ngayong araw!" singhal niya.

"Oh, tatlong subject nga kaya dapat talagang pumasok..."

"Naku talaga, Eria! Kapag nalaman ko lang na dinala ka sa clinic... nako!"

I chuckled and with heavy eyelids, I looked at her. "OA mo naman. Sipon lang 'to. Hindi naman ako mamamatay."

Umiling-iling siya. "May gamot ka ba diyan? Vicks inhaler or Katinko, meron ka?"

"Meron. Don't worry."

"E, bakit hindi mo ginagamit?!"

"Nakalimutan kong meron ako." I snickered.

Mauuna ang klase niya kaysa sa akin ngayong araw. Sa college kasi, hindi sabay-sabay ang lahat ng course subject sa isang araw lang. One subject can take up to 2 to 3 hours... or even longer if it's a major depending on your degree program.

Hindi tulad sa elementary hanggang junior high school na isang araw, mga walo ang subject na kailangang aralin. Hindi ko nga maintindihan. Isang subject lang ang itinuturo ng teacher sa amin pero kaming estudyante, kailangang lahat ng subject, aaralin namin sa isang araw.

"Buti na lang at pareho tayo ng building kaya hindi na ako mahihirapang maghanap ng lugar kung saan kita itatapon," ani Harley habang naglalakad kami sa loob ng UdLAT.

Humalakhak ako habang nakakapit sa kanyang braso. We were under the same umbrella she had brought.

"'Di mo ako puwedeng itapon. Mahal mo ako, e."

She snorted and rolled her eyes at me. Malinis ang pagkaka-bun ng kanyang buhok hindi tulad ng sa akin na mababa ang pagkakatali nito at nakapatong lang sa balikat.

"Strict ang mga professor sa department natin lalo na sa mga major. 'Yong buhok mo, dapat naka-bun 'yan nang maayos at malinis. Hindi 'yong para ka lang labandera. Complete uniform din dapat. Necktie, I.D. and vest... sinisita 'yan kapag wala kang suot niyan."

"Grabe naman sa labandera..."

I wiped the tissue under my nose and inhaled through my nostrils.

"Talian mo muna ako."

"Sa CR tayo ng building natin."

Mabuti na lang at may oras pa naman bago ang unang klase. Kilala ni Harley ang prof namin sa Macro Perspective of Tourism and Hospitality at pumapasok daw ito sa klase ilang minuto bago matapos ang 15 minutes grace period.

Apat na palapag ang college department building namin at kada palapag ay may dalawang banyo na may tig-anim na cubicle. Higit na mas malinis ang mga banyo rito kaysa roon sa common restroom. Puwede pa ngang humiga sa sahig dito.

"You have your hair tie?"

Tumango ako sa kanya. She pulled herself up to sit on the tiles where the sinks were. Nakatalikod siya sa salamin.

"Talikod ka," she ordered.

Sinunod ko siya. I let her maneuver my hair while I was watching other HM students who went in and out of the restroom.

Maayos at walang hiblang nakatakas sa hair bun na ginawa niya sa akin. Pareho pa naming hindi suot ang vest na kulay navy blue na tulad ng pencil skirt namin dahil mainit. Dalawa naman ang kulay ng longsleeves namin: sky blue and mellow yellow.

Alternate mula Lunes hanggang Biyernes ang pagpapalit ng kulay ng long sleeves, at magsisimula iyon lagi sa kulay dilaw. Saturday is wash day. Meaning, we can wear casual or semi-formal cĺothes aside from our uniform. Though, wala pa naman akong klase tuwing Sabado.

"Dang it," mahinang mura ni Harley at muling tinanggal sa kuwelyo ang kanyang necktie na kulay silver.

"Akin na nga!"

Kinuha ko mula sa kamay niya ang necktie at isinabit ko na sa kanyang kuwelyo.

"Isang taon ka nang nagne-necktie pero hindi ka pa rin marunong kung paano gawin 'to?"

She kept mum and just let me finish tying her necktie. Nang natapos na kami pareho ay lumabas na rin kami ng restroom. I halted walking when she held my hand.

"Bakit?"

She showed me her phone screen. Naningkit ang mata ko nang mabasa ang text ni Ral sa kanya.

Bebi Ral:

Ate Harley, school na po ba kayo? Nandito po ako sa labas ng building niyo. May ibibigay ako kay Ate. She's not answering my calls.

"Gusto mong ako na lang ang bumaba?" Harley offered.

"Ayos lang?" paniniguro ko.

"Siyempre. Sige na. Wait mo na lang ako diyan sa mga upuan malapit sa hagdan..."

Hinintay ko nga siya roon sa may gilid ng hagdan habang panay ang punas ko ng tissue sa ilong. Nakapatong ang bag ko sa ibabaw ng lap para matakpan na rin ang hita. Itinapat ko ang Vicks inhaler sa ilong dahil nagbabara na iyon. Grabe, paubos na 'yong tissue ko agad.

I leaned back my head against the wall when I felt something cold on my forehead. Mabigat ang talukap ng mga mata ko nang dumilat at hinanap ng mata ang may-ari ng kamay na nakalapat sa noo ko.

"Why are you here?" halos ibulong ko iyon.

Ah, hindi talaga sila puwedeng maghiwalay, ano?

Bumaba ang tingin ko sa ibabaw ng bag nang may ipinatong siya roon. Bahagya akong natawa.

Anim na tabletang gamot sa ibabaw ng tatlong box ng Pocky na nakapatong naman sa ibabaw ng isang pack ng tissue na may apat na roll.

"Pagaling ka po," Axe said with utmost concern in his voice.

Ngumiti ako sa kanya. I don't know if it's because of my cold but I'd admit that I've missed him... a lot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top