Chapter 1
Chapter 1
Ngiting-ngiti pa ako sabay hawi sa aking imaginary bangs nang iabot kay Enya ang mga gawa kong final requirement sa ilang subject. Hinablot niya lang basta ang gawa ko at walang pakialam kung malukot o mapunit iyon sa hawak niya.
Matapilok ka sana pagpunta mo sa faculty room, Miss Regla Everyday.
Sinipat niya iyon bago tumingin ulit sa akin. "Galing sa Google 'to, 'no?"
Pinagkrus ko ang dalawang hintuturo sa harapan niya.
"Engk! Galing sa akin 'yan. Kaaabot ko lang sa 'yo, 'di ba? May amnesia ka, girl?" I riposted, which earned snickers from those who probably heard near us.
Animo'y ini-exorcist siya nang tumirik ang mga mata. I pulled the sides of my lips for a wicked smile before moving sideward to let the person behind me advance.
"Daebak." Dahan-dahan pang pumalakpak si Ivy habang palapit ako sa puwesto namin. "Himala at hindi mo siya hinabol papunta sa faculty room para ipasa ang mga gawa mo?"
I smirked with flamboyance. "Baka nagbabagong buhay 'to?"
"Sana all nagbabagong buhay. Ako heto, buhay lang. Wala pa ring pagbabago."
Humagalpak ako sa tawa at hinampas siya sa braso. Ivy's my closest friend in this class. Actually, karamihan naman sa mga kaklase ko ay ka-close ko. This is actually the major reason why I still enjoy my senior high.
You can't expect everyone to like you, though. I suppose that's for the better to make things in this world balance. Naniniwala rin ako na dalawa lang ang rason kung bakit nagagalit sa 'yo ang isang tao: posibleng may inggit lang silang itinatago o hindi lang talaga nila gusto ang ugali mo.
Kung iniisip mo na lihim na pagtingin ang rason at idinadaan lang nila sa pagkukunwaring galit sa 'yo... sino ka naman diyan? Feeling mo nasa pelikula, teleserye, o nobela ka? Mag-aaway pa muna kayo pero sa huli, magkaka-in love-an?
E 'di magsama kayo. Wala namang forever.
But anyway, kung sino man ang may galit sa akin, wala naman akong magagawa. Hindi naman perpekto ang ugali ko.
"Guys, wala na raw klase sa Entrep. Mag-review na lang daw tayo para sa exam," our class president announced as soon as he walked into our classroom.
Nagkagulo-gulo na nang tuluyan ang mga kaklase ko sa loob ng room dahil wala na namang klase. Nilabas ko naman mula sa bag ang Pocky na bigay ni Axe habang dinadaldal ako ni Ivy.
"Last na 'yong final exams next week, 'no?" she suddenly asked. "Then ipapasa na lang 'yong research next next week?"
I was about to answer her when someone interfered behind us.
"Last na nga, final pa. Napaka-redundant," puna ng isa na namang bida-bidang kaklase namin.
Ipinatong ko ang siko sa likod ng aking upuan para lingunin si Rocky na nagsalita. Nagtaas ako ng kilay at pinagmasdan siyang nagsusulat sa coupon bond na nakatupi nang pahaba sa gitna.
Ah, probably making his reviewer. Karamihan talaga sa mga kaklase ko ay gumagawa ng ganito sa coupon bond o kahit sa pad paper tuwing malapit na ang exams. Nag-effort din akong gumawa nito gamit 'yong coupon bond na ginamit namin sa Practical Research 1 at 2 na ibinalik na rin sa amin.
Nag-ambag din naman ako para sa papel na ginamit doon. Might as well maximize its use.
"Alak ka ba?"
Tumaas ang kilay niya at umayos ng pagkakaupo. "Bakit?"
"Alak-asi kaming pakialam sa opinyon ng mga perfectionist na tulad mo." A smile appeared on my face. "There's nothing wrong if you want to correct someone but you can say it without making them feel dumb."
I chuckled a bit. Abang na abang ang itsura niya kanina sa akala niyang banat pero ngayon ay tila nakalaklak na siya ng apple cider.
"Aguy, basted ka agad 'tol," tatawa-tawang sambit ni Nico sa kanya sabay tapik sa balikat nito.
Iritadong lumingon si Rocky sa kanya. "Anong basted? Hindi naman ako nanliligaw!"
"Iyon nga. Hindi ka pa nanliligaw, wala ka na agad pag-asa. Perpekyunis ka raw kasi."
Tinalikuran ko na sila dahil kinantiyawan na si Rocky ng iba naming kaklaseng lalaki. Ivy shook her head.
"Adik ka talaga. Alam mo namang ganiyan na talaga ugali niyang si Rocky..."
I tore the foil of my Pocky and took one stick before offering it to her.
"Hmm? Wala naman akong sinabing masama tungkol sa kanya, ah? Sinabi ko lang ang opinyon ko." Kumagat ako sa stick na kinakain.
Papa once told me that my mother never talked back to someone who'd insulted her. She adamantly believes that silence is better than adding fuel to the fire. Lalo na kung wala namang katotohanan ang mga ibinabato sa 'yo.
Kahit pa masasakit na salita na ang sinabi sa kanya o natatapakan na ang dignidad niya, hindi na lang siya sasagot. She might have fought for herself once, but she even felt guilty after that.
But I am never gonna be like her in that matter. Pasensiyahan na lang kung hindi talaga mapigilan ang bibig ko kapag nagpanting ang tainga sa maririnig.
Baka anak din 'to ni Vincent Raonal Asturias III? Walang nagpapatalo sa dugo namin.
"After ng final exams, ipapasa pa natin next next week 'yong hard copy ng research, 'di ba? Nakapagpa-soft bind na kayo?"
Umiling siya. "Hindi pa nga. Nagtanong nga si Pres sa gc kung gusto ba natin na sabay-sabay na lang para may discount 'yong binding. Tapos naman na tayo sa defense pero may isang group yatang may pina-revise pa nang kaunti sa gawa nila kaya need ipa-check pa rin ulit."
Nagpangalumbaba ako habang inuubos ang stick na hawak.
"Grabe, 'no? Parang kailan lang, first day of class pa. Now, look at us. Graduating na tayo. Kung wala lang talagang K to 12, nasa college na tayo at dalawang taon na lang mag-aaral."
"Kung mag-aaral," she emphasized and laughed.
"Pumapasok lang pala." I chuckled.
Sabi ng mga kaibigan at kakilala kong first batch ng K to 12 at college na ngayon, pinaghalong JHS at college ang SHS. Kids out there—let me include myself—acts like they are still in junior high and I agree. Pa-petiks petiks pa maliban na lang kung sadyang grade conscious at talagang seryoso sa pag-aaral.
The subjects, however, are obviously different from what we usually have in junior high. They are divided into three: core, applied, and specialized. Generally, sa specialized subjects naman nagkakaiba-iba ang bawat strand, maliban sa GAS na halo-halo rin yata mula sa ibang strand. Kumbaga sa college, ang mga specialized subjects na raw ang mga major course o subject na related talaga sa program na kinuha mo.
Nag-HUMSS lang naman ako dahil mas kaunti ang subject na may math related. Pero hindi ibig sabihin ay madali na. Kahit ano namang piliin mong strand, kahit gusto mo talaga iyan o hindi, mahihirapan ka pa rin at some point.
Kaya naman kahit half-hearted kong pinili ang strand na 'to, naiinis pa rin ako sa mga nagsasabing madali lang naman ang strand namin. HUMSS lang naman daw kasi kami. Basic lang.
HUMSS lang? Lang? Basic? Lang?
Weh? Saan banda ang basic lang? Weekly impromptu speech, roleplay, and performance? Magsalita sa harap ng maraming tao kahit iyon ang isa sa pinakatatakutan mo o nagti-trigger sa anxiety mo?
Araw-araw ka ring magpupuyat para mag-memorize ng lessons dahil quiz agad kinabukasan, basahin ang ilang page na kailangang basahin para sa report sa bawat subject, magsulat ng sandamakmak na essay na kailangan mo ring ipasa agad kinabukasan. May book at movie review pa at research kada sem. Pigain mo na rin ang utak mo para sa creative juices dahil kailangan mo 'yan sa creative writing.
Tanda mo rin ba kung anong mga nangyayari sa araw-araw mo? May journal pa kasi. Ah, mema. Okay na 'yan. Pare-pareho lang naman ang ganap sa buhay—magpuyat, lumaklak ng kape gabi-gabi, magpalaki ng eyebags, magmukhang high dahil sa pamumula ng mata, at kumain ng kapal ng mukha.
Oo, madali nga lang. Madali lang namang bumagsak. Pati katawan mo, talagang babagsak din.
Sa HUMSS mo rin makikita 'yong tipong nagle-lesson lang naman kayo nang taimtim tungkol sa pilosopiya at politiko, magugulat ka na lang na nagdedebate na ang mga kaklase mo.
Hindi mo na nga kayang ipaglaban ang taong gusto mo, pati ba naman sa debate, hindi mo rin kayang ipaglaban ang stand mo? Pero hindi puro atake rito. Kailangan depensahan mo rin ang sarili at pinagsasabi mo.
Kaya kung wala kang pakialam sa nangyayari sa lipunan at politika pero nag-HUMSS ka, puwes, simulan mo nang magkaroon ng pake. Dahil dito ka sasampalin ng katotohanan at reyalidad tungkol sa buhay, pagkatao, lipunan, at politika.
'Yong tipong mapapatanong ka na lang din talaga sa sarili mo kung bakit ka nga ba talaga nabubuhay sa mundong ito?
I suddenly remember the first day of our 11th grade and we were asked the same question after introducing ourselves.
"My purpose in life is to make my parents happy and proud... and spend time as much as I can with the people I love," ang sagot ko.
Grabe 'yong kaba ko that time dahil unang-una akong tinawag dahil sa apelyido. Plus the fact that I don't really know and I've never really asked myself what is the purpose of my existence unless someone would ask me.
Since mas close talaga ako kay Papa, tinanong ko rin siya pagkauwi ko.
"Pa, anong purpose mo sa buhay?"
I counted up to five seconds before he answered.
"Purpose ko? Ah, maging mabuting asawa kay Isha at ama sa inyo ng mga anak ko, siyempre."
"Plastic mo naman, Pa. Tayo lang naman nandito, sabihin mo na ang totoo," I joked.
"Tapos mana ka pa sa akin? 'Tay tayo diyan. Pero alam mo, 'nak... sa totoo lang, noong tinanong din kami dati niyan noong high school at college, alam mo kung anong sinagot ko?"
"Siyempre hindi po."
"Bakit ba kita naging anak?"
"Bakit niyo ba kasi ako ginawa?"
"Bakit parang ayaw mo pa?!" eksaheradang tanong niya na nakahawak pa sa dibdib. "O, sige! Balik ka na sa matris ng Mama mo kung payag siya!"
Humagalpak ako sa tawa. Umiling siya pero nangingisi naman.
"Pero ano nga pong sabi mo noong tinanong ka that time?"
"I said my purpose in life was to make this country a better one."
My brow raised. "By how so, though? By becoming a president?"
"By leaving this country. Nagkakagulo na kasi ang mga tao dahil sa akin. Alam mo naman, ito lang din ako. Simpleng guwapo."
Kumunot ang noo ko dahil kalokohan na naman ang pinagsasabi ni Papa. Pero seryoso naman ang mukha niya kaya naisip ko na baka nga seryoso rin ang sinabi niya... kahit hindi talaga.
"Ba't hindi ka po umalis?"
He smiled dreamily. Like the one he always does when he stares at his wife. My mother.
"Kung umalis ako, e 'di hindi ko makikita at makakasama ang mga taong magpaparamdam sa akin kung ano ba ang tunay na dahilan kung bakit ako nabubuhay."
Napangiti ako. Ginulo niya ang buhok ko at sumimsim sa iniinom na kape.
"Bakit gising pa kayo?"
Napalingon kami pareho ni Papa kay Mama na kapapasok lang ng kusina. Nakapantulog na siya at mukhang nagising lang.
Tumayo si Papa at lumapit agad kay Mama para yumakap at sinagot ang tanong nito. I grimaced. Ito talagang si Papa.
Mama looked at me and asked why I suddenly asked Papa about it. Sinabi ko naman na dahil lang sa tinanong sa amin ng isang teacher.
"Nahirapan ka ba sa pagsagot?"
Bahagyang tumulis ang nguso ko.
"Kung nahihirapan kang isipin ang sagot sa tanong na 'yan, huwag kang mag-alala at siguradong hindi ka nag-iisa, 'nak, dahil ganiyan din ako noon. Madali lang magbitaw ng salita pero mahirap panindigan sa gawa. But it doesn't mean your purpose needs to be complicated."
Nanatili lang ang tingin ko kay Mama habang ina-absorb ang sinabi niya.
"Tulad ngayon, baka ang isa pala sa mga purpose mo sa buhay ay maging mabuting anak. Kaya tumayo ka na riyan at sundin mo na ako. Go back to your room and sleep. May klase ka pa bukas, Eleftheria Isra." Her voice turned strict at the last part.
"Opo, ito na nga po..."
Ilang buwan na lang at college na ako. I'm going to a new environment and meet new people. Pero imbes na magsaya dahil may bagong achievement na naman akong maa-unlock sa buhay ngayong taon, namroblema pa ako.
"Ma'am, nagpasa po ako ng gawa ko kay Enya kahapon noong nangolekta siya," paliwanag ko.
Paano ba naman kasi, pagpasok pa lang ng teacher namin sa Creative Non-fiction para magbigay ng pointers to review sa exam, bumungad pa ang announcement na ako lang ang hindi nagpasa ng final requirement sa kanya?
Naka-notebook pa naman iyon sa dami tapos biglang nawala?
"Dalawang beses ko nang ch-in-eck ang mga notebook na ipinasa kahapon pero hindi ko nakita ang sa 'yo, Miss Asturias."
"Pero, Ma'am..." Nakagat ko na lang ang hinlalaki at natulala.
"Ma'am nagpasa po 'yan si Izzy kahapon. Nakita ko po!" Ivy immediately attested.
"Oo nga po, Ma'am. Gulat pa nga kami kasi... wow, nagpasa agad," segunda ng isa pa sa mga kaklase ko.
"Si Enya nangolekta, 'di ba? Enya, 'di ba nagpasa naman si Izzy?"
Mabilis akong napalingon kay Enya. Wala naman siyang reaksiyon nang siya na ang kinuwestiyon pero nagsalita siya matapos ang ilang sandali.
"Baka nahalo lang po sa ibang section, Ma'am," kalmado niyang sinabi.
Napalunok ako. "Puwede po bang i-check ulit mamaya, Ma'am?"
"O, sige. Ayusin niyo lang ang paghahanap at baka maghalo-halo pa ang ibang section."
"Samahan ko na lang po si Izzy," Enya offered.
Umismid sa tabi ko si Ivy at humalukipkip. "Hmp. Ako na ang sasama sa 'yo, Izzy. Baka mamaya ay siya pala ang may pakana ng pagkawala ng output mo."
Siniko ko siya. "Uy, ano ka ba? Baka naman nahalo lang nga sa ibang section."
She sighed. "Sana nga. Kung nawala nga iyon, paano naman nangyari o sino naman ang gagawa ng ganoon?"
Nagkibit ako ng balikat. Mukha lang akong kalmado pero sa loob-loob ko, gusto ko nang magwala. At nang halos baliktarin na namin ang lahat ng notebook sa bawat section na hawak ni Mrs. Chavez at wala ang sa akin, hindi ko na napigilan ang maluha sa loob ng faculty room.
"U-uy, Izzy..." Nauutal na tawag ni Ivy nang makita ang mukha ko. "Check natin lahat ulit. B-baka ano... natakpan lang ng ibang notebook."
Pasimple kong pinunasan ang mata at huminga nang malalim. That output is 50 percent of our final grade. Hindi puwedeng wala akong maipasa. Hindi ako puwedeng bumagsak.
At hindi ko nga nahanap ang notebook ko. My anxiety about failing one subject escalated when I found out that all of the outputs I passed yesterday went missing!
Hindi ko na napigilang umiyak sa loob ng room. I don't care if they can all see me this vulnerable and think that I'm a crybaby. I need to let this negative emotion out of me through crying.
"Imposible naman yatang basta lang nawala ang mga gawa mo, Izzy. Lahat talaga? Tapos sa 'yo lang? Siguradong may kumuha no'n!"
"Grabe naman. Ga-graduate na nga lang tayo't lahat, may mangyayari pang ganito? Kung talagang may gustong sumabotahe kay Izzy, baka 'di siya love ng mama niya."
"Pero sino naman kaya ang gagawa no'n? That's below the belt. Hindi man lang kaya siya nakonsensiya sa nagawa?"
"Shh! Huwag na nga kayong maingay rito. Doon muna kayo. Pakalmahin muna natin si Izzy," Ivy said with concern in her voice.
Sobrang bigat ng dibdib ko. Parang puputok na rin ang mga ugat ko sa utak sa kaiisip sa mga nawalang school works. As much as possible, I don't want to think of anyone who could possibly do that.
Kung may galit man sa akin, sana ay hindi idinaan sa pagsasabotahe ng mga gawa ko. Kahit ano pang sabihin nila, pinaghirapan ko rin ang mga iyon! I exerted effort and time!
Basang-basa ang panyo ko nang kumalma na ako kahit paano. Ivy was looking at me with worried eyes so I forced my lips to stretch for a smile.
"Izzy..."
Suminghap ako. "Ano... kausapin ko na lang siguro ang mga teacher natin kung puwede pa magpasa na lang ulit."
"Izzy..." Ngumuso siya.
Pagak akong tumawa. "Ano ka ba? Tapos na akong umiyak pero hindi naman ako mabibigyan ng grades sa pag-iyak. Magmamakaawa na lang siguro ako."
"Izz—"
"Okay na nga ako—"
"Nasa labas 'yong kapatid mo. Hinihintay ka niya," she finished her sentence.
Napakurap-kurap ako at napatingin sa pintuan. Dali-dali akong tumayo at nagpaalam kay Ivy para puntahan ang kapatid. Natagpuan ko nga si Ral sa may hagdanan kasama si Axasiel. Pareho silang nakasandal sa pader.
Axe noticed me first. Bumagal ang lakad ko habang palapit sa kanila. Ral's eyes darkened upon seeing me. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader at lumapit pa sa akin.
"Ral, bakit kayo nandito? 'Di ba may klase pa kayo?" Sinulyapan ko si Axe na nakamasid lang din. "Axe, don't tell me you ditched your class, too?"
"Hindi naman po, Ate," marahang tugon niya at umiwas ng tingin.
"Ang pangit mo, Ate."
My eyes widened at Ral's words.
"A-ano'ng sabi mo?"
"Sabi ko, ang pangit mo. Mas lalo kang nagmukhang panda. Ang pangit mo, Ate."
I gasped exaggeratedly. Talagang inulit pa ng magaling. Hindi lang isang beses kundi dalawa pa nga!
Bumuntong hininga siya at lumapit pa sa akin. My heart warmed when he enveloped me with his arms. The edge of my lips tugged upward as I put my hand on his sides. Wala na siyang sinabi pa pero sapat na ang yakap niya para pagaanin ang loob ko.
Dumapo muli ang mga mata ko kay Axe habang nakayakap ako sa kapatid. His soft brown orbs seemed they have something to say. He tilted his head on the side and took his eyes off of me again.
Ikinulong niya ang ibabang labi sa pagitan ng mga ngipin at namataan ko pa ang pag-alon ng kanyang lalamunan bago nagsalita si Raghnall.
"Huwag ka na ulit iiyak dito sa school, Ate Izzy. Tulo-uhog ka pa naman kapag umiiyak. Tapos nagiging panda ka na talaga."
Humalakhak ako. Umalis na siya sa pagkakayakap sa akin at hindi na makatingin. Ah, my shy little brother.
"Hindi ko talaga sure kung pinapagaan mo ang damdamin ko o lalo lang pinasasama. Kung binibigyan mo na lang kaya ako ng Pocky," pagpaparinig ko.
"Hindi kami puwedeng lumabas para bumili sa 7/11. Mamaya na lang kita bibilhan kahit alam kong marami ka pang stock."
"Weh?"
Tumango siya. "Alis na kami, Ate. Huwag kang mag-alala, wala naman ang teacher namin ngayong oras."
I grinned and pinched his cheeks. Ngumiwi siya at agad na iniwas ang mukha sa akin para himasin ang pisngi.
"Okay! I'll see you later!"
Lumapit ulit ako at tumingkayad para makahalik sa pisngi niya. Inirapan niya ako pero wala namang sinabi at nauna pang bumaba ng hagdan, nagmamadali habang sinisigawan ang kaibigan na sumunod agad.
Nilingon kong muli si Axe na nakaawang ang manipis na labi at nakatitig sa akin. Kumunot ang noo ko nang bumaba pa ang tingin niya sa labi ko.
"Axe? May problema ba?"
He instantly closed the gap in between his lips and stepped forward. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya at natutop ang bibig nang makitang isang box ng Pocky ang nakatago sa hawak niyang puting hand towel.
"Para sa 'yo po..."
"What... why..." My eyes went up and saw him intently looking at me. "Bigay na naman ba 'yan sa 'yo at ibinibigay mo lang sa akin dahil alam mong paborito ko?"
Umiling siya at bahagyang yumuko.
"Bakit mo ako binibigyan kung ganoon?"
At bakit ang dami kong tanong? Nothing. I just wanna confirm something.
"Axasiel, bakit mo ibinibigay sa akin 'yan?" ulit ko.
"Para po ngumiti ka na ulit." His cheeks flushed as he tried hard to avoid my scrutinizing look. "Gusto ko pong makita na nakangiti ka... kaya po ibinibigay ko ito."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top