Reaper's Lullaby

Moscow, Russia

O'Hara Industries Secret Laboratory


Nakatulala si Kharmaine habang nakatingin sa reaction ng isang kemikal gamit ang microscopic view. Nanghihinang napaupo siya sa pinakamalapit na bar stool.

"This is crazy," bulong niya sa kaniyang sarili habang nakatulala sa test tube na bigay sa kaniya ng kaniyang apprentice.

Timtara Wilson, isang Fil-Am na nasa early twenties ang gulang, twenty-four to be exact. Noong isang taon ay tinanggap niya ito, hindi na niya kasi mapagtuunan ng pansin ang laboratories dahil isa na rin siyang ina at may bahay sa kaniyang asawa. Limang buwan ang nakakaraan ay lumapit ito sa kaniya at humingi ng permiso na simulan ang isang dapat sana ay simpleng experiment lamang.

"Saang bahagi ng simple ang hindi niya naintindihan?" Napasabunot na lamang siya sa kaniyang sarili sa sobrang stress.

Ang laman ng analysis report at sample ng kaniyang apprentice ay may kakayahang baguhin ang ikot ng mundo, hindi, kaya rin nitong baguhin pati ang kasaysayan ng tao. At ang mga ganitong uri ng mga experiments ay nagiging dahilan kung bakit bigla na lamang naglalaho na parang bula ang mga scientists na gumawa nito.

Alam niyang malaki at malawak ang potensyal ni Timtara. At aaminin niyang mas may kakayahan pa ito kumpara sa kaniya. Subalit kung kapalit ng kasikatan ay ang pagiging delikado ng kaniyang buhay, mas mabuti pang putulin na niya ang pakpak ni Timtara habang maaga pa.

PUNO nang pag-aalala ang nasa isip ni Kharmaine tungkol kay Timtara at sa bago nitong tuklas na medisina nang biglang tumunog ang isa niyang cellphone. Ang cellphone na nagsisilbing tanging contact niya sa iniwang buhay sa Pilipinas.

Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay namuo ang bikig sa kaniyang lalamunan.

Luciana Shiranui Loong Calling...

"Siren Speaking," sagot niya sa tawag.

"We need you here, Siren." Kalmado ang boses ng reyna pero kabaliktaran nito ang sinabi. Hindi kaila sa lahat na may namagitang gulo sa kanila ng reyna at hanggang ngayon ay hindi pa kami nag-uusap bilang magkaibigan. Pero ngayon, ito ang unang nagbaba ng pride para humingi ng tulong sa kaniya.

Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang office chair, "What happened?"

"Si Nightwind. I believed he reached his limit."

Iba't-ibang senaryo ang pumasok sa kaniyang isipan kung anong maaaring nangyari kay Nightwind. Mula nang mawala si Sprite ay tila bombang naghihintay na sumabog ang kaniyang kaibigan.

"What d-do you mean?"

"Hiningi niya sa akin na bitawan siya bilang miyembro ng Phoenix."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top