EPILOGUE

Third Person's Point of View

Nakatanaw si Alexander Montegracia sa magkasintahang masayang nagpipicnic habang nakaupo sa ilalim ng isang sanga ng kahoy. Masayang nagtatawanan ang mga ito na parang silang dalawa lamang ang nasa sarili nilang mundo.

Nang makuntento ay tumalikod na siya. Nilingon muna niya ulit ang doktorang tumatawa sa kung anong sinabi ni Gerard. At akmang maghahalikan na ang mga ito ay doon na siya tuluyang umalis.

Nasa bulsa pa rin niya ang isang vial ng Apohixen. Tapos na ang pakay niya sa dalawa. Kailangan naman niyang lumipat ng target.

Akmang maglalaho sa dilim ang dating second-in-command ng Phoenix nang makita niya si Sprite na nagsasparring kasama si Siren. Pinakatitigan niya ang mukha ng dating kaibigan at nakita ni Alexander na kalmado na ito hindi tulad noong bago pa itong gising.

Siguro nakuha na nito ang gusto nitong makuha mula noong Trial of Labyrinth na ginanap isang buwan na ang nakakaraan. O may mas malaking bagay itong nakamit mula sa trial na iyon. Ayon kasi sa mga espiya niya ay nagbalik sa dati ang samahan ng Phoenix kasama si Sprite.

Ngayon ay ang dilemma naman ni Gerard ay ang pananakot ni Carol na kukunin nito si Timtara mula sa lalaki. Isang biro na nagududulot na maging tampulan ng tukso si Timtara.

Sa nakikita ni Alexander ay tunay ang kapayapaang nararamdaman ni Carol. Kahit hindi nakuha ni Alexander ang nais niyang resulta sa trial ay matatawag na 'Satisfactory' ang nakuha nitong resulta.

He got to keep an eye on Sprite. After all, she's the only recipient of the newest model of Philosopher's Stone. He wanted to know the side effects it will cause. At tulad ng dati ay naglaho na siya sa dilim.



SA KABILANG banda naman ng palasyo ay naglalasing si Grim kasama sina Seeichi at Kiel.

"Trinity High students are the worst! Ayoko na mag turo do'n! Pakisabi naman sa asawa mo pare oh na bawiin ang utos niya sa'kin." Halata sa buhok na resulta ng ilang beses ng binunot ito ni Grim dahil sa konsumisyon.

"You know who's the between me and my wife. Sorry pare, I can't help with that."

"Edi romansahin mo, King K." Nakangising suhestyon ni Seeichi sa hari at itinaas pa nito ang sariling kopita.

"'Yan ba ang ginagawa mo kay Siren, Seeichi?" Halos magkasabay na tanong ng dalawang lalaki sa nakangisi at lasing na asawa ni Siren.

"Oo naman. And it's very effective. I can turn the great lioness to a kitten in one move. Alam niyo na 'yon." Proud na proud na saad nito pero imbis makatanggap ng mga paghanga mula kina Grim at Kiel ay tila takot na takot ang mga itong nakatingin sa kaniya, hindi. Takot at pinagpapawisang nakatingin ito sa likod niya.

"Sh-she's behind me right?" Nagkandautal-utal na tanong ni Seeichi sa mga kaibigan na ang tanging sagot ay tango na para bang mga tuta ito.

Pasimpleng um-exit si Grim. Habang natira sina Kiel at Seeichi na kaharap na ngayon sina Fallen Angel at Siren na parehong may matalim na tingin sa dalawa.

"You," turo ng reyna sa hari. "Come with me."

Imbis na si Kiel ang sumunod ay si Seeichi ang sumunod.

"Where are you going?" Matalim na tanong ni Siren sa asawang papatakas pa lang.

"I- I thought she's talking to me."

"Sit." Turo ni Siren sa upuan na parang tutang sinunod naman ni Seeichi. Si Fallen Angel naman ay hinatak na ang teynga ng kaniyang asawa na umaaray dahil pakiramdam nito ay matatanggal na ang teynga nito.



Timtara's Point of View

Nakahiga ang ulo ko sa hita ni Gerard. Mahangin sa aming pwesto at mabango ang simoy ng hangin dahil nasa hardin kami na malapit lamang sa laboratory. Inaantok na ako dahil sa hinahaplos ng aking kasintahan ang aking buhok.

"Baby, you asleep?" Marahang tanong ni Gerard sa'kin dahil nakapikit ako.

"Nope."

"Wanna elope with me?"

Ang tanong niya ang nakapagpadilat sa akin. At doon ko nakita sa kaniyang nakangiting mukha na seryoso siya. Ang lalaking hindi ko inakalang magiging akin. I cupped his face as I smiled and replied.

"Where to?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top