CHAPTER 9
Gerard's Point of View
Nandito kaming lahat sa komedor nang biglang dumating ang doktor. Nahinto kami sa pagkain maliban kay leader na siya ang dahilan kung bakit naririto siya.
"Come and sit down, Timtara." Nakangiting saad ni leader. Umupo naman sa harapan ko ang doktora. Ngumiti siya sa akin at kay Siren. Tinanguan naman niya ang iba. Tinaasan ko lang siya ng kilay habang ngumiti naman ang iba sa kaniya, lalo na si Deathstalker.
"Napansin kong nakaburo ka na lang sa lab. I know Atlas is with you pero mas maganda pa ring lumanghap ng sariwang hangin, 'di ba?"
Kiming ngumiti ang doktora, "Thank you for your consideration." Medyo nabagal ang huli niyang salita, hindi siguro niya alam kung ano ang itatawag kay leader. Napangisi ako sa kaniya pero ang hindi ko inaasahan ay ang sipa niya sa akin sa ilalim ng mesa.
"What the!" Napatingin naman sa akin ang lahat maliban sa salarin na busy sa pagkain.
"Nothing," sagot ko na lang.
May babala sa mga matang tiningnan ako ni leader bago tumango sa lahat. "Anyways, let's eat."
Nagpatuloy ang tahimik na pagkain namin nang biglang magsalita si Kiel, "Nightwind, I think it's best to take Doctor Wilson to the Rose Garden while the weather is good. I heard from Siren that there is no scheduled rain for today."
Nagkatinginan kami ng doktora at halos sabay na magsasalita sana nang sumapaw sa amin si leader, "I think that's good idea honey since we will be busy with the visitor this luncheon. I bet Russia's president will make us all occupied."
Nanigas ako nang marinig ko kung sino ang bibisita mamaya. May dahilan kung bakit tanging ang doktora lamang ang nakaka-access ng laboratory niya at iyon ay ayaw ni Siren na ma-trace ni Vesputin, ang presidente ng Russia, ang bakas ni Dr. Timtara Wilson.
Ang plano ni Kiel na samahan ang doktora sa Rose Garden ay isang diversion upang hindi magtaka ang doktora kung bakita kailangan niyang lumisan sa palasyo ng ilang oras.
"Okay, I'll take her."
"Take me to where?"
"Are you deaf?"
"Hey, I am asking you politely!"
Hindi kami nagsisigawan pero narinig pa rin nila ang aming bangayan dahil biglang tumahimik ang mesa. Nang tingnan ko si Siren ay parang kinikilig na kinukurot niya ang kaniyang emo na asawa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil ang lukaret.
"The Rose Garden is a beautiful spot where a variety of rose hybrids exists. It will calm you especially when you're stressed," pagbibigay impormasyon ni Siren para sa doktor.
Tumango naman ang doktora at inirapan ako nang palihim. Aba't!
SUOT ko ang earpiece na bigay ni Grim sa akin. Nagdala rin ako ng baril at dalawang extra magazines for the worst-case scenario. Nasa loob na kami ng isang sasakyan papuntang Rose Garden.
"Why are you so silent?" Tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot kay nilingon ko siya. Nakasandal siya sa pinto ng sasakyan at natutulog ng mahimbing.
"Siren is right. You badly needed this tour."
Timtara's Point of View
Ang bango. Ang lambot. Ang aliwalas ng pakiramdam. Ang silaw. Huh?
Mabilis na napadilat ang aking mga mata dahil sigurado akong hindi ko alam kung nasaan ako nakahiga. At tama nga ang hinala ko na wala ako sa laboratory. Iba't-ibang kulay ng mga rosas na tila nagiging katulad na ito ng bahaghari ang nakapalibot sa akin. Inililipad naman ng hangin ang iba't-ibang kulay na petals sa paligid kaya ang Bermuda grass na kinahihigaan ko at ang aking katawan hanggang buhok ay nababalutan din ng petals.
Nasaan ako? Sino ang nagdala sa akin dito? Ito ba ang Rose Garden?
"Wow," ginala ko ang aking paningin kaya napako ang tingin ko sa lalaking nakasandal sa puno at nakatingin sa akin nang seryoso. "Look at that man. He acts like he's in a movie. Is he filming something, huh!"
"You're badmouthing me again, aren't you?" Sigaw niya sa akin, nakita niya siguro ang pagsimangot ko.
Instead of answering him, I just gave him my middle finger as an answer.
Kharmaine's Point of View
Nakaupo kami sa meeting room. Ako ang representative ng O'Hara Industries at sina Lucy at Kiel naman ang sa buong Realm. Nasa harap namin ang report presentation ng sekretarya ng presidente ng Russia at nasa kabilang bahagi naman namin nakaupo si President Vesputin. Ang presentation ay tungkol sa bago nilang labas na mga arsenal.
"I admit that these playthings are all impressive." Saad ng reyna matapos ang presentasyon. Tumayo naman ang presidente at tumayo sa platform na nasa harap namin.
"These are the best, your highness. Nothing but the best for the Realm."
"And I thank you for that loyalty, President." Nakangiting saad ng reyna.
"Though my secretary forgot to mention this, your highness."
"What is it?"
"The United Arab League has offered a much beneficial deal in exchange for these babies," biglang pagpapaalam ng presidente sa amin na ikinawala ng ngiti nina Lucy at Kiel. Akmang magsasalita ang reyna nang hawakan siya ni Kiel sa braso na tila pinapakalma ang asawa.
Maski ako ay tila nabingi sa narinig. It is an open threat for us. If we fail to meet their demands, they will make our enemies stronger than us overnight. Kaya hindi maitatanong kung bakit nakikita ko ang nalalabing Crimson Eye ng reyna.
"Let's hear it, Mr. President." Saad ng hari dahil busy sa pagkalma ang reyna.
Isang ngiting tagumpay ang ibinigay ng presidente sa kaniyang sekretarya bago niya kami binalingan.
"A bird told us that a resident here in Realm is keeping a doctor here. I believe she belongs to us since she is a citizen from my country. Here is the information." Nagbigay ng nakabukas na envelope ang sekretarya ng presidente sa harap namin.
He's asking for Tim. This bastard!
Nagtatagis na rin ang bagang ko sa naririnig. She belongs to him? Nakashabu ba 'to?
Magsasalita na sana ako nang itinaas ng reyna ang kaniyang kamay, "So you are saying, we only have to find her and you'll give the formula to us?"
"Of course not, your highness. You must deliver her to us."
Ngumisi muna ang reyna bago sumagot, "Don't worry, President. I'll deliver this doctor to you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top