CHAPTER 8

Gerard's Point of View

Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng pagtitipon ang Phoenix sa loob ng council room. Tanging mga miyembro ng Phoenix lamang ang naririto maliban kay Starfire. Nakaupo sa pinakamataas na upuan si leader habang nakapalibot naman kami sa kaniya.

Ang mesa namin ay isa ring touch screen operated table at nasa gitna nito ay ang mukha ng isang matandang lalaki na papasok sa isang sasakyan habang nakahawak sa kaniyang cellphone.

"Isn't this the president of Russia?" Tanong ni Siren sa amin.

"Ah, kaya pala pamilyar ang mukha." Saad bigla ni Deathstalker.

"This man is the greatest asset of the Realm in terms of supplying arsenal to us," pagbibigay impormasyon ni leader. Blangko ang mukha nito pero ramdam namin na may mabigat na rason kung bakit niya kami pinatawag at bakit nandito sa screen ang malaking larawan ng presidente ng isang bansa.

"And this man is behind the attack at Moscow when Nightwind secured the package," dagdag ni leader.

Hindi na nakakapagtaka na ang presidente ng lugar kung saan nanatili ang doktor ang unang makakatunog tungkol sa Apohixen maliban kay Siren. Dahil sa sila ang major supplier namin ay hindi kami basta-basta makakaatake sa kanila.

This is why I hate politics. Ang daming dapat isaalang-alang kaya alam ko na kung bakit kami pinatawag ni leader.

"I gave my word to protect the doctor but I can't forsake the safety of the Realm. Hence, I summoned you today."

Alam ko na ang susunod na sasabihin ni leader. She will handle the politics and we will handle the bloodshed. This is like a game of chess where our side's pieces have been set.

"This will be a covert mission. You know what covert means, kapag nahuli kayo ay walang back-up mula sa Realm na darating. This is all in Phoenix, you understand why this has to be done right?"

Isa-isa kaming tumango. Isang mahalagang tao ng Realm ang kalaban at hindi niya maaaring malaman na ang Realm ang unang nakakuha sa doktor. Lahat ng gagawin namin ay magiging desisyon ng Phoenix at walang bahagi ro'n ang kabuoan ng Realm. Kung papalpak o magtatagumpay kami ay walang bahgi ang Realm dito.

Ang dami nang isinakripisyo namin para balewalain ang seguridad ng Realm, ito ang gustong ipaabot ni leader sa amin. Alam naming tutulong siya, hindi man sa labanan ay sa ibang bagay siya tutulong sa amin.

Biglang nagtaas ng kamay si Grim, "Tanong ko lang, bakit nga pala nandito ang doktora? May bubuhayin ba tayong patay? Si Sprite ba?"

Isang lumili[ad na paperweight ang muntikan nang tumama sa noo ni Grim dahil sa binato ni Siren. Ngumiti lang ako nang bahagya dahil tinapunan nila akong lahat maliban kay Grim ng isang malungkot na ngiti.

"Ayos lang."

"Hey! Ang brutal mo talaga Siren! Akala ko pa naman nagbago ka na kasi may anak ka na babae ka!"

"Mukha mo Grim. Kaya ka hindi pa nagkakaroon ng girlfriend eh, ang daldal mo kasi." Balik na sagot ni Siren.

Tumikhim si leader, "We got the doctor for two reasons. One is to let Nightwind decide his fate. And two, is to let the doctor change our fate. For better or for worse, who knows? I want to see it through though."

Napatingin silang lahat sa akin. Decide my fate huh. What fate? My fate has already been decided when she left me. There is nothing left to change.

"We'll see," tanging sagot ko sa kanila.



Timtara's Point of View

Isang linggo na ako rito sa Underworld Realm City. Alam ko na rin ang history ng lugar, kung sino ang monarkiya rito, at kung saang parte ng mundo ito matatagpuan. Nakakaintindi pala sila ng tagalog akala ko nasa China ako dahil sobrang advance ng teknolohiya.

"Atlas, analyze the phase 3 of Apohixen prototype 3, there should be a minimal variance between the phase 2." Nakatitig ako sa test tube na kasalukuyang hinahalo ng Artificial Intelligence (AI) manipulated mixer. Nasa phase 3 na ako ng trial 3 Apohixen. Ang laki ng progress ng research ko dahil kumpleto ako sa gamit at narito rin si Atlas upang tulungan ako.

Isang linggo na rin akong hindi nakakakita ng tao maliban sa mga nasa labas ng dinding na dumadaan. Pero gusto ko ang ganito, my own pace, kumportable ako sa ganito.

Naalala ko ang sinabi ni Queen Luciana, poprotektahan ako ng Phoenix. Sa aking nalaman mula kay Atlas, ang Phoenix ay isang grupo ng mga mandirigma na marami nang kasaysayang hinubog tulad ng Taetoku Great War II.

At isa si Nightwind at Ma'am Kharm do'n, talk about some Fast and Furious shit. Marami akong nalaman pero hindi ko pa rin alam kung bakit ako narito, kung ano ang gusto nila sa akin maliban sa Apohixen.

If Apoixen can cheat death, who's the dead person or dying person they want to save?

Nagtanong na ako kay Atlas pero wala siyang maibigay na sagot. Only saved files in this Realm are the information that Atlas can give me. Ibig sabihin, walang formal order ang pagdukot sa akin.

"Apohixen Trial 3 Phase 3 has a variance of 0.01, congratulations Doc. You can now proceed to phase 4." Ang pormal na tono ni Atlas ang pumukaw sa akin mula sa aking pagkakatulala.

"Oh, yeah right."

Tama, dapat mag-focus lamang ako sa Apohixen.

"Atlas, commence phase 4."

Awtomatikong umandar ang mga kagamitan na gagamitin ko para sa phase 4 at agad na nagtranser ang files ng phase 3 sa secured archived.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top