CHAPTER 6

Timtara's Point of View

Isang silid ang pinaglagyan sa akin ni Nightwind matapos kaming pumasok sa isang napakalaking gusali, no, palasyo. Mas malaki ang silid na ito kumpara sa mini apartment ko sa Moscow. Hindi ko rin alam kung saang parte na ng mundo ako dinala nila pero base sa mga nakita ko kanina ay parang nasa isang bansa ako na nasa Southeast Asia. I just need to hear their dialect to confirm what country I am staying.

Kanina pa ako hindi mapakali sa loob ng silid. May feminine touch ito dahil sa kulay puti at kulay rosas na mga palamuti at dingding. Nang subukan kong sumilip sa bintana ay wala akong makita kun'di ang magandang fountain garden ng isang babaeng anghel.

"Hays, what do they want from me?" Lumapit ako sa pinto at nang buksan ko ito ay nakalock ito mula sa labas. I'm a prisoner with a nice bed for now. Kinatok ko ng ilang beses ang pinto, "Hey! Let me out please! Nightwind are you there?"

Walang sumagot kaya napasalampak na lamang ako sa dingding malapit sa pinto. Naiiyak na ako rito, iba't-ibang scenario ang naiisip ko at walang miisa do'n na nakapagpagaan ng loob ko, mas lalo lamang akong na-depress. Nasa ganito akong lagay nang biglang bumukas ang pinto.

"What are you doing there?" Tanong ni Nightwind sa akin na para bang inaanalisa kung bakit ako nakasalampak sa sahig. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at agad akong tinayo.

"Let's go. Someone wants to meet you."

Hawak ang braso ko ay mabilis ang mga hakbang na dinala niya ako paharap sa isang malaking pinto. Sa sobrang bilis ng lakad niya ay hindi ko na nga naappreciate ang ganda ng mga paintings sa hallway o ang mga matitikas na sundalong nakatayo sa magkabilang parte ng hallway sa bawat isang metro na distansya.

"Speak formally or your life will be the price," babala niya sa'kin bago tinulak ang double-door type na pinto.

Napapikit ako sa silaw mula sa mga naglalakihang chandelier, ang isa kong braso ang ipinangtakip ko sa aking mga mata habang hawak-hawak naman ni Nightwind ang isa ko pang braso.

"Grabe ka naman makahawak ng braso, close kayo?"

Isang pamilyar na boses ang nagsalita kaya agad kong hinanap ang pinagmulang ng tinig.

Nakatayo malapit sa dalawang upuan na tila nagsisilbing trono ang nakangiting anyo ni Ma'am Kharm. Iba ang kasuotan niya mula sa nakakasanayan kong lab gown at sweatpants. Isang modern cut na kimono ang suot niya. Nasa tabi naman niya si Sir Seeichi na karga-karga ang isang taong gulang na anak nila.

"Ma-ma'am?" Sigaw ko nang maalala ko ang bilin ni Nightwind. Inilibot ko pa ang tingin ko at napako ang mga mata ko sa mga nakaupo sa trono na nakamasid lang sa akin. May aliw sa mga mata ng lalaki pero may kung anong kaba akong naramdaman nang tingnan ko sa mata ang babae kaya mabilis akong nagbaba ng tingin.

"Here, leader. Mission complete," marahas akong tinulak paharap ni Nightwind sabay bitaw sa mga braso ko kaya napasubsob ako sa sahig buti na lang at napigil ng aking mga kamay ang impact ng mukha ko. Inis na nilingon ko siya.

"You! What's your problem?"

"Aish!" Inis din na yumuko siya para pigilan ang iba pang sasabihin ko gamit ang kaniyang kamay na itinakip sa bibig ko. "Pardon her manners, leader."

Mas tumaas ang presyon ko kaya kinagat ko nang ubod lakas ang kaniyang kamay.

"Aw!"

Sa wakas ay binitawan na niya, matalim pa rin ang titig ko sa kaniya at masama rin ang tingin niya sa akin nang biglang may tumawa nang ubod lakas. Kaming dalawa ni Nightwind ay napatingin sa tumatawa. Ang babaeng nakakatakot ang titig pala. Tinaasan ko siya ng kilay habang yumuko naman si Nightwind.

"Pardon me, I just don't expect that," tatawa-tawa pa rin siya. Nakita ko namang hindi peke kaya napangiti na rin ako. Nang igala ko ang aking mga mata ay lahat sila ay nakatingin sa amin kaya napaayos ako ng upo.

"Why am I here?" I asked with no bullshit tone at Ma'am Kharm. Tumingin naman siya sa dalawang taong nakaupo sa trono na tila nanghihingi ng permiso. Hmm, kulto ba 'tong napasukan ko?

"Answer her, Siren." Sagot ng lalaking nakaupo sa trono matapos magkibitbalikat ang babae.

Siren? Sino naman 'yon? Pero laking gulat ko nang si Ma'am Kharm ang sumagot.

"Huh?"

"I know you have too many questions running around your pretty little head but please hear us out, we are not the bad guys. We just need you safe. The thing you developed, Apohixen 2.5? That is some dangerous shit. And many will come for that and for your life." Seryosong saad ni Ma'am Kharm o Siren.

I don't know whom to trust anymore. I looked at him, silently asking him if I can trust them but he just lowered his head. I got my answer. I can't trust them.

"So you're saying, I'm safe here?"

"The safest. The Phoenix will keep you safe," nag-salita ulit ang babaeng nakaupo sa trono.

Wala akong naggawa kun'di ang tumango na lamang. Nang dalhin ako ng mga bantay pabalik sa silid ko ay tahimik lang sa likod si Nightwind. Ako naman ay yakap-yakap ang aking sarili. Nang makapasok na ako sa silid ay walang lingon-lingon na umiyak ako habang nakadapa sa malapad na kama.

Wala akong pake kahit na nasa likod ko si Nightwind na pumasok din pala sa silid ko. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa maramdaman ko ang paglundo ng kama na tila may umupo malapit sa akin.

Tumikhim siya bago nagsalita, "I promise you, I will bring you back to Moscow. Just, just wait and bear with it. And while you're here, I will protect you."

Napatigil ako sa paghikbi dahil sa sensiridad ng kaniyang boses at napatingin sa kaniya. "Promise?"

Sa unang pagkakataon ay napangiti siya, 'yong ngiting tila naaaliw siya sa'kin.

"Damn, I promise."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top