CHAPTER 52

Timtara's Point of View

Shit! Shit na talaga! Shit na Carol naman eh! Nang mapunta sa akin ang atensyon ng dambuhalang chimera ay mabilis na tumakas ito at dumiritso na sa lagusan para sa ikalawang trial. Ngayon ay tarantang ipinuwesto ko ang aking sarili sa launcher habang pilit na mini-meet ang conditions upang ma-hit ang target kong velocity sa direksyon na 110 degrees from my point. Ginamit ko ang muscular strength ng aking buttocks upang mas mag stretch ang launcher. At nang nasa limang metro na lamang ang layo ng gumagapang na chimera sa akin ay doon ko ini-release ang aking katawan mula sa pagkakatukod sa sahig ng tunnel at hinayaan ang aking katawan na ilipad.

Tila nag-slow motion ang lahat nang mapadaan ako sa nabigla ring chimera. Mabilis na hinablot nito ang naka-suspend sa ere na aking katawan pero buti na lamang at nakuha ko ang rate per speed na aking target dahil kung hindi ay maaabot ako ng mga galamay nito. Sa tingin ko ay three inches nalang ang layo nito sa mukha ko nang hablutin sana ako nito.

Holy cow!

Dahil sa dire-diretso ang paglipad ko papasok sa nakabukas ng pinto ay ang tanging naggawa ko na lamang ay ang sumigaw habang naghahanda sa pagbagsak ko pero mas lalo ako napasigaw nang makapasok ako sa isang malawak na silid o lugar. Sigurado akong hindi ito silid, more like a chamber dahil sa high ceilings at ang lawak ng lugar pero nang tingnan ko ang landing space ko ay napansin kong maraming maliliit na daan sa paligid. No, it's more like a bridge that can only handle one person at a time dahil sa sobrang liit ng daanan.

Kaya ako napasigaw dahil sa takot na hindi sa isa sa mga tulay na iyon maglanding kun'di sa mga spaces between it. Kung mahuhulog ako rito ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin dahil sa sobrang dilim na ilalim nito.

"Aaah!"

Mas malaki ang tsansa na mahuhulog ako kaya habang nasa ere ay tinanggal ko ang bra ko at ginawa ko itong lubid nang akmang lalampas ako sa isang bridge. That one arm hole from my bra got caught in between the stones of the path which saved me.

"Now this is literally a wonderbra!" Tatawa-tawa ako sa ginaw ko.

Kahit nagpapagulong-gulong ako at bugbog sarado na ang boobs kong tumatalbog ay iniyakap ko ang aking sarili sa magaspang at mabatong sahig. Bahala na kung pakiramdam ko ay matatanggal ang nipples ko tuwing matatamaan ito ng bato basta pilit kong nilalabanan ang aking motion gamit ang application ng inertia.

Galos-galos na ako nang tumigil ang aking paggulong at ang binti ko lang ang nakabitay sa labas ng surface. Ang aking bandang dibdib ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala at mga tuhod.

"At least my nipples are still here." I touched my nipples which are slightly aching from what happened. Gusto kong umiyak sa sakit pero ayoko dahil natatakot ako kapag inamin kong pagod na ako mula sa ilang oras na paglalakad at dahil sa mga galos at lamig ay baka makaramdam ako ng pag-aalinlangan.

I can't afford to doubt myself. I need to survive and prove myself worthy of that man who's waiting for me at the end of that tunnel.

"Go lang nang go, Timtara!" I cheered for myself.

Hawak-hawak ang aking sugatang kanang braso ay naglakad na ako papunta sa liwanag. Dahil sa dilim ay wala na akong ideya sa takbo ng oras kung ilang oras na ba ang nakakaraan pero ang sigurado ako ay malapit nang matapos ang oras na ibinigay sa amin dahil lumalamig na ang loob ng tunnel, malapit nang magtakip silim.

Habang naglalakad ay na-aamaze ako sa arkitiktura ng lugar. Ang dinadaanan ko ay matatawag na tulay pero napakaliit na espasyo nito at napakanipis. Wala rin itong railings at gawa ito sa bato. May mga ganitong tulay na nagkalat sa aking paligid mula sa pinakababa at pinakataas, mula sa pinakakanan ko at pinakakaliwa ko. At ang lahat ng mga ito ay iisa lang ang pinagmulan, ang malaking lagusan na dinaanan ko kanina habang nasa ere ako. May mga tulay na malalapit din sa isa't-isa, may ilang dangkal lang ang layo habang may ilang metro lang ang layo sa isa't-isa. Mayroon ding hindi mo papangarapin sa pagtalon dahil sa layo. Maingat din ako sa pagtingin sa baba dahil isang maling galaw at talagang mahuhulog ako.

Ang panaghoy ng hangin ay dinig na dinig din kapag tumitingin sa baba ng tulay. Kapag hindi mabibigat ang hakbang mo ay itatangay ka ng hangin panigurado.

Nang mas mapalapit na ako sa liwanag ay pakiramdam ko ito na ang finish line nang biglang sumigaw ang isang boses sa aking likuran.

"I'm not letting you win!"

Tila isang tarzan na nakahawak sa tila baging si Carol nang lingunin ko siya at dito siya sa direksyon ko papunta.

"Oh no! Oh no!" Huli na upang iwasan ko siya kaya napabangga siya sa akin tulad ng ikinakatakot ko.

"Watch it!" Angil niya sa akin habang nagpagulong-gulong kami. Dahil may sugat na ako ay ramdam ko na may mga naiiwang bakas ng dugo sa mga batong nagugulungan namin.

Napupudpod na ang kuko ko at ang aking mga daliri ay nagdudugo na habang pipilit ko itong ibaon sa mga bato ang mga ito upang makakuha ako ng pagkakapitan. Mabuti na lamang at may isang nakausling bato akong nakapitan at napatigil ang paggulong ko papuntang kamantayan.

Kahit bugbog sarado ay nilingon ko si Carol kaya nakita kong ginamit nito ang kaniyang reflexes upang mag-apply ng inertia nang parang wala lang pero ang hindi nito naasahan ay ang pag apak nito sa mabatong sahig ay bumigay ang parting ito na kaniyang inaapakan.

"Carol!"

Dahil siguro sa bigat nang paglanding na niya na malakas ang impact kaya bumigay ang manipis na bahaging 'yon ng tulay.

At that moment, I felt the time got suspended. I know it's not what really happened since we can't stop time but from my perspective it really did. I saw her look when she's falling to the depths of the darkness. That look of her eyes as she looked directly at me.

The way she's looking at me it's like she's saying 'you win bitch'. I can tell because of the smug grin on her face.

The biggest question happened. Should I save her and secure my win. Or should I help her and forfeit my claim.

This is the decision that will either break me or make me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top