CHAPTER 51
Third Person's Point of View
Lingid sa kaalaman ni Timtara ay nakatingin lamang sa kaniya si Gerard mula sa screen na ipinalagay ng hari malapit sa lagusan kung saan lalabas ang mananalo. Doon naghihintay ang lahat, may naka-set up na mga tents kung saan nakatingin lang sa screen ang lahat.
Si Gerard ay walang dudang alam niyang napakadali lang para kay Carol ang lahat. Pero si Timtara ang inaalala niya na ikinangiti niya nang makita ang ginawa nito kanina. Hindi naman pala siya dapat matakot nang lubos na para bang wala ng pag-asa ang dalaga. Nalimutan niyang matalino si Timtara.
Timtara Aurina Wilson ain't a warrior but she's a damn smart doctor. He hoped that Carol will see what she seeks to know.
Sa kabilang banda naman ay umatras muna si Timtara bago pumasok sa loob ng silid na punong-puno ng apoy.
"Shit just got real. Hay naku, sa ngalan nga naman ng pag-ibig kung anu-ano na ang ginagawa ko sa'yo Gerard ka." Pagdadabog ni Timtara habang hinuhubad ang damit na na-exposed sa ammonia. Ayaw niya namang magkaroon ng itim na balat dahil natusta. Though hindi masyadong marami ang ammonia na nasa katawan niya at hindi ito gas na maaaring makasabog still it can attract heat na maaaring mag trigger ng apoy sa damit o balat niya na pwedeng kumalat sa buo niyang katawan.
Ang nahubad na damit maliban sa underwear ay masusing ipinunas niya ito sa balat niyang na-exposed ng ammonia. Inamoy niya ito. "Shit shit shit."
Nakamasid pa rin sa kaniya ang mga chimeras na hindi makalapit dahil sa ammonia na nasa damit niya. Nang pakatitigan niya ang mga ito at ang paligid niya ay nakita niya ang tumutulong venom mula sa mga bibig nito.
"Again, imagination ko pa rin 'to pero sana naman mag-work." Iniumang ni Timtara ang damit upang mapaatras ang mga chimera na siya namang nangyari. Nang mapalapit sa venom na tumulo sa sahig ay gamit ang kaliwang kamay ay nag-scoop siya upang ipunas ito sa balat niyang na-exposed ng ammonia. Dahil transmutation results ang mga chimera, hindi one hundred percent ang venom sa laway nito kaya hindi delikado na ilaban sa apoy hindi tulad ng ammonia kahit liquefied pa ito.
Sa kabilang banda naman ay pirapiraso na ang mga screens sa tent na kagagawan ni Gerard at ang kaniyang scythe.
"Sorry guys. I guess we just have to rely on the guides to do their damn job."
Nang pumasok na ang doktora ay napaluhod na si Timtara sa sahig na marmol dahil sa sobrang init na nagmumula sa mga flame thrower na nagkalat sa buong silid kahit ilang minuto pa lamang siyang nakapasok. Gumana naman ang ginawa niyang trick kahit na nangangati ang balat niya, mas mabuti na ito kaysa sa matusta siya nang buhay. Mausok din ang paligid kaya upang makahinga ay dumapa si Timtara. Hindi kasi umaabot ang usok hanggang twelve inches above the ground kaya upang makahinga ay dumapa siya.
May humigi't kumulang na dalawangpung flame throwers na nagkalat sa paligid. Base sa flame power nito ay para itong mga incinerators na ginagamit for cremation pero nakadesinyo lamang ito na parang mga baril na bumubuga ng apoy.
So far, hindi pa naman siya natatamaan ng flame thrower dahil panigurado ay tostado na siya ngayon. Gumagapang si Timtara habang inoobserbahan ang mga flame thrower.
Wala na si Carol sa paligid. Kanina pa ito nakagawa ng paraan nang akyatin nito ang vent kung saan nakatulong para rito ang pagtalon ulit tulad kanina. Pawis na pawis na siya sa sobrang init. Kahit hindi natatamaan ng apoy ay dama niya ang init nito na kumakalat sa kaniyang katawan. Hindi mabuti ang ganito kung ayaw niyang mamatay sa dehydration.
Carol relies on her reflex while Timtara relies upon her brain.
"Okay, now there's the pattern."
Pinakatitigan niya ang bawat isa kung ilang segundo ang interval sa paghinto ng flame thrower sa pagbuga ng apoy. Napag-alaman ni Timtara na may five seconds interval ang mga ito at matapos ang five seconds na iyon ay bubuga ulit ito ng apoy kaya dapat ay mabilis siya sa pagtakbo.
Matalas ang mga matang nagbilang na si Timtara mula lima. "5, 4, 3, 2, 1!"
Walang lingun-lingon na tumakbo si Timtara at nang hindi niya makaya ang sobrang bilis na takbo tula ng nasa imahenasyon niya ay hinagos niya ang kaniyang panyo at inapakan ito upang mag-slide siya dahilan upang makaiwas siya sa panghuling flame thrower.
"Self note, huwag magtiwala sa sariling imagination. Make a plan B or plan C, Timtara. Fight girl!" Salita ng dalaga sa kaniya sarili habang tumatakbo papalayo sa mainit na kwartong 'yon. She badly needs water.
Diretso lamang ang kaniyang paglalakad nang mapatigil ulit. Sa harap ni Timtara ay naka-display ang isang malaking gagamba ang kalahati ng katawan pero ang kalahati naman ay may buntot ng ahas. Sa laki ng ulo ng gagamba ay hindi halos makikita ang pangalawang lagusan na may tatak na '02'.
Halos mapuno ng katawan at mga mabalahibong galamay nito ang buong daanan ng tunnel. Ang upper body lang nito ang gumagalaw habang ang lower body nito na katawan ng isang ahas ay nakaliko lang sa kinatatayuan ng katawan.
May napansin si Timtara at nang titigan niya ito nang mabuti ay nakita niya si Carol. Kasalukuyang nakikipaglaban ang dambuhalang chimera kay Carol na madaling nakakaiwas sa mga atake ng chimera.
Oh, wow.
Dahil aminadong wala siyang panlaban kapag nakisali siya ay dahan-dahan siyang sumandal sa mabatong kanang dingding ng tunnel. Ang target niya ay ang spider web na nagkalat sa paligid. Nang hawakan niya ito kanina ay may rubbery element siyang napansin mula rito.
Kung eestimahin niya ang distansya nya at at lagusan kapag tinakbo niya ito, paniguradong mahuhuli siya. Na-test na niya ito kanina. Habang busy ang chimera kay Carol ay gagawa siya ng improvised launcher na may angle na 110 degrees upang swak siya sa pangalawang lagusan.
Dahan-dahan ang kaniyang galaw upang hindi makakuha ng atensyon habang ginagawa ang plano niya. Ang hulma ng launcher ay parang tirador kung saan ang dalawang malalaking nakausling bato sa dingding ang kaniyang ginawa niyang pondasyon. Upang maging matibay ang spider web ay nag-braid siya ng mga spider strings.
Dahil may direksyon na siya upang makakuha ng tamang timing ay kailangan niyang makuha ang velocity ng launcher na siyang kinakalkula ni Timtara habang nagbebraid ng spider strings. Nang makuha na niya ang rate of speed at rate of time ay siya namang pag-alingawngaw ng boses ni Carol.
"What the heck are you doing?"
Nalipat sa kaniya ang atensyon ng dambuhalang chimera.
"Holy shit."
Carol naman, ang daya nito!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top