CHAPTER 50

Third Person's Point of View

Bumyahe ang dalawang trucks ng palasyo papunta sa hilagang bundok ng Underworld Realm City kung saan ang unang sasakyan ay sinasakyan ng buong Phoenix members kasama si Timtara habang ang nasa ikalawang truck ay ang mga magbabantay at may gagampanang posisyon sa Trial of Labyrinth.

Gaya ng napagkasunduan ay isang araw matapos ang deklarasyon ni Carol ay gaganapin ang naturang trial. Katabi ni Gerard si Timtara sa likuran ng truck habang nasa shotgun seat naman si Carol katabi ang driver na si Fallen Angel.

Pagkadating ng dalawang sasakyan sa isang bundok na natatanging walang tanim na makikita ay agad na pumanaog ang lahat at nagsalita si Fallen Angel kung saan ipapaliwanag na niya ang mangyayari. Nasa likuran nito ang isang malaking bato na doble ang taas sa isang normal na tao at triple ang lapad sa isang nakadipang tao. Animo'y nagsisilbing harang ang batong ito sa lagusan ng patay na bundok na iyon.

"This is not just a mountain, right? I can smell sulfur. This is a volcano and probably an active one at that," mahinang saad ni Timtara kay Gerard. Sasagot na sana ang kasintahan nang naputol ito ni King Kiel.

"It has been twenty years since the Trial of Labyrinth has been summoned. This is a tradition passed down from generation to generation. Like all the kings and queens before us; I, King Kiel Loong, the first of my name, hereby starts the Trial of Labyrinth!"

Pumalakpak silang lahat matapos magsalita ang hari at agad naman itong tumigil nang itaas nito ang kanang kamay, "To formally start the trial, let us call the subject of this trial to open the entrance. It is a number one rule of this trial to let the subject of the trial open the entrance. This is to test if the subject is worth the presence of the crown and worth the hardships of the challengers."

Nakasunod ang kanilang tingin kay Gerard na may hawak na malaking scythe. Nang tumapat ito sa malaking bato. Gamit ang dalang sandata ay hinati nito sa isang iglap lang ang malaking bato.

Normal na ang tanawing ito para sa mga taong saksi maliban kay Timtara na ngayon lang nakasaksin ng ganoon. Siya lamang ang proud na proud na pumalakpak na unti-unting nawala nang mapansin ng dalaga na siya lang ang tuwang-tuwa sa nasaksihan.

"I, Queen Luciana Shiranui-Loong, will give the challengers the rules and goal of this trial. Listen well, Carol Ruehl and Timtara Aurina Wilson. The Trial of Labyrinth is a challenge wherein the people who summoned this will undergo obstacles that will endanger their lives. To observe you, the Seven Sins will enter the tunnel at the same time as you to observe you. However, if you will ask for their help meant you forfeit your chance of winning. Winning means finishing this trial first before sunsets and that will give you ten hours to finish the trial. Also, you are prohibited to hurt each other and help each other during the trial. You are not allowed to bring any type of weapon inside. In your smartwatch, there's a map in there. Follow it and start the trial. Disobey the rules and you'll forfeit the challenge. May I remind you, to the person who will win this challenge, your prize is the marriage proposal of Gerard Hudson blessed by the crown. Questions? Questions? Let the Trial of Labyrinth begin!"

Si Carol na nakasuot ng isang leather one piece suit ay una ng tumakbo papasok sa tunnel.

"Eh? W-wait!" Tarantang tumakbo naman si Timtara papasok ng tunnel. Nakasuot lang ito ng damit na pang gym.

Kalmado man ang tindig ay may nagbabadyang bagyo sa loob ni Gerard habang nakatanaw sa mga babaeng mahalaga sa kaniya. Ayaw niyang may mangayaring masama sa mga ito.

Tahimik na sumunod ang mga nakamaskarang nakasuot ng uniporme mula sa Trinity High. Ang panghuling nakamaskara ay lumingon sa reyna.

"Alam ba nila ang tungkol sa mga chimera na nasa loob ng tunnel?" Maamong tinig ng isang babae ang nagsalita sa likod ng maskara na ikinagulat ng iba. Wala pa kasing miisa maliban sa reyna na nakakita mukha ng isang miyembro ng Seven Sins.

Dumilim ang mukha ng reyna, "I told you to dispose of them."

"I did but I lost count and some of them ran away," balewalang sagot nito sa reyna at naglakad na papasok sa tunnel.

30 Minutes after entry

Sa kabilang banda naman ay nasa first stage na ng Trial of Labyrinth sina Carol at Timtara.

Kahit nahuhuli ay hindi naman masyadong malayo ang agwat ng distansya nila ni Carol. Hindi alam ni Timtara kung sinasadya ba ito ng dalaga pero hindi niya nilalagay lahat ng physical strength niya sa pagtakbo lamang. All they're doing was running, the trial has yet to begin.

Ang kaninang madilim na paligid at ang kaninag tinatapakang maraming bato ay unti-unting naging kabaliktaran nito. May mga ilaw na sa paligid at nagiging semento na ang palibot. May napapansin ding CCTV ang dalaga.

Awtomatiko siyang napahinto nang makita nakatayo lang si Carol at nawala na rin bigla ang kanina pang sumusunod sa kanila na mga nakamaskarang tao.

"Why did you stop Carol?"

Bahagyang lumingon ito sa kaniya, "See for yourself stupid."

Napanguso si Timtara sa kalamigan ni Carol sa kaniya pero ang kaniyang pagkanguso ay nauwi sa pagiging laglag panga nang makita niya ang mga naglalakihang mga hayop na nakaharap sa isang siradang lagusan na may tatak na '01'.

"What are these things? Nawala lang ako ng limang taon may ganito ng uri na ng hayop?" Takang tanong ni Carol sa kaniyang sarili na narinig ni Timtara.

Pinakatitigan ng doktora ang tatlong hayop na may katawan ng isang tigre pero may mukha ng isang ahas. Naalala niya ang sinabi ni Atlas, na may nagpapractice ng alchemy. At nasa harap nila ngayon ang isang pruweba na totoo nga ang sinabi ni Atlas.

"They're called chimeras. Products of alchemy wherein two different species are combined to make a new geno DNA. I never thought it would be here," paliwanag ni Timtara kay Carol.

Aminado ang doktorang dehado sila ni Carol laban sa mga ito. Akmang magbibigay ng suhestyon si Timtara nang biglang tinalunan lang ni Carol ang isang ulo ng chimera na para bang hindi nangangat ito at mabilis na pinindot ang dilaw na button.

Nakatanga lang si Timtara kay Carol na ngayon ay nakapasok na sa first trial, nang lumingon ito sa dalaga ay binigyan ni Carol ng isang kindat ang doktora bago tuluyang nagsara ang pinto.

"How did I forget that this is not a friendly game?" himutok ng doktora at tinitigan ang mga chimeras na papalapit sa kaniya.

"Think Timtara! Think! Kung ang upper body nito ay may components ng isang ahas then they shared the same weakness."

Kinuha ni Timtara ang isang maliit na bote sa kaniyang likurang bulsa. Dinadala niya ito parati dahil may habbit siya na magdala ng cleaning solution bilang isang scientist. Hindi rin ito maikokonsidera na weapon kaya pinayagan ito ng reyna nang magkaroon ng inspection doon sa palasyo.

Ang ammonia ay kilala rin sa pangalan na Azane kung saan may mga compounds ito na Hydrogen at Nitrogen. At isa itong napaka-common na pamamaraan upang itaboy ang mga ahas.

Binuksan niya ito at naglagay ng saktong dami sa kaniyang kamay at ang kaniyang katawan. Nang maubos ay kampanteng naglakad siya papunta sa lagusan. Gaya ng inaasahan ay umtaras ang mga chimeras at nagbigay ito ng daan sa kaniya.

Paglapat ng kaniyang kamay sa yellow button ay awtomatikong bumukas ang lagusan. Ang init ng naglalagablab na apoy ang agad na sumalubong sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top