CHAPTER 5

Timtara's Point of View

Humantong kami sa isang private airport. May mga lalaking nakasuot ng black suit ang sumalubong sa aming sasakyan pagkarating pa lang namin. Mas naging sabog ang buhok ko, maraming bakas ng bala ang sasakyan namin kaya ang may bakas nang pagkaabala ang mukha ng mga lalaking sumalubong sa amin.

"What happened, sir?" Agad na tanong ng isa kay Nightwind.

"Shit happened," tanging sagot ni Nightwind bago hinatak ako gamit ang kwelyo ko palapit sa isang private plane.

"Hey! You! Get your hands off me!" Inis na utos ko habang pilit na kumakawala sa kaniya pero dahil matangkad siyang tao kaya para lamang akong duwendeng hinahatak niya.

Saka lang niya ako binitawan nang pabalang nang nasa loob na kami ng plane. Inis na inayos ko ang damit bago hinarap ang bastos na lalaki.

"You ungrateful bastard!" Duro ko sa kaniya na prenteng nakaupo na ngayon.

"Ungrateful?"

Oh, hindi siya umangal dahil tinawag ko siyang bastard pero dahil tinawag ko siyang ungrateful? Weird.

"Of course! Without me, you will not be alive right at this moment!"

Tama, ako ang nakapagpasabog sa chopper na 'yon noh, akala nito. Pero ang antipatikong lalaki ay tinaasan lang ako ng kilay at pumikit na ang mga mata na para bang iidlip na nang bigla itong sumagot kahit na nakapikit.

"I told you what you needed to do, if not for me, you won't be able to pull that off."

I can't believe it! Hindi ako masusuong sa sitwasyong 'yon kung hindi niya ako dinukot! Ang sarap kutuson nito lalo na at natutulog. Pero alam kong hindi magandang desisyon na sagarin ang pasensya niya. After all, I still don't know why he captured me. Napagdesisyunan ko na lamang na umupo sa pinakamalayong upuan mula sa kaniya at tulad ni Nightwind, nang lumapat ang likuran ko sa malambot na upuan ay mabilis akong ginupo ng antok.


ISANG TAPIK  sa nuo ang nakapagpagising sa akin.

"Son of a –"

"We're here."

Nakalapag na pala ang plane. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog basta alam kong gutom na gutom na ako na para bang ilang araw akong walang kain. Hindi niya ako ginapos o binusalan man lang nang pababa ng kami ng plane. Mataas na ang sikat ng araw pagkababa ko sa lupa. Agad kong napansin ang nakahilerang mga sasakyan habang may kausap sa cellphone niya si Nightwind. Mas marami rin ang nagkalat na mga lalaking malalaki ang katawa na nakasuot ng blue suit at may kung anong crest sa kanilang bandang dibdib.

Army ba sila? O private army ng nagpadukot sa akin?

May mga lumapit sa akin na mga naka unipormeng lalaki at sa bawat hakbang nila sa akin ay mas lumalakas ang kabog ng aking puso dahil sa takot. Nang sila ay malapit na sa akin ay napapikit na lamang ako at napaatras. Takot ako sa kanila, takot na takot, kaya hindi ko maiwasang maging luhaan.

"Ma'am, you will ride with us." Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay niya sa balikat ko kaya tumulo na nang tuluyan ang mga luha ko kahit na nakapikit.

"I will drive her," saad ng isang pamilyar na boses sabay kawala ng kamay sa aking balikat.

"Yes sir."

Sa luhaang mata ay tiningnan ko kung saan nanggaling ang boses na 'yon. At tama nga, si Nightwind ang kumuha ng kamay ng lalaki mula sa aking balikat. Mabilis na lumapit ako sa kaniya.

"Wipe your tears," sita niya sa akin nang papasok na kami sa sasakyan niyang isang muscled car.

"Huh? Ah, yes. Thank you by the way."

"Don't get me wrong. I am not your protector, I am way worse than your nightmare. In fact, you are safer with them than staying close to me."

Natahimik ako sa sinabi niya at hindi na sumagot. Somehow, I felt colder all of a sudden. I realized how true he is.


ILANG ORAS na kami nagbabyahe. May dalawang sasakyan na nasa unahan namin at tatlo naman ang nasa aming likuran. Daig ko pa ang presidente ng bansa. Mas tumatagal ang byahe mas nagiging masukal ang paligid hanggang sa may nakita akong isang malaking electronic sign board na may nakasulat na "PRIVATE PROPERTY! DO NOT ENTER!" at may hazard sign pang nakakabit at may ilaw din itong neon.

Ilang security ang nakita ko sa daan. Sa unang gate ay huminto lahat at isa-isang nag-scan ang mga driver para makapasok, noong kami na ay hindi kumuha ng ID si Nightwind. Binuksan niya lang ang bintana at nang makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan ay yumuko ang bantay at awtomatikong bumukas ang gate. Nakita ko ring may nakasabit sa gate na "20,000 VOLTS".

Ganito ang nangyari sa sumunod pang limang gate pero bawat gate ay dumudoble ang lakas ng voltage. Nasaang top secret facility ba ako? May duda na ako kung bakit ako dinukot, siguro may nakatunog sa Apohixen ko. Pero paano lumabas ang impormasyon kung si Ma'am Kharm lang ang sinabihan ko?

Ayokong pagdudahan si ma'am, siya lang ang naniwala sa akin sa panahong pinagtawanan ako ng iba.

Naputol ang daloy ng pag-iisip ko nang pumasok kami sa isang malaking tunnel. Naramdaman ko base sa slope ng daan ay pababa nang pababa kami. Is this an underground facility? Matapos ang ilang minutong dilim ay bumulaga sa akin ang isang tanawin na kailanman ay hindi ko naisip na makikita sa buong buhay ko.

Under the ground exists a world I have never seen from the almanac or the internet.

"Welcome to the Underworld Realm City," biglang salita ni Nightwind.

Underworld Realm City?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top