CHAPTER 48
Third Person's Point of View
Nang makalabas ay dumiritso na si Timtara sa throne room pero nakasalubong niya muna ang mga hindi kumportableng mga mukha ng mga knights. Kahit hiyang-hiya ay walang maggawa ang dalaga dahil sa tuwing akmang lalapit siya sa mga ito ay tila may nakakahawa siyang sakit na umaatras ang mga ito mula sa kaniya.
Hanggang sa may matandang kasambahay na nagbigay sa kaniya ng tuwalya na ginawa niyang pantakip sa kaniyang katawan. Nang makarating siya sa throne room ay wala pa ang hari at reyna kaya sa tabi muna siya pumwesto.
Para siyang suman dahil sa nakabalot na tela sa kaniya. May nagbigay sa kaniya ng sandwich na masaya naman niyang tinanggap. Kakaubos niya lang nito nang bumukas bigla ang double doors ng throne room. Awtomatikong natahimik ang lahat sa pag-aakalang sina King Kiel at Queen Luciana na ang mga ito nang pumasok si Gerard na naka-abresete sa kaniyang braso ang braso ni Carol.
Kahit ayaw ni Timtara ay nakaramdam siya ng paninibugho. Jealousy is an evil feeling. This can make the sweetest person into a monster with just one snap and I don't want it.
Sa kaniyang isipan ay pinilit niyang alalahanin kung nasaan siya nakalugar kay Gerard dati. Na siya ang naghahabol kay Gerard at nang maibigay ng binata ang pagmamahal na akala niya ay hindi mangyayari ay tuwang-tuwa siya. Sa isipang ito ay nawala unti-unti ang kaniyang selos na nararamdaman.
May kislap sa mga mata ni Gerard habang tumatawa sa kung anong binubulong ni Carol pero nang maramdam nito ang kaniyang titig ay napatingin ito sa kaniyang direksyon. At ang kislap ng pagkaaliw ay mas lumiwanag, doon nakahinga nang maluwag si Timtara. Napansin ito ni Carol at napalingon din ito sa kaniya.
Pero nang bumaba ang tingin ni Gerard sa kaniyang 'damit' ay nagdilim ang mukha nito at tumalim ang titig nito sa kaniya na para bang gusto nitong tisirin siya ng buhay.
"Oops," mahinang saad ni Timtara sa kaniyang sarili.
Mabilis ang mga hakbang nito papunta sa kaniya dahilan upang maiwan si Carol. Habang tinatawid nito ang distansiya sa pagitan nila ay samu't sari ang kaniyang nararamdaman.
"Damn I love this man," sambit ni Timtara sa sarili. The familiar excitement and joy of seeing him without the glass wall are way much better.
Habang naglalakad ay hinubad nito ang tee shirt kahit maraming malalaking tao ng Realm sa paligid. Napasinghap naman ang mga kababaihan lalo na siya nang tumambad sa kanilang harapan ang six packed abs nito na ikinalunok ni Timtara nang ilang beses.
Sa isipang magiging kaniya ito ay naisipan ni Timtara ang magpaconvert ng relihiyon mula sa pagiging aetheist to Catholic.
"Jusmeyo," may nginig sa boses na singhap ni Timtara na naputol dahil nang makalapit ang lalaki ay sinuot nito sa kaniya ang tee shirt nito na para bang isa siyang bata. Kahit napaka cave man ng inaakto ng lalaki sa kaniya ay 'di mapigilan ni Timtara ang mapakagat labi sa kilig.
"That collar bone is mine to feast," he practically growled in her ear after he secured his shirt to her body. Siniguro rin ni Gerard na secured ang pagkakabuhol ng tela sa bandang ibaba niya na ikinapula ng kaniyang mukha.
"Baby, they're looking at us!" Timtara half-whispered at him that made him grinned like a cheshire cat.
"They should be watching so they'll fucking know you're mine."
Nakatingila ang dalaga sa mataas na pigura ni Gerard. Nakanguso ang dalaga sa hiya dahil malakas ang boses nito at paniguradong rinig ito ng buong throne room.
"Woah, never knew you could be this possessive Gerard." Isang tinig ang umalingawngaw at doon napatuon ang atensyon nilang lahat maliban kay Gerard na hindi ito liningon hanggang sa makasigurong okay na ang pagkakasuot niya ng tee shirt.
Tumambad sa harapan nila ang Phoenix na kahit may mga bandage ang katawan ay nakangiti pa rin. Nasa likuran nito ang mga nakasuot ng whole face mask na may dala-dalang kahon na nakasukbit sa mga likuran nito.
Dahan-dahang napalingon si Carol at nang magtagpo ang mga mata nila Fallen Angel ay umiiyak na tinakbo nito ang distansyang nakapagitan sa mga ito. Mabibilis ang mga hakbang na sinalubong nina Fallen Angel at Siren nang mahigpit na yakap si Carol o mas kilalang si Sprite.
Naging madamdamin ang tagpo ng mga ito na kahit si Timtara ay napatulo ang luha. Masayang masaya siya para sa lahat. Masasabi niyang 'worth it' ang mga paghihirap niya para sa Apohixen. Umulan ng pakpakan para sa pagbabalik ng isang miyembro ng Phoenix na si Sprite.
Maraming nagsabi ng 'welcome back' sa dalaga. Ganito ang eksena hanggang sa makaupo ang hari't reyna sa mga trono nila.
Naging seryoso ang lahat dahil inaabangan ng mga ito ang anunsyo tungkol sa Continental War. Tinanguan ng hari ang asawa at tumayo na ang reyna. Awtomatikong nagbigay galang ang lahat sa pamamagitan ng paglagay ng kanang kamao nila sa kanilang bandang puso sabay bigkas ng katagang 'Tenzegen'.
"Tenzegen! I, Queen Luciana Shiranui-Loong, report to you my subjects about the recent war we engaged in. With the strength of Phoenix, the help of the Mafioso of every continent under your king's command, and the assistance of the Seven Sins; the Underworld Realm has won the Continental War!" Umalingawngaw ang boses ng reyna na siyang sinagot ng lahat ng masigarbong palakpak.
"The alliance between the United Nations Organization has been nulled and void. All borders will be in lockdown and we will be sending our knights to fetch our citizens who are located outside the borders. An emergency meeting will take place after this assembly. Thank you."
Sumaludo ulit ang mga taong nakapalibot sa reyna maliban sa hari at kay Timtara na hindi alam ang gagawin. Unti-unti nang umalis ang mga tao nang magsalita sa malakas na boses si Carol na ikinahinto ng mga taong aalis na sana.
"I, Carol Ruehl, summon my right to call the Trial of Labyrinth!"
Naging seryoso ang mukha ng reyna at akmang aangal si Siren nang itinaas ni Carol ang kaniyang noo na tanda na hindi na mababago ang kaniyang pasya. Sa kabilang banda naman ay takang-taka naman si Timtara sa mga nangyayari lalo na at kita niya ang pinipigilang tensyon ni Gerard nang hawakan nito ng mahigpit ang kaniyang kaliwang kamay. Hinaplos niya ang kamay nito na nakahawak sa kaniya upang pakalmahin ang kasintahan.
"Why is there a need to summon the Trial of Labyrinth?" Seryosong tanong ng reyna na ikinahinto ng mga bulong-bulungan sa throne room.
"I won't accept that weakling to be Nightwind's partner," dinuro ni Carol ang naka-wheelchair na si Timtara. Nagbabaga ang tingin nito sa nagtatakang doktora.
"I can't allow it. Her situation is at her disadvantage. With this, there will be no fair trial." Gerard tried to butt in but Carol cut him off.
"You very well know that you can't stop me since this is a challenge."
"Sprite! Mind your place," banta ni Siren pero hindi nakinig si Carol dito.
Itinaas ni Timtara ang kaniyang kamay, "I believe I have a say in this matter since apparently, I am the one whom she challenges."
"The Trial of Labyrinth can kill you or imprison you in that place forever, doctor." Paliwanag ng hari upang maliwanagan ang doktora. Bakas din sa mukha nito ang pagtutol at pag-aalala para san aka-wheelchair pang doktora.
"I know but I want her to accept me as the person who loved not just Nightwind but Scraper as well. I want to prove to her that I am not a weakling since I am able to embrace the two sides of this man. And I want to correct her that it's not just Nightwind anymore, it's Gerard." Sa buong durasyon ng kaniya sinasabi ay hindi siya sa hari at reyna nakatingin kun'di sa mga mata ni Carol na nagngangalit ang bagang sa galit para sa kaniya.
That's it. Lose your calmness. Sambit ni Timtara sa kaniyang isipan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top