CHAPTER 47
Third Person's Point of View
"You're creeping me out right now, baby." Ang boses ni Atlas ang umalingawngaw sa buong paligid ng laboratory. Ito ang nasa isipan ni Timtara habang nakatingin sa kasintahang nakaupo lang sa harap ng glass tank at nakaharap sa kaniya. Nagbabasa ito ng mystery novel pero malakas nitong binabasa ang kwento para sa akin.
Napataas ang kilay ni Gerard sa sinabi ni Atlas na alam ng lalaki na siyang sinabi ni Timtara sa isip nito. Naunawaan na kasi ng lalaki ang lahat pati ang napag-alaman nilang Philosopher's Stone liquid na nasa DNA ni Carol ngayon at ang siyang tinatanggal na substance sa katawan ni Timtara.
Sa halos isang linggong paglalagi ni Gerard sa laboratory upang samahan si Timtara ay napapansin na niya ang unti-unting pagganda ng kalagayan nito. Sa isang araw ay pilit na nilalagi ni Gerard ang laboratory ng humigit-kumulang limang oras. Kailangan din niyang tingnan-tingnan ang mga anak nina Fallen Angel at Siren pati ang mga knights na nakabantay sa mga ito. May mga araw ding nagpapasama si Carol sa kaniya dahil hindi na nito pamilyar ang Realm.
Nakakalakad na si Carol at nais nitong punan ang limang taon kung saan huminto ang pag-ikot ng mundo nito kaya kung saan-saan ito nagpapasama kay Nightwind.
"Is staring at you like you're my entire universe is a creepy thing nowadays?" Seryoso ang pagtataka ni Gerard sa kasintahan. Kapag kasi hindi siya nagbabasa ng mystery novel ay tinititigan niya ang babaeng mahal. Timtara is his greatest mystery. After all, how can you decode the entirety of the woman you love? It is simply impossible.
"Not that! I'm not used to the way you stare at me. Even Alexander didn't do that kind of stare."
Sa pagbanggit ng dalaga sa pangalan ni Alexander ay nagbago ang timpla ni Gerard. Nagulat si Timtara nang bigla nitong isinara nang malakas ang librong binabasa at tiningnan ang dalaga nang masama.
"Tell me, kuting. How did he stare at you huh?" Naglakad ito nang palapit kay Timtara at nang makalapit ay pinakatitigan siya nito na parang kakainin siya nang buhay.
"I'm just saying that I'm new to this." Kung hindi lang siguro pinapalibutan ng green liquid si Timtara ay kanina pa siya tumakbo. The predatory gleam from his eyes is something she both craves and fears.
"Did he stare at you like he wanted to strip you?"
"What? No! What are you saying? Wait, are you even listening to me?"
"I stopped listening from you after you said 'Alexander'."
Napangiti si Timtara nang biglang pumasok si Carol. Silang dalawa lang ni Gerard at Carol ang may free pass sa laboratory. Nanatiling nakangiti si Timtara kay Carol na sinuklian naman ng isa.
"Are you ready, Nightwind?" Naksuot ng isang cute jumper dress si Carol na hinangaan ni Timtara. Hindi niya matandaan ang huling beses na nagsuot siya ng dress. Napagdesisyunan ng dalaga na magsuot ng ganito para kay Gerard, gusto niya kasing makita ang reaksyon nito. Kung kapareho ba ng nakikita niyang paghanga sa mga mata ni Gerard habang nakatingin kay Carol.
Nakangiting lumingon sa kaniya si Gerard, ang kaninang nakasimangot na mukha nito ay kay dali napalitan ng ngiti. "I'll see you later, baby."
Nakayanan ni Timtara ang paggalaw ng kaniyang mga kamay para mag-wave sa dalawa at nang mawala ang mga ito sa kaniyang paningin ay doon napabagsak ang kaniyang masiglang awra.
What should I do, Atlas? I know firsthand the pain of rejection. Carol's smile screamed 'pain' for me.
"Do you want to step back for her?" sagot ni Atlas sa tanong ni Timtara mula sa speaker.
If he tells me to step back, I promise I will Atlas. But if he asks me to stay then I'll stick to him like a damn shoe glue.
"Then you have your resolve then."
Report to me my body analysis, Atlas.
"Ninety-seven percentage of healthy body mass. Three percent still affected by the Philosopher's Stone liquid."
Then I can be free from this glass tank. Release me, Atlas.
"Liquid absorbing: 75%, 50%, 25%, 0. Tubes dismantling from connector Z to F. Cocoon filtering completed. Release process percentage down to ninety percent. Inserting inhaler to subject Timtara Aurina Wilson. Inhaler connectivity confirmed. Opening cocoon in 3, 2, 1."
Dahil sa iba ang oxygen density kapag nasa labas na ng tank kaya naka-inhaler si Timtara. Sinanay muna niya ang kaniyang baga sa pamamagitan ng unti-unting pagbitaw niya sa inhaler nang hindi na sumisikip ang kaniyang dibdib.
Napasandal ang nanghihinang si Timtara sa glass wall ng tank na ngayon ay nakabukas na ang front side habang wala ng laman sa loob. Hindi naman hubo't hubad si Timtara dahil sa buong durasyon niya sa loob ng tanks ay may underwear naman siya. Kaya nga hindi siya nahihiyang makipag-usap kay Gerard. Hindi rin masyadong nakikita ang katawan maliban na lamang kapag lumalapit ka sa glass wall. Dahil na rin ito sa green liquid na bumabalot dati sa loob ng glass tank.
"The Realm central command system has received a messaged from the King and Queen."
Dahil centralized ang data sa loob ng palasyo kaya madaling ma-access ni Atlas ito.
"W-what is it?" Speaking not from her mind but from her own voice box was so new to her. May garalgal pa sa kaniyang boses na tandang hindi pa nga ito sanay.
"The troop from the Continental War arrived just now."
Napag-alaman ni Timtara mula kay Gerard na tinawag ng marami na Continental War ang digmaang kakatapos lang tatlong araw na ang nakakaraan. Hindi niya alam ang buong impormasyon dito pero gusto niyang salubungin ang mga ito sa throne room.
"Atlas, is the wheelchair an AI product?" Natanaw niya ang isang wheelchair sa tabi ng desk niya dati.
"Yes. Do you want me to let this assist you?"
"Yes, please."
Umilaw ang green button ng wheelchair at awtomatikong lumapit ito sa kinaroroonan niya. Kahit hirap ay pinilit niyang buhatin ang sarili niya para makaupo siya sa wheelchair. Nang makaupo na si Timtara ay siya na mismo ang nagkontrol sa wheelchair.
"It's time to face the world again," saad niya sa kaniyang sarili.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top