CHAPTER 46

Carol's Point of View

Sino ba ang makakapagsabi sa Carol five years ago na darating ako sa puntong ito. Kanina pa ako rito sa may balkonahe ng palasyo na pag-aari ni leader. Nabuhay din pala si leader, only earlier. At nagkaroon ng continuation ang love story nila ni Kiel, ang phantom brother ni Ciel.

Eh bakit ako? Bakit hindi ako hinintay ni Nightwind? What's with that woman inside the glass anyway?

Hindi ko alam kung paano nito nilason ang isip ng mahal kong si Nightwind. Hindi ko rin alam kung anong klaseng babae ito. Nang magtanong-tanong ako sa mga tauhan dito sa palasyo ay walang nakakaalam dahil sa buong durasyon ng paglalagi ng babaeng 'yon dito ay nasa loob lang daw ito ng laboratory.

Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Nightwind kung saan hiniwalayan na niya ako. I wanted to scream at him but I just can't because of my fragile state which I hated the most at that moment.

Nakatanaw ako sa garden malapit sa laboratory. Naka -wheelchair pa rin ako dahil hindi ko pa rin kinakaya ang tumayo nang matagal. May kasama rin akong knight na nagbabantay sa akin. I don't like this feeling but I have to swallow my pride. Paminsan-minsan ay tinatanong ko rin ang knight na kasama ko tungkol sa mga nangyari sa Realm sa nakalipas na limang taon.

I have learned that another war took place before the unification happened. I have also learned that my best friends Luciana and Kharmaine are now mothers. Dati ako ang sinasabihan ng Phoenix na ako raw ang unang magkakaroon ng baby, it turned out the other way around after all.

.

The thought of having a family became blurred after I witnessed the scene earlier between my Nightwind and that woman inside the glass tank.

Pwede palang ang taong inakala mong magiging sa'yo habang buhay ay maagaw ng iba sa isang iglap lang. I just fucking witnessed them confessing their feelings for each other. I can practically saw flowers blooming in their background. Damn, I sounded like the evil jealous bitch in their love story.

Hindi nga ba ako nagseselos?

Of course, I am jealous as hell!

Kahit kalmado ang aking mukha kabaliktaran nito ang aking sinasaloob. The pent-up frustrations of being dead for five years is threatening to explode like a damn volcano in Hawaii.

Nasa ganito akong mood nang dumating si Nightwind at nakangiti pa ito na mas ikinasakit ng aking damdamin.

"Sup?" Tinapik ko ang katabing bench ng aking kinalalagyan na wheelchair.

"Have you eaten?" His question caught me off guard. He's concerned with me? Then their little scene earlier popped into my sadistic mind.

"May oras ka pa palang mag-alala sa'kin," bahagyang sikmat ko sa kaniya. Hindi ko talaga mapigilan. He's so different from the Nightwind I love.

Tumaas ang kilay nito bago napabuntong hininga na siyang ikina-insulto ko lalo.

"Sorry, Carol. May importante lang akong dinaluhan. Heto nga pala, nakita ko ang mga kasambahay na magdadala ng pagkain mo so I took it away from them."

Inilahad niya sa akin ang tray na hindi ko agad tinanggap, "What's in there?"

"Your favorite brisket. Ibinigay ko sa kanila ang recipe ng paborito mong brisket." Nakangiti ito sa akin, and for once I saw a glimpse of the man I love. His gentle eyes only look at me that way.

Tinanggap ko ang tray at binuksan na ang plato, "Why are you here by the way, babe? I thought you have a meeting with the knights on patrol this early evening."

"They can wait but what I have to talk to you can't, Carol." Balisa ito na para bang hindi mapakali. Nahinto ang akmang pagsubo ko ng pagkain dahil sa sinabi niya.

So this is the dreaded 'talk'. I never thought I could experience this.

"What is it?" Nagpatuloy ako sa pagkain kahit ang hirap lunukin ng aking kinakain dahil sa lungkot at kabang aking nararamdaman.

Ang inakala kong 'it's not you it's me' speech did not come. Pero sana pala ito na lang ang sinabi niya dahil baka may maisabi pa ako pabalik sa kaniya. But this? Him kneeling in front of me for forgiveness? Paano ko ito babalewalain?

The second prince Gerard Hudson is kneeling in front of me. Asking me to set him free.

Paano ba patigilan sa pagtibok ang pusong nasasaktan? Kasi ngayon, mas pipiliin ko pang mamatay ulit kaysa maramdaman ulit ang sakit na gaya nito.

Nilahad niya mula sa umpisa ang lahat. Limang taon na summary ang ginawa niya habang nakaluhod sa akin. Mula sa kagustuhan niyang huminto sa Phoenix hanggang sa pag-utos ni Lucy sa kaniya na dukutin ang doktorang si Timtara. Nilahad din niya sa akin na hindi pinilit ni Timtara ang pagmamahal niya kay Nightwind.

Sa buong durasyon ay nakilala ko kung anong klase ng tao si Timtara kay Nightwind. Siya ang babaeng sakim na hindi lang kinuha mula sa akin si Nightwind pati na rin si Scraper.

Her selfless act, what a joke. They were all fooled!

Tumutulo ang mga luha ko sa bawat salita na lumalabas sa bibig ni Nightwind. Kasi makikita sa mga mata niya ang pagmamahal nito para sa Timtara na 'yon. Lungkot, awa sa sarili, at galit sa babaeng 'yon. Ito ang mga damdamin na aking nararamdaman sa ngayon.

"Who's the lucky lady?" I wanted to say 'bitch' pero ayokong maging bitter sa pananaw niya.

His eyes lightened up maybe because he thought that I accepted everything already. Umayos siya ng upo sa tabi kong bench, "Her name is Timtara. Someday, when you can truly forgive me I want you to meet her."

Napatingin ako sa ibang direksyon, there's no point hiding my feeling then. I forgot how he can read me like a book. Naalala ko pa dati, isang tingin niya lang sa akin ay alam na niya ang mood ko.

Napatulo ulit ang luha ko nang inalala ko ang break up scene namin ni Nightwind.

"Wow, you've been awake for only a few days and now you're crying already." Isang pamilyar na boses ang nagsalita. Nang lingunin ko ang ang may-ari ng boses na iyon ay uminit ang dugo. Dahil nakatayo siya sa may railing ng balkonahe at medyo malapit lang ito sa akin ay tumayo ako mula sa wheelchair at hinablot ang paa nito.

"Woops!" Parang batang naglalaro na mahina itong tumawa habang iniilagan ako. Napagtanto kong mahirap siyang hulihin lalo na at mahina pa ang katawan ko kaya lumingin ako sa hallway at sisigaw na sana ako nang maramdaman ko ang kaniyang kamay na itinakip sa aking bibig at ang kaniyang hininga sa aking taynga.

"If you spoil the plan then I won't be able to tell you how to get rid of your competition without making an enemy of the Realm especially your precious Nightwind."

Napahinto ako sa sinabi niya at dahan-dahan siyang nilingon. And when I looked up at his eyes, I saw the mischief of my former comrade, Alexander Montegracia.

"How?"

Ngumisi ito, ngising tagumpay. "Challenge her when she woke up. Call the Trial of Labyrinth in front of the crown. That way, no one can deny you and you can do anything you want with her. After all, the Realm is subjected to many traditions."

The Trial of Labyrinth? Ang trial na ito ay mahigpit na iniiwasan ng White Family noon. Iba-iba ang trial of Labyrinth pero simple lang ang mechanics. Kapag ikaw ang nakauna ng paglabas ay ikaw ang panalo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top