CHAPTER 45

 Third Person's Point of View

Dalawang araw mula nang malaman ni Timtara ang tungkol sa nangyari sa kaniya at ang panlilinlang ni Alexander. Unti-unti ay naibabalik na sa kaniya ang kaniyang muscle control. Kaya na niyang manatiling gising hangga't gusto niya.

Napag-alaman din niya na dahil sa linked sila ni Atlas ay nakokontrol niya ang buong laboratory na konektado sa system ni Atlas.

"I am more concerned with the other patient's DNA," biglang saad ni Atlas mula sa speaker ng laboratory. Naging alerto si Timtara sa sinabi ni Atlas.

Why? She woke up first. Clearly, the Philosopher's stone has a good effect on her.

"Her waking up immediately with the use of Philosopher's Stone is a big cause of concern. It could alter her DNA forever."

Kung maggagalaw siguro niya ang kaniyang kamay ay kanina pa niya nahilot ang kaniyang sentido. Ang daming problema. Napag-alaman niya mula kay Atlas ang mga pangyayari gamit ang mga CCTV footage na may access si Atlas.

Napagalaman din ni Timtara mula rito na may puwang pala siya sa puso ni Gerard. Na wala ng Nightwind o Scraper dahil iisa na ang mga ito. Sa kaalamang ito ay nagdulot ito ng ibayong saya sa kaniyang puso.

Natanggap na nila sa wakas ang parte ng kanilang katauhan na pilit nilang itinatanggi. Si Nightwind na ayaw ang walang puwang na kaharasan ay tanggap na si Scraper. At si Scraper na ayaw naman sa mga lohika ay tanggap na rin sa wakas si Nightwind.

Hindi niya maiwasang mapangiti sa loob ng glass tank. Nasa ganoon siyang eksena nang pumasok bigla si Gerard. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay nahulog ang hinahawakan na plato ng lalaki na nagdulot ng ingay sa loob ng laboratory. Tila naestatwa lamang si Gerard habang nakatitig sa nakangiting mukha ni Timtara.

"Are you alright, Mister Hudson?" tanong ni Atlas mula sa speaker na nakapagpapukaw sa lalaking tila naestatwa.

Mabilis na narating nito ang glass tank at sinandal ni Gerard ang kaniyang noo sa glass wall. Nang makita ng dalaga ang ginawa ng lalaki ay itinapat niya ang kaniyang noo sa noo nito at silang dalawa ay sabay na naluha sa saya.

"I love you. God, I love you so much." Madamdaming pahayag ni Gerard at pinakatitigan ang mukha ng dalaga. Kahit mabagal ay inabot ni Timtara ang glass wall na katapat ng pisngi ni Gerard. Kahit balot ng green liquid sa loob ng glass wall ay naaninag ni Gerard ang luhang kumuwala sa mga mata nito.

I love you most.

"I love you most, my master Timtara said." saad bigla ni Atlas. Dahila hindi makapagsalita dahil nasa ilalim pa siya ng glass tank ay ginamit niya ang kaniyang link kay Atlas upang ito ang magsalita para sa kaniya.

"You always cry when it comes to me."

"My feelings for you can make me or break me," pag amin ng dalaga.

"I have broken your heart more than make it happy. I planned to change my game and make you smile often. I love you. I will spend my life reminding you that this insane man became whole again because of you."

"Maybe you're just thankful for me. I know that Carol is here. I don't want to stomp her feelings."

"The things I'll do to prove to you my intentions," puno ng init na pangako ni Gerard na ikinagulat ni Timtara. She never thought that she'll be the receiving end of his heated gaze.

"You're crazy."

"Yes, I am. But not crazy enough to let you go. Never again, Timtara. I'll make it right with Carol so please wait for me."

Pinuno ng saya ang puso ni Timtara, may pangamba dahil alam niyang mas unang minahal ni Gerard si Carol. Pero mas malaki ang bahagi ng isip at puso ni Timtara na puno ng tiwala sa sinabi ni Gerard ngayon lang.

Ngayon pa ba siya magpapatinag? May pinanghahawakan na siya. May rason na siyang lumaban. Kung noon ay minahal niya ito sa kaalamang dalawang katauhan ang mamahalin niya ay naggawa niya. Ngayon pa kaya at iisa na ang mga ito at parehong may nararamdaman sa kaniya. Kung noon ay minahal niya ito kahit ilang beses siya nitong hindi pinili ngayon pa kaya na siya na ang pinili.

This will be a fair game between her and Carol. At hanggang hindi pa niya kayang umalis sa loob ng glass wall ay ibibigay niya lahat ng tiwala kay Gerard. Yes, it is a gamble for her. But she doesn't want to regret anything.

"I will wait for you, Gerard. And if you forgot your home to me then I'll get you myself. Because you became mine the moment you told me you love me."

"God baby, you're possessiveness are giving me a hard-on!" impit na bulalas ng lalaki at sinandal ulit ang noo nito sa glass wall at ipinikit ang kaniyang mga mata. Ginaya naman ito ni Timtara.

"I love you, pervert."

"I love you most, kuting." Gaya nito sa sinabi ng dalaga kanina. Sinunod din niya ang palayaw ng dalaga mula kay Scraper. At dahil siya rin si Scraper ay sinambit niya ito na ikinalawak ng ngiti ni Timtara.

"By the way, how come you're connected to Atlas?"

"It's a long story, baby. Are you up for it?"

Gerard longed to kiss her lips. And he swore to do it the time when she's already fine. Actually, he promised to do more than kiss. He'll show her how he truly meant his words.

Ngumisi si Gerard bago sumagot, "Glad I have the time."

Sa kabilang banda naman ay hindi napansin ng dalawa ang presensya ng umiiyak na si Carol sa likuran ng isang shelf. Kanina pa ito na-detect ni Atlas at plano nitong sabihin kay Timtara kapag umalis na ang lalaki.

Kahit isang Artifical Intelligence si Atlas, malawak ang data niya upang malaman na kapag inanunsyo niya ang presensya ni Carol Ruehl ay masisira ang kaligayahan ng kaniyang master.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top