CHAPTER 4
Timtara's Point of View
Luhaan na ako sa likod ng sasakyan ng dumukot sa akin. At least ngayon wala na ang mga nakatali sa akin mula sa bibig hanggang sa paa ko. Though wala miisang eksplenasyon sa akin ang lalaki kung bakit niya ako dinukot nang tinanong ko siya kanina, hindi rin niya sinabi kung bakit ako hinahabol ng mga goons na 'yon.
"Uhm. What's your name? I can't keep on naming you as my captor you know." Pagbasag ko sa katahimikan pero kahit sa pagtingin sa salamin sa gawi ko ay hindi niya magawa. Lihim akong napasimangot.
"Where are we going then?" Kahit anong silip ko sa bintana ay hindi talaga ako pamilyar kung nasaan na kami. Magdadalawang araw na simula nang dinukot ako, siguro naman idineklara na akong missing ni Ma'am Kharm.
Hindi pa rin niya ako sinasagot kaya naging permanente na ang simangot ko, bingi pala 'to eh. Sayang gwapo pa naman.
"Damot ng laway nito ah," bulong ko sa sarili nang biglang huminto ang sasakyang mula sa 60 kph na takbo kaya muntik na akong mapasubsob kung hindi lang sa seatbelt na nakabit ko kanina.
"What is your damn problem?" Galit na bulyaw ko sa kaniya sabay baklas ng seatbelt pero ang ulan ng mga bala na tumama sa windshield ang nakapagpayuko sa aming dalawa.
"Shit! Stay covered or I swear you'll die," galit na utos niya sa akin sabay kabig ng monobela at drift ng sasakyan pabalik sa dinaanan namin. I covered my head as I muttered curses for whoever I hated since I was young and closed my eyes.
May mga sasakyang humahabol sa amin at pinapaulanan pa rin nila kami ng bala, narinig ko rin ang pagputok ng isang gulong ng aming sinasakyan. Hindi biro ang kabog ng aking dibdib na sinabayan ng pagpapawis ng buo kong katawan sa takot.
Naging conscious ako bigla sa aking kilikili. Hanep, parang Niagra Falls lang.
"Hey!"
"Hey!" Ulit ng lalaki kaya mula sa pagkakayuko sa sahig ng sasakyan ay nilingon ko siya.
"Y-yeah?"
"Can you drive?"
"W-what?"
"I said, can you damn drive?" Pikon na ulit nito.
"Of course I can, you don't have to curse. Can't you see I am freaking out?" Inis na ganti ko rito pero hindi na siya nakasagot dahil biglang may chopper na nagpaulan sa amin ng bala kaya napasigaw ulit ako sabay takip sa aking ulo at pikit ng aking mga mata.
Nang mawala ang mga balang umuulan ay tiningnan ko ang paligid, pumasok ang sasakyan namin sa loob ng isang warehouse. Bastang binangga lang nito ang pinto. Diri-diritso lang ang pagpapatakbo niya, nang malapit na kami sa kabilang pinto ng warehouse ay pumikit na lamang ako nang binangga niya ang sasakyan. Nang nasa labas na ulit kami ay mabilis kaming hinabol ng chopper.
"Here, take the wheels and drive straight."
What? Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig ng sasakyan. Gamit ang nanginginig kong mga kamay ay ako ang humawak ng manabela habang siya ay may kung anong kinuha mula sa likod ng sasakyan.
Drive straight? Pero babangga kami sa pinto ng isa na namang warehouse!
"Uhm, hey, hey!" Tarantang pagpupukaw ko sa kaniya.
"What!"
"We're gonna crash! Jesus!" Bumangga kami sa pinto ng warehouse at bumukas naman ito kaya tuloy-tuloy ang pagpapatakbo ko. Nakasunod naman sa amin ang mga sasakyang humahabol sa amin kahit na nawala ang chopper dahil natabunan kami. May ilang balang muntik nang dumaplis sa akin kaya nakabig ko ang manabela at nagpagewang-gewang ang sasakyan.
"Would you stay still, woman?" Galit na sigaw niya sa akin.
"I am trying to live, dumbass!" Ganting sigaw ko sa kaniya at bahagya siyang nilingon.
"Oops," mahinang saad ko nang nakangiwi nang makita ko kung ano ang pinakakaabalahan niya. Kaya pala naggalit, naka-aim pala siya sa labas at ang kalahati ng kaniyang katawan ay nasa labas na. Sunod-sunod na putok ang pinaulan niya sa kalaban na sinundan ng pagkakaputok ng mga gulong nito at ang pagkasabog na tila nagkabungguan ang humahabol sa amin.
Napatawa ako sa tuwa at napahampas sa manabela, "Yes! Did we get them?"
"Chopper inbound," anunsyo niya na tila sagot sa tanong ko. May chopper pa pala! Hanep naman oh! Napasok ba ako sa isang action movie na Fast and Furious? Magpadala na lang din kaya sila ng submarine para kumpleto na ang tropa?
I blew a deep breath, "Okay, what do we do Mr. Captor?"
Ilang segundo muna ang lumipas bago siya sumagot. "Here. Pull the pin and throw it as far as you can while keeping an eye on the wheels. I'll draw the chopper to your left side," pinalitan niya ng magazine ang baril niya sabay bigay sa akin ng isang granada. Nakapokus ako sa pagbangga sa isang pinto ng warehouse.
I have a fucking grenade in my hands! Jesus! Maiihi ako nito eh!
Ang the next minute we're out in the open as the chopper is in pursuit for us. Napakabilis ng mga pangyayari. One second I am holding the grenade while he is drawing the chopper to my left side, and then the next one I am pulling the pin of the grenade from my left hand using my mouth as I threw it as far as I can with tears pouring down.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, dahil sa takot? Dahil sa saya? O dahil sa unang pagkakataon ng buhay ko, I took over.
"Woohoo! We did it C!" Sigaw ko nang hininto ko na ang sasakyan at nakangiting tumingin sa kaniya na nakatingin na pala sa akin nang nakataas ang kilay.
"C?"
"C for captor since you never told me your name," I answered him with my best 'duh' voice.
"It's Nightwind."
Mas lumawak ang ngiti ko. "So where are you taking me, Nightwind?"
Somehow, I don't know what got through my crazy mind but I just felt safe by his side. Holy cow! Did I just say a cheesy word?
Yep. Yes I did.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top