CHAPTER 39

Timtara's Point of View

Day 5 of Third Week

Moscow, Russia

Secret Government Laboratory

I've been in and out of consciousness for two days. That whole time, my task is to open my eyes, make myself speak, and give instructions to Alexander. On my fourth day this week, I lost the capability to chew foods so they're giving me nourishments through IV drops. Even the rising and falling of my chest when I breathe hurts, so much that I vaguely saw Alexander snapped at Lancey's men for pushing me this hard.

Hindi ko naman masisisi ang mga tao ni Lancey. They can see how I am losing from my disease each passing day. Ayaw ni Lancey na ma-delay ang Apohixen dahil sa takot na baka mauna akong mamatay. I know I've been pushing myself too hard, Alexander knows.

May nararamdaman din akong paninikip sa aking dibdib pero wala ito kung ikukompara sa sakit na nararamdaman ko tuwing naaalala ko si Gerard. I should have treasured that last phone call with Scraper. I should have not wasted it.

I don't want to die. Gusto ko itong isigaw pero hindi ko na kaya. Paghinga nga ay hirap na ako pagsigaw pa kaya?

Tumunog ulit ang alarm sa loob ng laboratory. Hindi na naghintay ng utos ang ibang mga medical staff at umalis na sila gamit ang emergency exit. Ang mga tuta ni Lancey ay nakaharang na sa harap ng elevator habang si Alexander ay nilapitan agad ako.

"Go," tanging nasambit ko. I want to tell him I am grateful for his help.

"Use the Apohixen, Wilson." Inilahad niya ang dalawang kulay asul na test tubes. Ito ang kumpletong Apohixen. Kakatapos lang nito nang biglang tumunog ang alarm kaya hindi na ito naibigay kay Lancey.

"I can't. My deal with ... You. Give the ... Other to ... Ma'am. Prom – Promise me."

Sa galit niya ay nasuntok ni Alexander ang glass wall na ikinangiti ko. He opted to let everyone hate him but in reality, he's a softie.

"Go," ulit ko nang mag alerto na may pababa na elevator.

"I'm sorry," may awa sa mga mata niya at madali itong nawala sa aking paningin. Pumikit ako at nakinig lamang sa mga nangyayari sa aking paligid. Hindi ko alam kung sino na naman itong umatake sa amin.

I'm done. Natapos ko na ang Apohixen. Natupad ko ang pangarap ko noong bata pa ako. Gusto kong balikan ang mga taong tumawa sa pangarap ko noon at sabihin sa kanila na naggawa ko ang Apohixen. Na may dalawang taong maililigtas ko mula sa kamatayan.

I got to cheat death but I can't even keep myself alive a day longer. I knew it, I just felt it. I can hear the humming of death. I can hear the melody of death grew louder as time passed by.

Realizing I'm gonna die alone, my tears started to flow.

Ang lungkot ng buhay mo, Timtara. And I'm gonna die a virgin. Sa huling naisip ay napatawa ako sa aking isip. Mamamatay na nga ako ay kung anu-ano pa ang naiisip ko.

Ang kaninang putukan at mga sigaw ay biglang tumahimik. Sino kaya ang nanalo? Narinig ko ang yabag ng kung sino. Papalapit ito sa akin kaya idinilat ko ang aking mga mata nang pakiramdam ko ang may nakatingin sa akin. Too bad, they can't use me anymore.

I want to shatter this person's hope for Apohixen so I opened my eyes and looked directly at that person's eyes. But this time, it's my heart that got shattered.

Ang lumuluhang mga mata ni Gerard ang aking natitigan. Hays, mamamatay na nga ako. I am seeing things I desired to see.

Napaluhod siya habang tila batang umiiyak kaya napaluha na rin ako sa magkahalong ligaya at lumbay. With all the strength I can master I moved my right index finger.

"Gerard."

Biglang tumayo si Gerard at may kung anong iwinasiwas sa glass wall ng tanke. Napapikit ako dahil hindi ako makaiwas sa mga bubog ng salamin na nabasag. Ang light brown na mga mata ni Nightwind ang sumalubong sa akin.

He's here. He's really here.

But I can see the insanity behind those frantic light brown eyes of his, something so new for Nightwind. Kilala ko si Nightwind bilang tahimik na tao na siyang kabaliktaran ni Scraper. They both compliment each other which makes them so important for me.

He cradled my upper body. His left arm supports me while his right hand brushed against my wet cheeks.

May tuwa sa aking mga mata na nakatingin lang sa kaniya. Heck, I can't even feel my body anymore. With the oxygen that supported me now gone, breathing became a chore.

"What have they done? You can't. Yo can't just. I .. I did this. This is my fault." Parang batang niyakap ako ni Nightwind. Nasa loob pa rin kami ng glass tank na pinapalibutan ng mga bubog ng salamin. Yakap-yakap niya ang upper part ng aking katawan, nakasubsob sa aking leeg ang kaniyang mukha kaya dama ko ang bawat pagpatak ng kaniyang luha. Tila hinehele ako dahil sa pagduyan ni Nightwind sa aking katawan habang nakayakap sa akin.

Every bone in my body screamed painfully when I raised my left hand to touch his face when I tried to make him look at me.

"Gerard, the Apo – Apohixen will be d- delivered to Ma'am K – Kharm," hinihingal na saad ko pero nagpatuloy ako. He needs to know, they need to know.

"Sshh, please stop talking. Everything will be alright. Phoenix is here, we will bring you back. We will bring you back home." Nasa mukha ko na tumutulo ang mga luha ni Nightwind.

"I am... I am home." I placed my hand to his heart. Buong buhay ko palipat-lipat lang ako ng tahanan. I never felt the feeling of coming back home until now. That peaceful yet contented feeling.

Tama, I am home. Sa bisig ni Gerard nawala ang takot ko na mamatay ng mag-isa. I may save his heart but he saved my soul.

"Use the Apohixen.. Use it to save your heart. But promise me... Promise me you will not get rid of Scraper."

Each passing second felt an eternity to me. The pain echoes in each part of my body. But I don't wanna let go. Please just ten more minutes, ten more minutes to be with him. Extend my life for ten more minutes.

Itinaas ko ang aking kamay papunta sa kaniyang umiiyak na mga mata. The mixture of light brown and dark brown surprised me. I wiped his tears but new ones kept on falling. He looked so sad.

"Scraper, I failed. I'm so sorry. I thought I can- can live long enough to protect you." Napaiyak ako sa lungkot, kahit na sabihin ni Nightwind na hindi niya tatanggalin si Scraper. When Carol wakes up it will be Scraper's end.

"I'm sorry," I touched the eyelid which has the dark brown eye. Somehow, I knew he's there.

Umiling si Nightwind. "Nothing to forgive, kuting."

Sa palayaw na sinambit ay napangiti ako sa kabila ng pag-agos ng aking mga luha. "It hurts," daing ko sa kanila.

"It hurts," daing ko ulit nang dumoble na ang sakit. Nagiging blurry na ang paningin ko dahil sa sakit.

"Sshh," I felt his lips touched my forehead. Ramdam ko rin ang paghigpit ng yakap niya sa akin at ang panginginig ng kaniyang kamay na humahaplos sa aking ulo at mukha.

"Matulog ka na Timtara. Pangako, hindi na kita iiwan. Matulog ka lang ha." Ilang beses nabasag ang boses niya.

Sa huling pagkakataon ay binigyan ko siya ng ngiti. "Thank you, Gerard. I love you."

Kasabay nang pagkawala ng aking lakas at ang pagdilim ng lahat sa akin ay narinig ko pa ang sigaw niya sa aking pangalan.

Finally, the pain is gone.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top