CHAPTER 38

Third Person's Point of View

Thirty nautical miles from the target area, the Phoenix disembarked. Nahati sa dalawang grupo ang susugod sa laboratory.

Team A na binubuo nina Fallen Angel, Kiel, Grim, at Deathstalker.

Team B na binubuo nina Scraper, Siren, Seeichi, at Dark Phoenix.

Ang Team A ang unang papalibot sa laboratory at sila rin ang magsisigurado na pwede nang pumasok ang Team B diretso sa kinaroroonan ni Timtara.

Napatigil ang lahat, maliban kay Kiel na nakamasid lang sa paligid, nang binunot ni Fallen Angel ang kaniyang tanyag na Enraiha.

"Woah, it's been a year since I saw that," manghang sambit ni Grim. Hindi ito pinansin ng iba na busy na sa pagkuha ng kani-kanilang mga sandata.

Mula sa malaking kahon na kanina pa nakasukbit sa likod ni Scraper ay kinuha na niya ang kaniyang sandata. Hindi ito isang katana o kung ano mang uri ng baril. Isa itong malaking scythe at ni minsan ay hindi ito ginamit ni Nightwind dahil ang sandatang ito ay orihinal na pagmamay-ari ni Scraper lamang.

Dalawa ang blades na nasa magkabilang dulo ng scythe kaya pwede itong ihagis na para boomerang at paniguradong pati puno ay mahahati sa dalawa pag natamaan nito.

"Let's go," tahimik na utos ni Fallen sa mga kasama niya sa Team A. Si Kiel naman ay pumwesto sa pinamalapit na sanga ng kahoy sa laboratory at doon nag setup sa kaniyang specialized long-range sniper.

Sumunod na ang Team A kay Fallen. Walang anu-ano ay diretsong naglakad ang Team A papunta sa front gate na parang walang mga gwardiyang nakabantay sa gate. Unang naglakad si Fallen na nakalahad sa kanang kamay ang Enraiha at nakadisplay ang Crimson Eye.

Sinasalag naman ni Fallen ang mga balang papalapit sa kanila. Sa isang wasiwas lang ay nahahati niya ang mga ito pero ang mga balang hindi na niya mahati ay si Kiel ang bahalang magpatumba. Dahil sa mga pagsalag ni Fallen ay kalmadong naglalakad ang mga nasa likuran niya.

Kabaliktaran ng pagiging kalma ng Team A ang Team B. Habang nakikinig mula sa kanilang earpiece ay atat na atat na si Scraper na umatake pero kailangan muna niyang malaman kung nasaang parte ng malaking gusali na nasa harap nila matatagpuan si Timtara. Busy din si Siren sa pag-hack sa system ng laboratory habang si Seeichi ay naka-look out para sa kanila na may dala rin na specialized sniper.

When Team A reached the locked front gate as bodies littered the gates, Fallen stepped aside to make way for Deathstalker's bazooka. One shot and the front gate blew up into pieces. Mabilis na pumasok sila at akmang maglalakad na sila sa field nang biglang itinaas ni Fallen ang kaniyang kamay na ikinahinto ng mga nakasunod sa kaniya.

"Minefield ahead," imporma ni Fallen. Mabilis na naglabas ng mga kunai si Grim at isa-isaang pinuntirya ang mga mines na kaniyang na detect matapos niyang gamitin ang kaniyang sixth sense.

"Just don't step a foot nearer to my kunai and you'll be fine," saad ni Grim na hindi pinakinggan ni Fallen. Tumalon ito nang pagkataas-taas at naglanding ng parang wala lang sa kabilang bahagi ng mine field.

"Damn," sabay na sambit nila Grim at Deathstalker.

Kabaliktaran naman si Kiel na napasipol habang nakatanaw lang sa kaniyang asawa. "That's my wife."

"I got it!" Excited na sigaw ni Siren. Nakita na niya sa wakas ang lokasyon ni Timtara. Agad na inagaw ni Scraper ang tablet mula kay Siren.

"Hey!" alma ni Seechi nang makita niyang halos masubsob ang kaniyang asawa dahil sa ginawa ni Scraper. Tila kinikiliting tumawa lang si Siren at nag-kiss sign kay Seeichi na sinuklian lang nito ng isang malamig na titig at bumalik na sa pagbabantay sa paligid. Hindi naman naapektuhan si Siren sa inakto ng asawa dahil sanay na siya.

Taliwas kay Siren ay isang 'fuck you' sign ang ibinigay ni Scraper kay Seeichi at madaling sinaulo ang map. Nasa pinakailalim na basement matatagpuan si Timtara. Ayon din sa na hacked na access ni Siren, nandito ang pinakamaraming bantay.

"Loong, she's in the basement two floors below the ground."

"I'll be sending you the access, leader."

Magkasunod na pagbibigay alam nina Scraper at Siren kay Fallen gamit ang ear piece. Dahil si Siren ang naatasang kumontrol sa CCTV access ng kalaban ay nagpaiwan siya kasama si Seeichi na magiging bantay niya habang busy siya.

Sina Dark Phoenix at Scraper ang umalis mula sa pinagtataguan ng Team B. Dahil ginawan na ng daan ng Team A ang Team B ay naging madali ang pagtawid nila mula sa field papunta sa loob ng gusali. Mula sa front gate hanggang sa pinto ng gusali ay mga nagkalat na mga katawan at mga parte ng katawan ang kanilang nadaanan.

Tila naging pintura ang kulay pulang dugo sa dating kulay puti na dingding. Nang makarating sa isang elevator ay agad silang sumakay dito. Nakatingin si Scraper sa CCTV at tinaguan niya ito dahil alam niyang nakatanaw sa kaniya si Siren. Kahit wala silang password pababa ng basement ay awtomatikong umandar ang elevator.

Napahigpit ang hawak ni Scraper sa kaniyang sandata.

"Calm down, Scraper. I'm sure Doctor Timtara is safe, after all, they need her." Pagpapakalma ni Dark Phoenix kay Scraper na ikinairita lang ng huli.

"Shut up."

Nang bumukas ang elevator ay inulan agad sila ng bala pero dahil nasa harap si Scraper ay pabor sa kaniya ang pagsalag sa mga ito gamit ang pagpapaikot ng kaniyang scythe na para bang isa itong electric fan. Nagmistula itong shield sa kanila ni Dark Phoenix habang natatamaan naman sila na nasa harap ni Scraper.

The split-second wherein the enemies reloaded their ammo, they took this chance to fire back. Equipment everywhere exploded as test tubes and computers got broken. The whole laboratory was in chaos and the smoke from the fire caused confusion around the area.

Nakahandusay na ang mga kalaban pero wala ang Lancey o Montegracia na kaniyang inaasahan. Wala din si Timtara. Akmang magwawala na naman sana si Scraper nang mapatigil siya.

Lying inside a glass box is a frail body of Timtara Aurina Wilson.

"Shit. Team A , Lancey, and Montegracia escaped!" pagbibigay alam ni Dark Phoenix sa kanilang kasamahan.

Si Scraper naman ay tila robot na naglakad papunta sa kinaroroonan ni Timtara. At nang lumapat ang kaniyang palad sa glass wall ay napaluhod siya. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganito.

Sa unang pagkakataon ay hinayaan ni Scraper na lumabas si Nightwind na kanina pa gustong lumabas nang makita niya ang kalagayan ng doktora.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top