CHAPTER 37

Third Person's Point of View

"WARNING. WARNING. THE SYSTEM HAS BEEN BREACHED. WARNING. WARNING. THE SYSTEM HAS BEEN BREACHED. WARNING. WARNING. SYSTEM HAS BEEN BREACHED."

Dahil sa warning na umaalingawngaw sa buong laboratory ay nagkagulo ang lahat maliban kay Alexander at kay Timtara. Though the young doctor is wide awake and is very alert to her surrounding, she can't move except her eyes.

"All of you, use the emergency exit," utos ni Alexander sa mga ito na agad naman nilang sinunod.

Nagtatagis ang mga panga ni Alexander habang nakatanaw kay Timtara. Nakatingin lang din si Timtara kay Alexander at naghihintay sa susunod na gagawin nito. He can't afford to turn the machines off that support the glass tank, it's Timtara's lifeline.

"You can leave me here, you know." Mahinang daing ni Timtara kay Alexander. She can understand his dilemma.

"You know I won't," determinadong saad ni Alexander. Nasa ganito silang posisyon nang biglang bumukas ang pinto ng laboratory at pumasok ang mga nakaputing armadong lalaki.

Parang may choreography na sabay na itinutok sa kanila ang mga armas ng mga ito bago pa pumasok ang isang matandang babae na nakaputing damit. Base sa mukha ng mga bagong dating ay mga taga Russia ito o mas tamang sabihin na mga tao ng Russian Drug Syndicate.

Dumaan ang rekognasyon sa mukha ni Alexander nang makita niya ang mukha ng tumatayong lider. "What a surprise to see you here, Lancey Nikolav."

"Alexander Montegracia. You surely know how to wag your tail when cornered," sagot nito.

"Why are you here? You have no business here."

"We have business with Doctor Wilson. I would like to have a nice chat with her." Tumingin si Lancey Nikolav sa likuran ni Alexander at agad niyang nalaman kung ang ang sitwasyon.

Mapanuksong ngumiti si Lancey Nikolav at kumpiyansang naglakad palapit sa glass tank. Mata sa matang tinitigan niya ang may malay na doktora sa loob.

"It's a pity to see you like this, Dr. Wilson. Since you are currently in this state, it is a necessity to make time our priority. Actually, should you have been healthy you could have my offer to join our cause? But seeing you in this state, your will is not my priority anymore but time."

"What are you planning exactly, Lancey?"

Biglang binunot ni Lance yang kaniyang baril at itinuon ito kay Alexander. "You've been in my territory for many years Alexander and you know how I run things. I kill for pleasure. Since this doctor is useless without this machine, your life will be extended. Starting today, you both will answer to me."

Kalmado ang buong disposisyon ni Alexander nang sumagot siya. "You forgot about the president."

"He answers to me. That fool."

Ngumiti nang matamis si Alexander. "You have a deal. We now both answer to you."


Kharmaine's Point of View

Nakasakay kami sa isang eroplanong pagmamay-ari ng Realm. Ang direksyong tinatahak namin ay ang pinakamalapit na ruta sa laboratoryong pinaglalagakan ni Tim.

Kumpleto ang Phoenix pati si Scraper ay nandito. Pinadalhan kasi siya ng message ni lider na nagpapahiwatig na hindi kami tutol sa gagawin niya imbis ay tutulong kami. Nang tinanong niya kung bakit nagbago ang pasya ng Realm ay sinagot ito ni Fallen Angel nang tapat.

"I gave my word to protect her on behalf of the Phoenix. I am abiding by my promise. We never break our promise even if death is the opponent. You should know that, Gerard Hudson."

Hindi na umangal si Scraper matapos no'n at nanatiling tahimik. Pati noong nagplano kami sa aming gagawin ay tahimik lang siyang nakamasid. Nilapitan ko na siya at umupo ako sa tabi ni Scraper na hindi man lang ako nilingon.

"Do you love her?" Diretsang tanong ko sa kaniya.

"I will betray you for her," sagot niya sa tanong ko. Obsession o pagmamahal? Hindi ko masasabi. Sa mundo namin, hindi kasing dali ng mga normal na tao ang pagpapahayag ng pagmamahal. Maski ako ay nadaanan ko na ang nadaanan niya.

"What are you expecting to see when we reached there?" Tantiyadong tanong ko sa kaniya. Gusto kong malaman kung alam ba niya ang sakit ni Tim.

"That she's sunny as fuck. Everywhere she goes, she brings the world with her." Naging malambot ang ekspresyon ng mga mata niya. Doon ko nakumpirmang wala siyang alam. At iyon ang pinangangambahan ko.

Iniba ko ang tanong at baka makatunog siya sa aking pinupunto. Mahirap na at dito siya mag-amok. Wala pa namang sinasanto itong si Scraper.

"Did you fight your way out? I mean, does Nightwind know that we're leaving the Realm to rescue Tim?"

Sa unang pagkakataon ay nilingon niya ako at tiningnan ako mata sa mata.

"He did. In fact, I felt no resistance. It is as if he gave me the reigns on purpose." Pati si Scraper ay nagtataka. Naalala ko ang araw na kinausap ni Nightwind ang nakahimlay na si Carol.

Did he develop some kind of feelings for Timtara too?

Akmang magtatanong ulit ako nang lumapit sa amin ang galit na anyo ni lider. "We have a situation," saad niya at tinalikuran na kami. Agad kaming sumunod sa kaniya papunta sa mesa kong saan nakalagak ang digital map ng lugar, mayroon din itong nakalagay na mga digital markers.

"What's the matter?" Tanong ni Scraper kay Fallen Angel.

"Our spy sent a distress signal a few minutes ago. It seems that the Russian laboratory has been a breach and is now under the command of Lancey Nikolav."

"Fuck." Halos magkasabay namin na sambit ni Scraper.

"Who's that person? A Mafioso?" Tanong ni Dark Phoenix.

"She's the leader of Russia's biggest drug syndicate. She does not fall under the Realm's jurisdiction. According to my intel, her territory was the hiding spot of Alexander Montegracia," sagot ni Grim sa tanong ni Dark Phoenix. Basta mga impormasyon tungkol sa mga gangs, underground fighting pits, human trafficking, o drug syndicates ay si Grim talaga ang maaasahan.

"So does this change our plan?" Tanong ni Deathstalker.

"Yes. Trash the peace talks and all those bullshits. Load your ammo and sharpen your katana. We have a head to hunt."

Napangisi ako sa sinabi ni lider. Oh, I miss this.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top