CHAPTER 36

Third Person's Point of View

Kakalabas pa lang ni Scraper sa palayso ng Realm nang biglang pinalibutan siya ng mga knights. Hindi man lang natinag ang binata at patuloy na naglakad ito papunta sa kaniyang motor bike. Nang akmang babanggain na niya ang knight na nasa kaniyang daan ay tiningnan niya ito mata sa mata.

"Move," simpleng utos nito pero hindi man lang nagpatinag ang knight na nasa kaniyang harapan pati ang labing-isa pang nakapalibot sa kaniya. Iritang napabuntong hininga si Scraper at sa isang iglap lang ay bumaha ang dugo ng knight habang ang mga lamang loob ay nagkalat sa sahig.

Umatake nang sabay-sabay ang iba. Ang nasa kaliwa niya ay binaril siya pero umikot sa ere si Scraper dahilan upang ang isang knight ang natamaan ng bala. Naglanding sa balikat ng isang knight si Scraper, ipinalibot niya ang kaniyang mga binti sa leeg nito at inikot ang ulo.

"Three down, nine more innards to spill."

Ang tatlong sabay na pinalibutan siya ay nabutasan ng tiyan nang umikot si Scraper pababa. Unang inatake nito ang mga tuhod ng tatlo at nang bumagsak na ang mga ito ay umikot siya ulit upang sabay na butasan ang mga tiyan nito.

Hinablot niya ang bituka ng isa sa tatlo at ginawa 'yong parang lubid sa pang-apat na umatake sa kaniya. Dahil nataranta ito na may nakapalibot sa kaniyang leeg na bituka ng tao ay napasigaw ang knight na sinamantala naman ni Scraper dahil hinablot niya ang dila nito dahilan upang maputol ito at mamatay ang lalaki sa kawalan ng dugo.

Sabay-sabay na pinaputukan siya ng apat na knights habang nasa likod naman niya ang may katana kaya diritso niyang hinawakan ang katana at hinila ang lalaki. Nang makalapit ay tinusok ng dalawang daliri ni Scraper ang mga mata nito bago ibinaliktad ang katana. Bago pa man ito bumagsak ay hinablot ni Scraper ang katawan nito at pumwesto sa likod ng kamamatay lang na knight.

Ginawa niya itong shield dahil patuloy na nagpapaputok sa kaniya ang apat na knights. Sa kasagsagan ng pagpapaputok ng mga ito ay nag-umpisang maglakad palapit sa kanila si Scraper na may human shield. Ang katana ng knight kanina ay ngayon hawak na niya.

Nag-umpisang makaramdam ng alinlangan ang apat kaya naglakad papaatras ang mga ito habang patuloy na nagpapaputok kay Scraper. Gano'n din si Scraper, patuloy din nitong nilalatas ang distansiya sa pagitan nila. At nang huminto ang pagputok ng mga baril dahil sa kawalan ng bala ay mabilis na tinawid ni Scraper ang nakapagitan sa kanila. Sa isang wasiwas ng katana ay sabay na nahulog ang apat na ulo ng mga knights.

"It took me five minutes huh, guess I'm getting a little rusty." Kalmadong naglakad si Scraper papunta sa kaniyang motor bike pero bago niya ito pinaharurot ay nilingon muna niya ang CCTV at binigyan ng nag-uumigting na 'fuck you' sign ito.

Nasa security room ng palasyo naman si Fallen Angel kasama ang asawa nito at si Siren. Tahimik na nakamasid lamang sila sa papalayong motor ni Scraper. "I guess he intends to do what he threatened you, Siren." Pahayag ni King Kiel matapos nilang masaksihan ang brutal na pagkamatay ng isang squadron ng knights. Kaya naman sana nilang magpadala pa ng dagdag na knights pero pinigilan siya ng reyna kanina.

"He is willing to die," biglang saad ni Fallen Angel na para bang hindi niya narinig ang sinabi ng asawa. "People who are willing to die are the most difficult enemy. Wala silang pagpapahalaga sa kanilang kinabukasan which makes them unpredictable."

"What shall we do?" Tanong ni Siren kay Fallen Angel. Ang tanong niya na iyon ay may dalawang ibig sabihin. Una, kung ano ang magiging aksyon ni Fallen Angel bilang reyna ng Realm. At pangalawa ay kung ano ang aksyon ni Fallen Angel bilang lider ng Phoenix. Tumingin muna ng matagal si Fallen Angel sa kaniyang asawa na tila nag-uusap sila. Nakakaunawang tumango ang hari sabay hawak sa kamay ng reyna.

"I guess we have the alliance to break. Summon the Phoenix, Siren. We have a war to win." Anunsyo nito na hudyat nang simula ng katapusan.

Tanging hiling ni Siren ay hindi maipit sa digmaang ito ang inosenteng si Timtara.


Day 3 of Third Week

Moscow, Russia

Secret Government Laboratory

Ang tunog ng malakas na alarm ang umalingawngaw sa buong lugar. Ang pulang ilaw ng warning lights ang nakapagpataranta ng mga tao rito.

Sa loob naman ng private laboratory ni Timtara ay napahinto ang lahat lalo na si Alexander. Nakakunot noong napatingin siya sa nakahigang dokotora sa loob ng glass tank. Binawi niya ang tingin mula sa dalaga nang umalingawngaw sa loob ng private laboratory ang isang system warning.

"WARNING. WARNING. THE SYSTEM HAS BEEN BREACHED. WARNING. WARNING. THE SYSTEM HAS BEEN BREACHED. WARNING. WARNING. SYSTEM HAS BEEN BREACHED."

"Shit!" Galit na bulalas ni Alexander.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top