CHAPTER 35
Third Person's Point of View
Nang papabagsak na ang ang katawan ni Timtara mula sa wheelchair ay agad itong nasalo ni Alexander. "Woops! Hey Wilson! Wilson?" Tinatapik-tapik niya ang mukha ni Timtara pero hindi na ito gumising.
"Hey!" Nang may lumingon ay tinuro nito ang sarili. "Yes, you! Go and get the doctor! The others, turn on the machine."
Mabilis na kinarga ni Alexander si Timtara. Nang nasa bisig na niya ang dalaga ay ramdam niya ang bigat ng katawan nito kahit hindi naman ito malaman. Iisa lang ang ibig sabihin nito, lumalala na ang sakita ng babae.
Nang makitang maayos na ang isang human size tank na walang laman ay bumukas ang isang dingding nito kaya agad na ipinasok ni Alexander si Timtara dito. Maingat niya itong inihiga sa sahig ng tank at ikinabit ang mga karayom sa mga joints ng mga apektado niyang parte ng katawan.
Her breathing is still labored. May mga butil-butil na pawis din ito at kahit walang malay ay halata sa mukha na may iniinda itong sakit. Nakaluhod lang si Alexander sa sahig ng tank at nanatili sa tabi niya.
Nasa ganitong posisyon si Alexander nang dumating ang mga doctor at mga nurses kaya tumabi na siya at umalis sa tank. Nang maikabit ang mga makina para malaman ang vitals ni Timtara ay awtomatikong nag warning sound ito. Tanda na nasa delikadong kalagayan ang pasyente.
Sa buong durasyon ay nakatayo lamang si Alexander sa labas at hindi niya maiwasang sisihin ang sarili. Naging ganito ang lagay ng doctor dahil sa ibinigay niyang tawag dito na alam naman niyang galing kay Gerard Hudson.
"Use the tank's pressurized oxygen," utos niya sa mga doktor na halatang natataranta na. Agad na sinunod ng mga ito ang kaniyang payo. Umalis ang mga ito sa loob ng tank. Lumapit siya sa kakaset-up lang na computer at kinontrol niya mula rito ang tanke.
Pagkatapos pindutin ni Alexander ang 'enter' button ay atwomatikong sumarado lahat ng sides ng tanke maski ang top part ng tanke. Pagkasara ng lahat ng sides ay may lumabas na usok sa loob at pinuno nito ang buong tanke.
"What's in that smoke?" Tanong ng isang doktor kay Alexander, may pagdududa sa mukha nito.
"It's pressurized oxygen is used by miners to soften hardened minerals or stones. The patient has a Stoneman Virus also known as Stoneman Syndrome and her body's skeletal system is slowly turning into stone. This will somehow slow the process until she can finish the Apohixen," sagot ni Alexander dito pero mas lalong lumalim ang gatla sa noo ng doktor na senyales na hindi nito aprubado ang ginawa ni Alexander.
"Pressurized oxygen when exposed to a human for a long time can cause severe damage. Her heart will slowly enlarge and when her rib cage can't take it anymore, she'll die."
"She'll die anyway but at least she can finish the Apohixen. Let's face it, even if she'll leave the formula to us, it won't assure our success."
Natahimik ang mga doktor sa sinabi ni Alexander dahil lahat ng sinabi nito ay totoo. Naaawang tiningnan nila ang ang naka-oxygen na babaeng nakahiga sa loob ng glass box o tanke.
Lumapit si Alexander sa glass wall ng tanke, "If he'll know you're in this state, he will truly lost his mind." Nakahawak sa glass wall ang isang kamay ni Alexander habang nakatingin sa babaeng nasa loob ng tanke.
Kung kanina ay tila hirap ito maski sa paghinga kahit na may oxygen na nakakabit dito, ngayon ay tila natutulog na lamang ito.
"Mister Montegracia, I still think that it is not good to use this method," saad ng doktor nang makalapit kay Alexander.
Alam ni Alexander ang mga maaaring mangyari kay Timtara Wilson dahil dito pero ito lang ang naiisip niyang paraan para pabagalin ang pagkalat ng sakit. Eventually, she will lose the ability to open her mouth and speak. She will slowly lose the ability to eat. She will slowly lose the ability to breathe especially when her rib cage turns to a complete stone.
Before that, Alexander wants to help her achieve her objective. In the process, he'll be able to achieve his objective. It is a win-win situation for them. "She will die before the Apohixen will be completed, do you want that on your plate huh doctor?" Hinarap ni Alexander ang doktor kaya hindi niya nakita ang unti-unting pagbukas ng mga mata ni Timtara.
"D-do it. Alexander.. do it. C-continue this method."
Agad na pinaliubutan ng medical staff ang glass tank ni Timtara. Nakabukas ang mga mata nito pero hindi pa rin ito makagalaw. Mahina rin ang boses nito at pilit ang pagsasalita. Sa bawat salitang sinasambit ni Timtara ay ramdam niya ang sakit sa buong katawan niya. Ang sakit ay parang hinihiwalay ang kaniyang kalamnan mula sa kaniyang mga buto. At sa bawat minutong dumadaan ay mas gumagrabe ang sakit dahilan upang maluha siya. Kahit ganito ay ayaw niyang sumuko ng walang ginagawa.
Hirap man ay nilingon niya nang paunti-unti si Alexander, "Do it." Tanging sambit ni Timtara kay Alexander. Tumango si Alexander at narinig ito ng mga doktor na nakapalibot kaya wala na silang maggagawa. Nagbigay na ng pahintulot ang pasyente.
"Alexander.. Will you be my hands and legs?" Mahinang tanong ni Timtara.
Alexander stepped forward, closer to the glass tank. And even his cold wretched heart cracked for a second as he heard her request. "Of course. You can use me, Wilson."
Kahit masakit ay naggawa ni Timtara na ngumiti nang bahagya.
Kharmaine's Point of View
Pangalawang beses ko na 'tong naggawa, ang magtago sa likod ng dingding dahil kay Nightwind. Ngayon ay tahimik na nakatanaw lang siya kay Carol.
"I know you're in there, O'Hara."
Ang timbre ng kaniyang boses at ang pagtawag niya sa akin, hindi siya si Nightwind. Scraper is back.
"You knew that my surname changed when I got married right?" I stepped out from hiding and I walked towards him.
"You knew I don't give a shit right?" Balik sagot niya sa akin na ikinailing ko lang. "What are you doing here, Scraper?"
"All my life, I hated her. I blamed her for doing this to me but when I got a glimpse of what's in Nightwind's mind. For the first time, I understand him." Nakatingin lang siya sa katawan ni Carol na naka-display. Hinayaan ko lang siya, minsan lang magpalabas ng saloobin si Scraper.
"So what are you gonna do now?"
"I will find her, O'Hara. I will find her even if it means turning the world upside down. I will find her even if it means I'll make an enemy out of you. And this time, blood will be spilled as the melody of death will be played in the background."
Matapos niyang magpahayag ay kalmadong tumalikod ito na para bang hindi niya sinabi na magdedeklara siya ng digmaan para kay Tim. Nakatanaw lang ako sa papalayong pigura ni Scraper.
I can feel it. Scraper is stronger more than ever. And I can see it in his eyes, a pending storm that will shake not just the Realm but the entire world.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top