CHAPTER 34
Timtara's Point of View
Day 1 of Third Week
Moscow, Russia
Secret Government Laboratory
Hindi ko alam kung matatawa o maiinis. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-uumpisa ng last phase nang biglang pumasok si Alexander at mga minions este mga goons niyang nakaauot ng black suit. May dala silang mga equipment na hindi ko alam kung para saan.
"I did not remember ordering for new machines," takang saad ko kay Alexander na naglalakad palapit sa akin habang nakapamulsa na para bang pag-aari niya 'tong laboratory.
"These are not for the Apohixen trials, it's for you."
"Me?" Naituro ko ang aking sarili. "Did I become a test subject without me knowing?"
"No. These are for your body."
"Huh?"
"Am I speaking Chinese to you?" Inis na balik niya sa'kin na ikinatawa ko lang. This man, really.
"I am busy, Alexander. Spare me from your craziness." Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy sa aking ginagawa nang magsalita siya ulit.
"I confronted the president." Doon ako napalingon sa kaniya.
"You are crazy!"
"Yes I am but I am not as insane as you. You made a deal with the devil! So I obliged him to give you this." Itinuro niya ang mga nakatayong mga goons at mga equipment sa tabi nito.
"This disease is a time limit for him. There's no way you can get away with this."
"But I did. I never said that the time limit will be gone, no. This equipment is here to ensure that you survive until that time limit. I thought you're smart? You must know that not all patients with Stoneman syndrome reached the three weeks limit."
"Of course. If I die who will finish the Apohixen right?"
Tuso talaga 'tong si Alexander, "Alright then. Set that machines just don't do anything to my things."
"Roger that." Mabilis na gumalaw ang mga kasama niya at doon naman sila pumwesto sa malayong bahagi ng laboratory na hindi ko ginagamit kaya hinayaan ko na lang sila. Tutok naman si Alexander sa mga tauhan niya na siyang nagmamando sa mga goons niya kaya hindi na niya ako nilapitan.
Hindi ko talaga alam kung ano ang aasahan kay Alexander. The next minute he's the antagonist of my life then the next second he becomes an ally. He's a very dangerous type of person. The type of person you must not associate with.
Hinayaan ko na sila nang tuluyan at nagkaniya-kaniya na kami ng gawain. Subsob na ako sa aking trabaho nang biglang lumitaw sa aking harapan si Alexander. May hawak itong cellular phone na inilahad niya sa akin.
"What?"
"Someone wants to talk to you." Dahil sa pagiging curious ay tinanggap ko ito. Nang tingnan ko ang caller ay walang pangalan tanging numero lang.
"Hello?" Pagkasagot ko ay umalis na si Alexander.
"Kuting," mababa ang boses ng caller. Iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng kuting. I teared up because I missed him. Hindi ko man lang siya nakausap bago ako umalis. I can't blame him. Nightwind's persona is so strong because of Carol.
"Scraper, how – " naputol ang tanong ko nang inunahan na niya ako ng mga galit na sigaw at ang mga kalabog na narinig ko mula sa kabilang linya.
"Why! Why did you go with them? Why did you agree with Nightwind? Why did you leave when you said you love us? Why did you leave me alone?"
Nakatigagal ako habang nakikinig sa kaniyang mga hinaing. Did he hear me? When did he become this strong? "I can't save you if I can't save Nightwind."
"Screw saving us! What about me huh? Did it ever cross your mind that I'll go crazy without you? You gave me a purpose! You gave me a reason to stand! And I heard you, I heard you confessed everything but I also saw you walked away from me."
"Why did you give me hope only to get it from me? Why?" Unti-unting humihina ang kaniyang boses at narinig ko ang pagkabasag ng kaniyang boses.
"I'm sorry Scraper," napahagulgol na ako dahilan upang lapitan ako ulit ni Alexander. Nang akmang kukunin na niya sa akin ang cellphone ay umiling ako kaya matiyagang nakatayo lang siya sa harap ko.
"Why tell me you love me when you planned on leaving me?" Madamdaming tanong ni Scraper sa akin.
Kahit alam kong hindi niya makikita ay umiling ako bago sumagot, "You will find the reasons for my action soon just please know that whatever I said, I meant every word of it."
"Stop talking nonsense! I – "
"I miss you," putol ko sa sasabihin niya na ikinatahimik ng kabilang linya.
"I will find you, Timtara Aurina Wilson. I will find you and bring back your ass even if it is the last thing I'll do." Seryosong saad niya at naputol na ang linya.
Maang na napatitig ako sa cellphone at dinala ito malapit sa aking puso. Hurry up, Scraper. Find me before it's too late.
Akmang ibibigay ko na ang cellphone kay Alexander na kanina pa nakikinig sa akin nang biglang nagdilim ang aking paningin.
"Shit."
Please find me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top