CHAPTER 33
Kharmaine's Point of View
Nakaupo ako sa swivel chair sa loob ng isang mini office na matatagpuan sa loob ng laboratory na dati ay pag-aari ni Tim. Kakatapos lang ni Atlas magbigay ng summary sa lahat ng trials na ginawa ni Tim para sa Apohixen. At tama ang hinala ko na malapit nang matapos ang Apohixen. Ayon din kay Atlas, ang mga resulta ay nagkakaroon ng elimination at sa pang huli ay dalawang vials na lang ang natira. Sa kaalamang 'yon ay hindi ako mapakali sa hindi malamang dahilan.
Ang panghuli kong nalaman ay ang tungkol sa Stoneman Virus at ang time table na dala nito. May dalawang notes na ibinagay sa akin si Tim bago siya umalis. Ang sabi niya, ibigay ko ang isang note sa taong magbibigay sa akin ng Apohixen.
All of this is Tim's plan. Ngayon ko lang napagtanto. Nakumpirma ko ito nang makita ko ang mga files na tungkol kay Carol. Pero ano ang objective ni Tim? Saving Carol is not her primary objective but I think it is connected to this.
Napagdesisyunan kong lumabas ng opisina. Bumungad sa akin ang isang dambuhalang aquarium na hugis parihaba at nakatayo ito sa gitna ng laboratory. Kulay berde ang liquid na nasa loob nito at maraming tubo ang nakakonekta. Sa loob ay ang hubad na katawan ni Carol Ruehl.
Technically she's dead. Pero dahil nakalublob siya sa makinang 'yan nang ilang taon ay hindi nawalan ng init ang kaniyang katawan o hindi huminto ang kaniyang mga organs maliban sa dalawa, ang utak at puso niya. Her blood is warm as well. Pero oras na ilalabas siya diyan ay magkakaroon siya ng rigor mortis. Isang phenomenon para sa mga pumanaw na kung saan titigas ang katawan na parang estatwa at hihinto lahat ng organs. Thanked heavens for O'Hara Industries.
Maglalakad na sana ako palapit sa tanke nang maaninag ko na may tao kaya nagtago muna ako at itinago ko rin ang aking presensya. Nagkubli lamang ako sa likod ng dingding at nakinig.
"I miss you so much, Carol."
Sa boses pa lang ay kilala ko na kung sino ito, si Nightwind. Basag ang boses nito marahil ay sa pinipigilang pag-iyak.
"Wake up, please. I have a lot to tell you. But I have something I know I won't tell you when you're awake. So I'll tell you this already while you're in that state."
"My heart died again but this time I am the one who killed it. The pain I felt when you died, I felt it again. I am sorry that I am feeling this. I feel like I am cheating on you. But I promise you, I did not act what my heart told me. I did not respond to her kisses. I steeled my heart from her tears. I muted her pleas. Because this is the right thing but it hurts. It hurts so much, Carol."
Napatakip ako sa aking bibig upang pigilan ang paglabas ng kung anong boses mula rito. I am too shocked! I heard him sobbing after his confession.
Nang silipin ko siya ay nakita ko siyang nakasandal sa salamin ng tanke na para bang niyayakap niya si Carol. This time, all my frustrations for him vanished. Right before my eyes is a man torn between his past and his present.
Hindi ko alam kung may pagsisisi siya pero ang alam ko lang ay hindi pa pwedeng malaman ni Nightwind na limitado na lang ang buhay ni Tim. Tutal ay magiging okay naman si Tim dahil sa Apohixen. There is no need to add more salt to Nightwind's wound.
Sumandal ako ulit sa dingding at naghintay hanggang sa umalis na si Nightwind. The revelation left me speechless.
"What have you gotten into, Tim?" Tanong ko sa kawalan.
Timtara's Point of View
Day 6 of Second Week
Moscow, Russia
Secret Government Laboratory
Hirap na hirap akong gamitin ang wheelchair dahil ang kaliwang kamay ko lang ang kayang magtulak sa sarili. Dalawang araw na akong gumagamit ng wheelchair at hanggang ngayon ay medyo hirap pa rin ako lalo na at walang Atlas na tumutulong sa akin. Mula sa pagsolve, paglilipat ng mga data sa papel papuntang computer, sa paglipat sa sarili ko sa CR, sa paghiga, pagkain, at pagtulak ng wheelchair ay lahat nakaasa lamang ako sa aking kaliwang kamay kaya minsan ay namamanhid na ito.
Dalawang araw na ang nakakaraan nang biglang mawalan ako ng panimbang habang nag-oobserba ng isang sample. Akala ko simpleng loss of coordination lang ito pero nang akmang tatayo na sana ako hindi ko na maramdaman ang aking kanang paa. It seems like my whole right side limbs are so heavy that I can't control them. Misan ay naiiyak ako sa inis hanggang sa dumating si Alexander.
"You have the Stoneman disease." It is not a question but a statement. Hindi ako sumagot sa kaniya. Siya kasi ang unang dumating sa laboratory at makasaksi sa nangyari sa akin.
"Why didn't you say so?"
Matalim ko siyang tiningnan dahil ayokong marinig ang concern sa tinig niya. "Your boss gave me this virus thank you very much."
"I – I didn't know."
"Now you know, will you please give me a wheelchair?"
"You're that far with your illness?"
Hindi ako sumagot. Ayokong gamitin niya 'to laban sa akin.
"Then let me help you."
"No thank you."
Pero hindi niya tinanggap ang 'no thank you' ko. Nag-iwan siya ng nurse na palaging nakamasid sa akin. Tumutulong ito lalo na kapag pumupunta ako ng banyo. Ngayon ay nakatitig ako sa dalawang sample na nasa magkaibang vial. Ang nakuha kong resulta ay 0.9974 na. Malapit na, malapit ko na itong matapos. I can produce two Apohixen pero hindi ko alam kung nandito pa ako hanggang sa mag mass production.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top