CHAPTER 32

Timtara's Point of View

Bitbit ni Grim ang aking nag-iisang maleta. Nandito kami sa private strip ng palasyo kung saan darating ang C1 plane ng bansang Russia. Matapos ko kasing um-oo ay nagpadala na ng mensahe ang Realm sa Russia. Nasa Pinas lang pala nakastand-by ang airplane na may karga kay Carol, ganiyan sila kasigurado na makikipag barter ang Realm sa kanila.

Katabi ko si Ma'am Kharm at Grim na kanina pa ako hindi hinihiwalayan matapos kong lumabas ng laboratory.

"Are you really sure about this Tim?" Tanong ni Ma'am sa akin na halatang hindi mapakali.

"Just say the word, doc. And we'll get you out of here." Seryosong turan ni Grim sa akin na ikinangiti ko lang. I am touched by their genuine concern.

"This is for the best. Don't worry, I have struck a deal with someone on their side. I can still save Nightwind." And Scraper.

"Ikaw ang inaalala namin, Tim. I know about your right hand." Sa sinabi ni Ma'am ay napalingon ako sa mga katabi namin. Buti na lang at napalayo kami sa iba maliban kay Grim na nakatingin din sa akin.

"We know about your right hand, doc. Though we do not know how it happened," sabad ni Grim.

Akala ko kung ano na ang alam nila. "It's just fatigue, no worries. I'm healthy as a bull."

Naputol ang aming pag-uusap nang matanaw na namin silang parating kaya madali akong naglakad papunta kay Fallen Angel. "Your highness, I want to talk to their representative first before we do the exchange. It is to secure the Apohixen after I finished it."

"Alright, but be vigilant, doctor."

Tumango ako bago naglakad papunta sa center ng meet up point kung saan may linya na kanina ay inilagay ng mga knights bilang tanda na ito ang limits na pwedeng puntahan ng mga kalaban kapag nag-barter na ang dalawang kampo. Dito ako tumayo at naghintay na makalabas ang taong hinihintay ko. Nagpadala ako ng private message para kay Alexander, the cost of the Apohixen has changed.

Nang lumabas siya ay may mga pagsinghap akong narinig mula sa aking likuran.

"Traitor!"

"How dare you step foot here!"

Hindi ko alam kung sino ang nagsabi ng mga salitang ito pero sigurado akong hindi ang Phoenix dahil kilala ko ang mga boses nila. Nanatili silang tahimik habang kampanteng naglalakad si Alexander. Nakapamulsa ito habang nakasuot ng sunglasses. Nang magkaharap kami ay saka lang niya tinanggal ang sunglass na suot.

"You called I came," bungad niya sa akin.

"I want you to do something for me. You will deliver the Apohixen to Kharmaine on the same day I perfected it."

"Let me humor you. But have you ever ask yourself if I'm gonna do it?"

Ang mapang-uyam niyang mga mata ay sinalubong ko. "Then are you gonna risk the results I am willing to give you? Remember the set of conditions I can make to let the Apohixen activate. I can bluff at you at the price of your president's life. I already left the set of conditions to her. It is another barter between you and her."

I just struck a nerve. His face contorted with anger before he relaxed and flashed me his deceitful smile. "Of course I am not willing to risk it. Then let us make a deal. I will deliver the Apohixen to Kharmaine and when you confirmed it. You must give us the conditions."

"Deal," I offered my left hand for a handshake which he accepted. His grip on my hand hardened,

"You're playing with fire doctor." Babala niya sa akin.

"Remember, Alexander. I am a dying person with no family to lose. I can gamble as much as I want." Nakangiting turan ko sa kaniya na sinagot niya ng nakakalokong tawa. Hindi na ako nagtagal at bumalik ako sa tabi nila Ma'am Kharm at Grim. Bumalik na rin si Alexander sa kaniyang mga kasama.

Matapos ang ilang minuto ay may inilabas ng tanke na hugis parihaba ang kabilang kampo. Doon ko na naramdaman ang kaba na kanina ay tinatabunan ng lungkot.

"Ma'm Kharm, can I ask for two favors?"

"What is it?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Can you both move to the queen's side? I want to see you all in one scene. And the second favor, can Nightwind be the one to – " hindi ko matapos ang aking sasabihin dahil niyakap ako ni Ma'am nang mahigpit.

"Come on, doc." Inakbayan ako ni Grim habang nakakapit naman sa kaliwa kong braso si Ma'am habang papunta na kami sa kinatatayuan ng halos lahat ng Phoenix members. I put my best smiling face as I walked in front of him.

"Here. Ikaw na ang magdala nito." Ibinigay ni Grim ang dala-dala niyang maleta ko kay Nightwind na tinanggap naman ng huli.

I faced them and stepped back, once then twice then thrice. Nang sa tingin ko ay ayos na ang distansya ko sa kanila ay saka ako tumigil. I want to smile but my eyes are blurring with tears. Buti na lang at hindi ako masaydong malapit sa kanila dahil ayokong makita nila ang luhang naglandas sa aking pisngi.

Umakto akong may hawak na camera kahit wala, ginamit ko ang aking kaliwang kamay at ginawa itong binoculars. Gamit ang aking kamay ay doon ko sila tiningnan. I clicked my tongue to make a clicking sound.

I want to remember them together in this scene. Some are smiling, one particular person is crying and one person is looking at me intensely.

Kumaway na ako kay Nightwind tanda na makikipag exchange na kami. Tahimik na sumunod siya at naglakad katabi ko.

Nang nasa linya na kami ay saka pa naglakad ang kabila sa amin. Kinuha ko na ang maleta sa kaniya at hinarap siya.

"Come on, stop looking so serious and smile for me." Biro ko sa kaniya dahil nakatingin lang siya sa akin.

Kaya hindi ko inasahan ang pagyakap niya dahilan upang mabitawan ko ang maleta na hawak ko.

"I'm sorry, Tara. You're important to me but – " Hindi ko siya pinatapos dahil pinigil ko ito gamit ang aking labi. My last and only kiss.

"Sshh, I know. But still, it doesn't make me love you Gerad Hudson less. Take care of Scraper for me, I love him as much as I love you. Scratch it, I love the light and dark side of Gerard Hudson. Always remember that."

Naglakad na ako palayo sa kaniya, sa kanila. But before I stepped in the plane, I stopped.

At sa huling pagkakataon ay nilingon ko siya, sila. At sana pala ay hindi ko na lang 'yon ginawa.

The happiness I saw in his eyes as he touched Carol's tank brought pain and longing. I wished I didn't look back.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top